You are on page 1of 1

CANTADA, Carlo Lopez January 6 2020

Speak In English Zone

1. Sariling interpretasyon ang awit

Sinasabi ng awit na to kung paano naimpluwensyahan ang mga Filipino ng iba’t-ibang


kultura ng mga dayuhan. Marahil kolonyalismo ang isa sa mga naging impluwensya, meroon
pa rin namang ibang naging impluwensya katulad ng cultural appropriation.

2. Sariling opinyon ninggil sa awit

Dahil nga sa mga nasabing impluwensya, tila pakaunti-kauting nawawala ang


pagpapahalaga ng ibang Filipino sa sarili nitong kultura.

3. Bilang kabataan, ang masasabi ko sa awit

Wala namang masama sa pag-angkop ng ibang kultura sapagkat ang mismong kulturang
Filipino ay pinaghalo-halong kultura na nagaling sa mga dayuhan naka-impluwensya rito bago
pa man ang kolonyalismo ng kastila; gayunpaman, sapagkat may sarili ng pagkakakilanlan ang
kulturang Filipino, dapat itong pangalagaan ng mga nasasakupan.

4. Makakatulong ba ang nilalaman ng awit sa pag-unlad ng wikang pangatwiranan?

Oo sapagkat ito ay nagsisilbing paalala na pahalagahan, hindi lamang ang wikang Filipino,
kung hindi mismong ang kulturang Filipino rin. Ang awit ay naglalahad base sa mga paktwal
na pag-angkop natin sa ibang kultura habang nakakalimot sa sariling atin. Sa tulong nito,
maaari tayong makapag-simula ng kamalayan.

5. Kalagayan ng ating wika kung hindi tayo sinakop ng mga dayuhan

Maaaring baybayin pa rin ang gamit sa pang araw-araw na kagamitan ngunit makaka-angkop
pa rin tayo ng ibang wika katulad ng wikang ingles; hindi nga lang ito magsisilbing pundasyon
ng ating politika, ekonomiya at edukasyon katulad ng nasabi sa awit.

You might also like