You are on page 1of 12

 Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan

ng mga konseptong pang wika

Pangalan :

Baitang at Pangkat :

Contact # at Facebook Name :


MGA BATAYANG KONSEPTONG PANG WIKA

 Kumpletuhin ang kasunod na semantic map. Isulat sa mga bakanteng bilog ang mga maiisip mong salitang
kaugnay ng salitang nasa loob ng panggitnang bilog.

WIKA
A
2
Page

CNHS-Bongabong North Roland Paolo D. Diloy , SHS Teacher II , 09772133284 , rolandpaolo.diloy@deped.gov.ph


“ Wika ang nagdadamit sa kaisipan...
Wika ang kalamnang kasuotan, ang katawan ng kaisipan”
- Thomas Carlyle
 WIKA, KATUTURAN AT KATANGIAN

Ang wika ay maaaring tumutukoy sa kakayahan ng tao na magangkin at gumamit ng mga komplikadong sistemang
pangkomunikasyon, o sa ispesipikong pagkakataon ng nasabing komplikadong sistemang pangkomunikasyon. Bilang isang
pangkalahatang konsepto, ang wika ay tumutukoy sa kognitibong pakulti na nagbibigay-kakayahan sa mga tao upang matuto
at gumamit ng mga sistema ng komplikadong komunikasyon (Wikipedia).
Ang humigit-kumulang sa 3,000 hanggang 6,000 mga wika na sinasalita ng mga tao sa kasalukuyan ang
pinakamahuhusay na halimbawa ng wika bilang isang ispesipikong lingguwistik na konsepto, ngunit ang natural na wika ay
maaari ring nakabatay sa mga biswal na istimulus liban pa sa mga awditibong istimulus, katulad halimbawa ng pasulat na
wika at sign language. Ang mga koda at iba pang uri ng artipisyal na likhang sistemang pangkomunikasyon tulad ng ginagamit
sa computer programming ay tinatawag ding wika.
Ang salitang Ingles na language ay mula sa salitang Latin na lingua na ang ibig sabihin ay dila. Ang metaporikal na
relasyon ng wika at dila ay umiiral sa maraming wika at patunay ito sa historikal na pagkaprominente ng sinasalitang wika.

 Ayon kay Webster (1974), ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng
mga pasulat o pasalitang simbolo.
 Ayon naman kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) sa kanyang papel na What is Language?, wika ang pangunahin at
pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na
nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at
simetrikal na estraktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan.
 Ayon naman kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) sa kanyang papel na What is Language?, wika ang pangunahin at
pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na
nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at
simetrikal na estraktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan.

UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA


1. Ang wika ay masistemang balangkas
Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi
nakaayon sa balangkas na ito.

2. Ang wika ay sinasalitang tunog


Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may
kahulugan. Sa tao, ang pinakamakahulugang tunog na nililikha natin at kung
gayo'y kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat kung hindi man lahat ng
pagkakataon ay ang tunog na sinasalita. Samakatuwid, ito ang mga tunog na
nalilikha ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging
nanggagaling sa baga o ang pinanggagalingang lakas o enerhiya, nagdaraan
sa pumapalag na bagay na lumilikha ng tunog o artikulador at mino-modify
ng resonador.
3
Page

CNHS-Bongabong North Roland Paolo D. Diloy , SHS Teacher II , 09772133284 , rolandpaolo.diloy@deped.gov.ph


3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos
Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin.
Madalas, ang pagpili ay nagaganap sa ating subconscious at magkaminsan ay sa ating conscious na pag-iisip. Bakit
lagi nating pinipili ang wikang ating gagamitin? Ang sagot: Upang tayo'y maunawaan ng ating kausap. Hindi
maaaring ipagpilitan nating gamitin ang isang wikang hindi nauunawaan ng ating kausap. Gayon din ang ating
kausap, hindi niya maaaring ipagpilitan ang wikang hindi natin batid. Tayo, ang ating kausap o ang pareho ay
kailangang pumili ng komong wika kung saan tayo magkakaunawaan.
4. Ang wika ay arbitraryo
Ang bawat wika ay may kani-kaniyang set ng palatanungan, leksikal, gramatikal, na istruktura na ikinaiba sa
ibang wika. Ang mga nabuong mga salita at mga kahulugan ay pinagkasunduan ng mga taong kapangkat sa isag
kultura.
Ang wika ay pinipili at isinasaayos ang mga tunog sa paraang pinagkasunduan sa isang pook o lugar.
5. Ang wika ay ginagamit
Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong
ginagamit. Angisangkasangkapanghindina ginagamitay nawawalan na ng saysay, hindi ba? Gayon din ang wika.
Idagdag pa na kapag ang wika ay hindi na ginagamit, ito ay unti-unting mawawala at tuluyang mamamatay. Ano ang
saysay ng patay na wika? Wala.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura
Paanong nagkaiba-iba ang mga wika sa daigdig? Ang sagot, dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga
bansa at mga pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang
wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng isang wika. Pansinin natin ang pagkakaiba ng
Ingles at Filipino. Ano-ano ang iba't ibang anyo ng ice formations sa Ingles? Ano ang katumbas ng mga iyon sa
Filipino? Maaaring yelo at nyebe lamang. Ngunit ano ang katumbas natin sa iba pa? Wala, sapagkat hindi naman
bahagi ng ating kultura ang glacier, icebergs, frost, hailstorm at iba pa.
7. Ang wika ay nagbabago
Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring di tumangging magbago. Ang isang wikang stagnant ay maaari ring
mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Paano nagbabago ang wika? Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng
mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong
salita. Ang pinakamahusay na halimbawa nito ay ang mga salitang balbal at pangkabataan.

