You are on page 1of 15

John Nicko Carlo S.

Castillo SETYEMBRE 1, 2020


BSCE 2-A
Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Kuwentuhan tayo

Mayroon tayong iba’t ibang karanasan na paggamit ng wika, Ingles man ito o Filipino o
ibang wika. May mga gumagamit ng Filipino para masabing makabayan sila. Ang iba naman,
gumagamit ng Ingles sa dayuhang kausap o hanapbuhay o kaya ay para magpasikat sa kausap
nila. Ano ang karanasang hindi mo malimutan sa paggamit ng wika? Tiyaking hindi lalampas sa
isang pahinang papel ang iyong kuwento.

Bilang isang estudyante na nasa tersyarya, marami na akong karanasan tungkol sa mga
makabayan kunoo ngunit mali mali naman ang balarilang ginagamit. Ktulad sa facebook at kahit
sa totoong buhay, litung-lito ang mga Pilipino sa paggamit ng ‘ng’ at ‘nang’. Kahit ako noong
ako’y bata pa. Ngunit kalaunan, nalaman kong ang ‘nang’ pala ay ginagamit na panghalili sa
‘noong’.

Isa pa ay ang mga trying hard maglagay ng mga pagkahaba habang ingles na quotes sa
profile picture nila sa facebook ngunit mali-mali naman ang balarila. At ang iba, kokopyahin pa
ang mga kinuhang kotasyon sa pook sapot at di man lang isasama ang pangalan ng nagsabi para
magmukha silang matalino at maging sikat.

Madami pa akong nais matutunan sa ating pambansang wika, kaya labis ang aking saya
na mayroon akong asignaturang ganito upang higit ko pang mahalin ang sarili kong wika.
John Nicko Carlo S. Castillo SETYEMBRE 1, 2020
BSCE 2-A
Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Introduksiyon Gawain 1: Linang-diwa

Panuto: Pumili ng isa sa mga nakatala sa ibaba at sikaping maipaliwanag ang ng mga sitwasyon
o pangyayari.

1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng wikang pambansa bilang mabisang wika


ng Komunikasyon.

Wika ang pangunahing kailangan sa pakikipagtalastasan. Ngunit dahil sa


pagkakaiba-iba ng mga wika, nagkarn ng iba’t ibat barayti uang mas maging mabisa
ang kmunikasyon.
Ang Barayti ng wika ay dulot ng pagkakaiba ng antas ng edukasyon, hanapbuhay
o trabaho, henerasyon ng pagkabuhay o edad, pamumuhay sa lipunang
kinabibilangan, at maging lokasyon o heograpiya ng isang lugar. Ang Barayti ng wika ay
bunga din ng pagkakaroon ng heterogeneous na wika na nabubuo naman ayon sa
pangangailangan ng paggamit nito na nagbubunga ng baryasyon ng wika.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng barayti ng wika:
 Dayalek
Ito ang pinakakaraniwang Barayti ng wikang alam at tanggap sa bansang tulad ng
Pilipinas. Dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago, nahahati sa mga pulo ang
kinaroroonan ng mga tao na dahilan din upang makabuo ng kani-kanilang sistema ng
pananalita. Ang dayalek o dialect ay uri ng pagsasalita na nabubuo ayon sa
heograpikong kinabibilangan ng mga mamamayan. Karaniwang ang pagtanggap sa
wikang dayalek ay ayon sa rehiyon, lalawigan, o bayan na kinaroroonan.

Halimbawa ng Dayalek
Ang pangungusap na “Anong pangalan mo” ay maaaring sabihin sa iba’t ibang
John Nicko Carlo S. Castillo SETYEMBRE 1, 2020
BSCE 2-A
Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

dayalek.

Tagalog: Anong pangalan mo?


