You are on page 1of 3

IBA’T IBANG TALAKAY KAUGNAY SA WIKA

DAYALEK
Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng particular na pangkat ng mga tao mula sa isang
partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon , o bayan. Maaaring gumagamit ang mga tao ng
isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang
katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang bagay, o magkakaiba
Halimbawa:
Tagalog sa Rizal Tagalog sa Teresa, Morong, Cardona at Baras
Palitaw diladila
Monggo balatong
Makikipagkasalan magkakangay
Timba sintang
Hikaw panahinga
Ate kaka
Tatay Tata
Lolo amba
Biik kulig
Lola Inda, pupu, nanang
Sitaw Gulay, pinugo
Latek Kalamay hati

Tagalog na may kahalong Bisaya o Tagbis:


Halimbawa: Magkain tayo sa mall. (Pinapalitan ang panlaping um ng mag) sa halip na ,Kumain
tayo sa mall.

IDYOLEK

Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng isang pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring
pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Ito ay tinatawag na idyolek. Sinasabing alang
dalawang taong nagsasalita ng isang ika ang bumibigkas nito nang magkaparehong-
magkapareho. Madalas nakikilala at napabantog ang isang tao dahil sa kanyang natatanging
paraan ng pagsasalita. Ilan sa kanila ay ang sumusunod:

Marc Logan - Mahilig siyang gumamit ng mga salitang magkakatugma sa mga nakatatawang
paraan.
Noli de Castro- ”Magandang Gabi, Bayan!
Mike Enriquez- “ Hindi namin kayo tatantanan!
Mareng Winnie- “Bawal ang pasaway kay Mareng Winnie!
Kris Aquino- “Aha, ha, ha,! Nakakaloka!
Rufa Mae Quinto- “To the highest level na talaga itoh!
SOSYOLEK
Ito ay isang mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan na siyang
nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang
katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan. (Rubrico, 2009) Para
matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal, kailangan niyang matutuhan ang sosyolek
nito. Kabilang dito ang:
1. Gay lingo- wika ng mga beki
Halimbawa: Churchill para sa sosyal
Indiana Jones sa nang-indiyan o di sumipot.
Bigalou o malaki
Givenchy o pahingi
Juli Andrews o nahuli
2. Conotic o Conyospeak- isang baryant ng Taglish. Sosyolek ng mga sosyal o pasosyal na
kabataan. Karaniwang ginagamitan ng pandiwang Ingles na ‘make’ na ikinakabit sa mga
pawatas na Filipino at kinakabitan ng mga ingklitik sa Filipino tulad ng pa, na lang at iba pa.
Halimbawa:
Kaibigan 1: Let’s make kain na.
Kaibigan 2: Wait lang. I’m calling Anna pa.
3. Jejemon o jejespeak- nagmula sa pinaghalong jejeje na isang paaan ng pagbaybay ng hehehe
at ng salita na mula sa Hapon na pokemon. Nakabatay rin sa wikang Ingles at Filipino subalit
isinusulat ng may pinaghalong numero, mga simbolo, at may kasamang malalaki at maliliit na
titik kaya’t mahirap basahin o intindihin lalo na ang di pamilyar sa jejetyping.
Halimbawa:
D2 na me -“ Nandito na ako”.
MuZtaH-“ Kumusta?”
aQcKuHhiT2h- “Ako ito.”

REGISTER
Isang salita o termino na maaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan ayon sa larangan o
disiplinang pinaggamitan nito.
Halimbawa.

Salita Larangan kahulugan


1.bituin astrolohiya Flaming ball of gas
pelikula artista
2.mouse agrikultura daga
teknolohiya Ginagamit sa computer
3. dressing agrikultura Paglalagay ng fertilizer sa
pananim
fashion Moda, uso
pagluluto Inilalagay sa ibabaw ng niluto
o inihandang pagkain
LINGUA FRANCA
Tinatawag na lingua franca ang wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang lipunan.
Ito ang wikang ginagamit upang lubos na magkaunawaan ang mga namumuhay sa isang
komunidad. Sa Pilipinas, itinuturing ang Filipino na lingua franca. Batay sa pag-aaral na
isinagawa ng Unibersidad ng Ateneo sa Manila noong 1989, napatunayan na ang Filipino ay isa
nang ganap na lingua franca. Sa Pilipinas, 92% ang nakauunawa ng Filipino, 51% ang
nakauunawa ng Ingles, at 41% ang nakauunawa ng Cebuano.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA (Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipinas)


Alma M. Dayag, Mary Grace G. del Rosario

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA KULTURANG PILIPINO, Dolores R. Taylan, et. al.

You might also like