You are on page 1of 22

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 8
UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.2
Panitikan : Panitikan sa Panahon ng Katutubo – Alamat
: “Alamat ng Batangas”
Wika : Pang-abay na Pamanahon at Panlunan
Bilang ng Araw : 7 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN)F8PN-Id-f-21

 Nailalahad ng sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/ di-


makatotohanan ng mga puntong bibigyang diin sa napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA(PB) F8PB-Id-f-23


 Nasusuri ang pagkakabuo ng alamat batay sa mga elemento nito.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F8PT-Id-f-20


 Naibibigay ang kahulugan ng mga matatalinhagang pahayag sa
alamat.

PANONOOD (PD) F8PD-Id-f-20


 Nasusuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng napanood na alamat
sa binasang alamat.

PAGSASALITA (PS) F8PS-Id-f-21


 Nabubuo ang angkop na pagpapasiya sa isang sitwasyon gamit
ang:-pamantayang pansarili-pamantayang itinakda.

PAGSULAT (PU) F8PU-Id-f-21


 Nakasusulat ng sariling alamat tungkol sa mga bagay na maaring
ihambing sa sarili.

WIKA AT GRAMATIKA(WG) F8PN-Id-f-21


 Nagagamit nang wasto ang mga kaalaman sa pang-abay na
pamanahon at panlunan sa pagsulat ng sariling alamat.

Unang Markahan | 21
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN)F8PN-Id-f-21


 Nailalahad ng sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/di-
makatotohanan ng mga puntong bibigyang diin sa napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA(PB) F8PB-Id-f-23


 Nasusuri ang pagkakabuo ng alamat batay sa mga elemento nito.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F8PT-Id-f-20


 Naibibigay ang kahulugan ng mga matatalinhagang pahayag sa
alamat.

II. PAKSA

Panitikan : Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo – Alamat


“ Alamat ng Batangan”
Wika : Pang-abay na Pamanahon at Panlunan
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8,
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Panitikan : Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo –
Alamat
“ Alamat ng Batangan”

Wika : Pang-abay na Pamanahon at Panlunan

Unang Markahan | 22
3. Pokus na Tanong
Mungkahing Estratehiya : AKLAT NG KATANUNGAN
Bumuo ng mga katanungan batay sa mga sumusunod na salita
tungkol sa aralin.

POKUS NA TANONG NG ARALIN 1.2


1. Paano nakatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad
ng kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang
isang matandang panitikan ng ating lahi?
2. Paano nakatutulong ang pang-abay na pamanahon at panlunan sa
isang alamat?

 Pag-uugnay ng mga naunang gawain sa bagong aralin.

AKTIBITI
1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya :
Magbahagi ng iyong dating kaalaman sa alamat o kwento ng mga nasa
larawan.

 Pag-uugnay ng gawain sa bagong aralin.

Unang Markahan | 23
 Tahimik na pagbasa ng Alamat ng Batangas
ALAMAT NG BATANGAS

Si Gat Pulintan ang kinikilalang hari ng makapangyarihangbalangay


ng Kumintang.Kumintang ang itinawag sa balangay na yaon pagkat ang
mga binata’t dalaga roo’y laging umaawit ng kundimang ganyan ang
pamagat.Tulad ng mga binata’t dalaga,ang mga impo at lolo ay umaawit
din niyan sa pagpapatulog ng kanilang apo.Ginagamit din ito ng mga
magulang na paghele sa kanilang mga bunso.

Si Gat Pulintan ay may isang anak, si Marikit. Napabilang sa


kanyang mga tagahanga si Batumbakal ng balangay ng Taal sa talpukan
ng Lawang Bumbon.

Ang balangay ng kumintang ay nagsimula sa munting kabukiran na


ngayo’y maaaring panuntunan sa kapatagang kinatatayuan ng kapitolyo
hanggang sa baybaying-ilog ng kalumpang.

Ang Kumintang ay masagana,maligaya at walang kinikilalang


panginoong dayuhan.Ang lahat ng sakop ni Gat Pulintan ay di nakakakilala
ng gutom pagkat ang kanilang mga gubat ay sagana sa baboy-ramo,usa
at mga ligaw na hayop.Ang mga batis ay mayaman sa mga isda at hipon
at ang malawak na kabukira’y hitik sa hinog na palay. Sa Kumintang ay
walang magnanakaw, walang mapagsamantala. Anupa’t ang balangay na
ito ay payapa, tulad ng isang”Utopia”pagkat ang hari ay iginagalang at
mapagpasunod.