Kapampangan: Nanong lagyu mo?
Ilokano: Anya ti nagan mo?
Waray: Hino ang ngaran mo?
Bisaya: Unsa imu ngalan?
Cebuano: Kinsay imong ngalan?
Hilgaynon: Ano ang imo ngalan?
Bicolano: Ano ang ngaran mo?
Tausug: Unu ing ngan mo?
More Info: Halimbawa, Kahulugan at Tatlong Uri ng Dayalek

 Idyolek
Kahit mayroong pamantayang itinuturo sa pagsasalita, nagkakaroon pa rin ng
pagkakaiba ang bawat indibidwal ng kanilang paraan para bigkasin ang mga ito. Ganito
ang konsepto ng idyolek. Nakaayon ito sa istilo sa pagpapahayag at pananalita.
Karaniwang naririnig ito sa mga sikat na personalidad na nag-iiwan ng marka sa
pagbitaw ng kanilang linya sa mga programa at pelikula nila.

Halimbawa ng Idyolek
“Hindi kita tatantanan!” -Mike Enriquez
“May tama ka!” -Kris Aquino
“Walang himala!” -Nora Aunor
“Lumipad ang aming team…” -Jessica Soho
“Handa na ba kayo?” -Korina Sanchez
“I am sorry.” -President Gloria Macapagal-Arroyo
“Char-char lang mga momshie.” -Melai Cantiveros
“Bawal ang sad dapat happy!” -Ryzza Mae Dizon
John Nicko Carlo S. Castillo SETYEMBRE 1, 2020
BSCE 2-A
Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

“Ansabeeeehhh?” -Vice Ganda


“May ganun?” -Mr. Fu
More Info: Halimbawa at Kahulugan ng Idyolek

 Sosyolek
Naipapangkat din ang mga tao ayon sa kanilang personalidad, kasarian, at
katayuang socio-ekonomiko. Ang pagkakapangkat na ito ay nagbubunga rin ng
kanilang sariling paggamit at pagbigkas ng mga salita na tinatawag na sosyolek o
sosyalek. Ito ay tinatawag ding pansamantalang Barayti lamang dahil ginagamit
lamang ito ayon sa uri ng taong kausap at sisiguruhing kaya niyang intindihin at
unawain ang ginagamit na wika. Kadalasan ding umuusbong ang Barayting ito ayon sa
napapanahong uri ng pagsasalita tulad ng bekimon at jejemon.

Halimbawa ng Sosyolek
Mga repa, nomo na. Walwal na! (Jeproks/ balbal)
Si Yorme, maraming nahuli, mga etneb. (Salitang kanto/ pinauso ni Mayor Isko
Moreno)
Eow pfouh? Muztah nah? (Jejemon)
Echoserang frog ka. Chinorva mo akez. (Bekimon/ Gay Linggo)
Anong chenes mo sa inispluk mo? (Bekimon/ Gay Linggo)
OMG! So init naman here. I can’t! (Conyo language)
So haba naman ng pila. I am so inip na. (Conyo language)
Ayan na ang mga Hathor. Sugod mga sang’gre! (Fans ng Encantadia)
BTW, JWU. Need something to do. BRB. (Millennial online language)
Mag-online ka na para makita ko ang OOTD mo. (Millennial online language)
More Info: Halimbawa at Kahulugan ng Sosyolek

 Ekolek
Ang pamilya ang pinakamaliit at pinakamahalagang yunit ng isang pamayanan.
John Nicko Carlo S. Castillo SETYEMBRE 1, 2020
BSCE 2-A
Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Ito rin ang dahil kung bakit kahit sa loob ng tahanan ay nakagagawa ng kani-kanilang
paraan para gamitin ang banggitin ang mga salita. Ang Barayting ekolek ay tumutukoy
sa mga salita at wikang ginagamit sa loob ng tahanan at kadalasang tumatatak sa mga
bata. Ito rin ay ang ginagamit sa pakikipag-usap araw-araw.

