You are on page 1of 7

TXTBK + QUALAS

SANAYANG PAPEL Blg.3


Textbook based instruction
paired with MELC-Based
SA FILIPINO 8
Quality Assured Learner’s
Activity Sheet (LAS) Kwarter 1 Linggo 3

Pangalan: ____________________________Baitang at Pangkat: _____________________

Guro: _____________________________Petsa ng Pagpasa: _________________________

MELC:3 Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o


kasabihan (eupemistikong pahayag) (F8WG-Ia-c-17
MELC:4 Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa
kasalukuyang kalagayan (F8PS-Ia-c-20)

Sanggunian: Pahina: -
Pinagyamang Pluma 7-25
Aralin: Paghahambing at Dalawang Uri ng Paghahambing

Layunin: 1. Matutukoy ang mga ginamit na paghahambing sa kaisipang nakapaloob


Kasanayan Bilang: 1 Pagtukoy sa mga ginamit na paghahambing Araw: 1
KONSEPTO:
Alam mo ba?
Sa isang mabisang paraan ng pagpapahayag at paglalarawan, ang paghahambing ay makakatulong upang
maipabatid nang malinaw at maayos ang isang kaisipang pinaghahambing. Ayon sa Wikipedia.org, ang
paghahambing ay isang paglalarawan sa antas o lebel na katangian ng tao, bagay, hayop, ideya at pangyayari.Sa
karunungang-bayan na nagiging batayan ng ating mga ninuno at nagsisilbing batas o paalala, kaya naman
nangangailangan ito nang maayos na paglalahad. Sa paggamit ng paghahambing ay mas nagiging mabisa ito,
sapagkat ay naipakikita ang pagkokompara ng dalawang kaisipan, gaya ng pag-uugali, katangian ng isang tao na tila
walang natatanging pagkakatulad.
Dalawang Uri ng Paghahambing
Sa paghahambing mayroong dalawang paraan para ihambing ang isang ng tao, bagay, hayop, ideya at pangyayari sapagkat
nakadepende sa antas o lebel ang paglalarawan. Kaya, may dalawang uri ang paghahambing paghahambing na magkatulad at
paghahambing na di magkatulad.
Ginagamit ito kung patas o
magkatulad ang katangian ng
inihahambing. Ginagamitan ito ng
Pahambing na Magkatulad mga panlaping magka, kasing, sing,
sim, magsing o kaya mga salitang
gaya, tulad, kapwa, pareho at paris.
Halimbawa:
 Kapag gumawa nang mabuti sa kapwa, higit ang balik sa iyo ng ginhawa, gaya ng ginawa ng mabuting
Samaritano sa Bibliya.
 Parehong may pusong mamon sina Ted at Tad, kaya sila ay kinalulugdan ng lahat.

BIGYANG-PANSIN!!!
1
Pansinin ang halimbawa sa unang pahayag, ikinokompara ang paggawa ng kabutihan sa kapwa sa kabutihang
ginawa ng isang Samaritano, sa madaling salita ang paghahambing na ito ay magkatulad kaya ginamitan ng salitang
gaya bilang patunay na ang katangian ng bawat isa ay magkapareho.
Sa pangalawang pahayag ang inihahambing ay ang pagkakaroon ng pusong mamon nina Ana at Ben. Kapwa sila
may parehong katangian kaya gumamit din ng salitang pareho.

Sa paghahambing hindi lamang ang magkapareho ang ihinahambing Maaari ring ihambing ang mga ideya
na hindi magkatulad at may dalawang uri ito:

Pahambing na
Di-magkatulad

Halimbawa:
1. Palamang
 Higit na may pusong mamon si Ana kaysa kay Ben, kaya sila ay nagkakaroon ng sigalot.
 Di-hamak na busilak ang puso ni Ginoong Rafael, kaysa sa kaniyang asawa.

BIGYANG-PANSIN!!!
Bigyang-pansin ang unang halimbawa, sa puntong ito ay nagkaroon ng hambingan sa pagitan ni Ana at Ben na
kung saan ay mas nakakalamang o may katangian si Ana na nakahihigit kaysa kay Ben. Sa madaling salita sa ganitong
klaseng hambingan na ang isa ay nakalalamang sa isa at ginamitan ng salitang higit, ito ang paghahambing na di
magkatulad na Palamang.
Ganoon din sa pangalawang halimbawa, hindi pareho ang katangian na pinaghahambing, sapagkat mas di-hamak
na may busilak na puso si Ginoong Rafael kaysa sa kanyang asawa.
2. Pasahol
 Ang bagong tagapagsalita ay di-gaanong mabulaklak ang dila, kaysa kay Ginoong Sancho.
 Ang tiangge ay di-masyadong mahulugang karayom ngayon kaysa noong nakaraang linggo.