BARAYTI AT REHISTRO NG WIKA


1. Dayalek o Diyalekt
Ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa iba pang
aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Ayon
sa pag- aaral ni Ernesto Constantino, mayroong higit sa apat na raan (400) ang dayalek na ginagamit sa
kapuluan ng ating bansa. Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga
distinct na bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa estruktura ng pangungusap.
Halimbawa:
Maynila - Aba, ang ganda! Bataan - Ka ganda ah!
Batangas - Aba, ang ganda eh! Rizal - Ka ganda, hane!
2. Sosyolek
Ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti
ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang wika ng mga estudyante,
wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat.
Makikilala ang iba't ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na
gumagamit ng wika.
Halimbawa:
a. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!
b. Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
4

c. Kosa, pupuga na tayo mamaya.


Page

d. Girl, bukas na lang tayo mag-lib. Mag-malling muna tayo ngayon.

CNHS-Bongabong North Roland Paolo D. Diloy , SHS Teacher II , 09772133284 , rolandpaolo.diloy@deped.gov.ph


e. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e.

Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro. Tinatawag din itong legal jargon.
Halimbawa:
hearing exhibit court
pleading fiscal justice
settlement appeal complainant

Ang jargon ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.
Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang Accountancy at iba pang kaugnay na
disiplina:
Halimbawa:
account balance gross income
net income debit revenue
asset credit cash flow

3. Idyolek
Ito ang dayalek na personal sa isang ispiker.
May mga salik tulad ng kwaliti ng boses at katangiang pisikal ng isang tao ang nag-aambag sa mga
katangiang ikinaiiba ng kanyang pananalita sa iba, ngunit maraming iba pang panlipunang salik na
nagdedetermina ng idyolek ng isang tao.

4. Pidgin
Ang pidgin ay tinatawag sa Ingles na nobody's native language. Nagkakaroon nito kapag ang
dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang
magkaroon ng kumbersasyong makeshift. Madalas, ang leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang
wika at ang estruktura naman ay mula sa isa pang wika. Madalas na bunga ng kolonisasyon ang barayting
ito ng wika. Pansinin ang pananagalog ng mga Intsik sa Binondo. Ang salitang gamit nila ay Tagalog ngunit
ang estruktura ng kanilang pangungusap ay hango sa kanilang unang wika. Ganito ang madalas na
maririnig sa kanila:
Suki, ikaw bili tinda mura

5. Creole
Ang creole naman ay isang wikang unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika
nativized). Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang
kanilang unang wika.
Pinakamahusay na halimbawa nito ang Chavacano na hindi masasabing purong Kastila dahil sa
impluwensiya ng ating katutubong wika sa estraktura nito. May nagpapalagay ring mas tamang sabihin
ngayon na ang Tok Pisin ay isa nang creole dahil nadebelop na ito lagpas sa una nitong tungkulin.

Halimbawa:

“Bienvenidos!” – Welcome
“Muchisimas Gracias” – Thank you very much
“Buenas Dias; Buenas Tardes; Buenas Noches” -Good morning; Good afternoon; Good evening
5
Page

CNHS-Bongabong North Roland Paolo D. Diloy , SHS Teacher II , 09772133284 , rolandpaolo.diloy@deped.gov.ph