Halimbawa ng Ekolek
Mom, dad/ Nanay, tatay/ Mommy, daddy/ Ma, pa
pamingganan/ platuhan/ lagayan ng kubyertos
CR/ banyo/ kubeta/ palikuran
itaas/ second floor
mamam/ tubig
am-am/ kain
diko/ ditse/ sangko/ sanse/ ate/ kuya
baby/ bunso
lola/ granny/ mamu/ la/ inang
lolo/ granpa/ Papu/ lo/ itang
More Info: Halimbawa at Kahulugan ng Ekolek

 Etnolek
Mayroon namang mga salitang likas at naging pagkakakilanlan na ng mga
pangkat etniko sa bansa. Ang tawag sa Barayting nabuo nila ay etnolek. Batay ito sa
mga etnolonggwistong pangkat sa Pilipinas. Ang mga salitang ito ay kadalasang likas sa
kanila ngunit naging tanyag na rin para sa ibang lahi o pangkat.

Halimbawa ng Etnolek
Adlaw – araw, umaga
Bagnet – sitsarong gawa sa Iloko
Vakuul – pantakip sa ulo ng mga taga-Batanes o Ivatan
Palangga – mahal, iniirog, sinta
John Nicko Carlo S. Castillo SETYEMBRE 1, 2020
BSCE 2-A
Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Banas – mainit, maalinsangan, pagkayamot


Batok – tradisyonal na paraan ng pagta-tattoo mula sa Kalinga
Dugyot – marumi
Kalipay – ligaya, saya, tuwa
Magayon – maganda, kaakit-akit
Ambot – ewan, hindi ko alam

 Creole
Kasama rin sa Barayti ng wika ang pagkakahalo ng wika o salita ng mga
indibidwal mula sa magkaibang lugar o bansa. Ang tawag dito ay creole. Nag-umpisa
raw ang konsepto ng mga wikang creole noong ika-17 hanggang ika-18 siglo kung saan
laganap ang pagsakop sa iba’t ibang bansa. Sa Pilipinas, ang wikang Kastila ang
pinakamaimpluwensiya sa lahat dahil 333 taon tayong nasakop ng mga ito. Nagkaroon
pa nga ng isang wikang lokal na halaw sa pinagsamang wikang Tagalog at Kastila, ang
Chavacano na sinasalita sa ilang bahagi ng Cavite at Zamboanga.

Halimbawa ng Creole
Mga kataga at pangungusap sa wikang Chavacano

“De donde lugar tu?” (Taga-saan ka?)


“Adios!” (Paalam)
“Buenos dias!” (Magandang umaga!)
“Buenas noches.” (Magandang gabi.)
“Mi nombre?” (Ang pangalan ko?)
“Gracias!” (Salamat)
“Nada!” (Wala)
“Habla usted Chavacano?” (Nagsasalita ka ba ng Chavacano?)
“Ama yo contigo” (Ganito kita kamahal)
“Cuanto este?” (Magkano ito?)
John Nicko Carlo S. Castillo SETYEMBRE 1, 2020
BSCE 2-A
Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

 Pidgin
Mayroon namang Barayti ng wika na walang pormal na estruktura. Tinatawag na
pidgin ang mga wikang ginagamit ng dalawang indibidwal mula sa magkaibang bansa
upang magkaintindihan. Kung sa salitang kolokyal, masasabing ang ganitong usapan ay
‘maitawid lamang,’ Tinagurian din ang pidgin bilang “nobody’s native language ng mga
dayuhan. Itinuturing din ito bilang ‘make-shift’ language o wikang pansamantala
lamang. Gayunman, kahit na kulang-kulang ang mga ginagamit na salita at
pandugtong, nananatiling mabisa ito sa pagtatalastasan ng dalawang tao mula sa
magkaibang lahi.

Maituturing na pinakatanyag na halimbawa ng pidgin ay ang English carabao ng


mga Pilipino o pagsasalita ng wikang English nang hindi tuwid o hindi wasto. Isa ring
halimbawa ay ang barok na Filipino ng mga Chinese na naninirahan sa bansa.