BIGYANG-PANSIN!!!
Tumungo tayo sa isa pang uri ng paghahambing na di-magkatulad na pasahol. Suriin ang unang halimbawa, sa
pagkakataong ito, ang ikinokompara ay may kulang sa katangian. Isinasaad diyan na hindi gaano kaganda magsalita
ang bagong tagapagsalita na kung saan ikonompara siya kay Ginoong Pasta, hindi man lantad na sinabi na mabulaklak
ang dila niya ngunit ang pagkompara sa kanya ay nangangahulugan na angat ang kanyang katangian. Pareho rin sa
pangalawang pangungusap, inihahambing ang dami ng tao ngayon sa Tiangge sa nakaraang Linggo. Nagiging pasahol
ang hambingan, sapagkat gumagamit din ng mga salitang di-gaano o di-gasino.
Sa kabuoan, ang paghahambing ay malaking tulong sa pagpapahayag ng isang kaisipan sapagkat dito natin matutukoy ang klase o
uri ng antas, lebel o katangian ng isang tao, bagay,pangyayari at kaisipan.
Sa mga nabanggit ding halimbawa gamit ang mga karunungang-bayan ay napaghambing natin ang iba’t ibang kaisipan at sa tulong
ng paghahambing ay nabigyan ng halaga ang paggamit ng karunungang-bayan..

Pagsasanay 1:
PANUTO: Suriing mabuti ang bawat pahayag ng bawat bilang. Tukuyin ang pananda o mga salitang ginamit sa
2
paghahambing.Pagkatapos ay tukuying muli kung anong uri ng paghahambing ito, Paghahambing na Magkatulad o Di
Magkatulad (Pasahol o Palamang)
1. Ang mga karunungang-bayan gaya ng salawikain, sawikain, bugtong at kasabihan ay parehong sumasalamin sa kultura
at tradisyon ng mga katutubong Pilipino na naging batayan sa kanilang pamumuhay .
Panlapi o salitang ginamit sa paghahambing Uri ng paghahambing

2. Ang karunungang-bayan at iba pang anyo ng panitikan sa Pilipinas ay magkasinghalaga, sapagkat pareho itong
nagbibigay ng aral sa buhay.
Panlapi o salitang ginamit sa paghahambing Uri ng paghahambing

3. Di-tulad ng salawikain at sawikain, higit na madaling unawain ang mga kasabihan dahil halos literal ang mga kahulugan
nito.
Panlapi o salitang ginamit sa paghahambing Uri ng paghahambing

4. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim
Panlapi o salitang ginamit sa paghahambing Uri ng paghahambing

5. Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila.


Panlapi o salitang ginamit sa paghahambing Uri ng paghahambing

6. Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda


Panlapi o salitang ginamit sa paghahambing Uri ng paghahambing

7. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak.


Panlapi o salitang ginamit sa paghahambing Uri ng paghahambing

Aralin 2: Paggamit ng Paghahambing sa Pagbuo ng alinman sa Karunungang-bayan

Layunin: 1. Makabubuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan gamit ang


paghahambing

Kasanayan Bilang:2 Paggamit ng paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain,


sawikain o kasabihan (eupemistikong pahayag) Araw:2

KONSEPTO: (Ang konsepto sa araw na ito ay natalakay na sa nakaraang araw.)

Pagsasanay
PANUTO: Bumuo ng 5 karunungang-bayan. Maaari ito ay sa karunungang bayan tulad ng salawikain,
sawikain, bugtong at kasabihan. Tiyaking makagamit ng paghahambing gaya ng tinalakay na nasa ibaba.
3
gamit ang tinalakay na paghahambing. Isulatt mo ang iyong nabuong karunungang-bayan sa filibook na
kahon. Isaalang-alang ang pamantayan sa paggawa. (Pagbatayan ang halimbawa sa konsepto)
 “Parang alitaptap, gamit sa panghanap.” Sagot -Flashlight-Bugtong

PAMANTAYAN SA PAGBUO NG ALINMANG SA KARUNUNGANG-BAYAN


4=Napakagaling 3=Mahusay 2=Nalilinang 1=Nagsisimula 4 3 2 1
1. Nagagamit nang wasto ang paghahabing sa loob ng pangungusap na nabuong
karunungang-bayan.
2. Nakabuo ng sariling salawikain, sawikain, bugtong o kasabihan gamit ang
paghahambingNailalahad ng lantad ang mensahe o konsepto sa nabuong
karunungang-bayan,
3. Nagpapakita ng pagiging malikhain sa pagbuo ng bugtong, sawikain, salawikain o
kasabihan
Kabuuang puntos

FILIBOOK

1.

2.

3.