Samantalang namumuhay sa kasaganaan at kapayapaan ang mga


maharlika, pati ang mga aliping kahit na kampon ay maligaya rin.Siya
namang pagdaong ng mga kastila na pinangungunahan nina Padre Selga
at Kapitan Cortes.

“Sa ngalan ng pananampalataya ay ipinagbibigay-alam ko na nais


naming sakupin ang inyong balangay sa kautusan ni Haring Felipe ng
Espanya. Aming palalaganapin dito ang pagsamba sa Krus upang yakapin
ninyo ang bagong relihiyon”ani Padre Selga.

Si Gat Pulintan ay sumagot,”Mahal na Pari,ang sinasamba nami’y


ang mga anito ang kaluluwa ng aming nuno.Hindi namin mayayakap ang
bagong relihiyon pagkat iya’y sinsay sa aming kaugalian.”

Unang Markahan | 24
Sa sagot na ito, si Kapitan Cortes ay nasuklam.Inisip niyang nang
sandali ring iyo’y lusubin ng kanyang kawal ang moog ni Gat
Pulintan,ngunit nang makita ang himalang ganda ni Marikit, siya’y
huminahon. Nabatubalani ang kanyang malupit na puso.
Samantalang si Padre Selga’t ang mga kawal ay nagliliwaliw sa
magagandang tanawin sa pook na yaon, si Kapitan Cortes nama’y
nagsadya kina Marikit.

“Mutyang Marikit, iniibig kita,”ang simula ni Kapitan Cortes.”Ikaw


ang sulo ng aking buhay. Ihahandog ko sa iyo ang lahat-
kayamanan,karangalan at buong daigdig.”

Ito’y sinagot ni Marikit.”Salamat po sa inyong taglay na paghanga


sa akin. Akin pong ikinalulungkot na ipagtapat sa inyo na may nag-aangkin
na ng aking puso.”

“Sino ang pinagsanglaan mo ng iyong pag-ibig?”


“Ang mapalad na lalaking iya’y si Batumbakal.”
“Di yata’t hindi mo tatanggapin ang aking pagmamahal?Ang kasuyo
mo ay iyong limutin .”

“Hindi ko po malilimot ang aking kasintahan hanggang kamatayan.”


“Kung gayon ay humanda ka.Kita’y aagawin. Ako ay makapangyarihan.
Libo -libo ang aking mga kawal kong lulusob sa kaharian ng iyong
ama.”Nagmamadaling umalis si Kapitan Cortes na ang puso’y may tinik ng
pagkabigo at sa mukha’y nalalarawan ang bulkan ng paghihiganti.

Nang makalisan ang mga dayuhan ay siya namang pagdating ni


Batumbakal na galing sa pangangaso.Inihandog ng kanyang mga kawal
sa paanan ni Marikit ang kanyang nahuling malaking usa.

Ipinagtapat ni Marikit kay Batumbakal ang babalang unos na


gagawin ni Kapitan Cortes.

“Aking mahal, kaaalis lamang ng mga Puting Dayuhan. Ako raw ay


kanilang aagawin sa iyo.Mabuti’y makipanayam ka kay ama, at itanong mo
kung ano ang mabuting gawin.”

“Huwag kang magulumihanan aking Mutya. Ako ang bahala. Ako ay


patutungo sa dakilang hari, ngayon din.”

Unang Markahan | 25
Ipinaliwanag ni Gat Pulintan kay Batumbakal ang nais na
pananakop ng mga Kastila, ang pagkakalat ng bagong pananampalataya
at saka ang pagbibigay sa mga dayuhan ng sapilitang buwis na kanilang
hinihingi sa bawat tag-ani.

“Ako po’y naparito at nasabi nga sa akin ni Marikit ang bagay na


iyan. Ano po ang ating mabuting gawin?”

Ang Matandang Balangay ay nagpatuloy.

“Ako ay tumutol.Hindi ko matatanggap ang pagsamba sa ibang


Diyos. Aking ipaglalaban ang ating Balangay. Tayo ay malakas at
malaya.Hindi dapat kamkamin ng mga dayuhan ang ating lupa at
kayamanan. Iniutos ko sa lahat ng raha’t lakang aking nasasakupan na
humanda sa pakikipaglaban. Ngayon din ay ihatid mo ang iyong mga
kawal.”

