You are on page 1of 45

SHS 1103

Grade 11
Senior High School

Tinipon nina:

Argie B. Hifarva Jasper P. Lomtong

Alyssa M. Teodoro Leilani P. Umali


ARALIN 1: MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Mga Kasanayang Pampagkatuto
1. Naiuugnay ang mga koonseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong
pangkomunikasyon sa radio, talumpati, at mga panayam.
2. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
3. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pang
komunikasyon sa telebisyon
4. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga
karanasan.
5. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google at iba pa) sa
pag-unawa sa mga konseptong pangwika

GAWAIN 1
Kung IKAW ang WIKA.
Kung ikaw ang wika, anong mga salita sa iyong palagay ang makapaglalarawan sa iyo.
Gamitin ang mga salitang ito upang makabuo ng isang pangungusap.

WIKA

TALAKAY
ARALIN 1.1 PANIMULANG KONSEPTO SA WIKA, KATANGIAN AT KAHALAGAHAN.

Para kay pambansang alagad ng Sining, Bienvenido Lumebra, parang hininga ang
wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may
kakayahang umugnay sa kapwa natin gumagamit nito (Adaya, et. al, 2012).
Samantala, sang-ayon kay Gleason (sa Adaya, Et.al, 2012) Ang wika ay tumutukoy sa
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbritaryo na
ginagamit sa komunikasyon ng mga tao sa lipunang may iisang kultura.

Habang para sa Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura na si Virgilio Almario (sa


Adaya, Et.al, 2012), walang imperyor o superior na wika sapagkat bawat wika ay may Sistema
upang tupdin ang pangangailangan ng gumagamit nito at upang umunlad kung nagbabago rin
ang buhay at interes ng gumagamit nito.

Sinusugan pa ito ng isang edukador na Canadian na si Phil Bartle (salin ni Myla Burke,
2008) sa pagsasabing: Sa pag-aaral ng basikong literasiya, hindi dapat makabuluhan kung anong
wika o alpabeto ang gamit sa iyong programa ng kaalaman.

Sang-ayon naman kay J.V. Stalin (salin ni Miclat, 1995): Hindi maaaring magkaroon ng
wikang maka-uri. Ang wika ay panlahat at sa buong komuninad. (Adaya, et. al, 2012)

Sa ganitong paraan din inilahad ni Alfonso Santiago na, ang wika ang sumasalamin sa
mga mithiin, lunggatiin, pangarap, damdamin, kaisipan, o saloobin, pilosopiya, kaalaman,
karunungan, moralidad, paniniwala at kaugalian ng mga tao sa lipunan.

GAWAIN 2
Suriin ang larawan sa ibaba. Ilarawan sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap ang
sa palagay mo’y nagaganap sa larawan
KAHALAGAHAN NG WIKA
 Instrumento ng Komunikasyon - Ang wika, pasalita man o pasulat, ay pangunahing
kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan.
 Nag-iingat at nagpapalaganap ng Kaalaman – Maraming kaalaman ang naisasalin sa
ibang saling-lahi at napakikinabangan ng ibang lahi dahil sa wika.
 Nagbubuklod ng bansa – Ano mang wika, kung gayon, ay maaaring wika ng pang-
aalipin, ngunit maaarin rin itong gamitin upang pagbuklurin ang isang bansa sa layuning
pagpapalaya.
 Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip – Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kuwento
o nobela o di kaya’y kapag tayo’y nanonood ng pelikula, parang nagiging totoo sa ating
harapan ang mga tagpo niyon.

KATANGIAN NG WIKA

 SINASALITANG TUNOG- Hindi lahat ng tunog na naririnig natin ay maituturing na wika.


 MASISTEMANG BALANGKAS- Ang wika ay may katangiang makaagham sapagkat
tulad ng agham, ang wika rin ay sistematiko.
 ARBITRARYO- ang wika ay nabubuo batay sa napagkasunduang termino ng mga tao sa
isang komunidad.
 KABUHOL NG KULTURA- Sumasalamin sa salitang ginamit ang kultura ng tao sapagkat
malaki ang ugnayan ng dalawang ito.
 GINAGAMIT SA KOMUNIKASYON- Hindi maaaring mabuhay ang isang tao sa mundo.
Mangungusap at mangungusap tayo anumang sandali.
 NAGBABAGO- Dinamiko ang wika. Patuloy ang pagbabago nito sa paglipas ng panahon.
 NATATANGI- Walang wikang parehong-pareho. Bawat wika ay may kanya-kanyang
katangian na ikinaiba sa ibang wika.

GAWAIN 3
Bumuo ng isang replektibong sanaysay hinggil sa kahalagahan ng wika lalo ngayong
panahon ng pandemya. Siguraduhing may panimula, gitna at wakas ang susulating
sanaysay.
BATAYAN SA PAGMAMARKA
Kalinawan - 15 puntos
Gamit ng Wika - 10 puntos
Pagkamalikhain - 5 puntos

KABUUAN - 30 puntos
PAGSASANAY 1
IDENTIPIKASYON: Basahin at unawaing maigi ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang tamang
sagot.
_________________1. Tinutukoy sa katangiang ito na nabubuo ang wika batay sa
napagkasunduang termino ng mga tao sa isang komunidad.
_________________2. Ayon sa kanya walang imperyor o superior na wika sapagkat bawat wika
ay may Sistema upang tupdin ang pangangailangan ng gumagamit nito at upang umunlad kung
nagbabago rin ang buhay at interes ng gumagamit nito.
_________________3. Sa katangian ng wika na ito, sinasabing walang wikang parehong-pareho.
Bawat wika ay may kanya-kanyang katangian na ikinaiba sa ibang wika.
_________________4. Siya ang nagsabi na ang wika ay tumutukoy sa masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbritaryo na ginagamit sa komunikasyon
ng mga tao sa lipunang may iisang kultura.
_________________5. Ayon sa kanya parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin
ay nariyan ito.
_________________6. Sinasabi sa katangiang ito ng wika na dinamiko ang wika. Patuloy ang
pagbabago nito sa paglipas ng panahon.
_________________7. Sang-ayon sa kanya hindi maaaring magkaroon ng wikang maka-uri. Ang
wika ay panlahat at sa buong komuninad.
_________________8. Sa katangian ng wika na ito, sinasabing hindi lahat ng tunog na naririnig
natin ay maituturing na wika.
_________________9. Siya ang nagsabi na ang wika ang sumasalamin sa mga mithiin,
lunggatiin, pangarap, damdamin, kaisipan, o saloobin, pilosopiya, kaalaman, karunungan,
moralidad, paniniwala at kaugalian ng mga tao sa lipunan.
_________________10. Para sa kanya,

GAWAIN 4
Gamit ang Venn Diagram. Ibigay ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga larawan sa
ibaba.

PAGKAKAPAREHO
ARALIN 1.2 BARAYTI AT ANTAS NG WIKA

Ayon kay Constantino mula sa aklat ni Bernales et. al (2008), ang pagkakaroon ng barayti
ng wika ang ipinaliliwanag ng teoryang sosyolinguwistik na pinagbatayan ng ideya ng pagiging
heterogenous ng wika. Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-
iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, Gawain, pinag-aralan
at iba pa. Samakatuwid, may dalawang dimension ang baryalidad ng wika – ang dimensonyg
heograpiko at dimensyong sosyal.

Baryasyon ng wika

Diyalekto o Dayalek – Ang baryasyon ng wika na nalilikha dulot ng dimensyong


heograpikal. Tinatawag din itong wikain ng iba. Ito ang baryasyon ng wika na ginagamit sa loob
ng isang partikular na lugar o teritoryo ng isang pangkat ng tao.

Kung mapapadpad ka sa lalawigan ng Laguna, mapapansin ang kanilang lumanay at


lambing sa pagsasalita, at maging paggamit ng panlaping [na-] sa mga salita sa halip na gitlaping
[-um]. Halimbawa: Pare, nakain ka ba ng baka?

Sa lalawigan naman ng Batanga, mapapansin ang lakas ng pagsasalita ng mga


Batangueno at gayundin ang paggamit nila ng ala eh! Halimbawa: Ala! Ang kanin eh malata eh!
Malata eh!

Sosyolek – Ang baryasyon ng wika na dulot ng dimensiyong sosyal. Ang esensiya ng


wika ay panlipunan sapagkat patuloy itong dumadaloy sa diskursong panlipunan ng mga grupo
ng tao.

