You are on page 1of 10

Pagbabalangkas

Nicholo Enrick E. Makiramdam


Grade 9- Makiling
PAGBABALANGKAS
• Ang balangkas ay nakasulat na plano na
nagpapakita ng mga bahagi na bubuo sa isang
sulatin. Sa pamamagitan nito, nalalaman natin
kung ano ano ang mga pangunahing ideya at
suportang ideya.
MGA LAYUNIN NG
PAGBABALANGKAS
• Maorganisa ang mga ideya
• Matukoy ang mahahalagang detalye
• Makita ang ugnayan sa isa’t isa ng mga ideya
• Malaman kung anong bahagi ng tatanggalin kung kinakailangan
• Mapabilis ang proseso ng pagsulat
• Hindi maligaw sa pagsusulat
TATLONG URI NG BALANGKAS
• Ang pamaksang balangkas na binubuo ng salita o parirala
• Ginagamit naman ang pangungusap na balangkas sa
pagtukoy sa mga pangunahin at suportang ideya. Binubuo
ito ng mga buong pangungusap.
• May ilang gumagamit ng patalatang balangkas upang
matukoy hindi lamang ang mga pangunahin at suportang
ideya, kundi ang mga pantulong na detalye.
MGA PARAAN SA PAG-AAYOS NG PAKSA

• Pag-organisa nito ayon sa panahon- maaring ang ayos nito ay


kronolohikal. Karaniwan itong ginagamit kung ang paksa ay may
kaugnayan sa paglalahad ng kasaysayan.
• Paraang lokihal- ang paksa ay nakaayos ayon sa mga ugnayn ng mga
ipinahahayag na ideya. Ginagamit ito sa pagpapaliwanag ng konsepto.
• Ayon sa kahalagahan ng mga ideya- Inuuna dito ang mga
mahahalagang ideya kaysa sa mga di- gaanong mahalaga.
MGA PORMAT NG BALANGKAS

• Depende sa pangangailangan, ang pormat ng balangkas ay


maaaring magtaglay ng dalawa o tatlong lebel. Angkop ang
balangkas na may dalawang lebel kapag kailangan lamang
tukuyin ang pangkalahatang y estruktura ng susulating
teksto. Angkop naman ang balangkas na may tatlong lebel
kapag kailangan nang matukoy ang mga detalyeng
susuporta sa mga ideya.
DALAWANG LEBEL
Pamagat b. Suportang Ideya
Tesis na Pangungusap: C. Pangunahing Ideya
A. Pangunahing Ideya a. Suportang Ideya
a. Suportang Ideya b. Suportang Ideya
b. Suportang Ideya
B. Pangunahing Ideya
a. Suportang Ideya
TATLONG LEBEL
Pamagat
Tesis ng Pangungusap: 2. Pangunahing Ideya
1. Pangunahing Ideya A. Suportang Ideya
a. Detalye
A. Suportang Ideya b. Detalye
a. Detalye
b. Detalye
B. Suportang Ideya
a. Detalye
B. Suportang Ideya b. Detalye
a. Detalye
b. Detalye
MGA PRINSIPYO SA
PAGBABALANGKAS
• Isa sa mga sakit sa pagbabalangkas ay ang paggamit ng SIMULA,
KATAWAN at WAKAS. Iwasan ito.
• Siguraduhing ang mga ideyang ilalagay sa bahaging I, II, III ay mga
pangunahing ideya.
• Siguraduhing parallel ang mga ideya sa gagawing balangkas.
• Mahalaga ang konsistensi sa pagbabalangkas. Maging konsistent sa
paggamit ng mga bantas.
• Siguraduhing hindi bitin ang mga bahagi ng balangkas.
MGA HAKBANG SA
PAGBABALANGKAS
• Ayusin ang tesis na pangungusap.
• Ayusin at ilista ang mga pangunahing ideya.
• Tiyakin ang kaayusan ng mga ideya.
• Desisyunan ang uri ng balangkas at lebel ng balangkas.
• Isaayos ang pormat.

You might also like