 ANTAS NG WIKA

1. Pormal
 Ito ang mga salitang estandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo
na ng mga nakapag-aral ng wika.
a. Pambansa
 Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/ pambalarila sa lahat ng mga
paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
b. Pampanitikan o Panretorika
 Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito
ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining. Madalas itong
gumagamit ng mga idyoma at/o tayutay.
2. Impormal
 Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-
usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
a. Lalawiganin.
 Ito ang mga bokabularyong dayalektal. Gamitin ang mga ito sa mga partikular na pook o lalawigan
lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil
natural na nila itong naibubulalas. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang
tinatawag ng marami na punto.
b. Kolokyal.
 Ito'y mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Maaaring may
kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari rin itong maging repinado ayon sa
kung sino ang nagsasalita nito. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita lalo na sa mga
pasalitang komunikasyon ay mauuri rin sa antas nito.
Halimbawa:
nasa'n (nasaan), pa'no (paano), sa 'kin (sa akin), sa'yo (sa iyo), kelan (kailan), meron
(mayroon).
c. Balbal.
 Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito upang ang
mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes. Mababang antas ng wika ito, bagamat may mga
dalubwikang nagmumungkahi ng higit pang mababang antas, ang antas-bulgar
Halimbawa nito ay mga mura at mga salitang may kabastusan

PORMAL IMPORMAL
Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Kolokyal Balbal

Ina Ilaw ng tahanan Inang Nanay ermat

Ama Haligi ng tahanan Itang Tatay erpat

Baliw Nasisiraan ng bait Muret , bal-a, buang Sira ulo Praning, me toyo
6
Page

CNHS-Bongabong North Roland Paolo D. Diloy , SHS Teacher II , 09772133284 , rolandpaolo.diloy@deped.gov.ph


Basahin nang tahimik ang kasunod na seleksyon. Pansinin ang mga salitang may salungguhit. Itala ang bawat salita
sa mga kasunod na patlang at tukuyin kung sa aling antas ng wika nabibilang ang bawat isa.

NGONGONG PAG-IBIG
ni Nonoy Marcelo

Wala akong pagsisisi sa nangyari sa akin. Ang mahalaga lang ngayon ay ang mabuhay ang bata at
magkaroon siya ng magandang hinaharap.
Hindi po si Rubia Servios at your service ang making d’martyr's speech here kundi si Dominga “Menggay"
Sancho, (no relation to Nelia, 'ika nga niya), three-time victim ng pag-ibig at nagra-runner-up bilang all-time loser
of the year – o first prize kaya sa Reyna ng Vicks alyas Sapagkat Kami'y Misis Lamang.
Ang pinakahuli pong (1)tadyak ng tadhana at (2)nagpasemplang sa ating bida (3) e naganap two years ago
nang iniwan siya ng kanyang (4)waswit na si Moses for a 60-year-old hostess (opo, sisenta nga ang basa n'yo) ng
Paradise Club sa España. Ito, ayon kay Menggay, ang kasalukuyang sugar mommy ng kanyang absentee husband
Moses.
Kung sa (5) Bibliya man ay si Moses ang (6) sumagip sa mga Hebrews mula sa kanilang (7) pagkakapiit sa Ehipto,
“...ang Moses ko naman ang sumagip sa aking pagkakapreso sa trabaho. Nagsisilbi ako noon bilang (8) katulong
sa isang (9) mayaman ngunit malupit na mag-asawa.” Dahil sa wala na sigurong mapaglibangan ang mag-asawa,
nakagiliwan na nilang pagmumurahin at pagsasabunutan si Menggay sa bawat wrong move ng (10) kawawa. And
so she was liberated by Moses from (11) tsimay to housewife...
(12)'Yon nga lang, walang kaalam-alam ang (13) pobre na ang buhay na kanyang ipinagpalit ay higit pa palang
hawla kaysa (14) nilisan niyang mala Muntinlupang estate ng mag-asawang (15) baliw. Isang taon lang nagsama
ng matamis ang mag- asawang Sancho nang natipuhan nga si Moses ni sisenta-year old hospitality girl. Nag-alsa-
balutan nga ito mula sa piling niya at nang kanilang year-old first-born.
Kasi naman itong si Menggay, (16) e ke daling magayuma ng mga (17) cats na tall, dark, and handsome.
Before the ill-fated lab (18) (u-labo) affair with Moses, dalawa ring (19) TDH ang bumihag sa puso ni Menggay.
Equals tatlong trahedyang pang-Tiya Dely. Kung baga sa ecology, recycle lang ng mga (20) naunsyaming pag-ibig
itong si Menggay. Walang kadala-dala.
So what? Eka nga niya: sa bawat dapa, bangon lang. “Hindi ko naman yata hahayaang pira-pirasuhin ng
ilang lalaki ang buong (21) hinaharap ko. Kung mapahiya kang minsan, di subukan (22) uli. Kung sa pagsisikap ko
man lamang e dapat na yata akong gantimpalaan ng (23) Diyos ng isang lalaking tunay na magpapaligaya sa akin.”
Tama si Menggay. Oo nga't hindi tall, dark, and handsome si Ruding karpintero, pero siya na yata ang “it.”
So far, tipong (24) ordinaryo lang itong (25) istorya natin (26) 'ne po? Ordinaryo, kung ordinaryong tao si
Meggay, kaso, tipong (27) dehins. Opo, may (28) kapansanan si Menggay-tama kayo - ngongo po siya, kung kayat
we can only wish her and Ruding the best of luck.
Sana'y makapagtayo sila ng 'isang (29) bahay na matatawag na hindi hawla kundi isang (30) tahanan.
7
Page

