You are on page 1of 4

AKO AY SI WIKA

Ni Lope K. Santos

Hanggang ngayo’y suliranin ang kung saan ako mula;


Kung sa bagay, may pasya na ang maraming dalubhasa,
Na ako raw ay unti-unting nabigkas ng dila,
Nang ang tao’y mapilitang sa takot ay magsalita,
Sa paghingi ng saklolo at tulong ng mga kapwa;
Samantalang ang relihiyon ay ayaw paring maniwala,
At bigay raw sa magkasing Ada’t Eba ni Bathala,
Bilang kawing na pang-ugnay sa kanilang puso’t diwa;
Isa pa ring walang linaw at sa ngayo’y talinghaga,
Kung sa wika ay ang isip ang lumalang at bumugta,
O ang wika ang sa isip ay luminang at may gawa;
Ang totoo’y walang isip, pag ang wika ay nawala…

Ngunit, ang di-mapupuwing na nagawa kong himala,


liping-tao’y natubos ko sa buhay na pamulala,
hanggang siya’y naging hari ng lahat ng nilikha;
ang bundok ng karunungan sa palad ko ay tumatala;
sa yaman kong bumabatis, lumalangoy ang makata;
sa tamis ko’t kabanguhan, paraluma’y nagsasawa;
sa tuyot na pagsasama’y panariwang dugo’t dagta;
kasangkapan sa paglupig, kasangkapan sa paglaya…
Kaya, Tao: matuto kang magmahal ng iyong wika,
Ingatan mong parang gulok na may talim magkabila
Nagagamit sa mabuti’t nagagamit sa masama;
Bumubuhay at pumapatay, bumubuo’t nanggigiba.

1. Anong suliranin ang tinutukoy ng wika sa unang saknong?

Ang suliraning tinutukoy ng wika sa unang saknong ay hindi pa rin tukoy ng wika
kung saan siya nanggaling o nagmula. Maihahalintulad natin ang suliranin sa
napakaraming teorya ng wika na inilathala ng mga dalubwika. Minsan ay
nagkakataliwas ang mga ideya at minsa’y nagkakatugma ang mga ito. Sa unang
saknong nga ng tula nabanggit ang “kung sa bagay, may pasya na ang maraming
dalubhasa” ang ibig sabihin nito ay binigyang identidad o pakahulugan ang wika, at
nabigyan naman ito ng hustisya; ngunit ang problema, lito ang karamihan sa kung ano
nga ba ang katotohanan ukol dito. Mapapansin din na nabanggit ang “Isa pa ring
walang linaw at sa ngayo’y talinghaga, Kung sa wika ay ang isip ang lumalang at
bumugta, O ang wika ang sa isip ay luminang at may gawa;” ngunit sa huli ay nilinaw ng
may akda na kapag walang wika ay hindi makakapag-isip ang isang tao; ito ay isang
katotohanan na mahirap takasan, sapagktat hindi magiging konektado ang lahat at hindi
mabubuo ang isang konsepto kung walang wika.

2. Ipaliwanag ang pasya ng mga dalubhasa at ng relihiyon ukol sa suliranin ng


wika.

Ang pasyang binigay ng mga dalubhasa ukol sa suliranin ng wika, ay unti-unti


raw itong nabibigkas ng dila, nang mapilitan ang mga taong magsalita dahil sa takot at
agarang paghingi ng saklolo at tulong sa kanilang kapwa. Ano nga ba ang ibig sabihin
nito? Una bakit nga ba unti-unti pa lamang nabibigkas ng dila at hindi buo? Sa ganang
akin, dahil napabayaan ang wikang ito, hindi nabigyan ng pansin ng maraming taon.
Itinuloy lang ang pagpapaunlad ng wikang ito, nang matakot ang mga tao na baka ito’y
mawala. Kagaya na lamang ng ating wikang Filipino, nang sakupin tayo ng mga
Espanyol at mga Amerikano ay dito,unti-unting humina ang mga wika sa Pilipinas dahil
mas gusto nilang ituro at gamitin ang kanilang wika. Ngunit sa pagdating ng mga
Hapones ay namayagpag ang Panitikang Filipino dahil ipinagamit ang mga katutubong
wika kabilang na ang tagalog sa pagsusulat ng iba’t-ibang anyo ng panitikan. Bagaman
itinuro ang wikang nihonggo sa atin ay mas pinagtonan pa rin ng pansin ang wikang
Tagalog. Kaya sa paglaya ng ating bansa sa mga dayuhang mananakop ay unti-unting
umunlad (unti-unting nabigkas ng dila) at unti-unting lumalago ang ating wika sa tulong
ng iba’t-ibang dalubhasang nanaliksik sa wika. Sa kabilang banda, ang pasyang
ibinigay naman ng relihiyon sa suliraning kinahaharap ng wika ay “bigay raw sa
magkasing Ada’t Eba ni Bathala, Bilang kawing na pang-ugnay sa kanilang puso’t diwa”
Sina Eba at Adan ang pinaniniwalaang unang likha ng Diyos na nakasulat sa bibliya.
Ang wika raw ay unang ipinagkaloob sa kanila at sila ang unang gumamit dito upang
maipadama ang kanilang saloobin sa isa’t isa. Kung totoo man ito, masasabi na totoo
rin ang nangyari sa tore ng babel. Kung ang ating pinanggalingan ay sina adan at eba
at iisang wika lamang ang kanilang sinasalita ay marahil, nabanggit sa teorya ng tore ng
babel na iisa lamang ang wikang sinsalita ng mga tao noon. Kaya’t napagpasyahan
nilang gumawa ng toreng higit pa sa kaharian ng panginoon; dahil sa kanilang
pagkagahaman ay pinarusahan ang mga ito, nagkawatak-watak ang mga tao at hindi
na naituloy ang plano, bukod sa winasak ito ng diyos ay naging iba-iba na ang kanilang
wikang sinasalaysay. Kaya naman, makikita natin ditto na mahalaga ang ang wika dahil
dito nagkakaugnay ang damdamin at puso ng bawat indibidwal upang magka-isa.