Ang Batangas ngayon ay pinamumuhayan ng lipi nina Batumbakal


at Marikit. Sila’y mamamayang ang damdamin ay kasintigas ng mulawin at
batang.Isa sa walong silahis ng araw na tampok ng ating watawat.Ang
mga binata ng Batangas ay may loob na kasintigas ng kay Batumbakal at
ang mga dalaga’y may pusong kasinghinhin ng kay Marikit.

Sanggunian: wwww.Google.com/alamat/batangas

 Pangkatang Gawain

1 Mungkahing Estratehiya
STORY FRAME
2 Mungkahing Estratehiya
DON’T LIE TO ME VIA LIE
Ibuod ang nabasang alamat sa DETECTOR TEST
pamamagitan ng story frame. Suriin ang pangyayari sa bawat
bahagi ng alamat. Ano-ano ang
mga makatotohanang pangyayari?

3 Mungkahing Estratehiya 4 Mungkahing Estratehiya


PICK AND SHOW
MOCK TRIAL
Itala ang mga matatalinhagang
Ibigay ang mga di makatohanag
pahayag na ginamit sa alamat at
pangyayari mula sa alamat.
bigyan ito ng kahulugan.

Unang Markahan | 26
RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailanga
Mahusay n ng
Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid Di-gaanong Di naiparating
at Organisasyon ng naipahatid ang nilalaman naiparating ang nilalaman o
mga Kaisipan o ang nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
Mensahe o kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
(4) nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/Pagkamalikhain Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
(3) kinakitasan ng kasiningan kinakitaan ng kasiningan ang
kasiningan ang kasiningan pamamaraang
ang pamamaraang ang ginamit ng
pamamaraang ginamit ng pamamaraan pangkat sa
ginamit ng pangkat sa g ginamit ng presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (2) presentasyon
(3) (1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Di nagpamalas
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa nagpamalas ng pagkakaisa
Kooperasyon ng pagkakaisa ang bawat ng ang bawat
(3) ang bawat miyembro sa pagkakaisa miyembro sa
miyembro sa kanilang ang bawat kanilang gawain
kanilang gawain (2) miyembro sa (0)
gawain (3) kanilang
gawain (1)

 Presentasyon ng bawat pangkat.


 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Mula sa binasang akda, paano mo masasabi na ang isang


akdang pampanitikan ay isang alamat? Ano-ano ang mga
katangian nito?

2. Paano nakatutulong ang alamat sa pag-unawa ng pinagmulan ng


mga bagay sa kasalukuyan?

3. May saysay pa ba ang mga alamat bilang mga akdang


pampanitikan sa kasalukuyan? Patunayan.

Unang Markahan | 27
 Pagbibigay ng input ng guro sa Alamat.

ALAM MO BA NA…

May iba’t ibang bersyon ang alamat ng Batangas, narito ang isa
pang alamat ng Batangas.

Noong unang panahon ay may isang babaeng nagngangalang


Gain.Ang babaeng ito ay may malarosas na pisngi at balingkinitan ang
hugis ng katawan.Lahat ng kabinataan aynagnanais na masungkit ang
kanyang puso ngunit isa lamang ang hinayaang maningalang pugad at
nagustuhan siya ni Gain.
Isang araw namamalakaya sila ng may dumating na malaking
alon at natabunan ang kanilang bangka.Nagtangkang lumangoy at
nakipagbuno sa agos si Balangas ngunit natangay siya at tuluyang
nalunod at namatay.Ang tanging nakaligtas lamang ay si Gain at ng
makita ang bangkay ni Balangas ay halos maligo na siya sa kanyang luha
at sinabi nito sa kanyang mga magulang ang mga sumusunod …
“Pwede nyo po gang ipangalan sa lalawigang malapit ko nang
pamunuan ay Batangas”?
Sa dami ng mga naninirahan dito nang lumaon ay tinawag na
itong”Batangas”.

Sanggunian: www.google.com/alamat/batangas

ABSTRAKSYON
Mungkahing estratehiya : KONSEP-BUO
Mula sa mga kaalamang natamo sa mga naunang Gawain, bumuo ng
konsepto tungkol rito. Gamitin ang mga salita na nasa ibaba upang mas
makabuo ng makabuluhang kaisipan.

