You are on page 1of 4

UNANG MODYUL

KAHULUGAN, KAHALAGAHAN AT KATEGORYA NG WIKA

KOMUNIKASYON
“Ang komunikasyon ay hindi lamang kabuuang pahayag ng kaalaman at damdamin, bagkus ito ay isa ring batayang
prosesong panlipunan.” - Hartley
“Ang komunikasyon ay pagpapahayag, paglalahad o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan: isang pakikipag-
ugnayan, pakikibagay niya sa kaniyang kapuwa at kapaligiran.” - Webster

WIKA
• “Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog sa paraang arbitraryo na ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.” - Gleason
• “Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo na pinagsama-sama upang makabuo ng
mga salita na gamit sa pagpapahayag.” - Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason
• “Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paglalahad ng mga kaisipan, damdamin, at mga hangarin
sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog.” - Sapiro
• “Ang wika ay isang masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita o binibigkas na pinagkaisahan o
kinaugalian ng isang pangkat ng mga tao at sa pamamagitan nito’y nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa
ang mga tao.”
- Hemphill
• “Ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa
maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.” - Mangahis et.al. (2005)

• “Ang taong ayaw umangkin ng sariling wika ay ayaw ng pagkakakilanlan.”

WIKA
• Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
• 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig.
• nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay.
• nagmula naman ang lengguwahe sa wikang Latin at isinalin sa Ingles bilang language.
• lengguwahe o lengwahe mula sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang “dila”.

LINGGWISTIKA/LINGUISTICS
• o ‘Dalubwikaan’ ay ang siyentipikong pag-aaral ng wika.
• Linguista/linggwista (mga taong nag-aaral nito)

KAHALAGAHAN NG WIKA
1. Ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon.
2. Ginagamit ito upang malinaw at epektibong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao.
3. Sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan.
4. At isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

ANYO NG WIKA KUNEIPORME/CUNEIFO IBANG KATAWAGAN SA


1. Pagsasalita RM WIKA
2. Pagsusulat  ang paraan ng pagsulat ng 1. Dila (piguratibo)
3. Wikang pasenyas mga Sumerian. 2. Salita
4. Larangan ng musika  Stylus 3. Diyalekto
5. Sining ng pagpipinta  tabletang luwad 4. Lingo (gay lingo)
6. Pagsasayaw
7. Matematika

KATEGORYA NG WIKA
1. Pormal
2. Impormal o Di-pormal

PORMAL NA WIKA
• mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami
lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal.

URI NG PORMAL NA WIKA


1. Pambansa/Karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga
paaralan at sa pamahalaan.
Halimbawa:
Pilosopiya, Republika, Edukasyon, Kagawaran, Tagapagpaganap, Tagapaghukom
2. Pampanitikan/Panretorika - mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan, karaniwan
matatayog/matatalinghaga, malalalim, at masining. Ginagamit ng malikhaing manunulat.
Halimbawa:
 Dumatal -dumating  Agsikapin -inhenyero  Hatimbutod - tagalog sa
 Masimod -matakaw  Bahagimbilang - praksyon Mitosis
 Kumakandili (fraction)  Hatinig - telepono
-nagmamalasakit  Sipnayan - tagalog sa  Isigan - tagalog sa
 agam-agam -pangamba mathematics dynamics
 Bahagdan -porsyento  Bathalaan - tagalog ng  Sakwil - tagalog sa
 Balintataw -guni-guni theology resistance
 Naapuhap -nahanap  Batlag - kotse (car)  Tumbasan - tagalog sa
 Nagkukumahog -  Buumbilang - (whole equation
nagmamadali number) lahat  Nagmumurang kamatis
 Sapantaha -hinala  Dalubhayupan - tagalog ng  Nagtataingang kawali
 Nabuslot -nahulog sa butas zoology  Di-mahulugang karayom
 Batalan -lababo  Dalubsakahan - tagalaog  Di-maliparang uwak
 Adhika -nais o gusto sa agriculture  Salamisim – alaala o
 Balintuna -laban o  Danumsigwasan - tagalog gunita
kabaliktaran sa hydraulycs  Kadaupang-palad
 Anluwage -karpintero  Hangganan - limitasyon

IMPORMAL NA WIKA
• mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Ginagamit ito sa mga
kaswal na usapan.

URI NG IMPORMAL NA WIKA


1. Lalawiganin
2. Kolokyal
3. Balbal

URI NG IMPORMAL NA WIKA


1. Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na lalawigan/rehiyon lamang.

2. Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan.

