You are on page 1of 15

Modyul

ARALIN 1
PANGANGALAP NG MGA DATOS,
IMPORMASYON AT SANGGUNIAN
ARALIN 2
DOKUMENTASYON: ESTILONG A.P.A
ARALIN 1
PANGANGALAP NG MGA DATOS, IMPORMASYON AT SANGGUNIAN

Panimula

Sa modyul na ito, kailangan mong tukuyin at isagawa ang iba’t ibang paraan ng pangangalap ng
datos, impormasyon at sanggunian upang maging malinaw at makakatotohanan ang isang gawaing
pananaliksik. Kailangan mong kilalanin ang iba’t ibang hanguan ng datos at impormasyon lalo na ang
taong pinanggalingan at ang aklat na kompletong pinanggalingan nito. Ganoon din ang ginamit na
katalog at note card na naging daan para maging madali ang paghahanap ng mga mahahalagang datos at
impormasyon.

Sa tulong ng mga aklat na nakatala sa huling bahagi ay magamit mo upang mabigyan ka ng


kalinawan sa mga paksang ito.

Basahin mong mabuti ang talakayan at sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Gawin mo
ang mga inilaan na gawain at ipasa sa pamamagitan ng Messenger o kaya’y maaaring ihatid ang kopya
sa naatasang gwardiya ng paaralan.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang;

Mga kinalabasang Natutunan:

1. Natutukoy at naisasagawa ang iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos, impormasyon at


sanggunian.
2. Natutukoy at nakikilala ang iba’t ibang uri ng hanguan ng datos at impormasyon.
3. Nasusuri ang iba’t ibang datos, impormasyon at sangguniang magagamit sa pananaliksik.
4. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng katalog.
5. Nakasusulat ng iba’t ibang uri ng tala sa note card.

Mga Talakayan
PANGANGALAP NG MGA DATOS, IMPORMASYON AT SANGGUNIAN

The first thought of beginning researchers is often not “What am I looking


for?” but “Where do I look” - Kate l. Turabian (2010)

Matapos malaman at matutunan ang iba’t ibang bahagi ng silid-aklatan kinakailangang matukoy
naman kung ang isang hanguan ng datos ay primary o sekondarya.

A. MGA HANGUAN NG IMPORMASYON O DATOS


Ayon kina Mosura, et al. (1999), ang mga hanguang primary (primary source) ay:

1. Mga indibiduwal o awtoridad


2. Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, union, fraternity, katutubo o mga
minorya, bisnes, samahan, simbahan at gobeyerno.
3. Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-aasawa, sistemang legal at ekonomik at
iba pa, at
4. Mga pampublikong kasultan o dokumento tulad ng konstitusyon, batas-kautusan, treaty o
kontrata at ang lahat ng orihinal na tala, kakitaan sa korte, sulat, jouranal at talaarawan o
dayari.

Ang mga hanguang sekondarya (secondary sources) naman ay:

1. Mga aklat tulad ng diksyonaryo, ensayklopidya, taunang-aklat o yearbook, almanac at atlas.


2. Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin, pahayagan at newsletter,
3. Mga tisis, disertasyon at pag-aaral ng pisibiliti, nailathala man ang mga ito o hindi, at
4. Mga monograp. Manwal polyeto, manuskrip at iba pa,

Maliban sa hanguang primary at sekondarya, may isa pang mapagkukunan ng mga impormasyon o
datos- ang hanguang elektroniko o mas kilala sa tawag na Internet.

Maituturing ang Internet ngayon bilang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng


,mga impormasyon o datos. Sa isang pindot lamang ng daliri ay may mayamang impormasyon ka nang
makukuha. Ang teknolohiyang ito ay bunga ng kumbinasyon ng serbisyong postal, telepono at silid-
aklatan. Sa Internet ay maaari ka ring magpadala ng liham-elekroniko o e-mail sa alin mag panig ng
mundo. Maaari karing magsliksik sa aklatan sa alin mang lugar na naka-on line. Samakatuwid, mas
mainam ito kumpara sa pagdadala ng impormasyon sa pamamagitan ng koreo na aabutin ng ilang araw
at sa pagpunta sa mga silid-aklatan sa malalayong lugar kaya’y pangagalap ng mga datos gamit ang
telepono.