Ang Kahalagahan ng Alamat sa Kasalukuyan

tradisyon Pilipino kultura nabubuhay

Mag-aaral naipapakita nakikilala kaugalian

Pagsagot ng Pokus na Tanong - Malaki ang maitutulong ng alamat


sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon at kaugaliang
Pilipino sapagkat dito nakasalalay kung paano natin bakasin ang
kahapon upang iugnay sa makabagong panahon.

Unang Markahan | 28
APLIKASYON

Mungkahing estratehiya : KWENTO SA LIKOD NG SLOGAN


Lumikha ng slogan na gumamit ng mga matatalinhagang salita o
pahayag na nagpapakita ng kahalagahan ng alamat sa pagpapanatili ng
kultura at tradisyon ng Pilipino.

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG SLOGAN


Makabuluhan ang impormasyon - - - - 4
Magkakaugnay ang mga ideya - - - - 2
Malikhain/may orihinalidaD - - - - - 4
Kabuuan - -10

EBALWASYON
Panuto: Isulat ang letra ng wastong sagot.

1. “Sa bayan ng Tagaytay ay may makapangyarihang matanda, na kung


tawagin ng lahat ay si Lakan-Taal. Ang matandang ito ay siyang
sinusunod ng mga tao, palibhasa’y mabuti at matalino ang kaniyang
pamamahala.” Ang may salungguhit ay anong element ng alamat?
a. tauhan
b. tagpuan
c. banghay
d. buod

2. Magbuhat noon, ang gayong pangyayari ay nagkasalin-salin sa bibg


ng madla, hanggang mabuo ang paniniwala ng marami, na ang
bundok na yaon na naging bulkan ay ari ni Lakan-Taal. Ngayon ay
tinatawag ito na Bulkan ng Taal.” Ang bahaging ito ng alamat ay
.
a. Simula
b. Gitna
c. Wakas
d. Suliranin

3. Nagpapahayag ng alin sa mga sumusunod na pangyayari sa akda ang


nagyayari o maaring mangyari sa tunay na buhay ?
a. Walang anu-ano ay bigla na lamang naglaho ang matandang puno,
kaya’t nagtataka at nagsipanggilalas ang lahat.
b. ayon na lamang ang kanilang pagkamangha nang Makita nilang sa
itaas pala ng bundok na yon ay may malaking guwang na punong-
puno ng mahahalagang perlas, esmeralda, brilyante at mga ginto.

Unang Markahan | 29
c. Ang mamamayan sa Tagaytay ay hindi lamang minsang nagkaroon
ng pagpipista dahil sa tinatamasa nilang masaganang kabuhayan.
Lagging umaani sila ng saganang kape, abukado at iba’t-iba pang
mga bungang kahoy.
d. Kaya naparusahan siya ng matandang hukluban.

4. “Buong pagkakaisang sumang ayon naman ang madla at


nagsipanumpang tatalimahin nila ang utos ng kanilang puno.” Alin sa
mga salita sa ibaba ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa
pangungusap?
a. Susuwayin
b. Susundin
c. Gagayahin
d. Aawayin

5. Walang anu-ano ay bigla na lamang naglaho ang matandang puno,


kaya’t nagtataka at nagsipanggilalas ang lahat. Alin ang hindi
kahulugan ng salitang nakahilig?
a. Nagalit
b. Natakot
c. Nagulat
d. Napaiyak

SUSI SA PAGWAWASTO
1.A 2.C 3.C 4.B 5.A

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng Alamat o pinagmulan ng alinmang lugar sa


Batangas. Sipiin ito sa kwaderno at ítala ang mga kulturang
Batangueñong nabasa dito.
2. Ano ang kahulugan ng alamat? Magbigay ng 5 katangian nito
bilang isang genre ng panitikan.

Unang Markahan | 30
LINANGIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD)F8PD-Id-f-20
 Nasusuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng napanood na alamat sa
binasang alamat.

