You are on page 1of 22

Filipino 8

Unang
Markahan
Modyul 3
PAGSULAT NG
KARUNUNGANG-
BAYAN
Sub-Aralin:
Paghahambing
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
 1. Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o
kasabihan na angkop sa kasalukuyang kalagayan (F8PS-la-
c-20)
 2. Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa
bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan (eupemistikong
pahayag) (F8WG-la-c-17)
MGA LAYUNIN
 Pagkatapos ng TALAKAYAN na ito ang mag-aaral ay inaasahang:
 1. Nasusuri ang kalikasan ng iba’t ibang karunungang-bayan at ang
konsepto ng paghahambing. 2. Nakabubuo ng sariling mga
karunungang-bayan na angkop sa kasalukuyang kalagayan at
nagagamit ang paghahambing sa pagbuo nito.
 3. Napahahalagahan ang mga karunungang-bayan at mahusay na
naiuugnay sa kasalukuyang isyung panlipunan.
Tukuyin kung anong uri ng mga karunungang-bayan ang mga
sumusunod. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

1. Ang taong nagigipit, Sa


patalim kumakapit
Naniningalang pugad
 Dala mo dala ka, Dala ka
ng iyong dala
Amoy pinipig
 Bastonng kapitan, Hindi
mahawakan
Ang magandang asal, Ay
kaban ng bayan
Putak, putak , Batang
duwag, Matapang ka’t nasa
pugad
Ang bawat karunungang-bayan ay may
ginagampanang papel upang makita ang epekto
ng panitikang ito sa kasalukuyan at sa
kinabukasan at kung paano ito mapananatili at
mapauunlad.
MGA KARUNUNGANG-BAYAN NA UMUSBONG AT
LUMAGANAP SA PANAHON NG MGA KATUTUBO

 KARUNUNGANG-BAYAN - tinatawag
ding kaalamang-bayan na binubuo ng mga
salawikain, sawikain, bugtong na
karaniwang nagmula sa mga tagalog at
hinango sa mahahalagang tula.
 1. BUGTONG - ang mga bugtong ay pahulaan sa
pamamagitan ng paglalarawan.
 Mga Halimbawa:
Isang hukbo ng sundalo, Bulaklak muna ang dapat
gawin,
Dikit-dikit ang mga ulo Bago mo ito kainin
(Walis) (Saging)
 2. SALAWIKAIN - isang patalinghagang pahayag na ginamit ng mga
matatanda noong unang panahon upang mangaral at akayin ang mga
kabataan sa mabuting asal. Ito’y patulang binibigkas na may sukat at tugma.
Ito ang nagsisilbing batas ng magandang kaugalian at pagkilos noong
panahon ng ating mga ninuno.

 Mga Halimbawa:
 Nasa Diyos ang awa, Kung ano ang itinanim
 Nasa tao ang gawa Siya rin ang aanihin
 3. KASABIHAN - ay karaniwang ginagamit sa panunukso o
pagpuna sa isang gawi o kilos ng ibang tao. Madalas, madaling
makuha ang kahulugan sapagkat lantad ang kahulugan nito. Ito rin
ay ginagamit na Mother Goose Rhymes sa Ingles.

Mga Halimbawa:
Putak-putak Ako’y isang lalaking
Batang duwag Huni ng tuko ng kinakatakutan
Matapang ka’t nasa pugad
4. SAWIKAIN / IDYOMA - lipon ito ng mga salitang patalinghaga ang gamit. Tulad ng
salawikain, nagbibigay ang mga ito ng di- tuwirang kahulugan. Madalas ding gumamit ng mga
eupemistikong mga salita o pahayag. Ang terminong eupemismo o badyang pampalubag-loob
ay ang pagpapalit ng mga salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong
bulgar o bastos na tuwirang nakapananakit ng damdamin o hindi maganda sa pandinig.

Mga Halimbawa:
nagtataingang-kawali – nagbibingihan
mahaba ang kamay – magnanakaw
kapit-tuko – mahigpit ang hawak
anak-dalita – mahirap
bagong-tao – binata
PAGHAHAMBING
 Ang Paghahambing ay isang paraan ng
paglalahad. Ito ay nakatutulong sa
pagbibigay-linaw sa isang paksa sa
pamamagitan ng paglalahad ng pakakatulad
at pagkakaiba ng dalawang bagay na
pinaghahambing.
Dalawang uri ng paghahambing:
 1. Pahambing na Magkatulad - ginagamit ito kung ang dalawang
pinaghahambing ay may patas ang katangian. Ginagamit ang mga
panlaping tulad ng ka-, magka-, ga-, sing-, kasing-, magkasing-, at
mga salitang paris, wangis/kawangis, gaya, tulad, pareho, kapwa.
 Halimbawa:
 1. Pareho kaming matalino.
 2. Magkasing-ganda sina Anne Curtis at ang aming guro sa
Filipino.
2. Pahambing na Di-magkatulad - nagbibigay ng diwang pagkakait,
pagtatanggi o pagsasalungat sa pinatutunayang pangungusap. Dalawang uri
ng Pahambing na Di-magkatulad
a. Palamang - may higit na katangian ang inihahambing sa bagay na
pinaghahambingan. Ginagamit ang labis, higit, lalo, mas, at di-hamak.

Halimbawa:
1. Labis ang sakit na naramdaman ng ina kaysa sa kanyang anak sa
pagkamatay ng kanyang ama.
2. Di-hamak na maganda ang pamumuhay ng mga Pilipino kaysa ibang
bansa.
b. Pasahol - kulang sa katangian ang isa sa dalawang
pinaghahambing. Ginagamit ang di-gaano, di-gasino, di-
tulad, at di-masyado.
Halimbawa:
1. Sariwa ang simoy ng hangin dito, di-tulad ng hangin sa
inyo.
2. Di-masyadong matamis ang biniling mangga ni Lola
kaysa sa manggang nabili ni nanay.
 Magbigay
ng halimbawa
ng paghahambing

You might also like