Halimbawa ng Pidgin
“You go there… sa ano… there in the banyo…” (English carabao)
“Ako benta mga prutas sa New Year para swerte.” (Chinese na sumusubok mag-
Filipino)
“What’s up, madrang piporrrr…” (Koreanong si Ryan Bang sa kaniyang programa)
“Ikaw bili sa kin daming tikoy…” (Chinese na sumusubok mag-Filipino)
“I am… you know!” (English carabao)
“Ako wara masamang barak… / Ako walang masamang balak…” (Japanese na
nagta-Tagalog)
“Ako punta kwarto wag na ikaw sama…”
“Ako lugi na wag ka na tawad…”
“Are you foreigner? Where?”
“Don’t me. Don’t us…”
John Nicko Carlo S. Castillo SETYEMBRE 1, 2020
BSCE 2-A
Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

 Register
May mga uri naman ng wikang ginagamit lamang sa isang partikular o
espisylaisadong domain. Ang Barayting ito ay tinatawag na register. May tiyak na
pakahulugan ang mga salitang ginagamit dito na tanging ang mga taong kabilang sa
isang partikular na pangkat lamang ang nakaiintindi o nakauunawa. May tatlong uri ng
dimensyon ang Barayting register.

Field o larangan – ito ay tumutukoy sa larangan o kabuhayan ng taong


gumagamit nito. Masasabi ring ang ‘jargon’ ng mga larangan o field ay kasama sa
dimensyong ito
Mode o modo – nababatid kung paano isinagawa ang komunikasyon
Tenor – nakaayon naman ito sa relasyon ng mga gumagawa ng komunikasyon o
pag-uusap
Halimbawa ng Register
ENT (ears, nose, and throat) – medical jargon
MSMEs (micro small medium enterprises) – business jargon
AWOL (absence without leave) – military jargon
Wer na u, dito na me? – paraan ng pagte-text ng mga Pilipino
Hu u? txtbak – paraan ng pagte-text ng mga Pilipino
Lowbat na me – paraan ng pagte-text ng mga Pilipino
Erpats, alaws na tayo makain. – mga salitang binabaligtad
OOTD (outfit of the day) – internet jargon
BP (blood pressure) – medical jargon
p4saLod n@m4n pl3ase!! – paraan ng pagte-text ng mga Pilipino

Ang pagkakaiba o Barayti ng wika ay maaring maging daan ng pagkakaunawaan


at pagkakasalungat ng mga taong gumagamit ng wika. Ang mahalaga ay matutuhunan
ng bawat isa na galangin ang pagkakaiba dahil salamin ito na ang wika natin ay
mayaman at dinamiko.
John Nicko Carlo S. Castillo SETYEMBRE 1, 2020
BSCE 2-A
Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Pinagkunan:https://wika101.ph/barayti-ng-wika/
Introduksiyon Gawain 2: Punla Likha

Ipakilala ang sumusunod at ilahad ang kanilang nagawa na may kinalaman sa mga
isyung pangwika:

1. G. Virgilio S. Almario

Si Virgilio Senadrin Almario ang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino o


KWF at Alagad ng sining sa Literatura. Siya ay kilala sa taguring ‘Rio Alma’, isa syang
manunula, manunulat, kritiko, tagasalin ng wika, guro at tagapamahalang kultural.

Napakalaki ng ambag ni Almario sa Wikang Pambansa at higit sa literatura ng


Pilipinas. Napakarami nyang naisulat kabilang ang Pag-Ibig ni Lam-Ang na umakit sa
mga mambabasa at nagbukas ng isip ng napakaraming Pilipino upang mahalin ang
sariling wika.
Pinagkunan:mga babasahin sa google.com ukol kay G. Almario

2. Gng. Gloria Arroyo

Bukod sa talamak na korapsyon nung panunungkulan nya bilang pangulo, naging


kontrobersyal na pangulo ng bansa si Arroyo dahil sa paglalabas nya ng Ehekutibong
Utos bilang 210 na may ngalang Pagtatatag ng Patakaran Upang Palakasin an Paggamit
ng Wikang Ingles Bilang Pangalawang Wika sa Sistemang Pang-Edukayon.