II. PAKSA

Panitikan : Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo – Alamat


“ Alamat ng Batangan”
Wika : Pang-abay na Pamanahon at Panlunan
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8,
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Panitikan : Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo –
Alamat
“ Alamat ng Batangan”

Wika : Pang-abay na Pamanahon at Panlunan

AKTIBITI
3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : FILM VIEWING

Unang Markahan | 31
ANALISIS
1. Paano mo ihahambing ang napanood sa binasang Alamat ng Bulkang
Taal?
2. Ano ang genre ng panitikan ang inyong napanood? Paano makikila na
ang isang akda ay alamat?
3. Sa iyong palagay, bakit karaniwan na sa mga alamat na magkaroon ng
kaparusahan o pagkamatay ng pangunahing tauhan?

 Pagbibigay ng input ng guro.


ALAM MO BA NA…

MGA ELEMENTO NG ALAMAT


Ang alamat ay isang salaysay na tuluyan at nagsasaad ng
pinagmulan ng isang bagay o lugar. Maaaring magpaliwanag ito kung
paano pinangalan o kung bakit nagkaroon ng ganoong mga pook o bagay.
Karaniwang hubad sa katotohananang mga kuwentong ito dahil ito’y mga
likhang-isip lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilang ipaliwanag
ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa paligid at bunga ng kawalan ng
mga kaisipang mapaghahanguan ng mga tumpak na paliwanag tulad ng
agham at Bibliya.
Sa dahilang ang alamat ay isang uri ng salaysay,mababakas sa
balangkas nito ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari. Ang banghay
ng alamat ay maaaring maging payak o komplikado. Ang mga pangyayari
rito ay hindi kapani-paniwala o hindi makatotohanan bagama’t may mga
pangyayari ritong kaki-kitaan ng kultura ng mga Pilipino, gayudin ang mga
gintong aral na laging nakapaloob sa uri ng panitikang ito.
Gaya ng ibang akdang tuluyan ang banghay ng alamat ay
nagtataglay rin ng tatalong bahagi;simula,gitna,at katapusan. Sa simula
matatagpuan ang dalawang mahalagang sangkap o elemento,ang tauhang
ipinakikilala ayon sa kaanyuan o papel na gagampanan o katayuang
sikolohikal, kung sino ang bida at ang kontrabida. Ang ikalawa ay ang
tagpuan o ang pangyayarihan ng aksiyon o mga eksna na naghahayag ng
panahon---kung tag-init o tagulan,kung anong oras at kung saang lugar.
Sa gitna naman ay makikita ang banghay, o ang maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o eksena. Dito rin nakapaloob ang
pinakamahalagang bahagi ng kwento---walang iba kundi ang diyalogo. Ang
diyalogo ay ang usapan ng mga tauhan. Kailangang ang diyalogo ay
magawang natural at hindi artipisyal. Kagaya rin ng ibang akdang tuluyan,
sa gitna rin makikita ang sumusunod na katangian ng isang kuwento; ang
saglit na kasiglahan na magpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa problema; ang tunggalian na tahasan nang
magpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tuhang inilalahad at ito ay
maaaring ang kanyang pakikipagtunggali sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan.

Unang Markahan | 32
At ang panghuli ay ang kasukdulan, ang pinakamadulang bahagi ng
kwento kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ay
kasawian o tagumpay.
Sa wakas naman matatagpuan ang kakalasan at ang wakas nito. Sa
kakalasan unti-unting bababa ang takbo ng istorya. Dito rin sa bahaging ito
mababatid ang kamalian o kawastuhan ng mga di inaasahang naganap na
pagbubuhol na dapat kalagin. Mababatid naman sa katapusan ang
magiging resolusyong maaaring masaya o malungkot,pagkatalo,o
pagpanalo.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag et. al

ABSTRAKSYON
Mungkahing estratehiya: FAN-FACT ANALYZER
Batay sa mga impormasyon na nailahad sa mga naunang gawain,
paano mo mailalarawan ang alamat bilang akdang pampanitikan?

APLIKASYO N
Mungkahing estratehiya: ISTORYA- EH!
Pumili ng mga bagay na maaring maihambing mo sa iyong sariling gawi o
ugali.Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong pinili.

EBALWASYON
Gamit ang venn diagram, paghambingin mo ang katangian ng
banghay ng sumusunod na alamat (SIPI) (Alamat ng Paro-paro) at ang
Alamat ng Bulkang Taal.