Ilan sa mga halimbawa ng sosyolek ang wika ng mga bakla, wika ng mga tambay, wika
ng mga estudyante, wika ng mga call center agent, wika ng mga politiko at iba pang grupo.

Rehistro ng Wika – Bawat pangkat ng tao ay may kanya-kanyang code na ginagamit sa


pakikipagtalastaasan. Ito ang nagsisilbing rehistro ng wika nila na espesyalisado lamang sa
kanilang pangkat.

 Jargon – tumutukoy sa mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng


gawain.

Disiplina Salita
Accountancy account, debit, credit, balance, revenue,
gross income, net income, asset, cash flow
Medisina diagnosis, symptom, check up, therapy,
emergency, ward, prognosis, prescription, x-
ray

Kung minsan, ang mga jargon, ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa karaniwan
o sa ibang larangan.
Halimbawa:

SALITA LARANGAN AT KAHULUGAN


Mouse Computer Bagay na ikinakabit sa kompyuter.
Zoology Uri ng espisiyi o hayop
Strike Sports Partikular sa larong Baseball, kapag hindi
natamaan ng batter ang bolang inihagis ng
pitcher
Labor Law Hindi pagpasok sa trabaho bilang
pagpapakita ng protesta hinggil sa di
makatuwirang pamamalakad
Race Sports Karera, tulad ng car racing, horse racing
Sociology Pinagmulang uri
Operation Medicine Pagtitistis sa katawan ng isang tao.
Military Pagsasagawa ng isang operasyon tulad ng
paghuli sa hinihinalang masamang tao tulad
ng terorista
Note Music Nagsisilbing gabay ng isang mang-aawit sa
kanyang pagtugtog o pagkanta
Banking Halaga ng pera, batay sa uri.
Hardware Business Bilihan ng mga kagamitan, tulad ng kahoy,
bakal, pintura at iba pa.
Computer Imbakan ng mahahalagang mga
impormasyon sa isang kompyuter.

 Idyolek – tumutukoy sa nakasanayang pamamaraan sa pagsasalita ng tao o maaari ring


grupo ng tao. Palasak ngayon sa mga kabataan o maging sa ilang matatanda ang
paggamit ng SIYA sa pagsasalita.

Tol, na-try mon a ba siya? Mallinamnam siya!


Minsan tikman mo siya nang malaman mo.

Sa pangungusap na ito, ang tinutukoy ng nagsasalita ay pagkain. Pansinin din ang


pagkakaiba sa paraan ng pagsasalita ng mga reporter at newscaster sa telebisyon tulad nina
Gus Abelgas, Kara David, Steve Dailisan, Mike Enriquez, Noli De Castro at Ted Failon.

GAWAIN 5
Maghanap at maglista sampung (10) salitang JARGON. Bigyang pakahulugan ito batay
kung paano nagagamit sa isang disiplina.

SALITA DISPLINA AT KAHULUGAN


1.
2
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

GAWAIN 6
Bigyang-kahulugan ang mga sumusunod na salita batay sa pag-unawa at karanasan
ngayong panahon ng pandemya.

1. Manyanita – ___________________________________________________
___________________________________________________

2. Mass Testing - ___________________________________________________


___________________________________________________

3. Social Distancing - ___________________________________________________


___________________________________________________

4. Lockdown - ___________________________________________________
___________________________________________________

5. ECQ - ___________________________________________________
___________________________________________________

6. GCG - ___________________________________________________
___________________________________________________

7. Alchohol - ___________________________________________________
___________________________________________________

8. Prangkisa - ___________________________________________________
___________________________________________________

Antas ng paggamit ng Wika

Ang tagumpay sa pakikipagtalastasan ay nababatay sa kaalaman at kasanayan sa lawak


ng wikang ginagamit sa pagsasalita, pakikinig, pagbasa at pagsulat, at sa pagtitiwala sa sarili sa
pagpapadala ng mga menasheng may kahalagahan.

Uri ng antas ng wika

1. Pambansa – Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat pangwika at nagsasaalang-
alang sa paggamit ng gramtika. Ginagamit din itong wikang panturo sa mga paaralan at
wikang ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaan.

2. Pampanitikan – Dito nakasalalay at nakikita ang kagandahan, yaman, kariktan at retorika


ng wika. Masining, mabisa at maingat ang paggamit ditto ng mga salita.
3. Lalawiganin – ang ginagamit na wika sa mga tiyak at partikular na pook at lalawigan.
Makikita ito sa pagkakaiba ng mga punto o tono sa pagsasalita.

4. Kolokyal – Mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong impormal, na kraniwan sa


pakikipag-usap sa tahanan, kaibigan at paaralan. Ayon sa mga lingguwista, may
kagaspangan man ang mga salita sa antas na ito, hindi pa rin maikakaila na isa pa rin
itong penomenong pangwika na nagpapakita ng pagiging malikhain upang mapadulas o
mapabilis ang daloy ng komunikasyon.

GAWAIN 7
Basahin at pakinggan ang liriko at awiting “Loob” ni Jess Santiago. Suriin ang antas ng
wika sa pamamagitan ng pagbibigay o paglilista ng mga salitang ginamit. Isulat ang sagot
sa loob ng lima (5) hanggang sampung (10) pangungusap. Sumangguni sa youtube link
na,

https://www.youtube.com/watch?v=F4_IMf9TzyY

LOOB
ni: JESS SANTIAGO

Wika nati’y simpleng-simple Ang pagpasok ay pagpaloob


Pero ubod ng lalim Pagsisisi’y pagbabalik-loob
Para sa hindi Pinoy Ang kabarkada’y kapalagayang-loob
Napakahirap sisirin Ang kaibiga’y katapatang-loob

Ang looban ay sulok ng pook Ang taong matatag ay buo ang loob
Ang magnanakaw ay nanloloob Ang nagtitimpi kulo’y nasa loob
Ang alinlangan ay dalawang-loob Ang isip at damdamin ay niloloob
Ang hinanakit ay sama ng loob Hindi nababayaran ang utang na loob

Bituka at atay ay lamanloob ULITIN ANG KORUS


Mandurugas ay masasamang-loob Kaya ang wika’y dapat pag-aralan
Ang katapangan ay lakas ng loob Kung nais nating magtuloy
Ang natatakot ay mahina ang loob Hanggang sa kaloob-loooban
Ng puso’t utak ng Pinoy

KORUS
Wika ang tulay na tuloy-tuloy
Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
Wika ang tulay na tuloy-tuloy
Sa loob ng puso at utak ng Pinoy

Marami tayong katagang


Iba’t iba’ng kahulugan
Na para sa hindi Pinoy
Mahirap maintindihan

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________
PAGSASANAY 2

Pag-uanwa sa Paksa
1. Bakit nagkakaroon ng barayti sa wika?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ano ang kahalagahan ng antas ng wika?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Panuto: Basahin at unawaing maigi ang pangungusap sa ibaba. Isulat ang POSITIBO kung
wasto ang pahayag at NEGATIBO naman kung hindi wasto.

_________________1. Ang diyalekto ay baryasyon ng wika na nalilikha dulot ng dimensyong


heograpikal.

_________________2. Itinuturing na pinakamababang antas ng wika ang idyolek.

_________________3. Likas sa lahat ng lalawiganing wika ang pagkakapareho sa tono o


punto sa pagsasalita.

_________________4. Ang jargon ay tanging bokabularyo ng isang partikular na tao.

_________________5. Nabubuo ang sosyolek dahil sa ugnayang kultural ng mga grupong


gumagamit nito at maging sa pangangailangan ng tao na makisalamuha.
ARALIN 2: GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
Mga Kasanayang Pampagkatuto
1. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
2. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na
palabas sa telebisyon
3. Naipaliliwanang nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay ng halimbawa
4. Naggamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay ng halimbawa
sa mga gamit ng wika sa lipunan
5. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika
sa lipunan

Sa Exploration in the Functions of Language ni M.A.K Halliday mula sa aklat ni


Bernales (2013), binigyang-diin niya ang pagkakategorya sa wika batay sa mga tungkuling
ginagampanan nito sa ating buhay.

GAWAIN 1
Tukuyin ang konseptong nais iparating ng mga larawan sa ibaba:

1. __________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
2. __________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

3. __________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

TALAKAY
Iba’t Ibang Tungkuling ng Wika

1. INTERAKSYUNAL – ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag,


pagpapanatili, at pagpaaptatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao. Tinawag din ito ni
Halliday na “Me and You” function. Di nga kasi, ang tao ay nilikhang panlipunan (social
beings, not only human beings).