CNHS-Bongabong North Roland Paolo D. Diloy , SHS Teacher II , 09772133284 , rolandpaolo.diloy@deped.gov.ph


SALITA ANTAS
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
8
Page

CNHS-Bongabong North Roland Paolo D. Diloy , SHS Teacher II , 09772133284 , rolandpaolo.diloy@deped.gov.ph


Punan ang kasunod na talahanayan ng iba pang salitang mababanghay sa iba’t ibang antas ng wika. Pansinin at
tularan ang sumusunod na halimbawa.

PORMAL IMPORMAL
Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Kolokyal Balbal
Hal.
a. ina Ilaw ng tahanan Inang Nanay Ermat
b. pulis Alagad ng batas Pulis Pulis Parak, buwaya
c. baliw Nasisiraan ng bait Muret,bal-la,buang siraulo Praning, me toyo

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

11.

12.

13.

14.

15.
9
Page

CNHS-Bongabong North Roland Paolo D. Diloy , SHS Teacher II , 09772133284 , rolandpaolo.diloy@deped.gov.ph


Sumulat ng isang sanaysay na nagpapaliwanag ng iba’t ibang konseptong pangwika. Isaalang-alang ang mga
element ng isang sanaysay. Lagyan ng sariling pamagat. Isulat sa ibaba.

10
Page

CNHS-Bongabong North Roland Paolo D. Diloy , SHS Teacher II , 09772133284 , rolandpaolo.diloy@deped.gov.ph


I. Bilugan ang titik ng tamang salitang makabubuo sa mga sumusunod na pahayag.

1. _______________ ang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasalita o pasulat
na simbolo.
a. wika c. sintaksis
b. diskurso d. kompitens
2. Ang wika ay masistemang balangkas sa sinasalitang _____________.
a. simbolo c. tunog
b. kultura d. sambitla
3. Ang wika ay nagbabago, samakatuwid, ito ay__________________.
a. pinipili c. dinamiko
b. isinasaayos d. kagila-gilalas
4. _____________ ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika.
a. Ponema c. Pangungusap
b. Morpema d. Diskurso
5. _____________ ang tawag sa magkaagham na pagaaral ng mga pangungusap.
a. Balarila c. Sintaksis
b. Gramatika d. Diskurso
6. Ang salitang Ingles na language ay galling sa salitang Latin na lingua na ang ibig sabihin ay ________________
a. dila c. tunog
b. bibig d. salita
7. Ang sinsalitang tunog ay nalilikha ng sa pamamagitan ng _____________________.
a. baga c. bibig
b. babagtingang-tinig d. aparato sa pagsasalita
8. Nagkakaiba-iba ang wika ng mga bansa at mga pangkat dahil sa pagkakaiba-iba na kanilang ________________.
a. edukasyon c. kultura
b. kasaysayan d. bokabularyo
9. __________________ ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
a. Dayalek c. Jargon
b. Sosyolek d. Idyolek
10. __________________ naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal.
a. Dayalek c. Idyolek
b. Sosyolek d. Pidgin

II. Tukuyin ang antas ng wika ng mga sinalungguhitang salita sa loob ng mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang TITIK
ng iyong sagot.

a. Pambansa c. Lalawiganin e. Balbal


b. Pampanitikan d. Kolokyal f. Bulgar

_________11. Ikaw ang ilaw na tumatanglaw sa aking masukal na landas.


_________12. Nangolekta na naman ng mga lagay ang mga buwaya.
_________13. Halina kayo dine.
_________14. Pa’no na tayo ngayon?
_________15. Panatilihin natin ang kapayapaan sa buong daigdig.
_________16. Super sa ganda ang mga chikababes sa NTC.
_________17. Ang sakit sa kasing-kasing ng ginawa mo, Charing!
_________18. Pinarangalan kagabi ang mga ulirang ilaw ng tahanan.
11

_________19. Ang wikang ito ay para sa’kin at para sa’yo.


Page

_________30. Ibang-iba na ang mga mag-aaral ng UST sa kasalukauyan kumpara noon.

CNHS-Bongabong North Roland Paolo D. Diloy , SHS Teacher II , 09772133284 , rolandpaolo.diloy@deped.gov.ph


Sa pamamagitan ng Concept Map, isulat ang natutunan sa araling ito.

12
Page

CNHS-Bongabong North Roland Paolo D. Diloy , SHS Teacher II , 09772133284 , rolandpaolo.diloy@deped.gov.ph

You might also like