Kung ang Internet ay maaaring pagkunan ng impormasyon o datos, nangangahulugan lamang na


malaking tulong ito sa pananaliksik. May ilan lamang katanungan sa kawastuan ng paggamit nito, gaya
na lamang ng mga sumusunod: Gaano ka halaga ang impormasyong manggagaling sa Internet? Ano-ano
ang sukatan ng kahalagahan nito?
Narito ang mga ilang payo hinngil sa bagay na ito:

1. Anong uri ng web site ang iyong tinitingnan


a. Ang web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa. edu ay mula sa
institusyon ng edukasyon o akademiko.

Halimbawa: www.university_of-makati.edu

b. Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay mula sa


komersyo o bisnes.

Halimbawa: www.knightsofcolumbos.org

www.yahoo.com

2. Sino ang may-akda?

Mahalagang malaman kung sino ang may-akda ng isang impormasyon sa Internet nang sa
gayo’y masuri kung ang impormasyon ay wasto at kumpleto. Kadalasan kasi ay kalakip ng
impormasyong isinulat ng may-akda ang kanilang mga kredensyal at kwalipikasyon. Kung gayon,
maaaring i-verify ang mga impormasyon hinggil sa kanilang pagkatao. Kung wala nito, mahirap
paniwalaan ang kanilang akda.

3. Ano ang layunin?

Alamin ang layunin ng may-akda kung bakit naglunsad o naglabas ng website. Nais bang
magbahagi ng impormasyon o magbenta lamang ng produkto? Alalahaning napakaluwag ng pagpasok
ng mga impormasyon sa Internet. Samakatuwid maaari rin itong magamit sa pagpapakalat ng maling
propaganda at mga pansariling interes.

4. Paano inilahad ang impormasyon?

Ang teksto ba ay pang-advertizing o opinyon lamang? Alamin din kung may bias at prejudice
ang teksto.

5. Makatotohanan ba ang teksto?

Alamin kung opisyal o dokumentado ang teksto. Pag-aaralan kung ang pagkakasulat ay maayos
o kung wasto ang bayabay at gramatika. Subukan din kung ang website ay maaaring ihalintulad o
iugnay sa ibang web site nang sa gayo’y maikumpara ito sa iba nang matimbang kung ang tekstong
laman nito ay wasto o hindi.

6. Ang impormasyon ba ay napapanahon?

Mainam kung ang impormasyon ay napapanahon. Marapat na nakalagay ang petsa ng


pinakahuling rebisyon ng akda nang sa gayon ay malaman kung ang akda ay bago o hindi.

Gamitin ang mga payo o tips na nailahad sa pag-eebalweyt ng mga impormasyon o datos. Mahalaga
ito upang maging akyureyt ang pagsulat ng pananaliksik.
B. PANGANGALAP NG IMPORMASYON O DATOS

Matapos matukoy ang iba’t ibang pagkukunan o paghahanguan ng impormasyon o datos, sa


pagkakataong ito, atin naming pansinin ang pangangalap ng impormasyon o datos. Una, tukuyin kung
anong uri ng impormasyon o datos ang kailangan gayon din ang klasipikasyon kung saan maaaring
matagpuan ito sa silid-aklatan. Ang lahat ng posibleng sungganiang ay kailangang itala upang mapadali
ang paghahanap nito.

Halimbawa:

Tanong: Ano ang intelektuwalisasyon ng wika?

