You are on page 1of 5

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Matatagpuan sa kabanatang ito ang mga artikulo at mga pag-aaral, lokal at


banyaga na sinuri upang bigyan ng pundasyon ang pag-aaral na ito.

Lokal na literatura

Ang pagsasayos ng daan kung saan kasama ang pagpapalawak ay maraming


dapat isaalang. Makikita ang mga pagsasaalang na ito sa isang ulat na inihanda ng
Department of Public Works and Highways para sa Asian Development Bank nitong
2011. Sa talaan ng nilalaman ng nasabing ulat, makikita ang masusing paglalarawan ng
kapaligiran kung saan ilulunsad ang proyekto ng pagsasaayos ng daan. Kasama sa mga
pangkalikasang salik ay ang mga pisikal na salik kung saan kabilang ang topograpiya,
klima, mga katangian ng lupa, kalidad ng tubig at yamang-tubig; ekolohikal na mga salik
kung saan kabilang ang gubat at mga protektadong pook kalapit nito, mga naninirahang
halaman at hayop, mga isda, gamit ng lupa (kung pagsasaka ba o pabahay), at mga
sosyoekonomikong salik kung saan kasama ang populasyon, industriya at mineral,
agrikultura, road safety, at turismo. Sa madaling sabi, ang planong iayos o palawakin ang
isang daan ay isang komplikado at maselang plano na may pagsasaalang sa balanse ng
tao at kalikasan.
Konektado rito, nito lamang Setyembre ngayong taon ay nagpapaalala ang
Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na yunit ng
pamahalaan (LGU) na magkaiba ang road widening o pagpapalawak ng daan sa
“removal of road obstructions” o pagtatanggal ng mga harang sa daan batay sa
Memorandum Circular 121-2019 na naglalayon umanong ibalik sa publiko ang mga
pampublikong daan at tabing daan o sidewalk na ginamit na sa mga pampribadong
dahilan. Ganito ang naging tugon ng nasabing ahensya matapos kumalat ang mga haka-
haka na nagiging sakim na road widening na ang nangyayari lalo at nagkakaroon na ng
mga walang habas ng pagputol ng mga puno (Chavez, 2019).
Sa mas maliit na konteksto, nitong 2014, ayon sa artikulo ni Fernandez sa
Philippine Star, nagkaroon na dati ng planong road widening sa Los Baños Junction s
Laguna na naglalayong pagaanin ang mabigat na trapiko sa nasabing interseksyong
dinaraanan umano ng halos 7000 mga sasakyan. Sa kabilang banda, napaulat din na
ilang mga grupong tutol sa pagputol ng mga puno ang nagprotesta laban dito.
Sa kabilang banda, hindi lang usaping pangkalikasan ang road widening. Usapin
din ito ng pag-aari. Patunay rito ang ulat ngayong buwan lamang ng Setyembre mula sa
ABS-CBN ukol sa isang pamilyang nasapul ng road widening pero hindi pa rin
nababayaran ng pamahalaan. Ani ng ulat, may karapatan ang gobyerno na kuhanin ang
isang pribadong lupa kung gagamitin ito sa mahalagang pampublikong proyekto kapalit
naman ng sapat na halagang tutumbas sa bahay ng residente.
Pero paliwanag ni Dr. Manfred Poppe sa isang ulat ng Sun Star na isinulat ni
Galolo noong 2015, hindi pa rin magiging solusyon ang road widening hangga’t hindi
nababawasan ang bilang ng mga nagmamay-ari ng kotse lalo pa raw at isang status
symbol o simbolo ng estado sa buhay ang pag-aari ng kotse.

