You are on page 1of 3

Slide 1

 PAGBIBIGAY-INTERPRETASYON SA TSART, GRAP, TALAHANAYAN AT MAPA


 Group Name
Slide 2
 May mga tekstong ang mga impormasyon ay inilalahad sa pamamagitan ng grap, talahanayan, tsart at iba pang
mas pasimpleng paraan ng paglalahad.
 Ang mapa, tsart, grap at talahanayan ay mga grapikong pantulong upang madaling maunawaan at nagagawang
payak ang mga datos na inilalahad sa isang teksto. Kapaki-pakinabang ang mga ito para sa
isang mananaliksik sapagkat malinaw at siyentipiko niyang natatalakay ang kanyang paksa.
Slide 3
 Ano-ano ang kahalagahan ng tsart, grap, talahanayan at mapa sa isang teksto?
(sasabihin natin na katapos ng report sasagutin itong tanong na ito)
Slide 4
 Upang magkaroon ng wastong pagpapakahulugan sa mga impormasyon sa grap, tsart, mapa at talahanayan,
tadaan ang mga sumusunod na tagubilin:
a. Pansinin ang pamagat.
b. Pansinin ang leyenda.
c. Tignan din ang leybel sa pahalang at pahanay na bahagi ng grap.
d. Pansinin din ang mga talababa.
Slide 5
 (A. GRAP)
 Ang grap ay isang dayagram na sumisimbolo sa mga nakuhang impormasyon o datos.
 Ang grap ay ginagamitan ng mga simbolo.
 May limang uri ang grap
Slide 6
 (1) Pahanay na Grap (Column Graph)
 Critical Bar Graph
 Sa grap na ito, makikita ang iskeyl na nakahanay sa kaliwa, at nasa ibabang bahagi naman ang mga baryabol.
 Madalas itong ginagamit upang paghambingin ang mga datos sa isang biswal na paraan.
Slide 7 & 8
 Halimbawa ng Column Graph
 Mga tanong patungkol sa halimbawa
Slide 9
 (2) Palinyang Grap (Line Graph)
 Ang grap na ito maaaring maghambing ng mahigit sa isang set ng baryabol na paghahambing.
 Sa pamamagitan ng pagtingin sa uri ng grap na ito, makikita ang pinakamataas at pinakamababang punto ng
mga baryabol.
 Gumagamit ng linyang ‘perpendicular’.
Slide 10 & 11
 Halimbawa ng Line Graph
 Mga tanong patungkol sa halimbawa
Slide 12
 (3) Pabilog na Grap (Pie Graph)
 Sa uri ng grap na ito, direktang makikita ang laki ng bawat baryabol.
 Itoý sumusukat at naghahambing ng mga datos o impormasyon sa pamamagitan ng paghahati-hati nito.
Slide 13 & 14
 Halimbawa ng Pie Graph
 Mga tanong patungkol sa halimbawa
Slide 15
 (4) Pahalang na Grap (Bar Graph)
 Kahawig ito ng Pahanay na grap.
 Nagpapakita ng paghahambing ng mga datos gamit ang bar sa halip na tuldok at linya upang tukuyin ang
kantidad.
Slide 16 & 17
 Halimbawa ng Bar Graph (Pahalang)
 Mga tanong patungkol sa halimbawa
Slide 18
 (B.) Piktograph
 Mailarawan ang tinatayang halaga o bilang ng aytem ang siyang pangunahing layon nito.
 Epektibo rin ang uring ito ng grap sa paghahambing ng datos sa iba’t ibang panahon.
 Larawan ang ginagamit upang kumatawan sa mga datos, impormasyon o produkto.
Slide 19 & 20
 Halimbawa ng Piktograph
 Mga tanong patungkol sa halimbawa
Slide 21
 (C.) Talahanayan (Table)
 Mayroon itong dalawa o higit pang mga kolumn at row, depende sa uri ng mga impormasyong nilalaman
nito.
 Sistematikong inilalagay sa mga hanay o kolum ang mga nalikom na datos.
Slide 22 & 23
 Halimbawa ng Talahanayan
 Mga tanong patungkol sa halimbawa
Slide 24
 (D.) Tsart (Chart)
 Ang ugnayan ng mga kaisipan o baryabol ang direktang ipinakikita sa isang tsart.
 Ang tsart ay nagpapakita ng dami o estruktura ng isang sistema sa pamamagitan ng hanay batay sa
hinihingi o ibibigay na impormasyon.
 May dalawang uri ang tsart
Slide 25
 (1) Tsart ng organisasyon (explain…)
 Halimbawa
 (2) Flow Tsart
 Halimbawa (explain…)
(yung mga halimbawa dito di kailangan ng tanong parang ipapakita lang)
Slide 26 & 27
 Isa pang halimbawa about sa Chart
 Mga tanong patungkol sa halimbawa
Slide 28
 (E.) Mapa (Map)
 Ang mapa ay naglalarawan ng lokasyon, hugis at distansya.
 Ang mapa ay nagtuturo sa mga palatandaan ng lokasyon ng isang lugar. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay
direksyon.
 Ang pagbibigay ng direksyon ay isang uri ng pagpapaliwanag.
Slide 29 & 30
 Halimbawa ng mapa
 Mga tanong patungkol sa halimbawa
Slide 31
 Bakit nga ba mahalaga ang tsart, grap, talahanayan at mapa sa isang teksto?
(dito na sasagutin yung tanong)
Slide 32
 Credits
 The Silent Learner (2017), Pagbibigay-Interpretasyon sa Mapa, Tsart, Grap at Talahanayan. Retrieved from:
https://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-pagbibigay-interpretasyon-sa.html

1st Reporter – Slide 1 to 5


2nd Reporter – Slide 6 to 11 (STEFFANIE)
3rd Reporter – Slide 12 to 17 (AVY ROSE)
4th Reporter – Slide 18 to 23
5th Reporter – Slide 24 to 27
6th Reporter – Slide 28 to 32

You might also like