1. Impormasyong hahanapin.
a. Pagkakaiba o pagkakatulad ng intelektuwalisasyon at estandardisasyon
b. Kalian masasbi na ang wika ay intelektuwalisado

2. Mga posibleng sungganian


a. Ensayklopidya, aklat sa wika
b. Mga artikulo at kolum sa pahayagan at magasin
c. Mga artikulo sa mga propesyonal na journal
d. Panayam sa mga eksperto

Kapansin-pansin na magiging sistematiko ang pangangalap ng mga impormasyon o datos


sapagkat nakaayos ang balangkas ng paksang sasaliksikin. Natukoy rin ang mga posibleng sanggunian
kaya’t mapapadali ang paghahanap nito sa silid-aklatan.

May tatlong (3) yugto ng pananaliksik sa silid aklatan. Ito ay ang mga sumusunod:

Yugto 1: Panimulang Paghahanap ng kard katalog, sungganiang aklat, bibliograpi, indeks at


hanguang ekektroniko o internet.

Yugto 2: Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga aklat at artikulo


at ng pagpili ng citations mula sa mga babasahin.

Yugto 3: Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo, computer print outs, abstrak at iba
pang sungganian.

Ang tatlong yugtong ito ay dapat sundin kung gusto ng isang mananaliksik na maging
sistematiko ang kanyang pananaliksik. Talakayin natin ang unang yugto- ang panimulang paghahanap.

Maliban sa mga aklat na nasa loob ng makabubuting sumangguni rin sa mga magasin, dyaryo at
iba pang babasahin. Huwag ikulong ang sarili sa silid-aklatan bagkus ay isiping marami pang
impormasyon na makukuha sa paligid. Nariyan ang midya sa internet. Sa kabanata VII ay tatalakayin ng
interbyu at sarbey bilang karagdagang paraan ng pangangalap ng impormasyon o datos na
pampananaliksik.
Kaugnay na pagahahanap sa kard katalog, kailangan batid ng isang mananaliksik kung anong uri
ng kard katalog ang kanyang kailangan at hahanapin. Dahil nga sa kalawakan koleksyon ng mga libro,
sadyang inihanda ang isang tanging lugar sa aklatan na dapat na unang lapitan ng mananaliksik. Sa
nagyon, ang kard katalog ay hindi na lamang mga cabinet na nakaayos nang alpabetikal kundi
nakaprograma narin ito sa mga kompyuter (kung saan ang aklat ay modern na). ano man ang anyo nito,
isa pa rin naman ang mga uri at paraan ng pagkakasulat nito. Tinukoy nina Barnales, et al. (2001) ang
mga sumusunod na uri at gamit ng kard katalog sa aiklat nilang Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang
Disiplina. Pansinin ang mga sumusunod na uri:

1. Kard ng Paksa (Subject Card) ang dapat hanapin kung ang malinaw pa lamang sa
mananaliksik ay ang kanyang paksang tatalakayin. Nangunguna sa entri ng kard na ito ang
mismong paksa bago ang ibang impormasyon tulad ng awtor at pamagat ng libro.

Halimbawa:

PHILIPPINE POETRY (FILIPINO)


F
PL
6165.4.R9 Rubin, Ligaya Tiamson
P11 Paano tumutula ang isang ina: tula ng buhay
2000 at bayan/Ligaya Tiamson-Rubin.-Manila: De La Salle
University Press, Inc. c2000
179 p. 23cm
ISBN 971-555-335-4
1. Philippine poetry (Filipino). I. Tittle

2. Kard ng Awtor (Author Card) ang kanilang tingnan kung ang mananaliksik ay may naiisip na
agad na awtor na awtoridad sa kanyang paksa. Nangunguna sa entri ng kard na ito ang pangalan ng
awtor bago pa ang ibang entris.

Halimbawa:

RUBIN, L.T.
F
PL
6165.4.R9 Rubin, Ligaya Tiamson
.P11 Paano tumutula ang Tsang ina: tula ng buhay
2000 at bayan/Ligaya Tiamson-Rubin.-Manila: De La Salle
University Press, Inc.c2000

ISBN 971-555-33574
1. Philippine poetry (Filipino). I. Title

3. Kard ng Pamagat (Title Card) ang pinakalapitin ng mga mananaliksik na hindi pa tukoy ang paksa o
awtor na gusto nilang saliksikin, kung kaya parang naghahanap pa sila ng kanilang paksa sa mga librong
pamilyar sa kanila. Sa kabilang dako, maaari ring ang mananaliksik ay ay dala nang listahan ng mga
posibleng sanggunian mula sa bibliograpi ng mga aklat na kaugnay ng kanyang paksa. Ang paghahanap
sa katalog na ito ay makapagpapadali ng pag-alam kung ang mga aklat na nasa kanyang listahan ay may
abeylabol sa aklatan. Manyari pa, sa kard na ito, unang entri ang pamagat ng libro.