Lokal na pag-aaral

Para naman kina Copo et al., ang mga nagtatakda ng kung anong rehiyon ang
bibigyang-prayoridad sa konstrusyon ng daan sa Pilipinas ay ang sumusunod: opisyal na
badyet, populasyon ng mga may trabaho, bilang ng mga sasakyan, bilang ng mga
kompanya, populasyon, at Gross Domestic Product (GDP). Mapapansin na ang mga ito
ay ekonomiko at tila nagsasawalang-bahala sa mga pangkalikasang salik na nabigyang-
diin kanina sa tala ng DPWH. Para kay Llanto (2011), layon ng kahit anong pagsasaayos
ng daan ay ang pagpapababa ng antas ng kahirapan bagamat binanggit niya rin na
mabuti at epektibong pamamahala ang susi para ito ay ganap na maisakatuparan.
Bagamat isang Swedish, ang piniling aralin ni Olsson (2008) ay ang konteksto ng
Pilipinas. Tiningnan niya kung paano napabuti ang pag-aayos ng daan para sa isang
komunidad ng mga mangingisda. Ayon sa kanya, nagbunsod ang nasabing proyekto ng
mas masaganang ani ng isda, mga potensyal sa mga inobasyong teknikal na nagpataas
ng produktibidad, pagpapalawak ng merkado, at pagdami ng mga investor.
Banyagang pag-aaral