A B
Alamat Alamat
AB Ng Taal
Ng Paro-
Paro

Unang Markahan | 33
IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng mga alamat ng mga lugar sa Pilipinas. Sipiin ito at


ipunin sa inyong portfolio.

2. Ano ang pang-abay? Magbigay ng 5 halimbawa nito.

Unang Markahan | 34
PAUNLARIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA(WG) F8PN-Id-f-21


 Nagagamit nang wasto ang mga kaalaman sa pang-abay na
pamanahon at panlunan sa pagsulat ng sariling alamat.
 Nakasusulat ng sariling alamat gamit ang mga pang-abay na
pamanahon at panlunan.

II. PAKSA

Wika : Pang-abay na Pamanahon at Panlunan


Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8,
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Panitikan : Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo –
Alamat
“ Alamat ng Batangan”
Wika : Pang-abay na Pamanahon at Panlunan

AKTIBITI
3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : DUGTUNGANG PAGKUKWENTO
Pipili ang bawat pangkat ng 3 representatib ng kanilang pangkat na
lalahok sa dugtungang pagkukwento ng isang alamat. Ang magiging
twist ng kwento ay bawat kalahok ay gagamitin ang mga salita sa
kahon.
Araw-araw hardin rosa bahay

nagdarasal Cristobal mangingibig tinik

Unang Markahan | 35
 Pag-uugnay ng Gawain sa bagong aralin.
 Pagbasa ng lunsarang teksto.

ALAMAT NG BULKANG TAAL


ni Antonio Emilio Martinez

Ayon sa sali’t-saling sabi ng matatanda,ang mga bayan at lalawigan


sa Gitnang Luson,ay nahahati ng mga ilog at magubatna
kabundukan.Bawat bayan naman aypinamumunuan ng isang
makapangyarihang lalaki na iginagalang at sinusunod ng lahat na
nasasakupan.
Sa bayan ng Tagaytay ay may makapangyarihang matanda,na kung
tawagin ng lahat ay si Lakan-Taal.ang matandang ito ay siyang sinusunod
ng mga tao,palibhasa’y mabutiat matalino ang kanyang pamamahala.
Ang mamamayan sa Tagaytay ay hindi lamang minsang nagkaroon
ng pagpipista dahil sa tinatamasa nilang masaganang kabuhayan.Laging
umaani silang saganang kape,abukado at iba’t-iba pang mga
punongkahoy.
Isang araw ay pinulong ni Lakan Taal ang lahat ng kanyang kabig sa
lilim ng isang malagong punongkahoy sa kaparangan. Mga minamahal na
nasasakupan ko, malakas na pahayag ng makapangyarihang
Lakan.Pinulong ko kayo ngayon upang sabihin sa inyo na mula sa araw na
ito,ay ipinagbabawal ko sa kaninuman ang pag-akyat sa ituktok ng bundok
na iyon,-at itinuro nito ang luntiang bundok na hindi kalayuan sakanilang
pinagpupulungan.
Napatingin ang lahat sa itaas ng magandang bundok .Tandaan
ninyong mabuti ang aking pagbabawal na ito,-pagwawakas pa ng
makapangyarihang Lakan. Buong pagkakaisang sumang-ayon naman ang
madla at nagsipanumpang tatalimahin nila ang utos ng kanilang puno.
Walang anu-ano ay bigla na laang naglaho ang matandang puno,kaya’t
nagtataka at nagsipanggilalas ang lahat.
Mahigit isang taon ang lumipas,ngunit ang makapangyarihang si
Lakan Taal ay hindi na nila nakita.Gayon man,sa loob ng panahong iyon,
ang madla ay nabuhay nang mapayapa at masagana na gaya rin nang
dati. Sa kasabikan ng marami na malaman kung ano ang hiwaga ng
bundok na yaon, ay napagkaisahan nilang akyatin ang taluktok ng
nasabing bundok.
Gayon na lamang ang kanilang pagkamangha nang makita nila sa
itaas pala ng bundok na yon ay may malaking guwang na punong-puno ng
mahahalagang perlas,esmeralda,brilyante at mga ginto. Naku! Kaya pala
ayaw ipaakyat sa atin ang itaas ng bundok na ito,-anang isa sa kanila,-ay
narito ang katakut-takot na kayamanan! Oo nga, ano! Tugon ng isa pa.Ang
mabuti’y hakutin nating lahat ang kayamanang iyan upang iuwi sa ating
bayan.