Bakit ito ang ninais ni Gng. Arroyo, ano ang kaniyang naging batayan sa pag-
uutos na palakasin ang Ingles bilang wikang panturo? Ito ang katwiran. Mahina sa
Ingles ang mga estudyante, ayon sa taya ng noo’y Pangulo. Nagulat siya nang
malaman na maraming bakanteng trabaho sa mga call center ang di napupunuan
dahil bumagbagsak sa eksaminasyon sa Ingles ang mga aplikante. Dagdag pa niya,
Ingles at wika ng Information at Communication Technology o ICT. Ang solusyon ng
Pangulo sa problema ay ang agarang pagpapalakas sa Ingles bilang wikang panturo.
John Nicko Carlo S. Castillo SETYEMBRE 1, 2020
BSCE 2-A
Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Ang naging hakbang na ito ng noo’y Pangulong Arroyo ay itinuturing na hindi


makatwiran. Ito ay dahil sinalaula nito ang konstitusyong pangwika upang tugunan
ang trabaho sa mga call center. Ang pangangailangan sa mga kababayan nating
mahusay mag-Ingles para punan ang mga posisyon sa mga call center ay
pansamantala at limitado lamang. Dahil ang totoo, may 40,000 hanggang 60,000
trabaho lamang ang naghihintay sa mga call center. Hindi makatwirang ibatay ang
patakarang pangwika ng buong sistemang pang-edukasyon sa kakarampot na
trabaho lamang.

3. Dr. David Michael M. San Juan


Ika-3 ng Oktubre, 2011, nilantad ang plano ng gobyerno na pagbabawas ng mga
asignatura sa Kolehiyo sa pagtataguyod ni Dr. David Michael M. San Juan, convenor
ng Tanggol Wika, Associate Professor, Departamento ng Filipino, De La Salle
University-Manila at sinimulan ang pagpapalaganap ng isang petisyon na may
layuning “urging the Commission on Higher Education (CHED) and Department of
Education (DepEd) to consider issuing an immediate moratorium on the
implementation of the senior high school/junior college and Revised General
Education Curriculum (RGEC) Components of the K to 12 Program which might cause
the downsizing or even abolition of the Filipino departments in a number of
universities (other departments would surely be downsized too).”

4. Dr. Aurora Batnag


Sa pagtataguyod ni Dr. Aurora Batnag, dating director sa Komisyon ng Wikang
Filipino (KWF), pinagtibay ng mga gurong delegado sa isang Pambansang Kongreso ng
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) ang isang
resolusyon hinggil sa “Pagtiyak sa Katayuang Akademiko bilang Asignatura sa Antas
Tersyaryo”. Humigit kumulang 200 guro ang nakipagkaisa sa hangaring ito.

5. Dr. Antonio C. Contreras


John Nicko Carlo S. Castillo SETYEMBRE 1, 2020
BSCE 2-A
Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Sa pagtataguyod nina Dr. David Michael M. San Juan, convenor Tanggol Wika at
Dr. Antonio Contreras at paglahok ng mga guro, napagkasunduan sa diyalogo na
muling sumulat sa CHED ang mga guro upang pormal na i-recovene ang Technical
Panel/Technical Working Group sa Filipino at ang General Education Committee,
kasama ang mga kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit ng pagkakaroon ng
asignaturang Filipino sa antas tersyarya.