Halimbawa:

Paano tumutula ang isang ina: Tula ng Buhay


F
PL
6165.4.R9 Rubin, Ligaya Tiamson
.P11 Paano tumutula ang isang ina: tula ng buhay
2000 at bayan/Ligaya Tiamson-Rubin.-Manila: De La Salle
University Press, Inc. c2000
179 p. 23cm

ISBN 971-555-335-4
1. Philippine poetry (Filipino). I. Title

Sa ikalawang yugto, pagsusuri ng mga nakuhang impormasyon o datos ang dapat isagawa.
Gamitin ang mga kasanayang browsing, skimming at scanning sa mga aklat at artikulong posibleng
magamit sa pagsulat ng pananaliksik. Alamin kung ito’y may kaugnayan sa paksang tinalakay at
makakatulong sa isinasagawang pananaliksik.

Ang pagkakaroon ng maraming impormasyon o datos mula sa ibang sanggunian ay mabuting


palatandaan sapagkat mas madaling magbawas kaysa sa kulangin ng datos o impormasyon. Kapag
kulang ang impormasyon, ang mananaliksik ay magpapabalik-balik sa silid-aklatah. Masasayang ang
panahon at maaaring mauwi sa wala an gang pagsulat ng pananaliksik.

Sa bahaging ito ang mga napiling impormasyon o datos ay kailangan salain upang malaman
kung magagamit ito, gayon din ang dapat gawin sa mga sangguniang hindi makakatulong sa
pananaliksik. Gammitin ang mga sumusunod na gabay na tanong sa pagsusuri ng mga nakalap na
sanggunian.

1. Ano ang kaugnayan nito sa paksa?

Isinasagawa ang pananaliksik upang tugunan ang isang paghahanap o pangangailangan.


Tiyaking ang mga impormasyon sa sanggunian ay tumatalakay sa paksa ng pananaliksik. Magagamit
moba ang aklat ukol sa sayaw na pinamana ng mga dayhan halimbawa sa paksang katutubong-sayaw?

2. Mapagkakatiwalaan ba ang may-akda at tagapaglathala?

Hindi mo nanaising pagdudahan ang iyong gawa, hindi ba? Kung gayon makabubuti kung ang
sumulat ng mga sanggunian ay mapagkakatiwalaan o mga awtoridad sa paksa. Tingnan kung may sapat
na kaalaman at karanasan ang may-akda sa kanyang paksang sinusulat. Pakaisipin mo:Gaano kahalaga
ang impormasyong makukuha ukol sa pag-awit mula sa akdang sinulat ng isang mananyaw?

3. Makakatotohanan na ito?
Ang pagiging makatotohanan ay hindi lamang nasusukat sa may-akda. Ang totoo noon ay
maaaring kasinungalingan na ngayon. Hangga’t maaari ay iwasan ang mga sangguniang limang (5)
taong mahigit na sa tagal, maliban kung ang sanggunian ay isang hanguang primary.

Kaugnay nito, iwasang gumamit ng sanggunian mula sa tablyod, digest at review. Bakit?
Sapagkat ang mga nakalathala rito ay malamang na hindi siyentipiko ang pagkakasulat o lumaktaw sa
masinop na pangangalap at pagtitiyak ng datos. Piliting gumamit ng mga sungganiang magagmit bilang
mabigat at malakas na ebidensya.