Unang Markahan | 36
Subalit nang anyong kukunin na nila ang kayamanang iyon ay bigla na
lamang nilang narinig ang malakas atmakapangyarihang tinig ni Lakan-
Taal na anya: Sinuway ninyo ang aking utos! Nawa’y magkaroon ng
lindol,ng kidlat,ng kulog at malakas na unos!…at halos hindi pa natatapos
ang pangungusap ng lakan ,ay biglang kumidlat saka kumulog!Bigla ring
lumindol hanggang sa ang bundok ay magbuga ng tipak-tipak na apoy na
ikinasawi ng mga masuwaying tauhan ni Lakan-Taal. Magbuhat noon, ang
gayong pangyayari ay nagkasalin-salin sa bibig ng madla, hanggang
mabuo ang paniniwala ng marami, na ang bundok na yaon na naging
bulkan ay ari ni Lakan-Taal.Ngayon ay tinatawag ito ng Bulkan ng Taal.

Sanggunian: www.google.com/alamat/ng/taal/com

ANALISIS

1. Suriin ang mga salitang may salungguhit.Nagbibigay- turing ba ito


sa mga salitang nakihilig o naglalarawan?
2. Nakatulong ba ang mga salitang may salungguhit upang mabisang
maipabatid ang mahalagang pangyayari sa akda? Patunayan.
3. Anong bahagi ng panalita ang mga salitang may salungguhit?

 Pagbibigay ng guro input.


ALAM MO BA NA…

PANG-ABAY NA PAMANAHON AT PAMARAAN


Pang-abay ang tawag sa salita o lipon ngmga salitang nagbibigay-
turing sa pandiwa,pang-uri o kapwa pang-abay.

Pamanahon-Pang-abay na nagsasaad kung kailan


ginanap,ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa
pangungusap.Napapangkat sa dalawa ang ganitong uri ng pang -abay.
Ang may pananda at yaong walang pananda.Ang may pananda ay
yaong gumagamit ng nang, sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula,
umpisa at hanggang bilang mga pananda ng
pamanahon.Samantalang ang mga pamanahon na walang pananda
ay ang kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali at iba pa.
Halimbawa: Ayon sa “Alamat ng Alamat”ay naganap ang pangyayaring
ito noong unang panahon.

Panlunan- Pang-abay na tinatawag na pariralang


sa.Kumakatawan ito sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.
Halimbawa: Sa buong mundo ay laganap ang iba’t ibang kwento o
alamat tungkol
Pang-abay nasa pinagmulanatng
Pamanahon iba’t ibang bagay.
Panlunan
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag et. al

Unang Markahan | 37
ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya : WORD HUNT
Hanapin ang mga salitang natutunan sa aralin at bumuo ng mahalagang
konsepto gamit ang mga ito.

A B C D A L A M A T
E F G G H B I J K U
P A N L U N A N L L
A M Y M O
P A M A N A H O N N
Z A E I O L U T N G
M A P A K I T A O P
Y X W V U N T S R Q
P A N G Y A Y A R I
A S D F G W K W E T

Pagsagot sa Pokus na Tanong bilang 2. Nakatutulong ng malaki ang


pang-abay na pamanahon upang malaman ng mga mambabasa kung
kailan ginanap o naganap ang kwento sa alamat.Samantalang ang pang-
abay na panlunan ay kumakatawan sa lugar kung saan nagmula ang isang
alamat.

APLIKASYON
Sumulat ng iyong sariling alamat na ginagamitan ng mga pang-
abay na natutunan mo sa araling ito. Maaring pumili ka sa mga
larawan ng maari mong gawan ng iyong sariling alamat.

Palaka Sibuyas saging

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG ALAMAT


Makabuluhan ang impormasyon - - - - 4
Magkakaugnay ang mga ideya - - - - 2
Malikhain/may orihinalidad - - - - - 4
Kabuuan - -10

Unang Markahan | 38
EBALWASYON

Salungguhitan ang ginamit na pang-abay sa pangungusap at isulat


kung ito ay pamanahon o panlunan sa kahon.