Introduksiyon Gawain 3
Gawaing Interaktibo: Gapas-Dunong

Pumili ng dalawa mula sa bilang 1-5. Magbigay ng sariling karanasan at/o obserbasyon
batay sa paggamit ng Wikang Filipino sa:

1. Lugar umpukan
2. Paaralan
3. Pamilihang bayan
4. Paradahan
5. Kapilya/simbahan

Kapilya/simbahan
Bagaman hindi ako madalas magsimba, isang obserbasyon na napansin ko ay ang
pagpapanatili ng wikang Filipino bilang wikang ginagamit sa mga dasal, orasyon at iba pa.
Marapat na panatilihin ang mga ganitong gawain upang mas mapaglinang ang kulturang
namana pa natin sa ating mga ninuno. Bagaman may halo ng ingles ang mga sermon ng mga
pari, pinapanatili pa ring Filipino ang wika sa pangkabuuan ng misa.

Paradahan
John Nicko Carlo S. Castillo SETYEMBRE 1, 2020
BSCE 2-A
Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Karamihan sa mga wikang ginagamit ng mga pasahero at drayber ay may halong


Kastila. Lalong lalo na sa uspang pamasahe. ‘bente, trenta’ imbes na dalawanpu, tatlumpung
piso. At dito mo rin maoobserbahan ang etnolek ng lugar katulad nalang ng paggamit ng
‘ga’/’baga’ ng mga taga San Jose, Occidental Mindoro at ‘ika’ ng mga taga bahaging norte ng
Mindoro.

Introduksiyon Gawain 4: Gawaing Intergratibo

Panuto: Buuin ang concept map ukol sa iba’t ibang isyung pangwika. Tukuyin ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.

Wikang
MgaFilipino
Isyung Pangwika Noong taong 1934, nagtawag ng isang konstitusyunal na kumbensyon at ang isa sa kanilang pinagtalunan
1934 ay kung ano ang itatatag na wikang pambansa. Nagkaroon ng pagtatalo, wikang katutubolaban sa wikang ingles.
CONVEN- Subalit tinaguyod ni Lope K. Santos ang wikang katutubo sa pamamagitan ng paglalagay ng pamantayan na dapat ang
TION N
wikang pambansa ay ibatay sa wikang umiiral.

Naging kontrobersyal na pangulo ng bansa si Arroyo dahil sa paglalabas nya ng Ehekutibong Utos
bilang 210 na may ngalang Pagtatatag ng Patakaran Upang Palakasin an Paggamit ng Wikang Ingles Bilang
EO 210 Pangalawang Wika sa Sistemang Pang-Edukayon.Bakit ito ang ninais ni Gng. Arroyo, ano ang kaniyang naging
batayan sa pag-uutos na palakasin ang Ingles bilang wikang panturo? Ito ang katwiran. Mahina sa Ingles ang mga
estudyante, ayon sa taya ng noo’y Pangulo.

Inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa
CHED antas tersarya sa ilalim ng K to 12:”Understanding the Self; Readings in Philippine History; The Contemporary World;
MEMO Mathematics in the Modern World; Purposive Communication; Art Appreciation; Science, Technology and Social
NO.20 Ethics.” Kumpirmadong walang asignaturang Filipino sa planong kurikulum ng CHED sa ilalim ng K to 12.
John Nicko Carlo S. Castillo SETYEMBRE 1, 2020
BSCE 2-A
Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Ang mga nakatalang isyung Pangwika sa itaas ay mga naging suliranin na hinarap ng
ating bansa upang makamit ang pagkakabuklod bukld ng napakaraming dayalekto sa Pilipinas.
Ang pagkakaiba iba laang nila ay ang mga taong kabilang at mga taon kung kailan nangyari.
Ngunit ang pagkakapare parehas ng bawat isa ay nalampasan ito ng ating bansa at ngayon ay
may iisang wika.

Introduksiyon Gawain 5: Sipok Kamalayan

May Pamimilian: Piliin sa pamilian ang tinutukoy o itinatanong sa bawat aytem. Isulat sa
Panggawaing Notbuk ang iyong sagot (15pts.)

*ang mga salitang may markang ganito ang aking sagot.