Karaniwan na ang pananaw na ang pagpapalawak ng daan ay para sa mas mabilis


na pagdaloy ng mga sasakyan. Naipakita ito nina Konthoujam at Rajashekara (2015)
nang planuhin nila ang pagpapalawak ng daan sa pag-ugnay ng volume o ang dami ng
sasakyan na maaaring dumaan sa daang palalawakin at ang bilis ng mga ito na
makauusad. Gayon din sa case study ni Roohi (2013).
Kaugnay ng mga nabanggit kaninang salik na isinasaaalang sa pagsasaayos ng
daan, ipinakita ng pagsusuring ginawa nina Alamgir et al. (2017) na may mabuting mga
dulot ang pag-aayos ng daan lalo sa ekonomiya. Sa kabilang banda, kung hindi umano
magagawang mapatupad ng maayos ang proyekto, may posibilidad na maraming
masayang na pera, magkaroon ng korapsyon, mapinsala ang kalikasan habang
napipinsala rin ang ekonomiya, at magsiklab ng panlipunan at politikal na sigalot. Sa dulo
ng kanilang pagsusuri sa pamamagitan ng pag-obserba sa mga praktikang ginagawa ng
mga papaunlad na basa patungkol sa kanilang mga pagsasaayos ng mga daan,
nabanggit nila na mahalaga at ligtas iestima na maraming mga takot kaysa benepisyo
ang nasabing proyekto.
Ginamit naman nina Riley-Powell et al. (2018) ang tinatawag na subjective well-
being (SWB) bilang sukatan ng kapakanan ng mga apektado sa road widening ng
interoceanic highway (IOH) sa Madre de Dios, Peru. Kasama sa nasabing sukatan ang
pagkain, transportasyon, at trabaho na sinasabing positibong naapektuhan ng nabanggit
na proyekto. Bagamat nabawasan naman ang interaksyon ng mga kalahok ng pag-aaral
sa mga likas na yaman at pangangaso. Dagdag pa rito, tumaas din ang mga insidente
ng dengue at mga behikular na aksidente matapos ang nasabing pagpapaayos ng IOH.
Ayon sa kwantitatibong pag-aaral na ginawa ng taga-Kenya na si Gichaga (2016),
ang pagsasaayos ng Nairobi-Thika Highway ay nakaakit ng mga mamumuhunan lalo at
bumilis ang transportasyon bagamat sa kabilang banda, nagbunsod ito ng mga aksidente
partikular na sa pagtaas ng bilang ng mga nasasagasaang tumatawid. Kaya naman sa
konklusyon ng ginawa niyang pag-aaral, nasabi niya na mahalaga pa rin ang tinatawag
na “road safety” o iyong paniniguro na sa kabila ng mga pisikal na pagsasaayos sa daan
ay may mga pagsasanay sa kapasidad at ugali sa pagmamaneho ang mga tsuper at may
regular ding inspeksyon ng mga sasakyan.
Sa isang kwantitibong pag-aaral na isinagawa ni Subedi (2015) sa Lalitpur sa
India, 92% ng kanyang mga kalahok sa ay nagsabing isang mabuting hakbang ang
pagpapalawak ng daan, 7% ang nagsaad na hindi ito kailangan, at 1% ang nagpahayag
na hindi nakabuti ang nasabing proyekto. Dagdag pa rito, 88% ang nagsabi na ang
pinakanakinabang sa proyekyo ay ang mga mag-ari ng gusaling malapit sa daan, 4% ang
nagsabing ang mga nangungupahan ang pinakanakinabang, 7% para sa mga
pedestriyan, at 1% para sa mga bilihan. Ang itinuturing din na pinakaapektado sa
pagpapalawak ng daan ay ang mga may-ari ng mga gusali malapit sa daan na sinundan
ng mga pedestriyan, mga nangungupahan, at mga tindero. Sa nasabi ring pag-aaral,
natuklasan na 80% ang naniniwala na may epekto sa mga likas na yaman ang
pagpapalawak ng daan. Isang nakagugulat na resulta ng pag-aaral ni Subedi ay nang
80% ang magsabing hindi naapektuhan ng pagpapalawak ng daan ang kanilang mga ari-
arian o property. 67% naman ang may kamalayan sa mga patakaran ukol sa
pagpapatayo ng bahay malapit sa daan. 15% ng mga nangungupahan ay umalis sa
kanilang nirerentahang lugar, 29% ang nagsabing nagkaroon ng problema sa pag-aaral
ang kanilang mga anak, 31% ang nagsabing nahirapan silang pumasok sa trabaho sa
tamang oras, at 25% ang nagsabing laging nahuhuli sa paaralan ang kanilang mga anak
bunsod ng proyekto. Sa kabilang banda, lugi rin ang mga nagpapaupa dahil nga
binakante ng maraming nangungupahan ang kanilang mga paupahan. Dagdag pa sa
mga negatibong epektong ito ay nabanggit din sa nasabing pag-aaral na nagkaroon din
ang mga kalahok ng pag-aaral ng mga suliranin sa kalusugan, pag-inom ng tubig,
kuryente, drainage, at trapiko.
Kaugnay sa usaping bahay, binanggit ng mga kalahok ng pag-aaral na isinagawa
nina Afolabi, Oyetubo, at Oluwaji (2018) na ang pag-aayos at pagpapalawak ng daan na
ang nasabing proyekto ay napagaan ang trapiko, nagpadagdag sa mga residente ng
siyudad ng Abeokuta sa Nigeria kung saan isinagawa ang pag-aaral nila, at
nagsipagmahal ang mga renta at presyo ng bahay.
Pangkalikasan naman ang sinuri ni Alonso (2015). Sa ikalawang kabanata ng
kanyang pananaliksik, sinuri niya ang mga epekto ng pagpapalawak ng daan sa ilang
mga hayop tulad ng bobcat, coyote, at mule deer. Napansin nga niya ang mga negatibong
epekto at bunga raw ng mga epektong ito ay ipinatupad ang ilang mga praktika tulad ng
pagbabakod o wildlife fencing at paglalagay ng mga maaaring tulayan o tawiran ng mga
nasabing hayop. Taong 2016 naman ng isagawa ni Nergiz at Durmus (2016) ang kanilang
pag-aaral na naglalayong malaman ang epekto sa mga ibon na sand martin (Riparia
riparia), European bee-eater (Merops apiaster) and European roller (Coracias garrulus)
ng pagsasaayos ng daan. Ipinakita ng resulta ng kanilang pag-aaral na ang kabuuang
populasyon ng mga nasabing ispisi at ang pugad ng mga ibong ito ay nabawasan
matapos magpalawak ng daan sa 85 kilometrong haywey ng Van sa Turkey sa pagitan
ng mga taong 2013 at 2015.
Mapapansin ang mga sumusunod sa mga naisaad ditong literatura at pag-aaral.
Una, sa pambansang konteksto, halos kapos ng mga pananaliksik na sinusubukang
hingin ang persepsyon ng mga residente ng isang lokal na barangay ukol sa
pagpapalawak ng daan. Kahit na may isang pag-aaral sa itaas na tumukoy sa epekto ng
mga tao sa isang komunidad, partikular na sa mga mangingisda na kinuhang kalahok ni
Olsson, wala namang lokal na pag-aaral na tumutugon sa napapanahong isyu ng
pagpapalawak ng daan lalo at ito ay nagaganap na hindi lamang sa mga rural na
pamayanan kung hindi maging sa mga siyudad na rin. Sa madaling sabi, kinakailangan
ng isang lokal na pag-aaral na kawangis ng ginawa ng banyagang si Subedi na
naglalayong matukoy ang mga epekto ng pagpapalawak ng daan sa mga residenteng
apektado nito.

You might also like