2. INSTRUMENTAL – ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga


pangangailangan. Tinawag naman niya itong “I want” function. Nagagamit ang
tungkuling ito sa pakikiusap o pag-uutos.

3. REGULATORI – ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos


o asal ng ibang tao. “Do as I Tell you” function naman ang itinawag niya rito. Sa
Madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin.

4. PERSONAL – ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling


damdamin o opinion. “Here I come” function ang paglalarwan ni Halliday rito. Sa mga
talakayang pormal o impormal ay gamit na gamit ang tungkuling ito.

5. IMAHINATIBO – ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng


imahinasyon sa malikhaing paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng paggamit ng
mga idyoma, tayuta, sagisag at simbolismo. “Lets pretend” function ang ibang tawag
dito.

6. HYURISTIK – ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap ng impormasyon.


“Tell me why” function ang tawag dito.

7. IMPORMATIBO – Ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon. Tinawag itong “Ive got


something to tell you” function.

GAWAIN 2
Manuod at suriin ang isa (1) sa mga sinusubaybayang teleserye. Magbigay ng tig-isang
(1) halimbawa ng tungkuling ng wika gamit mula sa pahayag na makukuha sa teleserye.

Teleserye:
TUNGKULIN PAHAYAG
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
Aralin 3: Ang Kasaysayan ng Wikang Filipino

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


1. Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay
sa wikang pambansa
2. Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika
3. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari / kaganapan tungo sa pagkabuo at
pag-unlad ng Wikang Pambansa
4. Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na yugto ng
kasaysayan ng Wikang Pambansa
5. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-
unlad ng Wikang Pambansa

TALAKAYAN

Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla at ng iba’t ibang etnolinggwistikong grupo.


Bawat isa sa mga grupong ito ay may kani-kaniyang sariling wika. Ayon kay Dr. Ernesto
Constantino (Magracia at Santos, 1988:1) mahigit sa limandaang (500) mga wika at wikain
ang ginagamit ng mga Pilipino. Sa ganitong uri ng kaligiran, isang imperatibong
pangangailangan para sa Pilipinas ang pagkakaroon ng isang wikang pambansang
magagamit bilang instrumento ng bumibigkis at simbolo ng ating kabansaan o nasyonalidad.

Sa panahon ng Kastila, lalong nagkawatak-watak ang mga Pilipino. Matagumpay na


nahati at nasakop ng mga dayuhan ang mga katutubo. Napanatili nila sa ilalim ng kanilang
kapangyarihan ang mga Pilipino nang humigit-kumulang sa tatlongdaang taon. Hindi nila
itinamin sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang magbibigkis ng kanilang
mga damdamin. Sa halip, ang mga prayleng Kastila ang mga nag-aral ng katutubong wika ng
iba’t ibang etnikong grupo. Ang wika ng mga katutubo ang naging midyum ng komunikasyon
sa panahong yaon; ang naturang wika ang siyang ginamit ng mga prayleng Kastila sa
pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan sa mga katutubong Pilipino.

Hindi rin itinuro ng mga Espanyol ang kanilang wika, ang wikang Kastila, sa mga
katutubo na takot na magkabuklud-buklod ang mga damdamin ng mga mamamayan at
mamulat sa tunay na mga pangyayaring nagaganap sa kanilang lipunan at tuloy matutong
maghimagsik laban sa kanilang pamamahala.

Sa panahon ng Propaganda (1872), Tagalog ang wikang ginamit sa mga pahayagan.


Pinagtibay ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899 ang wikang Tagalog bilang
wikang opisyal.

Sa panahon ng Amerikano, Ingles ang wikang ginamit na midyum ng pagt5uturo sa


mga paaralang-pampubliko. Bukod sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo, ang mga
paksang pinag-aralan sa loob ng klase ay tungkol sa mga Amerikano, ang kanilang
kasaysayan, literatura, kultura, ekonomiya at pulitika. Sa panahong ito, ipinagbawal ang pag-
aaral sa ano mang bagay na Pilipino kaya interesado ang mga estudyante sa mga bagay na
may kaugnayan sa Pilipino. Higit nilang tinangkilik ang mga bagay na Amerikano. Ito ang
simula ng pagkakaroon ng kolonyal na mentalidad ng mga katutubong mamamayan na naman
at itinaguyod ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyang henerasyon.

Noong 1925, sa pamamagitan ng sarbey ng Komisyong Monroe, napatunayang may


kakulangan sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa mga eskwelahan, subalit wala
namang pagbabagong ginawa.

Noong 1931, si Butte, ang bise gobernador-heneral na siya ring kalihim ng pambayang
pagtuturo ay nagpanukalang gawing bernakular ang pagtuturo sa primarya.

Sa mga panahong pinagtatalunan ang problema tungkol sa wika, maraming sumulat


tungkol sa gramar ng Tagalog, kasama na nag paggawa ng diksyunaryo. Nais nilang ipakitang
ang wikang Tagalog ay isang mayamang wika na maaaring gamitin bilang wikang panturo, at
higit na lahat, bilang wikang pambansa (Rubin at Silapan, 1989:6).

Wala pa ring naging kalutasan sa problema tungkol sa wika dahil ipinaglaban at


pinangatawanan ng Kawanihan ng Pampublikong Paaralan ang paggamit ng wikang Ingles.
Matatag namang sinalungat ito nina Rafael Palma at Cecilio Lopez.

Hindi kayang labanan ng mga tumatangkilik at nagmamahal sa wikang katutubo ang


puwersang tumataguyod sa wikang Ingles sa dahilang walang pagkakaisa ang mga nasabing
grupo; watak-watak din sila dahil bawat isa’y sariling literatura at kani-kaniyang wika ang
binibigyang-pansin. Kung tutuusin, Tagalog ang wikang ipinanlaban sa wikang Ingles. Ang
manunulat ay gumawa ng mga hakbang upang punahin ang wikang Ingles (Magracia at
Santos, 1988).

Una – bumuo sila ng mga samahang pupuna sa wikang Ingles.

Ikalawa- sumulat sila tungkol sa iba’t ibang sangay ng panitikan tulad ng: sanaysay, maikling
kuwento, nobela, tula at dula.

Ikatlo – nahati ang mga manunulat sa dalawang grupo; manunulat sa panitikan at manunulat
sa wika. Ang mga nasabing manunulat ay gumawa ng librong panggramar sa Tagalog upang
mapalaganap ang wika (Rubin at Silapin, 1989:7).

Noong 1934, lubusang pinag-usapan sa Kumbensyong Konstitusyunal ang hinggil sa


wika. Sumasang-ayon ang maraming delegado sa iba’t ibang panig ng kapuluan na dapat
wikang bernakular ang maging wikang pambansa ngunit matatag na sinalungat ito ng mga
tumataguyod sa wikang Ingles. Para sa mga maka-Ingles, ang nasabing wika ang
magsisilbing – daan sa paghahanap ng trabaho. Naniniwala ang maka-Ingles na kapag
marunong kang magsalita ng banyagang wikang ito, makakamit mo ang mataas na posisyon
sa gobyerno. Kung komersiyo naman ang pag-uusapan, naniniwala pa rin silang ang
mahuhusay lamang magsalita ng Ingles ang maaaring makipagnegosasyon. Nakalimutan ng
mga maka-Ingles ang naibibigay na kahalagahan ng isang bernakular na wika sa
pagpapaunlad at pagpapasulong ng kultural, ekonomiko at pulitikal na sistema ng buhay ng
mga Pilipino.
Ngunit nabanaagan ng tagumpay ang mga nagmalasakit sa sariling wika nang
magmungkahi ang grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa
sa mga umiiral na wikain sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinusugan naman ni G. Manuel
L. Quezon na sa panahong yaon ay president ng Komonwelt ng Pilipinas. Ang pagsusog na
ginawa ng pangulo sa nasabing mungkahi ay nakasaad sa probisyon sa Artikulo XIV ng
Konstitusyon ng Pilipinas ng 1935:

“Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng


isang wikang pambansa na bata sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo. Hangga’t hindi
itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling mga opisyal na
wika.”

Nagkaroon ng maraming talakayan hinggil sa isyung kung sa anong wika ibabatay ang
pagpili ng wikang pambansa na hindi magkakaroon ng negatibong saloobin ang ibang
etnikong grupo.