Ang ikatlong yugto ay ang pagbabasa at pagtatala ng mga impormasyon o datos mula sa mga
napiling sanggunian. Mahalaga rito sa ikatlong yugto ang pagsasagawa at paghahanda ng mga tala ng
impormasyon o datos. Ngunit paano ito gagawin ng isang mananaliksik?

C. PAGTATALA NG MGA IMPORMASYON O DATOS

Narito ang limang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng tala ng mga impormasyon o datos.

Sa pangangalap ng tala o notecards, maaaring gumamit ng kard na may sukat na 3x5, 4x6 at 5x8.
Ang 3x5 ay kaliitan ang sukat. Ang 4x6 ay katamtaman lamang ang laki at ang 5x8 ay husto sa lahat ng
nais itala dahil maaaring isulat ang mga mahahalagang komento o kuro-kuro hinggil sa impormasyon.
Sa tatlong iba’t ibang sukat ng kard, gumagamit lamang ng isang sukat. Alin man sa tatlo ay maaaring
gamitin depende sa kung saan komportable ang mananaliksik.

Ano ang iyong itatala?

1. Pamagat ng impormasyon ng datos,


2. Ang impormasyon o datos na nais ibilang sa pananaliksik at bibigyang paliwanag,
3. Ang may-akda o mga may-akda, at
4. Ang pamagat ng aklat, magasin o kung saan kinuha ang impormasyon kasama ang pahina kung
saan nakuha ito.

May dalawang paraan ng pagtatala ng mga impormasyon o datos:

1. Tuwirang sipi

Ito ay eksakto o kumpletong pagsipi ng bahagi ng orihinal na teksto. Maaaring ito ay isa o
mahigit pa sa isang salita, parirala, pangungusap o talata.

Halimbawa:

“Ang ulat sa maikling kathang Tagalog ay hindi magiging


ganap kundi mababanggit ang isang intitusyon sa ganang sarili –
si “Lola Basyang” ambil ni Severino Reyes sa kanyang mga
salaysay na romantikong lingguhang lumabas noon sa Liwayway.
Ang mga kwento ni Lola Basyang ay ukol sa mga ada o
engkantada, mag hari at reyna sa malalayong bayan at mga
kwento ng katalinuhan na kinagigiliwan ng bata’t matandang
mambabasa noon hanggang bago magkadigma. Marami sa mga
kuwentong ito ay gagad sa mga katha sa ibang bansa…”
-Poncio B.P. Pineda, Gk. del Rosario- Pineda, Tomas C.
Ongoco; Ang Panitikang Pilipino sa Kanluraning Bansa;
Caloocan, Natioal Bookstore, pp. 308-309;1979

“Fitness is neither being thin nor having a small waist nor is


being big in size. These is a general notion that only stout person
should exercise, but the truth is, everyone should exercise to stay
fit and healthy.
Thin people must exercise and consequently watch their diet
in order to grow bigger and stay fit. Likewise, stout people must
have an exercise program that will enable them to remove their
excess fats to reach fitness level”
- , Fitness for All,
Cyrus Publishing, Inc.
1993; p. 9 Cyrus M. Saremi

2. Pabuod

Ang orihinal na teksto ay kailangang ibuod sapagkat may mga tekstong mahahaba. Sa
pagbubuod, kailangang maisagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng sariling pananalita ng
mananaliksik. Paraphrasing ang tawag dito. Isulat ang buod ng napiling impormasyon batay sa pag-
unawa at pagkatapos ay ikumpara ito kung may pagkakahawig sa diwa ito.

