You are on page 1of 6

Panimula

Mahal na mag-aaral,

ng modyul na ito ay isinulat at inilaan para sa iyo.


Layunin
nitong madagdagan ang iyong kaalaman at tulungan ka
sa
iyong pag-aaral. Nakapaloob dito ang talakayin ukol sa
Panghalip na paari at ang mga panauhan nito. Sa pamamagitan
ng modyul na ito ay maari ninyong gamitin ang inyong kakayahan
sa pang-unawa at pagsagot ng mga pagsasanay na aking
inihanda para sa inyo.
Bago ka magsimula, narito muna ang ilang
magagandang gawi na dapat sundin sa paggamit ng modyul:
Huwag susulatan ang mga pahina nito.
Maging maingat at responsable sa paggamit.
Basahin at unawaing maigi ang mga nakapaloob rito.

Ngayon ano pa ang hinihintay mo? Iyo nang simulan ang


pagbabasa at maghanda para sa bagong kaalaman!

unang pagsasanay
1

PANUTO: Guhitan ang mga panghalip na paari sa bawat


pangungusap.
1. Akin ang maong na may punit sa tuhod.
2. Ang malinis na silid-aralan ay amin.
3. Atin ang tropeong hawak ng punong guro.
4. Kaniya ang bagong kompyuter sa opisina.
5. Ang tatlong pisong sukli ng tindera ay iyo.
6. Inyo ba itong mga magasin sa mesa?
7. Ang pitaka mo ay napulot ko kanina.
8. Naiwan ko ang bag ko sa isang tindahan.
9. Kanila ang pinakamagandang mungkahi.
10. Bawat boto ninyo ay mahalaga.

pagtatalakAy
A

ng panghalip na paari ay inihahalili sa taong nagmamay-ari ng


bagay o lugar. Ito ay may tatlong panauhan:

Isahan

Unang Panauhan

Maramihan

akin/ko

amin/namin

Ikalawang
Panauhan
iyo/mo

inyo/ninyo

Ikatlong
panauhan
kaniya/niya

kanila/nila

Maaari itong gamitin sa unahan o hulihan ng pangngalan o


salitang inaaari.
Halimbawa:
1. Amin ang bahay malapit sa palaruan na iyon.
2.
Ang lapis na iyan ay kaniya.

ikalawang pagsasanay
I. PANUTO: Piliin at bilugan ang wastong panghalip na paari.
1. Ibinigay ng (aking, mo) tiyo ang damit na ito.
2. Ang aklat na iyan ay (namin, kaniya).
3. (Ko, Iyo) ba itong itim na kwaderno?
4. Ang mga prutas na iyon ay para sa (atin, niya).
5. (Ninyo, Kanila) ang bahay na may pulang gate.

II. PANUTO: Punan ng wastong panghalip na paari ang bawat


patlang.
1. Maganda ba ang damit ko? Bigay ito sa ____ ng aking tatay.
2. Ana, ___ ang baunan na nasa mesa. Nakalagay ang pangalan
mo.
3. Ang galing gumuhit ni Karla. ____ ang pinakamagandang
pinta.
4. Para sa ____ ba ni Maye ang bulaklak?
5. ___ Basha ba ang bakuran na iyon?

konklusyon
A

ng panghalip na paari ay mahalaga na ating pag-aralan dahil


malaki din ang naitutulong nito sa araw-araw nating ginagawa.
Ang wastong paggamit nito ay makakatulong sa atin upang
mapalawak ang ating kaalamang panggramatika.
M

araming salamat sa paglalaan ng oras upang basahin ito at


nais kitang batiin dahil nakaabot ka sa puntong ito. Naway
mayroon akong naitulong para madagdagan ang iyong
kaalaman. Sana ay magpursige ka pa sa iyong pag-aaral.

BIBLIYOGRAPIYA
Liwanag, Lydia B. Landas sa Wika: Batayang Aklat sa Filipino
Ikaanim na Baitang. EduResources Publishing Inc, 2011. Pahina
82-86.
Salvatus, Grace U, Soner, Babylen A, Santos, Nida C at
Tiana, Rianne P. Mother Tongue- Based Multi-lingual Education
Ikalawang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral: Ikalawang Bahagi.
DepEd-IMCS Pub, 2013. Pahina 39-42.

mga kasagutan
UNANG PAGSASANAY

8. Naiwan ko ang bag ko sa


isang tindahan.

1. Akin ang maong na may


punit sa tuhod.

9. Kanila ang
pinakamagandang mungkahi.

2. Ang malinis na silid-aralan


ay amin.

10. Bawat boto ninyo ay


mahalaga.

3. Atin ang tropeong hawak


ng punong guro.
4. Kaniya ang bagong
kompyuter sa opisina.

IKALAWANG PAGSASANAY
I.)

5. Ang tatlong pisong sukli ng


tindera ay iyo.

1. aking
2. kaniya

6. Inyo ba itong mga magasin


sa mesa?

3. Iyo
4. atin

7. Ang pitaka mo ay napulot


ko kanina.

5. Kanila
5

3. Kanya
II.)

4. amin

1. akin

5. Kanila

2. iyo

You might also like