Ayon kina Prop. Emma Magracia at Prop. Angelina Santos ng MSU- IIT (1988.7) batay
nga sa probisyon ng 1935 Konstitusyon, pinagtibay ng Asemblea ng Komonwelt ng
Pilipinas ang Batas Komonwelt Bilang 184 na nagtatag ng isang Surian ng Wikang
Pambansa na ang tanging gawain ay ang pag-aaral ng mga wikang pangunahing ginagamit
sa Pilipinas at pumili ng isang panlahat na wikang pambansa batay sa isa sa pinakamaunlad
na umiiral na katutubong wika ayon sa balangkas , mekanismo, at panitikan na tinatanggap
at sinasalita ng nakararaming Pilipino.

Ang mga miyembrong naatasan ng Surian upang magsagawa ng pag-aaral ay


binubuo nina:

Jaime C. Veyra – tagapangulo, kumakatawan sa Samar

Cecilio Lopez – kalihim, kumakatawan sa rehiyong Tagalog

Santiago A. Fonacier – Ilokano

Filemon Sotto – Cebu

Felix S. Solas Rodriguez – Hiligaynon

Hadji Butu – Muslim

Casimiro F. Perfecto – Bicol

Maoobserbahan na ang mga miyembro ng Surian ay mula sa iba-ibang rehiyon at


kumakatawan sa ilang pangunahing wika sa Pilipinas.

Sa pag-aaral na isinagawa ng mga kagawad ng Surian, kanilang napagkasunduan na


Tagalog ang gawing batayan ng wikang pambansa dahil ang naturang wika ay tumugma,
pumasa at umayon sa pamantayang kanilang binuo. Ang ilang pamantayang nabuo ng lupon
na nasasabing maihahanay ang Tagalog sa istandard nito ay tulad ng: ang wikang pipiliin
(Rubin at Silapan, 1989:9) ay wika ng sentro ng pamahalaan, wika ng sentro ng edukasyon,
sentro ng kalakalan at wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan.
Noong Nobyembre 9, 1937, isinubmite ng miyembro ng Surian ang anilang
rekomendasyon kay Presidente Quezon na Tagalog ang napiling maging batayan ng wikang
pambansa. Lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 134 noong Disyembre 30,
1939, makaraan ang dalawang taon, nagkabisa ang kautusang ito.

Noong Abril 1, 1940, binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang diksyunaryo


at isang gramar ng wikang pambansa. Noong Hunyo 19, 1940, sinimulang ituro ang wikang
pambansa na batay sa Tagalog sa mga paarang pampubliko at pribado.

Ang wikang pambansa sa panahon ng pananakop ng mga Hapones ay nagkaroon ng


pagsulong dahil ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa ano mang aspekto ng pamumuhay
ng mga Pilipino. Ipinagbawal din ang paggamit ng lahat ng mga libro at peryodikal nauukol sa
Amerika. Nang magbukas ng paaralang pampubliko ang mga Hapones, wikang Tagalog ang
ginamit na midyum ng pagtuturo. Itinuro rin ang wikang NIponngo o Hapon sa lahat ng antas.
Sa bisa ng Ordinansa Bilang 13, ginawang mga opisyal na wika ang Tagalog at Niponggo.
Masasabing naging maningning, namulaklak at umunlad ang wikang pambansa sa panahon
ng mga Hapones.

Noong Hulyo 4, 1946, Araw ng Pagsasarili, ipinahayag na ang wikang opisyal sa


Pilipinas ay Tagalog batay sa Batas Komonwelt Bilang 570. Sa panahong ito nabalam na
naman ang pagpapaunlad sa wikang pambansa dahil muling namayagpag ang wikang Ingles
bilang midyum ng komunikasyon sa mga pahayagan at pamahalaan.

Sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 12 na nilagdaan ni Presidente Ramon


Magsaysay noong Marso 26, 1951, ipinagdiwang ang Linggo ng Wikang Pambansa.
Nagsimula ang pagdiriwang mula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon. Pinili ang linggong
ito para sa pagdiriwang bilang parangal kay Francisco Balagtas dahil Abril 2 ang kaarawan
ng makata. Sa sumunod na taon, sa bisa ng Proklamasyon Bilang 186 na ipinalabas ni
Presidente Ramon Magsaysay rin, ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay
inilipoat mula Agosto 13 hanggang Agosto 19 taun-taon bilang parangal sa dating
Presidente Manuel L. Quezon na siyang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa. Itinaon
ang nasabing pagdiriwang sa araw ng kapanganakan niya.

Pinalitan ang dating katawagang Wikang Tagalog sa Wikang Pilipino Bilang wikang
pambansa noong Agosto 13, 1959, sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 7 na
ipinalabas ni G. Jose E. Romero, ang dating kalihim ng Edukasyon.

Higit na binigyang-halaga ang paggamit ng wikang Pilipino sa panahong ito. Naging


popular na wika ito. Lahat ngtanggapan at gusali ng gobyerno ay pinangalanan sa Pilipino;
ang mga dokumentong panggobyerno tulad ng panunumpa sa trabaho, pasaporte at visa ay
nakasaad sa Pilipino; ang pamuhatan ng mga korespondensya opisyal ay nakasulat sa
Pilipino o d kaya ay katumbas sa Pilipino. Ginamit na rin ang wikang Pilipino sa iba’t ibang
lebel ng edukasyon pati na rin sa mass media tulad ng telebisyon, radio, komiks, magasin at
dyaryo.
Sa kabila ng mga pagbabagong-ito, hindi pa rin matanggap ng ibang sector ang
Pilipino bilang wikang pambansa. Marami pa ring sumasalungat sda pagkakapili sa naturang
wika bilang simbolo n gating kabansaan.

Maraming mga pagtatalong pangwika ang naganap sa 1972 Kumbensyong


Konstitusyunal; naging mainit na isyu ang probisyong pangwika hanggang sa ang naging
resulta ng maraming pagtatalo at pag-aartal ay ang probisyong Seksyon 3 (2) ng Artikulo
XV sa kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas:

Samantalang ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa


pagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na
kikilalaning Filipino.

Masasabing isinilang na ang Filipino, ang bagong katawagan sa wikang pambansa ng


Pilipinas simula pa noong 1972 sa Kumbensyong Konstitusyunal at pormal na pinagtibay
noong 1973 Konstitusyon ngunit hindi naisagawa ng Batasang Pambansa ang pormal na
pagpapatibay at pambansang pag-iimplementa nito.

Sa panahon ni Presidente Aquino, binuo niya ang Komisyong Konstitusyunal ng 1986.


Ang nasabing komisyon ay may 48 miyembro. Noong Oktubre 12, 1986, pinagtibay ng
Komisyon ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.

Matutunghayan sa Artikulo XIV, Seksyon 6, ang probisyon tungkol sa wika na


nagsasaad:

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat


payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika.”

Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa dapat pagpasiyahan ng


Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang pagggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Ang nasabing Artikulo IV, Seksyon 7, ay nagsasaad:

“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo roon.”

“Dapat itaguyod nang kusa at opsyunal ang Kastila at Arabic.”

Noong Pebrero, 1987, niratipika ng mga mamamayang Pilipino ang probisyon ng 1986
Konstitusyon at tinawag itong 1987 Konstitusyon. Noong Mayo 21, 1987, nagpalabas si Dr.
Lourdes Quisumbing, ang dating Sekretarya ng Edukasyon, Kultura at Isports ng Kautusang
Pangkagawaran Bilang 32, serye ng 1987, na pinamagatang “Patakaran sa Edukasyong
Bilinggwal ng 1987.” Ang nasabing patakaran ay nagsasaad ng “pagpapalaganap ng Filipino
bilang wika ng literasi” at ang paggamit ng Ingles bilang “di-eklusibong wika ng siyensya at
teknolohiya.” Noong Mayo 27, 1987, lumabas ang kasunod na Kautusang Pangkagawaran
Bilang 54, serye ng 1987, na pinamagatang “Panuntunan ng Implementasyon ng
Patakaran sa Edukasong Bilinggwal ng 1987”, at naglalahad ng mga dapat isagawa ng
iba-ibang ahensyang pang-edukasyon sa Pilipinas para sa implementasyon ng Patakaran sa
edukasong bilinggwal ng bansa. Ang nasabing patakaran ay may nakalaang mga insentibo at
mga karagdagang sahod. May pangangailangan ding matuto ang mga guro ng Filipino sa
lahat ng lebel ng edukasyon sa buong bansa, upang magamit ang wikang Filipino sa pagtuturo
ng anumang asignatura.