(tulog o matulog) Borlog, shorlog, kyorlog, borlogehey


(Sino ito?) Sinetchitech
(cry) o tumpak) crayola (piso) Pluks, kyuks, plugs
(tama Yesterday once more
(pinoy) Noypi (isang daang Heyms, hams, hammer
(tara na o umalis na tayo) Teofisto Guingona
piso)
(sigarilyo)
(araw o umaga) Yosi Sunshine Cruz o Sandara Park
(isang libong Kyaw
(Mestiso/Mestizo)
(sobrang pagod) Tisoy Haggard piso)
(buwaya)
(stand by) Gahaman/sakim Istambay (sinkwenta pesos) Hawaii
(bata) in)
(whole Nobya holen (bente pesos) Twinkle
(“high” sa Durog (security) Sikyo
pinagbabawal na
gamot) (brain damage) Brenda
(“lover” na lalaki) papa (get) getsing
3. Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, higit pang
salita ay mauuri rin sa antas na ito.
Halimbawa:
• Nasa’n? (nasaan?)
• Pa’no? (paano?)
• Sa’kin (sa akin)
• Kelan? (kailan?)
• Meron (mayroon)
• Antay (hintay)
• Lika (halika)
• Kelangan (kailangan)

ALPABETONG FILIPINO
• binubuo ng 28 titik (26 títik at ang Ññ ng wikang Kastilà at ang NG ng wikang Tagálog). Lahat ng mga titik ay
may katawagan sa Ingles maliban lang sa Ññ /enje.
• Itó ay binubuo ng mga patínig o bokáblo at mga katínig o konsonánte.
• 175 - 171 (Ginagamit pa) 4 (Lumipas na)

PATAY NA WIKA ESTRUKTURA NG WIKA


1. Agta (Dicamay) 1. Ponolohiya (tunog)
2. Agta (Villa Viciosa) 2. Morpolohiya (salita)
3. Ayta (Tayabas) 3. Sintaks (pangungusap)
4. Katabaga 4. Sematiks (kahulugan)

PONOLOHIYA (TUNOG)
• Pag-aaral sa mga tunog.
• Dito rin pinag-aaralan ang wastong pagbigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema (pinakamaliit na
bahagi ng wika).
• Inaasahang isasaalang-alang ang mga salik tulad ng:

1. Pinanggagalingan ng enerhiya o lakas (nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga)


2. Artikulador o kumakatal na bagay (babagtingang pantinig – vocal)
3. Resonador o palatunugan (mouth and nasal passageway)

MORPOLOHIYA (SALITA)
• Pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng pinakamaliit na yunit ng isang salita o ponema.
• Morpema - pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ito ay maaaring salitang ugat o
panlapi.
Halimbawa:
ma+damo = madamo (maraming
damo)
SINTAKS (PANGUNGUSAP)
• Tumutukoy sa estruktura ng mga pangungusap at ang mga tuntuning nagsisilbing patunay sa pagsasabi ng
kawastuhan ng pangungusap.
Halimbawa:
Panaguri + Paksa
• Umalis ako papuntang SM.
Paksa + Panaguri
• Ako ay umalis papuntang SM.
Halimbawa:
Walang paksa
• Nanay!
• Aray!
• Sulong!
• Lumilindol!
• Magandang umaga.
• May sunog!

SEMANTIKS – KAHULUGAN
• Pag-aaral ng lingguwistikang kahulugan ng mga morpema, salita, parirala, at pangungusap.
May mga salitang magkasingkahulugan ngunit may inaangkupang gamit lamang.
Halimbawa:
 Matangkad (para sa tao, hindi para sa bagay)
 Sampal (kailangang iugnay sa kamay at hindi sa paa)
Sinampal niya ako ng kanyang paa.
(Hindi akma)
Halimbawa:
 Bibig
Ang bibig ng dalaga ay makipot.
(Tama)
Ang bunganga ng dalaga ay makipot. (Hindi akma)

DENOTASYON AT KONOTASYON
Denotasyon – kahulugan mula sa diksyunaryo.
Konotasyon – di-tuwiran o di-direktang kahulugan sa pagtukoy ng salita.
Denotasyon
Halimbawa:
 Maliwanag ang ilaw sa kapitbahay namin.
Konotasyon
Halimbawa:
 Si Alice ang aming ilaw ng tahanan. (Ibig sabihin ay nanay o ina)

• Bola
denotasyon : laruan na hugis bilog
konotasyon : matamis na dila
• Pusang itim
denotasyon : uri ng hayop na nangangalmot, kulay
itim at ngumingiyaw
konotasyon : nagbabadya ng kamalasan
• Buwaya
denotasyon : Hayop
konotasyon : Pulitiko
• itim
Denotasyon : Kulay
Konotasyon : Kamatayan
• Posporo
Denotasyon : bagay na panindi
Konotasyon : ilaw
• Pusong bato
denotasyon : walang puso
konotasyon : matigas ang kalooban
• Kamay na bakal
denotasyon : bakal ang kamay
konotasyon : paghihigpit
• Nagsusunog ng kilay
denotasyon : sinusunog ang kilay
konotasyon : nag aaral mabuti

• Umusbong
denotasyon : paglaki o pagtubo ng halaman
konotasyon : kinalakihan o lumaki
• Bola ng kanyon
denotasyon : Ang bola ng kanyon
konotasyon : matigas ang ulo
• Balitang kutsero
denotasyon : balita ng kutsero
konotasyon : gawa gawang storya o chismis

You might also like