You are on page 1of 3

Barayti ng mga wika

 Tumutukoy sa pagkakaiba-ba o pagiging katangi-tangi ng uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa


bansa. Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng mga salita.
 Nagkaroon ng barayti ng wika ayon sa pagkakaiba ng bawat indibidwal at ng grupong kanilang
kinabibilangan, interes, lugar ng kanilang kinalalagyan

Diyalekto
 Ang diyalekto naman ay baryasyon ng wika. Ito rin ang ginagamit ng particular na grupo ng mga taon
(Tagalog Bulakan at Tagalog Tayabas)

Dayalek
1. Dayalek na tempora – batay sa panahon
2. Dayalek na sosyal – batay sa katayuan
3. Dayalek na heograpiko – batay sa espasyo

Idyolek (laging nababanggit)


 May pekyularidad (natatangi) sa pagsasalita ng isang indibidwal
 Ito ang bukod-tanging wika na ginagamit ng isang indibidwal
 Ito ay nakagawiang pamamaraan ng pagsasalita ng indibidwal o ng isang pangkat ng mga tao na
gumagawa ng isang kamon na wika
 Ito ay pansariling paraan o istilo sa pagsasalita na makikita ang katangiang natatangi sa isang tao
Halimbawa:
 Marc Logan – paggamit ng mga magkakatugmang salita
 Mike Enriquez – “Hindi namin kayo tatantanan!!!”
 Noli De Castro – “Magandang Gabi, Bayan!”
 Ted Failon – “Hoy, GISING!!!”
 Arnorld Clavio – “Mga KAIGAN!”
 Jessica Soho – “Di umano…”
 Ruffa Mae Quinto – “Todo na ‘to!”
 Korina Sanchez – “Handa na ba kayo?”
 Kris Aquino – “Aha, ha, ha. Okey! Darla!”
 Kim Atienza – “Ang buhay ay weather weather lang.”
Sosyolek
 Barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal
 Wikang ginagamit ng bawat particular na grupo ng tao sa lipunan. Maaaring ang grupo ay nagkakaiba
ayon sa edad, kasarian, uri ng trabaho, istatus sa buhay, uri ng edukasyon, atbp.
 Nakilala ang iba’t ibang barayti ng wika sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na
gumagamit ng wika
Halimbawa:
 Wiz ko feel ang mga hombre ditech, Day!
 Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
 Kosa, pupuga na tayo mamaya.
 Girl, bukas nalang tayo magschooling. Magmalling nalang muna tayo ngayon.
 Pare, punta muna tayo mamaya sa Mega. Mejamming dun, e.
 Oh My God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
 Sige ka, jujumbagin kita! (Sige ka, bubugbugin kita!)
 May amats na ako ‘tol! (May tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing na ako
kaibigan/kapatid)
 Wa facelak girlash mo (Walang mukha o otsura ang gelpren mo o kaya ay pangit ng gelpren mo)
 Repapis, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
a. Jejenese,Bekinese- wika
b. Jejemon, Bekimon- tao

Etnolek
 Barayti ng wika na ginagamit ng ating mga katutubo
 Animo’y mga salitang ibon
 Barayti ng wika na inilalarawan bilang wikang unti-unti nang namamatay

Halimbawa: 10. Kadaw la Sambad – Diyos ng mga Araw


(T’boli)
1. Tohan – tawag sa Diyos (Maranao)
Iba pang halimbawa:
2. Tekaw – nabigla o nagulat (Maranao)
1. Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga
3. Solutan – sultan (Maranao) Ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon
4. Tepad – baba ka ng sasakyan (Maranao) ng tag-init at tag-ulan

5. Munsala – tawag sa sayaw (Ifugao) 2. Butanon – ibig sabihin ay full moon

6. Mohana – salamat (Ifugao) 3. Laylaydek Sika – salitang “Iniirog kita” ng mga


grupo ng Kankanaey ng Mountain Province
7. Marikit – maganda (Ifugao)
4. Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
8. Oha – isa (Ifugao)
5. Kalipay – tuwa, ligaya, saya
9. Kadal Herayo – sayaw sa kasal (Kalinga,
Apayao)
Paggamit ng mga ibaloy sa SH sa simula, gitna, at dulo ng salita tulad ng shuwa (dalawa), sadshak
(kaligayahan), penshen (hawak)
Ekolek
 Ito ang wika na ginagamit na sinasalita sa tahanan.
 Kilala bilang mother tongue, unang wika, inang wika
 Ang ekolek ay pabago-bago at lalong dumadami sa paglipas ng panahon.
Halimbawa:
 Ama/Ina – pudra o mudra, papshie o  Lola/Lolo – thunders o oldies
mumshie  Palikuran – banyo
 Kaibigan – beshie, kabagang, katoto,  Pahingahan – kwarto
dabarkads  Pamingganan – lagayan ng plato
 Tatay – erpat

Pidgin (kulang kulang ang salita)


 Wikang ginagamit kung ang kausap ay isang dayuhan o mayroong ibang wika
 Gumagamit ng “make shift” o pansamantalang wika
 Inilalarawan bilang “Nobody’s Native Language”
Halimbawa:
 Ikaw bili ako bigay diskawnt  Kayo bili alak akin
 Ako kita ganda babae  Ikaw aral buti para taas grado
 Ako tinda damit maganda

Creole
 Tumutukoy sa wikang pinaghalo mula sa magkaibang wika na naging opisyal na wika ng isang
partikular na lugar
Wikang Chavacano (Wikang Filipino + Wikang Espanyol)
Halimbawa:
 Mi nombre? – ano pangalan mo?  Di donde lugar to? – taga saan ka?

Register ng Wika
Francis 2006
 Ang register ng wika ay tumutukoy sa gamit ng wika sa isang partikular na Gawain kung saan ang
wikang ginagamit ay natatangi sa kanila bilang bahagi ng kanilang gawi
 Ang salita ay maaaring magkaroon ng isang kahulugan lamang dahil eksklusibo itong ginagamit sa
isang tiyak na disiplina
 Maaaring magkaroon ng dalawa o higit pang kahulugan dahil sa dalawa o higit pang disiplina
 Iisang kahulugan lamang dahil sa dalawang magkaibang disiplina gawa ng pagkakaroon ng ugnayan
ng dalawang disiplinang ito

You might also like