Ang dating Presidente ng Pilipinas, si Gng. Corazon C. Aquino ay nagpakita ng suporta


sa pagpapalaganap at paggamit ng Filipino sa pamahalaan. Nagpalabas siya ng suporta sa
pagpapalaganap at paggamit ng Filipino sa pamahalaan. Nagpalabas siya ng Atas
Tagapagpaganap Bilang 333, serye ng 1988, na “nag-aatas sa lahat ng kagawaran,
departamento, kawanihan, opisina, at ahesya ng Pamahalaan na magsagawa ng mga
hakbang na kinakailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga
transaksyon, komunikasyon at korespondensya.” May utos din si Gng. Aquino noon na ang
mga opisinang pampubliko, mga gusali at mga karatula sa mga opisina ay dapat na isalin sa
Filipino.

Wika nga ng dating Presidente, “Ang pagpupunyaging gamitin ang Filipino sa


pamahalaan ay makakatulong sa sambayanan na maintindihan at lalong pahalagahan ang
mga programa ng gobyerno kasama na ang mga proyekto.”

Bilang pangwakas, ang malaking katanungang nangangailangan ng kasagutan ay:


Saan nakasalalay ang tagumpay ng pagkakasabatas ng Wikang Filipino?

Ayon kina Prop. Ligaya T. Rubin at Dr. Ofelia J. Silapan ng Unibersidad ng Pilipinas,
“Ang tagumpay ng Wikang Pambansa ay nakasalalay sa kamay ng mga namamahala ng
bansa, sa Kongreso, sa mga korte, sa mga eskwelahan, at sa iba pang mga ahensya o
institusyon.”

GAWAIN 1
Gumawa ng isang timeline hinggil sa kasaysayan ng wikang Filipino. Maaaring ang
gawa ay likhang kamay o gawa sa kompyuter. I-save ito bilang PDF at ipadala sa
sulatroniko na ibinigay ng inyong guro.

PARAAN NG PAGMAMARKA SA GAWAIN 1


Nilalaman- 20 puntos

Kawastuhan ng mga petsa at pagkakasunud-sunod nito-10 puntos

Balarila- 10 puntos

Pagkamalikhain- 10 puntos

Kabuuan- 50 puntos
MIDTERM EXAM- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Pangalan: ____________________________________ Petsa:_______________
Baitang/Seksyon at taon: _______________________ Puntos: ________/100__

I. Isulat sa patlang ang tamang sagot. (2 puntos bawat isa)


___________________1. Ito ay tumutukoy sa masistemang balangkas ng sinasalitang tunog
na pinili at isinaayos sa paraang arbritaryo na ginagamit sa komunikasyon ng mga tao sa
lipunang may iisang kultura.
___________________2. Ito ang artikulo at seksyon sa batas na nagsasaad na ang mga
wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo roon.
___________________3. Ito ang artikulo at seksyon sa batas na nagsasaad na ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika
___________________4. Ito ay antas ng wika na nakasalalay at nakikita ang kagandahan,
yaman, kariktan at retorika ng wika. Masining, mabisa at maingat ang paggamit ditto ng mga
salita.
___________________5. Ito ay tumutukoy sa nakasanayang pamamaraan sa pagsasalita ng
tao o maaari ring grupo ng tao.
___________________6. Sa pamamagitan ng kanilang sarbey napatunayang may
kakulangan sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa mga eskwelahan.
___________________7. Ito ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay
sa kilos o asal ng ibang tao.
___________________8. Ito ang baryasyon ng wika na dulot ng dimensiyong sosyal. Ang
esensiya ng wika ay panlipunan sapagkat patuloy itong dumadaloy sa diskursong panlipunan
ng mga grupo ng tao.
___________________9. Ayon sa katangiang ito ng wika, ito ay nabubuo batay sa
napagkasunduang termino ng mga tao sa isang komunidad.
___________________10. Ang baryasyon ng wika na nalilikha dulot ng dimensyong
heograpikal. Tinatawag din itong wikain ng iba. Ito ang baryasyon ng wika na ginagamit sa
loob ng isang partikular na lugar o teritoryo ng isang pangkat ng tao.
___________________11. Ang wikang pambansa sa panahon ng pananakop na ito ay
nagkaroon ng pagsulong dahil ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa ano mang aspekto ng
pamumuhay ng mga Pilipino.
___________________12. Ito ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap ng
impormasyon.
___________________13. Ito ay katangian ng wika sapagkat patuloy ang pagbabago nito sa
paglipas ng panahon.
___________________14. Bawat pangkat ng tao ay may kanya-kanyang ginagamit na ganito
sa pakikipagtalastaasan ayon sa rehistro ng wika.
___________________15. Siya ang ama ng Wikang Pambansa.

II. Gumawa ng isang script ng pagpupulong noong 1935 hinggil sa wika ng mga taong
naitalaga sa Surian ng Wikang Pambansa.

PARAAN NG PAGMAMARKA SA GAWAIN 1


Nilalaman- 25 puntos

Kawastuhan sa tema-15 puntos

Balarila sa pakikipagtalastasan- 15 puntos

Pagkamalikhain- 15 puntos

Kabuuan- 70 puntos
ARALIN 4: MGA SITWASYONG PANGWIKA

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


1. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa
mga panayam at balita sa radyo at telebisyon
2. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga
blog, social media posts at iba pa
3. Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba
sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood
4. Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamaraan ng
paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon
5. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa
kulturang Pilipino
6. Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t ibang
sitwasyon (Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social Media, Enhinyerya,
Negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa mga
larangang ito.
7. Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat ng mga
tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa wika

TALAKAYAN
Malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino, sa mahabang kasaysayan niyo ay nakita
natin ang paglago, pag-unlad at pagbabago ng ating wika. Malaki ang epekto ng makabagong
teknolohiya sa ating wika.
Nasaan na nga ba o ano na nga ba ang kalagayan ng wikang Filipino sa ika-21 siglo
sa iba’t ibang larangan?

SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON


Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan
dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito. Ang mabuting epekto ng paglaganap ng
cable o satellite connection para marating ang malalayong pulo at ibang bansa. Wikang
Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga lokal na
channel.
Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino
ay mga teleserye, mga pantanghaliang palabas, mga magazine show, news and public affairs,
reality show at iba pang programang pantelebisyon. Ang pagdami ng mga palabas sa
telebisyon partikular ang mga teleserye o pantanghaling programa na sinusubaybayan ng
halos lahat ng milyon-milyong manununood ang dahilan kung bakit halos lahat ng
mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino.

SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DYARYO

Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM. Ang mga
estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung may kapanayam sila
ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipagusap.

Sa dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman


sa tabloid.
Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila ang
wikang ginagamit dito. Ito ang mga katangian ng isang tabloid: Nagtataglay ng malalaki at
nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit agad ang mambabasa. Ang nilalaman ay
karaniwang senseysyonal na naglalabas ng impormalidad. Hindi pormal ang mga salita.

SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA

1. Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.


2. Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit.
3. Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manunuod na malilibang sa
kanilang mga palabas at programa upang kumita ng malaki.
4. Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami ng ng mamayan ng
bansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.
5. Ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi gaanong strikto sa pamantayan ng
propesyonalismo.
SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR

FLIPTOP

 Pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap.


 Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat sa fliptop
ay hindi nakalahad o walang malinaw ang paksang tinatalakay.
 Gumagamit ng di-pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya naman kadalasan ang
mga inagamit na salita ay balbal at impormal at mga salitang nanlalait.
 Ang kompetisyon ay tinatawag na “Battle League” at kung isinasagawa sa wikang ingles ay
tinatawag na “Filipino Conference Battle.

PICK-UP LINES

Sinasabing ito ang makabagong bugtong, kung saan mat tanong na sinasagot ng
isang bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig at ibang aspekto ng buhay. Sinasabing
nagmula sa mga boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin at mapa-
ibig ang dalagang nililigawan.

Kung may salitang angkop na makapaglalarawan sa pick-up line, masasabing ito ay


nakakatuwa, nakakapagpangiti, nakakakiliti, cute, chessy at masasabi ring corny. Naririnig
sa usapan ng mga kabataan at nakikita rin sa Facebook, Twitter at iba pang social media
sites.
Ang wika sa mga pick-up lines ay karaniwang Filipino at ang mga barayti nito, subalit
nagagamit din ang Ingles at Taglish.