Isang institusyon sa maikling kathang Tagalog si Severino Reyes,


nakilala sa sagisag na Lola Basyang sa mga salaysay sa lingguhang
Liwayway noon hanggang bago magkadigma. Ang kanyang mga
kwentong gagad sa mga dayuhang akda ay karaniwang tungkol sa
kababalaghan, kaharian o katalinihan na kinagigiliwan ng mga
mambabasang bata o matanda.
- Ponciano B.P. Pineda, G.K del Rosario-Pineda, Tomas C. Ongoco; Ang Panitikang
Pilipino sa Kanlunaring Bansa; Caloocan, Nationa Bookstore, pp. 308-309; 1979
Hindi pagiging mataba, payat o kaliitan ng baywang ang sukatan ng
” fitness” Hindi rin totoong mataba lamang ang dapat mag-ehersisyo
upang maging “fit” at malusog. Mapataba man o mapapayat man ay
kailangang mag-ehersisyo upang maabot ang “fitness level”
- - Cyrus M. Seremi, Fitness for All
Cyrus Publishing, Inc.
1993; p. 9

ARALIN 2
DOKUMENTASYON: ESTILONG A.P.A

Panimula
Sa modyul na ito, kailangan mong mabigyan ng kahalagahan at matukoy ang tungkulin ng
dokumentasyon sa pagsulat ng pamanahong papel, ang iba’t ibang paraan ng dokumentasyon na gamit
ang estilong A.P.A. sa pagsulat ng pangkatang pamanahong papel.

Sa tulong ng mga aklat na nakatala sa huling bahagi ay magamit mo upang mabigyan ka ng


kalinawan sa mga paksang ito.

Basahin mong mabuti ang talakayan at sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Gawin mo
ang mga inilaan na gawain at ipasa sa pamamagitan ng Messenger o kaya’y maaaring ihatid ang kopya
sa naatasang gwardiya ng paaralan.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang;

Mga kinalabasang Natutunan:


1. Natutukoy ang kahalagahan at tungkulin ng dokumentasyon sa pagsulat ng pamanahong papel.
2. Natutukoy ang iba’t ibang paraan ng dokumentasyon sa estilong A.P.A.
3. Nakasusulat ng mga talataang gumagamit ng dokumentasyon sa estilong A.P.A.
4. Nagagamit ang estilong A.P.A sa dokumentasyon sa pagsulat ng pangkatang pamanahong papel.

Mga Talakayan

DOKUMENTASYON: ESTILONG A.P.A

It will be as you draft that you risk making one of the worst mistakes you can
make: you lead readers to think that you’re trying to pass off the work of another writer
as your own.

 Kate L. Turabian (2010)


Isang mahalagang pangangailangan sa pananaliksik ang maingat na pagkilala sa pinagmulan ng
mga hiniram na ideya, datos o impormasyon. Ito ang dahilan kung bakit kailangan mabatid at magamit
ng sino mang mananaliksik ang iba’t ibang paraan ng pagkilala sa mga ginamit na hanguan sa pagsulat
ng pamanahong papel. Ito ang tinatawag na dokumentasyon.

A. KAHALAGAHAN AT TUNGKULIN NG DOKUMENTASYON

Ang dokumentasyon ay gumaganap ng mahalagang tungkulin sa isang papel-pananaliksik.


Bukod sa manipestasyon ito ng katapatan ng isang mananaliksik, nagbibigay ito ng kredebilidad sa mga
datos o impormasyon na kanyang ginamit. Nagiging lubos na kapani-paniwala ang mga datos o
impormasyong iyon kung binabanggit ng mananaliksik ng akdang kanyang pinaghanguan.

Lubhang mapanganib para sa isang mananaliksik ang pagbabale-wala sa halaga at tungkulin ng


dokumentasyon. Ang hindi pagkilala sa pinagmulan ng mga hiram na ideya ay isang uri ng pagnanakaw
ng intelektuwal na pag-aari ng iba na sa larangan ng pananaliksik, pamamahayag at literature ay
tinatawag na plagyarismo. Katulad ng natalakay na, ang isang plagyarista ay maaaring patawan ng mga
kaparusahang naaayon sa polisiya ng paaralan at/o sang-ayon sa Intellectual Property Law (Atienza, et
al., 1996).