1. Simulan mo ngayon ang pagbabasa ng mga alamat.


2. Ang mga matandang mangkukulam ay nagtago sa
kweba at di na nagpakita kaylan man.
3. Tuwing sasapit ang gabi ay nawawala ang kanyang
mga paa at itoy napapltan ng buntot ng isda.
4. Sa bahay man o sa paaralan makapagbabasa ka ng
ganitong mga akda.
5. Noong unang panahon ay hindi natatakot ang mga
tao sa aswang.

SUSI SA PAGWAWASTO

1.pamanahon 2.panlunan 3.pamanahon 4.panlunan 5.pamanahon

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks

IV. TAKDANG-ARALIN

1. Balikan mong muli ang ”Alamat ng Bulkang Taal”. Itala ang mga
pang-abay sang-ayon sa uri nito.

2. Humanda sa pagsulat ng sariling likhang alamat tungkol sa mga


bagay na maaaring ihambing sa sarili.

Unang Markahan | 39
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU)F8PU-Id-f-21
 Nakasusulat ng sariling alamat tungkol sa mga bagay na maaaring
ihambing sa sarili.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.2


Kagamitan : Pantulong na biswals, mga larawan mula sa
google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Elma M. Dayag et. al.,

Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : SAMPLE KO, SHOW KO!
Pagkukwento ng alamat ng kanilang barangay mula sa ilang piling
mag-aaral.Halimbawa ay “Ang Pinagmulan ng Brgy Alangilan”.
 Pag-uugnay sa aralin.
 Pangkatang gawain

1&2
Mungkahing Estratehiya: Mungkahing Estratehiya:
SING-GALING RUMBLE WORDS
Lapatan ng himig ang alamat Paunahan ang bawat grupo sa
ng Batangas pagbuo ng mga nakapaskil na
ginulong salita tungkol sa
alamat.

Unang Markahan | 40
RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailanga
Mahusay n ng
Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid Di-gaanong Di naiparating
at Organisasyon ng naipahatid ang nilalaman naiparating ang nilalaman o
mga Kaisipan o ang nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
Mensahe o kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
(4) nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/Pagkamalikhain Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
(3) kinakitasan ng kasiningan kinakitaan ng kasiningan ang
kasiningan ang kasiningan pamamaraang
ang pamamaraang ang ginamit ng
pamamaraang ginamit ng pamamaraan pangkat sa
ginamit ng pangkat sa g ginamit ng presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (2) presentasyon
(3) (1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Di nagpamalas
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa nagpamalas ng pagkakaisa
Kooperasyon ng pagkakaisa ang bawat ng ang bawat
(3) ang bawat miyembro sa pagkakaisa miyembro sa
miyembro sa kanilang ang bawat kanilang gawain
kanilang gawain (2) miyembro sa (0)
gawain (3) kanilang
gawain (1)
 Presentasyon ng bawat pangkat.

 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.

 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

 Pag-uugnay sa susunod na gawain.


 Pagbibigay ng input at halimbawa ng guro sa pagsulat ng
sariling alamat tungkol sa mga bagay na maaring ihambing
sa sarili.

 Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

G R A S P S

Nakasusulat ng sariling alamat tungkol sa mga


GOAL
bagay na maaaring ihambing sa sarili.

Unang Markahan | 41
ROLE Ikaw ay naatasang sumulat ng isang
akdang pampanitikan(sariling alamat)gamit
ang mga salitang Batangueno.

Mga guro at kapwa kamag-aaral.


A U D I E N CE

Ikaw ay napiling pinakamahusay na manunulat


SITUATION
ng maikling kwento sa inyong paaralan.

P R O DU C T
Sariling likhang alamat gamit ang mga salitang
Batangueno
STANDARD
5 4 3 2 1
Mga Pamantayan
Magkakaugnay ang mga
pangungusap na ginamit sa
paglikha ng sariling alamat.
Nagpapahayag ng sariling
damdamin sa nilikhang
alamat tungkol sa mga
bagay na maaaring ihambing
sa sarili.
Taglay ang katangian ng
isang alamat.

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

 Pagpapabasa sa ilang napiling alamat na sariling likha ng


mga mag-aaral gamit ang pang-abay na pamanahon at
panlunan.

IV. K A S U N D U A N

1. Magsaliksik tungkol sa pinagmulan ng pangalan ng inyong


Barangay.

2. Magdala ng mga larawan ng inyong barangay,ikapit sa notbuk at


lagyan ng caption.

Unang Markahan | 42

You might also like