You are on page 1of 14

Mga Isyung

Pangwika
Una
ang napagkaisahang pasiya sa 1934
Kumbensiyong Konstitusyon na pumili ng
katutubong wika upang pagbatayan ng Wikang
Pambansa ay produkto ng Nasyonal kontra
Konlonyaista.
Tagalog ang nais ng karamihang delegado sa
Kumbensiyon dahil ito ay liyamado ngunit
sinalungat ito ng mga delegado ng Cebuano at
Ilokano.
Ikalawa
ang paglapastanganan ng Gng. Arroyo sa
wikang Filipino. Noong nasa posisyon siya bilang
pangulo ng ating bansa ay inilabas niya ang
Executive Order 210 na may pamagat na
“Establishing the Policy to Strengthen the use of
English as a language in the Education System”.
Nilalayon ng naturang EO na palakasin ang Ingles
sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas
maraming oras sa paggamit nito bilang wikang
panturo, bagay na kinuwestiyon sa Korte Suprema
noong Abril 27, 2007.
Ilan sa pinakamahahalagang isinasaad ng EO
210 ay ang mga sumusunod:
…ang wikang Ingles ay ituturo bilang
pangalawang wika sa lahat ng antas ng sistema
ng edukasyon, simula sa unang baitang.
…ang wikang Ingles ay nararapat gamitin bilang
midyum sa pagtuturo ng asignaturang English,
Math at Science hanggang sa ikatlong baitang.
… ang wikang Ingles ay ay gagamitin bilang
pangunahing wika sa pagtuturo sa lahat ng
institusyong pampubliko sa antas sekundarya.
… at bilang pangunahing midyum sa
pagtuturo, ang bilang ng oras na ilalaan sa mga
asignaturang ituturo sa Ingles sa antas
sekundarya ay hindi bababa ng 70 kabuuang
oras na inilaan sa lahat ng larangan ng
pagkatuto.
… ang wikang Filipino ay mananatiling
midyum ng pagtuturo sa asignaturang Filipino
at Araling Panlipunan.
Ikatlo
ang panukalang pagpaslang ng Commission
on Higher Education sa Filipino, Panitikan, at
Philippine Government and Constitution bilang
asignatura sa kolehiyo.

• Taong 2011
October 3, 2011-inilantad ang plano ng
gobyerno na pagbabawas ng mga asignatura sa
kolehiyo sa pagtaguyod ng Dr. David Michael
M. San Juan, convenor ng Tanggol Wika.
• Agosto 29, 2012
Sa isang presentasyon ay inilahad ni DepEd
Secretary Tonisito Umali na walang asignaturang
Filipino sa bagong Revised General Education
Curriculum.
• Disyembre 7, 2012
Sa pamumuno no Prop. Ramilito Correa,
tagapangulo ng Filipino sa DLSU inilibas ang
“Posisyong Papel sa Bagong CHED Curriculum” na may
pamagat na “Isulong ang ating Wikang Pambansang
Filipino ,Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng
Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino sa Larangan at
Asignaturang may mataas na Antas ”
• Mayo 31, 2013
Sa pagtataguyod ni Dr. Aurora Batnag, dating
direktor sa KWF pinagtibay ng gurong delegado ang
isang resolusyon hinggil sa “Pagtiyak sa Katayuang
Akademiko bilang Asignatura sa Antas Tersyarya”.
200 na gouro ang nakipagkaisa sa hangarin.
• Hunyo 28, 2013
Inilabas ng CHEd ang CMO no. 20, series of 2013
na nagtakda ng bagong kurikulum sa antas
tersyarya sa ilalim ng K to 12. Kumpirmadong
walang asignaturang Filipino sa sa Kurikulum ng
CHED sa ilalim ng K-12.
• Marso 3, 2014
Pagbuo ng panibagong liham-petisyon na naka-
adress sa CHEd ng iba’t ibang samahang ng
Pangkaguran ng mga Filipino ng iba’t ibang
Unibersidad.
• Mayo 23, 2014
Pinagtibay ng National Commission on Culture ang
the Arts- National Commission on Language and
Translation ang isang resolusyon na humihingi sa
CHEd, kongreso at senado na agarang magsagawa ng
hatol upang isama sa bagong general education sa
tersyarya ang mandatory na 9 yunit ng asignaturang
Filipino.
• Hunyo 20, 2014
Inilabas ng KWF ang kanilang kapasyahan blg,
14-26 serye ng 2014 na nagpapatibay sa
pagtuturo ng 9 yunit sa tersyarya.
• Hunyo 2, 2014
Sa inisyatib ni Dr. David Michael M. San Juan
ay nakipagdiyalago siya sa dalawang komisyoner
ng CHED na sina Comm. Alex Brillantes at
Comm. Cynthia Baustista
• Hunyo 21, 2014
Nabuo ang Tanggol Wika sa isang Konsultatibong
forum sa DLSU-Manila na nilahukan 500 na delegado.
Bienvenido Lumbrero, isang national artist;
pangunahing tagapagsalita sa forum
• Hulyo 4, 2014
nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa
naisin ng Tanggol Wika
• Agosto 2014
Inilabas ang dokumentaryong “Sulong Wikang
Filipino” at “Sulong Wikang Filipino: Edukasyon
Filipino, Para Kanino?”
• Setyembre 2014
Inilabas ang dokumentaryong “Sa Madaling Salita:
Kasaysayan at Pagunlad ng Wikang Pambansa”
• Abril 15, 2015
Nagsampa ng kaso ang Tanggol Wika sa Korte
Suprema laban sa CHED
• Abril 21, 2015
halos isang linggo matapos ang pagsasampa ng
kaso ay kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol
Wika sa pamamgitan ng paglalabas ng Temporary
Restraining Order
• Hulyo 18, 2016
lumabas ang CHED Memo na paksang “Clarification on
the Implementationof CHED Memorandum Order No, 20
Series of 2013 Entitled “General Education Curriculum;
Holistic Understandings, Intellectual and Civic
Competencies”.
• Setyembre 23, 2016
Sa pamumuno ng Departamento ng Filipinolohiya ng
PUP na punamumunuan ni Prop. Marvin Lai, tumulong ang
Tanggol Wika sa pagbubuo ng kapatid na organisasyong
Alyansa ng mga tagapatanggol ng Kasaysayan na
naglalayon namang itaguyod ang panunumbalik ng
asignaturang Philippine History sa Hayskul.
• Hulyo 11, 2017
Lumabas ang isang memorandum ng tagapangulo ng
CHED na may paksang “Clarification on the Offering of
Filipino courses in All Higher Education Programs” na
hindi naman nila gaanong pinapalaganap.
• Agosto 9, 2017
natanggap ng Tanggol Wika ang isang “manifestation
and motion” sa Suprema ng Office of the Solicitor
General
• Agosto 25, 2017
Pormal na itinatag sa PUP ang Kilos na para sa
Makabayang Edukasyon.

You might also like