B. ESTILONG A.P.A

Dati-rati, footnoting o paggamit ng talababa ang pinakagamiting paraan ng dokumentasyon ng


mga mananaliksik. A ngayon, mas pinipili nan g marami ang paraang iminungkahi ng American
Psychological Assiociation (A.P.A) o ng Modem Language Association (M.L.A). Ito ang tinatawag na
talang-parentetikal (parenthetical citation) na higit na simple at madaling gawin kaysa footnote, bukod
pa sa nagagawa nitong maging tuloy-tuloy ang daloy ng teksto sa pagbabasa.

Sa M.L.A., pangalan (apelyido) ng awtor at bilang ng pahina (ng akda kung saan matatagpuan
ang ideya, datos, o impormasyong hiram) ang inilalagay sa loob ng parentisis. Samantala, iba naman ang
sa A.P.A. Narito ang mga pangkahalatang tuntunin sa paggamit ng dokumentasyon sa estilong A.PA.:

1. Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang ng publikasyon
ang isulat sa loob ng parentisis.

Ayon kay Nunan (1977), mahalaga ang pakikinig sa pag-aaral ng dayuhang wika.
Ngunit sa pag-aaral ng katutubong wika, binibigyan ng higit na pansin sa mga paaralan ang
paglinang sa kakayahan sa pagbabasa at pagsulat.

Kung si Nunan ay may mga ko-awtor (dalawa o higit pa), kailangang may et al, matapos ang
kanyang pangalan at sa kuwit na naghihiwalay dito, bago ang taon ng publikasyon na nasa loob ng
parentisis.

Ayon kina Nunan, et al. (1977), mahalaga ang pakikinig sa pag-aaral ng dayuhang
wika. Ngunit sa pag-aaral ng katutubong wika, binibigyan ng higit na pansin sa mga
paaralan ang paglinang sa kakayahan sa pagbasa at pagsulat.
2. Kung hindi nabanggit ang awtor sa mismong teksto, banggitin ito sa hulihan ng pangungusap
kasama ang aton ng publikasyon.

Paghiwalayin ang dalawang entris s loob ng parenthesis sa pamamagitan ng kuwit (,).

Ang lingua franca ay ang wikang ginagamit ng mga taong may iba’t ibang
katutubong wika upang sila’y magkaunawaan (Wardaugh, 1986).

3. Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at ang taon ng publikasyon.

Inamin ng mga guro ng Oral Communication sa Estados Unidos na ang isang


tipikal na mag-aaral sa kilehiyo ay pinakukuha ng mga kurso sa pagbabasa, pagsulat at
pagsasalita, ngunit iilan lamang ang nagkakaroon ng pagkakataong kumuha ng kurso sa
pakikinig (Seiler at Beall 2002).

Inamin nina Seiler at Beall (2002), mga guro ng Oral Communication sa Estados
Unidos, na ang isang tipikal na mag-aaral sa kolehiyo ay pinakukuha ng mga kurso sa
pagbabasa, pagsulat at pagsasalita, ngunit iilan lamang ang nagkakaroon ng pagkakataong
kumuha ng kurso sa pakikinig.

4. Kung tatlo o higit pa ang awtor at hindi nabanggit ang pangunahing awtor sa mismong teksto,
banggitin na lamang ang unang awtor sa loob ng parenthesis at sundan ng et al. bago ang taon ng
publikasyon.

Sa pananaw na komunikatibo, ang apat na kasanayang pangwika ay hindi


pinaghihiwalay kundi nililinang sa integratibong paraan (Bernales, et al., 2001).

5. Kung babanggiting dalawa o higit pang awtor na pareho ang apelyido banggitin ang inisyal ng
mga awtor bago ang kani-kanilang apelyido at sundan ng taon ng publikasyon.

Ang pananaliksik…ay pangangalap ng mga datos sa masinop at kontroladong


sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon (E. Trece at J.W. Trece, Jr.,
1977).

Ayon kina T. Trece at J.W. Trece. Jr. (1977). ang pananaliksik ay pangangalap ng
mga datos sa masinop at kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at
eksplanasyon.

6. Kung pamagat lamang ang abeylabol na impormasyon, banggitin ang pinaikling bersyon ng
pamagat at sundan ng taon ng publikasyon. Ipaloob ang pinaikling pamagat sa panipi o di kaya’y
iitalisado ang tipo ng font.

