You are on page 1of 27

Mga Antas ng Wika

Ang Dalawang Kategorya sa Antas ng Wika:


1. Pormal
a. Pambansa
b. Pampanitikan o Panretorika
2. Impormal
a. Lalawiganin
b. Kolokyal
c. Balbal
1. Pormal

Ito ang mga salitang estandard dahil


kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit
na nakararami lalo na sa mga nakapag-aral
ng wika.
Pormal na Antas:

a. Pambansa
Ito ang mga salitang karaniwang
ginagamitsa mga aklat pangwika/pambalarila
sa lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang
kadalasang ginagamit sa pamahalaan at
itinuturo sa mga paaralan.
b. Pampanitikan o Panretorika

Ito naman ang mga salitang


ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang mga akdang pampanitikan. Ito
ang mga salitang kadalasang matatayog,
malalalim, makukulay at masining.
Halimbawa:

O Pag-ibig! Kailan ka pamamasid?


O Langit! Kailang ka makakamit?

Di gaano kaya ang paghinagpis


ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?
2. Impormal

Ito ang mga salitang karaniwan,


palasak, pang-araw-araw na madalas
ginagamit sa pakikipag-usap sa mga
kakilala o kaibigan.
Impormal na Antas:

a. Lalawiganin

Ito ang mga bokabularyong diyalektal.


Ginagamit ang mga salitang ito sa mga
partikular na pook o lalawigan lamang.
Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng
kakaibang tono at punto.
b. Kolokyal

Ito’y mga pang-araw-araw na salita na


ginagamit sa mga pagkakataong impormal.
Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang
salita lalo na sa mga pasalitang
komunikasyon ay kabilang sa antas na ito.
Mga Halimbawa ng Kolokyal (Pagpapaikli):

Kailan – Kelan
Mayroon – Meron
Ganoon – Ganun
Paano – Pa’no
Nasaan – Nasa’n
Huwag – ‘wag
3. Balbal
Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa
mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga
ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng
sariling codes.
Ito ang pinakamababang antas ng wika.
Bagama’t may mga antas-bulgar din na higit
pang mababa. (Halimbawa ang pagmumura
at salitang may kabastusan)
Halimbawa ng mga Salitang Balbal:
Pagpapaikli, Pagbabaliktad at Pagdaragdag:

Sigarilyo – siyo – Yosi


Pantalon – talon – Lonta
Hindi – Dehins
Tama – Amats
Wala – Alaws
Hiya – Yahi – Dyahi
Pare – repa – Repapips
Short Time - Syota
Papantig:
Pulis – lespu
Kotse – tsikot
Tigas – astig

Panghihiram:
Security – sikyo
From the province – promdi
Brain damage - brenda
Ang Barayti ng Wika
Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa
pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at
grupo, maging kani-kanilang tirahan,
interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.
Ang Dalawang Dimensyon ng Baryabilidad
ng Wika:

1. Dimensyong Heograpiko

2. Dimensyong Sosyal
Dimensyong Heograpiko:

Diyalekto
Ito ang mga wikang ginagamit sa isang
partikular na rehiyon, lalawigan o
pook, malaki man o maliit. Ginagamit
ito sa kapuluan ng ating bansa.
Halimbawa ng mga diyalekto sa Pilipinas:

1. Boholano – Bohol
2. Bicolano – Bicol
3. Cebuano – Cebu
4. Ilonggo – Bacolod/Iloilo
5. Maranao – Marawi
6. Chavacano – Zamboanga
7. Ilocano - Ilocos
Makikilala rin ang Diyalekto hindi lamang sa
pagkakaiba ng mga salita kundi maging sa
punto o tono at sa estraktura ng
pangungusap.

Maynila – Aba, ang ganda!


Batangas – Aba, ang ganda eh!
Bataan – Ka ganda ah!
Rizal – Ka ganda, hane!
Dimensyong Sosyal

Sosyolek

Ito ang tawag sa barayting nabubuo sa


dimensyong sosyal. Tinatawag itong
sosyal na barayti dahil nakabatay ito sa
mga pangkat sa lipunan.
Halimbawa:

1.Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!


2. Wow pare, ang tindi ng tama ko!
Heaven!
3. Kosa, pupuga na tayo mamaya.
4. Girl, bukas na lang tayo mag-lib
(library). Mag-malling muna tayo
ngayon.
Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyonal
na rehistro. Pansinin ang sumusunod na
termino.

hearing exhibit
pleading fiscal
settlement appeal
Disiplinang Accountancy:

account revenue
balance asset
net income credit
gross income
Disiplinang Medisina:

diagnosis emergency
symptom ward
check-up prescription
therapy x-ray
Mga terminolohiya na may ibang kahulugan
sa karaniwan o sa ibang larangan:

Mouse (computer, zoology)


Strike (sports, labor law)
Race (sports, sociology)
Stress (language, psychology)
Server (computer, restaurant management)
Idyolek
Ang tatak o pagkakakilanlan ng isang
indibidwal sa paraan ng paggamit ng wika.
Mike Enriquez
Noli de Castro
Kris Aquino
Ruffa Mae Quinto
Gloria Macapagal Arroyo
Ang Pidgin at Creole

Ang Pidgin ay tinatawag na sa Ingles na


Nobody’s native language. Nagkakaroon nito
kapag ang dalawang magkaibang wika na
walang komong wika ay nagtatangkang
magkaroon ng kumbersasyong makeshift.
Ang Creole naman ay isang wika na
unang naging pidgin at kinalaunan ay
naging likas na wika (nativized).
Nagkaroon nito sapagkat may
komunidad ng mga tagapagsalita ang
nag-angkin dito bilang kanilang unang
wika.

You might also like