Kailangan ang mga taong nagbibigay ng pick-up lines ay mabilis mag-isip at


malikhain para sa ilang sandal ay maiugnay o mai-konekta ang kanyang tanong sa isang
napakaikling sagot. “BOOM” ang sinasabi kapag sakto o maliwanag ang koneksyon.

Nauso ito dahil sa impluwensiya ni “Boy Pick-up” o Ogie Alcasid sa programang


Bubble Gang sa isang segment. Naging matunog din ito lalo na sa mga talumpati ni
Senadora Mriaam Defensor Santiago.

Boy: Google kaba?


Girl: Bakit?
Boy: Kasi…nasa iyo na ang
lahat ng hinahanap ko

Boy: Kapuso k aba?


Girl: Bakit?
Boy: Pinapatanong kasi ni
Mama kung…..kelan ka
puwedeng maging kapamilya

HUGOT LINES

 Tawag sa linya ng pag-ibig. Tinatawag ding lovelines o love quotes.


 Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon na na nagmarka sa
puso’t isipan ng mga mnunuod.
 Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay Taglish.

“She loved me at my worst. You had me at my best, but binalewala mo


lang ang lahat….and you chose to break my heart”

John Lloyd Cruz bilang Popoy, One More Chance (2007)

“Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang
SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT
ibang mas magmamahal sa 'tin – yung hindi tayo sasaktan at
papaasahin... yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay”

John Lloyd Cruz bilang Popoy, One More Chance (2007)


1. Ang pagpapadala ng sms (short messaging system) ay isang mahalagang bahagi ng
komunikasyon sa bansa.
2. Humigit kumulang 4 na bilyong text ang ipinapadalaat natatangap ng ating bansa kaya ito
ay kinilala bilang “Text Capital of the World”.
3. Madalas ang paggamit ng code switching at madala pinaiikli ang baybay ng mga salita.
4. Walang sinusunod na tuntunin o rule.

SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET

1. Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen.


2. Karaniwang may code switching.
3. Mas pinagiisipang mabuti ang mga gagamiting salita bago I post.
4. Ingles ang pangunahing wika dito.
5. Naglalaman ng mga sumusunod
 Impormasyon sa ibat ibang sangay ng pamahalaan
 Mga akdang pampanitikan
 Awitin
 Resipe
 Rebyu ng pelikulang Pilipino
 Impormasyong pangwika

SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN

1. Ingles ang pangunahing ginagamit sa pakikipag komunikasyon maging sa mga


dokumentong ginagamit
2. Gumamit rin ng Filipino kapag nag-iindorso ng produkto sa mga mamayang Pilipino,
SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN
1. Gumamit ng wikang Filipino si dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang SONA
bilang pagpapakita ng pagpapahalaga rito.
2. Hindi pa rin naiiwasan ang code switching lalo na sa mga teknikal na hindi agad
nahahanapan ng katumbas sa wikang Filipino,

SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON


1. DepEd Order No. 74 of 2009
 K hanggang grade 3 ay unang wika ang gagamitin bilang panturo.
 Sa mataas na antas ay nanatiling bilinggwal ang wikang panturo (Filipino at Ingles)

GAWAIN 1
Basahin ang artikulo ni Mabaquio, Napoleon Jr. M. (2007) GLOBALISASYON, KULTURA,
AT KAMALAYANG PILIPINO at lumikha ng isang poster na nangangampanya sa
pagtataguyod ng pag-aaral ng wika at panitikan sa panahon ng malawakang globalisasyon.
Bigyang-tuon kung bakit ang pag-aaral rito ay magbubunsod ng pagpapatatag ng kamalayang
Pilipino.

PARAAN NG PAGMAMARKA SA GAWAIN 1


Nilalaman- 30 puntos

Naayon sa tema ng artikulo- 10 puntos

Pagkamalikhain- 10 puntos

Kabuuan- 50 puntos
ARALIN 5: KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG
MGA PILIPINO

Mga Kasanayang Pampagkatuto


1. Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang
napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon.
2. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan.
3. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o
talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong
kinabibilangan.
4. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan
ng pagsasalita.
5. Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng
wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.

GAWAIN 1
Ibigay ang kahulugan at mensahe ng mga sumusunod na trending na pahayag
ngayong pandemic batay sa iyong pag-unawa at karanasan.
1. “Sarap buhay.”
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. “Stay negative!”
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. “Mahirap ‘pag mahirap, walang mapagkukunan.”
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. “Kapag nanahimik tayo, kinakampihan natin ang mali.”
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

TALAKAY
Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino

Ayon kay Dell Hymes (1972) isang lingguwista at antropologo, nagtatag ng


pundasyon sa disiplinang etnograpikong pag-aaral ng paggamit ng wika -hindi lamang
sinasaklaw ng kasanayan ang pagiging tama ng pagkakabuo ng mga pangungusap, kundi
ang pagiging angkop ng mga ito, depende sa sitwasyon. Magiging mabisa lamang ang
komunikasyon kung ito ay isasaayos at sa pagsasaayos ng komunikasyon, may mga bagay
na dapat isaalang-alang
Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Dua (1990) ang ilan sa mga pangunahing dahilan
sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang taong nag-uusap ay puwedeng mag-ugat sa tatlong
posibilidad na maaaring magmula sa taong nagsasalita tulad ng:
1. Hindi lubos na maunawaan ng nagsasalita ang kanyang intensyon
2. Hindi maipahayag nang maayos ng nagsasalita ang kanyang intensyon
3. Pinipili ng nagsasalita na huwag na lang sabihin ang kanyang intensyon dahil sa
iba’t ibang kadahilanan tulad ng nahihiya siya, at iba pa.
Kung kaya’t marapat na isaalang-alang ang epektibong komunikasyon. Ang Kakayahang
Komunikatibo ay sumasaklaw sa kasanayang nakatuon sa mga tuntunin at dapat iasal sa
paggamit ng wika.

Mayroong apat na kakayahang komunikatibo:

1. Kakayahang Linggwistiko/ Istruktural/ Gramatikal- tumutukoy sa kakayahan o


abilidad ng pag-aaral ng tatlo o higit pang mga lenggwahe, wika at dayalekto.
Tumutukoy rin ito sa kakayahan ng taong bumuo at umunawa nang maayos at
makahulugang pangungusap. Ito ang natural na kaalaman ng tao sa Sistema ng
kaniyang wika, dahilan kaya nagagamit niya ito nang tama at mabisa, ayon kay
Chomsky (1965). Kakabit ng kakayahang lingguwistika ang wastong pagsunod sa
tuntunin ng balarilang Filipino.

 Ponolohiya- ang pag-aaral ng kayarian o set ng mga tunog na bumubuo sa


mga salita sa isang wika
 Morpolohiya- ang pag-aaral sa kayarian at pagbubuo ng mga salita sa isang
wika.
 Sintaksis- ang pag-aaral sa iba’t ibang kaayusan ng mga salita sa loob ng
pangungusap

2. Kakayahang Sosyolingwistik- pag-unawa batay sa pagtukoy sa sino, paano,


kailan, saan, bakit nangyari ang sitwasyong kumunikatibo. Ang kakayahang
sosyolingwistik ay ang pagsasaalang-alang ng isang tao sa ugnayan niya sa mga
kausap, ang impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan.
Ang ugnayan ng wika sa lipunan nang may naangkop na panlipunang
pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.

3. Kakayahang Pragmatik- pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di-


sinasabi, ikinikilos ng taong kausap. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng
kakayahang makainitindi ng sinasabi o paggalaw ng tao at kung ito ay angkop sa
nangyayaring sitwasyon.
4. Kakayahang Diskorsal- ito ay tumutukoy sa mismong kakayahan na matiyak o
masigurado na tama ang isa o higit pang kahulugan ng teksto at sitwasyon na
nakapaloob o nakaayon sa konteksto. Ito rin ay ang pagtiyak sa kahulugang
ipinapahayag ng mga teksto, sitwasyon ayon sa konteksto.