3. Ano ang inihabilin ng wika sa tao?

Ang inihabilin ng wika sa tao ay matutuong mahalin ang kaniyang wika. Paano
ka nga naman magmamahal ng ibang tao kung hindi mo mahal ang iyong wika, paano
mo maipapahayag ang damdaming nararamdaman mo sa taong mahal mo kung hindi
mo gagamitin ang wika. Berbal man o di-berbal ginagamitan pa rin ito ng wika nang
tayo’y maintindihan ng ating minamahal. Ang iyong wika rin ang siyang magbibigay
sa’yo ng lakas ng loob at paniniwala.

4. Ipaliwanag kung bakit sa gulok inihambing ng may-akda ang wika.

Ang wika ayon kay Constantino ay instrumento ng pagtatago at pagsisiwalant ng


katotohanan. Ang wika ay maihahalintulad sa gulok na may talim sa magkabila dahil
kailangan nitong maging mabuti at masama, gamitin ang isang talim sa kabutihan na
may matutulungan kang tao at gamitin naman ang kabila sa kasamaan kung
kinakailangan. Ang wika ay maaring maging inspirasyon ng ilan upang mapabago ang
kanilang buhay. Halimbawa na lang kapag graduation, mayroong iniimbitahan na Guest
Speaker ang paaralan upang magbigay inspirasyon sa mga magsisipagtapos. Sa
kabilang banda naman, maari itong magamit sa kasamaan, halimbawa na lang kapag
kinutya mo ang isang tao at dinala niya ito, maaaring makaraas siya ng depresyon at
hindi makayanan, at ang malala pa na maaaring mangyari ay magpakamatay siya.
Kaya kailangan nating hawakang mabuti ang gulok na kung saan dapat gamitin natin ito
sa kung ano ang tama at kung ano ang kailangang gawin. Sabi nga sa huling talata ay
“ito ay bumubuhay at pumapatay, bumubuo’t nangigiba.”

5. Ano ang himalang nagawa ng wika na binanggit sa ikalawang saknong?


Patunayan ito.

Nang dahil sa wika ay nailigtas o nakawala sa pagkakakulong ang buhay ng tao


at sila’y nagulat at natulala. ‘Yan ang himalang nnabangggit ng may akda sa ikalawang
saknong. Isang halimbawa ay ang mga nobelang ginawa ni Jose Rizal ang Noli Me
Tangere at ang El Fili na nagsilbing eye opener o nagpamulat sa mata ng mga
Filipinong maghimagsik sa mga Espanyol. Nang dahil sa isinulat ni Jose Rizal, isa ito sa
mga dahilan kung bakit natutong maghimagsik ang mga Filipino. Natapos ang
Imperyong Espanyol na nagpahirap sa mga Filipino at nagpahina ng ating wika ng 333
taon.

6. Sino ang binabanggit na paraluman sa tulang ito? Magbigay ng halimbawang


sitwasyon.

Sa ganang akin, ang mga dayuhan sa isang wika ang paraluman na tinutukoy ng
tula dito, Isang sitwasyon na maihahalintulad ko ay kapag ang mga Filipino, ay
nagsasalita na ng mga matatalinhagang salita o mga salitang malalaim ang kahulugan
ay halos makikita mo ang pagkunot ng noo ng mga dayuhang nakikinig dito. Isa pang
halimbawa nang sakupin tayo ng mga Espanyol, Amerikano at mga Hapones. Nang
tayo’y kanilang sakupin ay ipinagamit nila at itinuro nila ang kanilang wika sa atin ngunit
hindi natin ito lubos na maintindihan at hindi natin mapahalagahan ito kaya naman
mabilis tayong nagsawa. Hindi lubusang ng mga Filipino ang wikang Espanyol at
nihonggo kahit na matamis at mabango kahulugan ngunit tayo’y nagsasawa pa rin dahil
dayuhan tayo sa wikang ito.

You might also like