Ang mga mag-aaral ay may karapatang maglathala at mamahala ng regular na


publikasyon na sumasalamin ng responsableng pamamahayagan at ng misyon-bisyon ng
Kolehiyo (“CSB Student Handbook”, 1996).

Ang mga mag-aaral ay may karapatang maglathala at mamahala ng regular na


publikasyon na sumasalamin ng responsableng pamamahayagan at ng misyon-bisyon ng
Kolehiyo (“CSB Student Handbook”, 1996).

7. Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang bolyum, banggitin ang bilang ng
bolyum kasunod ng pangalan ng awtor o mga awtor, ngunit tutuldok (:) ang gamiting bantas
upang paghiwalayin ang unang entri sa taon ng publikasyon.

Nang sakupin ng Amerika ang Pilipinas, muling ipinahayag ni Mabini ang kanyang
paghihimagsik. Isinulat niya ang El Liberal na isang panunuligsa sa mga bagong mananakop
(Bernales 4: 2002).

8. Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor, banggitin na lamang ang mga
akda at paikliin hangga’t maaari. Ipaloob sa panipi o iitalisado ang mga pamagat.

Sa mga aklat ni Bernales (Sining ng Pakikipagtalatasan at Mabisang Komunikasyon),


tinutoy ang mga pangunahin at unibersal na katangian ng wika.

Sa mga aklat ni Bernales (“Sining ng Pakikipagtalatasan at Mabisang


Komunikasyon”), tinutoy ang mga pangunahin at unibersal na katangian ng wika.

9. Kung ang datos mula sa isang awtor ay nakuha mula sa akda ng ibang awtor, dapat banggitin ang
dalawa.

Tinukoy ni Halliday (1961; sa Bernales, et al., 2000) ang pitong tungkulin ng wika.

May pitong tungkulin ang wika (Halliday, 1961; sa Bernales, et al., 2000).

10. Kung ang datos o impormasyon ay hango sa internet, banggitin na lamang ang link kung walang
awtor. Kung batid ang awtor, banggitin din ang awtor.

Ayon sa capus.muraystate.edu, pangunahin sa mga hakbang sa pananaliksik ang


pagtukoy sa suliranin.

Pangunahin sa mga hakbang sa pananaliksik ang pagtukoy sa suliranin


(campu.muraystate.edu).

Sa www.humankinetics.com, walo ay tinukoy na hakbang ni Blankenship sa pagsasagawa ng


pananaliksik.
May walong tinukoy na hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik (Blankenship,
www.humankinetics.com).

Tandaang agad na inilalagay ang talang parentetikal pagkatapos ng salita o ideyang hiniram at
ito’y ipinoposisyon bago ang bantas sa loob o katapusan ng pahayag maging iyon man ay tuldok
tandang-pananong (?), pandamdam (!), kuwit (,), tutuldok (:) tuldok-kuwit (;), tuldok-tuldok (…) o
panipi (“). Maliban sa tuntunin bilang 7, laging kuwit ang ginagamit na bantas s paghihiwalay ng mga
entri sa loob ng paretesis.

Mga Sanggunian:

Ajesta, An Lezziela. 2011. Salawikaing Butuanon: Isang pagsusuri sa mga aral. Di-nalathalang
pamanahong papel. La sale Uiniversity.

Batnag, Aurora E. 2006. Ang papel ng pagsasalin sa pagtuturo ng wika at panitikan. Guro Mula
Tsok Hanggang Internet, 104-111.

Bernales, Rolando A., Pangan, Corazon C., Dela salde, Marsan S., Limpot, Marilou S., Napil,
Melissa C., OcarizaLani C. & Soiatorio, Lilian B. 2014. Pagbasa, pagsulat at pananaliksik. Malabon
City. Mutya Publishing House.

http://kwf.gov.phiw-content/uploads/2016/11/intoduksyon-sa-pagsasalin.pdf. Abril 14, 2017.

You might also like