1. Ito ay integral na bahagi ng tao pagkapanganak niya.


a. wika c. komunikasyon
b. liwanag d. salita
2. Ito ang kahulugan ng CHED.
a. Commission on Higher Education Department
b. Commission on Higher Education
c. Committee on Higher Education
d. Commission on Higher Evolution of Education
3. Siya ang tagapangulo ng CHED na nagpatibay sa CHED Memo. No. 20,s. 2013.
a. Patricia Soledad c. Arthur S. Casanova
b. Virgilio S. Almario d. Prospero De Vera
PATRICIA LICUANAN
John Nicko Carlo S. Castillo SETYEMBRE 1, 2020
BSCE 2-A
Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

4. Siya ang kasalukuyang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino.


a. Patricia Soledad c. Arthur S. Casanova
b. Virgilio S. Almario d. Prospero De Vera
5. Alin sa mga bansang nasa ibaba ang hindi niyakap ang wika ng bansang sumakop sa
kanila?
a. Mexico b. Bolivia c. Angola d. Indonesia
6. Aling katutubong wika ng Filipinas ang liyamado noong 1934 kumbensyong
konstitusyon?
a. Sebwano b. Bikol c. Tagalog d. Ilokano
7. Anong trabaho ang nag-udyok kay Gng. Arroyo para ilabas ang Executive Order Blg.
210 na may pamagat na”Establishing the Policy to Strengthen the use of English as a
Second Language in the Educational System”?
a. Care giver b. call center c. construction worker d. teacher
8. Anong House Bill ni Gng. Arroyo ang nakahain sa Kongreso na itinuturing na Anti-
Filipino?
a. House Bill No. 5094 c. House Bill No. 5092
b. House Bill No. 5093 d. House Bill No. 5091
9. Siya ang convenor ng Tanggol Wika na nagpasimuno sa petisyon na may layuning
ipahinto ang Implementasyon ng Revised General Education Curriculum (RGEC)
Components ng K to 12.
a. Dr. David Michael San Juan c. Dr. Aurora Batnag
b. Dr. Bienvenido Lumbera d. Dr. Fanny Garcia
10. Petsa nang ilabas ng CHED ang CMO No. 20,s. 2013.
a. Agosto 29, 2012 c. Hunyo 28,2013
b. Disyembre 7,2012 d. Mayo 31, 2013
11. Siya ang nanguna sa resolusyon hinggil sa pagtiyak sa katayuang akademiko ng
Filipino bilang asignatura sa antas tersarya.
a. Dr. David Michael San Juan c. Dr. Aurora Batnag
b. Dr. Bienvenido Lumbera d. Dr. Fanny Garcia
12. Siya ay isa sa mga Tagapagsalita sa konsultatibong forum sa DLSU na itinuturing na
John Nicko Carlo S. Castillo SETYEMBRE 1, 2020
BSCE 2-A
Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

de- kalibre dahil sa siya ay Alagad ng Sining.


a. Dr. David Michael San Juan c. Dr. Aurora Batnag
b. Dr. Bienvenido Lumbera d. Dr. Fanny Garcia
13. Ito ang petsa kung kailan nagsampa na ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika
sa pangunguna ni Bienvenido Lumbera.
a. Abril 15, 2015 c. Hulyo 4, 2014
b. Hunyo 16, 2014 d. Hunyo 21,2014
14. Petsa kung kailan nabuo at naitatag ang Tanggol Wika.
a. Abril 15, 2015 c. Hulyo 4, 2014
b. Hunyo 16, 2014 d. Hunyo 21,2014
15. Noong Hunyo 2, 2014 ay nabigyan ng pagkakataong makipagdiyalogo sa dalawang
komisyoner ng CHED ang mga tagapagpataguyod ng wika para pag-usapan ang
hinggil sa Memo Order No. 20, s. 2013. Ito ay sa pamamagitan ng inisyatiba ni:
a. Dr. David Michael San Juan c. Dr. Antonio Contreras
b. Dr. Bienvenido Lumbrera d. Prop. Marvin Lai

You might also like