GAWAIN 2
Basahin ang komiks strip ni Manix Abrera (KikoMachine) na New Normal Mask
Fashion at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
(larawan mula sa Instagram post ni @manix_abrera noong Mayo 18, 2020)

1. Ano ang nais iparating sa publiko ng artist sa kanyang komiks strip?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Ano ang layunin ng komiks strip na New Normal Mask Fashion sa kasalukuyang
sitwasyon ng bansa?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo, ano alin sa mga ito ang dapat at hindi dapat
tuluran ng isang mamamayan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Bakit may mga taong hindi pa rin sumusunod sa tagubilin at nauunawaan ang
kahalagahan ng pagsusuot ng Face Mask sa kasalukuyang sitwasyon?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

SINTESIS
Gumawa ng isang replektibong sanaysay sa kahalagahan ng bukas, malinaw, tapat at
maayos na komunikasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng mga mamamayan hinggil
sa Public Health Safety ngayong panahon ng COVID-19 Pandemic.
ARALIN 6: INTRODUKSYON SA
PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG
PILIPINO

Mga Kasanayang Pampagkatuto


1. Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino.
2. Naiisa-isa ang ilang pananaliksik sa pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino.
3. Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay
4. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at
panlipunan sa bansa.

GAWAIN 1
Magbigay ng ideya upang maging paksa sa inyong gagawing munting pananaliksik na
batay sa iyong karanasan ngayong panahon ng New Normal.
Mga halimbawa/mungkahing pananaliksik hinggil sa
Community Quarantine, Physical Distancing, Flexible Learning, Front liners, Online
Classes.
Mungkahing pamagat ng pananaliksik:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

TALAKAY

Ang Pananaliksik ayon sa Miriam-Webster, ang pananaliksik ay nauukol sa isinasagawang


maingat nap ag-aaral sa layuning makatuklasjng bagong kaalaman hinggil sa anuman. Maaari
itong maging lunsaran ng mga bagong kaisipan, kung kaya’t hindi dapat maging negatibo ang
pagtingin ng sinuman sa Pananaliksik. Ito ay isang payak at mapamaraang paghahanap ng
isang makabuluhan at mahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin
sa pamamagitan ng paggamit ng mga makaaham na kagamitan. Sa pamamagitan ng
pananaliksik ay natitipon ang mga pangunahing kaalaman. Hindi matatawag na pananaliksik
kung basta lamang binabanggit o sinasabi ang isang napagalaman na o nasaliksik (San Juan,
et al., 2010). Ayon kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado,
imperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa isang
inakalang relasyon ng mga natural na pangyayari.

Mga Katangian ng Pananaliksik:


1. Nagbibigay diin sa natuklasang pangkalahatang panuntunan o prinsipyo.
2. Ito ay isang tiyakan at mapamaraang imbestigasyon tungo sa maiangat na pagsusuri o
pag-aanalisa.
3. Lohikal at obhektibo, at gumagamit ng iba’t ibang paraan ng pagsusuri upang patunayan
ang talang nakalap
4. Nagsisikap na magtala ng higit na maraming katibayan hanggat masuri at isulat ito sa
paraang patambilang
5. Maingat na itinatala at isusulat.

Kahalagahan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik ay mahalaga sa buhay ng tao. Sa pamamagitan ng pananaliksik ang
uri ng buhay ng tao ay nababago- mula sa makaluma tungo sa makabago. Mahalaga ang
pananaliksik sapagkat:

1. Binabago nito ang uri ng pamumuhay- Sa pamamagitan ng pananaliksik ay natutunan ng


tao ang tamang daan sa pagbabago ng kaniyang buhay. Nangyayari ito sapagkat ang tao ay
mapangarapin, ambisyo at higit sa lahat ay masikap na makamit ang kanyang mga
panaginip/pangarap.

2. Pinabubuti ng pananaliksik ang uri ng pagtuturo- Sinasabing ang pananaliksik ay isang


walang katapusang Gawain. Ang mga umugit ng batas at mga edukador ay patuloy na
nagsasagawa ng pananaliksik upang mapagbuti ang pagtuturo. Isinasagawa at patuloy na
pag-aaral hinggil sa mga makabagong dulog at estratehiya sa iba’t ibang larangan at mga
aralin.

3. Isinasaayos ng pananaliksik ang mga gawain o ginagawa ng mga mag-aaral- Nauunawaan


ng mga guro ang pag-uugali o asal ng mga mag-aaral gayundin ang kanilang suliranin at mga
pangangailangan sa buhay.

4. Nagbibigay-kasiyahan ang pananaliksik ang pangangailangan ng tao. Halimbawa noong


mga una-unang panahon ay walang elektrisidad, walang sasakyan, mga panoorin at
makabagong paraan ng komunikasyon. Ang lahat ng ito ay nabago sa pamamagitan ng
pananaliksik.

5. Pinagagaan ng pananaliksik ang bigat ng gawain. Ang pagkakatuklas ng mga makabagong


kagamitan ay nakakatulong nang Malaki sa mga tao.

6. Ang pananaliksik ay may malalim na aspetong sikolohikal. Sa pamamagitan ng pananaliksik


ay nabubuhay at nadadalisay ang diwa ng pananagutan ng tao. Ito ang naging daan tungo sa
lalong magandang kinabukasan

7. Nakatutulong sa masaganang ani at pagluluwas sa ibayong dagat. Marami nang natuklasan


ang mga paham sa pananaliksik hinggil sa pagpapabuti ng aning palay, gulay at mga isda.

Uri ng Pananaliksik

1. Taganas o Lantay na Pananaliksik (Pure Research)- Ito ay tinatawag ding batayan o


saligang pananaliksik at layuning tumuklas ng mga taganas o basikong prinsipyo o
katotohanan.

2. Gamiting Pananaliksik (Applied Research)- Ang uring ito ng pananaliksik ay


kinapapalooban ng pagsisiyasat o paghahanap ng mga makabagonog kaalamang
makaagham para sa kalutasan ng isang suliranin. Sa uring ito ay lutang ang suliranin na
nangangailangan ng solusyon. Halimbawa ang suliranin sa patuloy na paglobo o paglaki ng
populasyon. Ang mga ahensya na may kinalaman dito ay maghahanap at maghahain ng mga
panukalang solusyon.
3. Aksyon Riserts (Action Research)- Ito ay may kinalaman sa pananaliksik na
nangangailangan ng kagyat na pagpapasya o desisyon at ito ay ginagamitan ng makaagham
na pamamaraan bilang pagtugon sa dagliang pagbabago sa kasalukuyang kalagayan.

ARALIN 1

PANANALIKSIK PANGWIKA
1. Dulog Historikal- Sa paraang ito ang mananaliksik ay nangangalap at nagtatala
ng mga kaalamang makatutulong sa isasagawang pananaliksik. Ang pagsusuyod
sa mga nakalipas na pangyayari ay nagbibigay daan sa katotohanan ng isang
nakaraan. Sa paraang ito kung may pagdududa sa isang tao, pook, bagay o
pangyayari ay maaaring isagawa ang pananaliksik.

2. Palarawan o Deskriptibong Dulog- Sa maikling paliwanag ito ay


nangangahulugan ng paghahanap ng katibayan (fact-finding) na may sapat na
pagpapakahulugan o interpretasyon. Nangangahulugan na ang tunay na
kahulugan ng mga datus na nakalap ay iniuulat ayon sa layunin at pagpapalagay.
Ang paraan o dulog na ito ay nahahati sa:
a. Sarbey
b. Pamasid na pag-aaral
c. Debelomental na pag-aaral
d. Pag-uugnay sa pag-aaral

3. Pag-aaral ng Kaso (Case Study)

4. Paghahambing sa naging Sanhi at Epekto o Kawsal-komparatibon Dulog

5. Eksperimental na Dulog- Ang pamamaraang ito ng pananaliksik ay gumagamit


ng makaagham na pamaraan kung saan ay inilalarawan kung ano ang hinahanap.
Ito ay karaniwang ginagamit sa mga likas na agham tulad ng Botany, Ecology,
Biology, Psychology, Chemistry at Physics. Subalit ito ay may limitasyon kapag
ginagamit sa larangan ng Edukasyon, Sosyolohiya at Sikolohiya. Bagaman ito ay
isinasagawa sa loob ng silid-aralan o laboratory ay inaasahan pa rin ang
matutuklasan ay sanhi at bunga.

6. Aksyon Research na Dulog

ARALIN 2

Pananaliksik Pangkultura
1. Pakikipanayam
a. Impormal
b. Pormal o Istrikto
c. Gumagamit ng Bukas na Katanungan
d. Paggamit ng Talatanungan na may Nakahandang Kasagutan
2. Obserbasyon

ARALIN 3

MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK


KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG KASAYSAYAN

a. Panimula- Ang panimula ay dapat na kakitaan ng impormasyon kung tungkol saan


ang pag-aaral. Batay sa paglalahad ng suliranin ay maipaaabot sa mga
mambabasa ang saklaw at limitasyon ng pag-aaral. Dapat ding taglayin nito ang
kadahilanan kung bakit ito dapat pag-aralan at ang naramdaman o nakikitang
suliranin na dapat lutasin o bigyang sulosyon.

b. Kaligirang Kasaysayan ng Pag-aaral- Ang bahaging ito ang tumatalakay


kaugnay ng suliranin na siyang pinagkukunan ng ideya ng isinasagawang pag-
aaral. Ipinaliliwanang din sa bahaging ito ang taimtim o marubdob na hangarin ng
mananaliksik na makapagsagawa ng karampatang pagsasaayos sa suliranin.

c. Balangkas Teoretikal- Ito ang bahaging nagtataglay o naglalarawan ng iba’t ibang


teorya, metodo, paradima at mga perspektibong kaugnay ng baryabols.

d. Balangkas Konseptwal- Ang bahaging ito ay nararapat na nakaugnay rin sa


balangkas teoretikal. Nararapat na ang dalawang bahaging ito ay konsistent at
magkaugnay. Isang dayagram ang maaaring magpakita o magpatunay nito.

e. Paglalahad ng Suliranin- Ang suliranin ay dapat na maipahayag na paraang


pangkalahatan at tiyak. Ang pangkalahatang paglalahad ng suliranin ay
karaniwang pagsasalik ng paksa ng pag-aaral. Ilahad ang suliranin sa paraang
pawatas upang masuri, maanalisa, matiyak, masukat at matuklasan. Ang mga
tiyak na katanungan ay nararapat tumugon sa mga tanong na- paano, ano,
mayroon ba, maaari kaya at iba pa.

f. Hipotesis o Asumpsyon- Ilahad ito sa paraang negatibo tulad ng- walang halaga,
walang makabuluhang kaugnayan, walang bias, o walang saysay. Ibatay ito sa
tiyak na katanungan.

g. Kahalagahan ng Pag-aaral- Dito ay dapat talakayin ng mananaliksik ang katwiran


at kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Sa bahagi ring ito ipinakikita kung sinu-
sino ang magkakaroon ng kapakinabangan sa isinagawang pag-aaral. Banggitin
din ang maidaragdag na kaalaman nito. Talakayin din ang implikasyon ng
natuklasang suliranin at ang posibleng solusyon ng suliranin.

h. Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral- Tinitiyak at tukoy ng mananaliksik ang


saklaw o sinasakop ng pag-aaral sa punto ng tagasagot, lawak ng pag-aaral,
instrumenting gamit sa pananaliksik, tagal ng panahon ng pag-aaral, at paksang
tatalakayin o sasaliksikin.

i. Katuturan ng mga Katawagan- Nilalaman ng bahaging ito ang mga susing


salita at kung paano sila binigyang-kahulugan batay sa pagkagamit sa mga
pangungusap. Binibigyan-kahulugan lamang ang mahahalaga at kinakailangang
salita para sa madaling ikauunawa ng pag-aaral at upang maiwasan ang mga di-
tiyak na pahayag na maaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan. Ang mga
kahulugan ay maaaring magbuhat o hinango sa ensayklopedia, talatinigan o
disyunaryo, mga aklat, pahayagan, magasin at mga artikulo. Marapat lamang na
kilalanin ang mga pinaghanguan ng kahulugan.
KABANATA 2: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ay isa sa mahalagang bahagi ng pananaliksik. Dito ay binabanggit


ng mananaliksik kung paanong ang mga pag-aaral ay nauugnay sa kaniyang
isinasagawang pag-aaral. (San Juan, et al., 2010)

May pangangailangang balik-aralan ang mga nasulat na mga babasahin at mga pag-
aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang isinasagawang pag-aaral dahil sa mga
sumusunod na kadahilanan:

1. Upang matiyak kung anong pag-aaral na ang nagawa kaugnay ng isinasagawang


pag-aaral.
2. Upang matuklasan ang estratehiya o pamamaraang ginamit sa pananaliksik na
nakabuti at di-nakabuti.
3. Upang mapagaan ang pag-iinterpreta sa mga kinalabasan ng pag-aaral.

Ang nilalaman ng bahaging ito ay dapat na magtaglay ng mga sumusunod:


1. Banyagang Literatura
2. Banyagang Pag-aaral
3. Lokal na Literatura
4. Lokal na Pag-aaral

KABANATA 3: PAMAMARAANG GINAMIT

Ang bahaging ito ng isang pananaliksik o pag-aaral, tesis man o disertasyon ay


dapat na magtaglay at tumalakay sa mga sumusunod:

a. Disenyo ng Pananaliksik
b. Pamamaraang Ginamit sa Pananaliksik
c. Teknik sa Pagkuha ng Sampol o Kalahok sa Pag-aaral
d. Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik
e. Paraan sa Pangangalap ng mga Datos
f. Kompyutasyong Istadistika

KABANATA 4: PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA SA MGA


DATOS

Ayon kina San Juan et.al (2010) sa bahaging ito ay mahalagang:

1. Masagot ang lahat ng mga tiyak na katanungan sa unang kabanata sa ilalim ng


paglalahad ng suliranin at ipinaliliwanag o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga
talahanayan (tables).

2. Nagbibigay diin lamang sa mga makahulugan at makabuluhang resulta o


kinabukasan.

3. Iwasan ang pagkakamali sa paghahanda ng talahanayan na tumatalakay sa lahat


ng nilalaman makabuluhan man o di makabuluhan.

4. Tukuyin at ipaliwanag o bigyang interpretasyon ang mga pangunahing datos.


Talakayin kung bakit naging possible ang gayong kinalabasan. Ihambing ang
kinalabasan ng pag-aaral na nalipon na saliksik.
5. Isaalang-alang ang bawat haypotesis ng pag-aaral sa paglalahad ng kinalabasan
ng saliksik.

KABANATA 5: PAGLALAGOM, NATUKLASAN, KONKLUSYON AT


REKOMENDASYON

a. Lagom ng mga Natuklasan


b. Mga Konklusyon
c. Mga Rekomendasyon

ARALIN 4

Kulturang Pilipino (Ideyolohiya at Kultura)

ARALIN 5

Kulturang Popular

ARALIN 6

1. Kulturang Popular at Pinong Sining


2. Katangian ng Kulturang Popular
3. Mga Dahilan ng Paglaganap ng Kulturang Popular
4. Mga Pagbabagong Nagbibigay Daan sa Pag-iral ng Kulturang Popular
5. Hindi Magandang epekto ng Kulturang Popular
6. Sino-sino ang Maibibilang sa Kulturang Popular
7. Ang Kulturang Popular at ang Mundong Nalilikha nito

ARALIN 7

Kulturang Popular at Adbertismo

SINTESIS
Mula sa inyong napiling paksa sa ating unang gawain, ngayon naman ay gagawa kayo
ng Munting Pananaliksik batay sa inyong napiling paksa gamit ang ating mga
tinalakay.
Sanggunian:
Adaya, J. Et. al. (2012). Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Unang Edisyon). jimcyville
publications. Malabon City

Aguilar, H. B., Aguilar, J. L., Canega, J. I., & Fallarcuna, E. G. (2016). Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino. Quezon City: Jenher Publishing House.
Austero, C. e. (2013). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Manila: Rajah Publishing
House.
Baco, B. (2018, October 28). Retrieved from Slideshare:
http://www.slideshare.net/mobile/BasemathBaco/kakayahang-pangkomunikatibo-ng-
mga-pilipino
Bernales, R. Et. al. (2013). Wika at Kommunikasyon. Mutya Publishing house. Malabon city.

Carpio, P. e. (2012). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Malabon City: Jimczyville


Publication.
San Juan, G. P., P., S. J., De Leon, Z. S., Canega, J. I., Mag-atas, R. U., Ortiz, A. M., &
Cabaysa, W. G. (2010). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik . Pateros:
Grandwater Publishing.
Santiago, J. Loob nakuha sa https://www.youtube.com/watch?v=F4_IMf9TzyY

You might also like