4.

5.

Aralin 3: Pagsulat ng Karunungang-bayan angkop sa kasalukuyang Kalagayan


Layunin: Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa
kasalukuyang kalagayan

Kasanayan Bilang: 3 Pagsulat ng Sariling bugtong, sawikain o kasabihan na angkop sa

4
kasalukuyang panahon
Araw:3 & 4

Konsepto:

Paraan ng Pagsulat ng alinman sa Bugtong, Saliwikain,Sawikain o Kasabihan


Sa kasalukuyan ang mga kabataan ay sumasabay sa agos ng buhay, sila ay nakiki-uso sa kung ano ang mga
bago. Kaya naman, isa sa mga napakalaking hamon ay kung paano din ang mga millennial na mga mag-aaral
makiayon sa ating mga katutubong panitikan. Bagaman, sinaunang panitikan ay malaki naman ang ambag sa
kasalukuyan kaya kinakailangan pa rin itong paunlarin at pagyamanin.Sa pagsulat ng alinman sa karunungang-
bayan, maaari rin tayo gumamit ng paghahambing upang mas lalong mailarawan at mailahad ang isang kaisipan.
Narito ang ilang gabay sa pagsulat ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikan at kasabihan.

3. Nakabatay sa
panahon at
nakapupukaw
ang interes ng 4. Gawin itong
2. Isaalang-alang mga tao simple, maikli at
ang kultura at kinakailangan
tradisyon may sukat at
tugma

Pamamaraan
1. Paggamit ng sa Pagsulat
5. Paggamit ng
matatalinghagang ng mga
paghahambing
salita karunungang-
 Paggamit ng matalinghagang salita- Sa pagbuo bayanng isang karunungang-bayan dapat isaalang-
alang ang paggamit ng kariktan at indayog upang maging masining ang anyo ng isang pahayag,Sa
paggamit nito ay mas magiging matarok ang kanilang pag-iisip .
 Kultura at Tradisyon-Kinakailangan na nakabatay ito sa kultura at tradisyon dahil ito ang
nagiging batayan sa paniniwala at pamumuhay ng isang pamayanan.
 Nakabatay sa panahon at nakapupukaw ang interes ng mga tao.- Ang ating karunungang-
bayan ay umusbong sa panahon ng katutubo, Inaangkop nila ito sa kanilang panahon upang
madaling maiugnay ang kanilang mga sarili.Kaya naman kinakailangan na angkop din sa panahon
ngayon ang mga tema o himig ng isang karunungang-bayan. Mainam rin na ito ay nakapupukaw sa
interes ng tao upang agad itong tumatak sa kanilang isipan.
 Kinakailangang may sukat at tugma- Isa sa mga anyo at estilo sa pagbuo ng karunungang-bayan
na katulad ng paggamit ng mga matatalinghagang salita na nagbibigay sining sa anyo ng pahayag.
 Paggamit ng Paghahambing- Upang mas mailarawan at maipakita ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng antas ng katangian.

Halimbawa:
 Aanhin mo ang pag-ibig na wagas kung mula sa isang hudas
mas mabuti pa ang mukhang ungas, kung mamahalin ka hanggang wakas-
Salawikain
 Parang alitaptap, gamit sa panghanap. Sagot -Flashlight-Bugtong
BIGYANG-PANSIN!!!
Bigyang-pansin ang mga halimbawa,simulan natin sa una, ang salawikain. Nabuo ang pahayag na ito, dahil
pinaghambing ang pag-ibig ng isang nagbabalat-kayo sa isang hindi kaaya-ayang kaanyuan pero wagas naman
magmahal.Gumamit din ng talinghaga, katulad ng salitang hudas na ibig sabihin ay traydor. May sukat at tugma.
5
May parehong tunog sa huling pantig ng taludtud at may sukat na 19 na pantig bawat taludtud.nito.Naayon din ito
sa panahon ngayon dahil sa iba’t ibang paraan ng pagmamahal na minsan nakabatay sa paniniwala ng isang tao, at
doon pumapasok ang kultura at tradisyon.Ganoon din sa pangalawang halimbawa, ang bugtong. Kung susuriin,
inihambing ang liwanag ng isang flashlight sa isang alitaptap,kapag sinabing alitaptap, sa gabi makikita ito na kung
saan ang flashlight ay ginagamit sa gabi. May sukat at tugma rin ang bawat taludturan.
Sa pagsulat ng alinman sa karunungang-bayan mahalagang isaalang-alang ang mga nabanggit upang
magkaroon ng isang makabuluhang karunungang-bayan na maaaring kapulutan ng aral o magkapagbigay ng
paalala,at gumabay para sa mga kabataan natin sa kasalukuyan.

Pagsasanay 1
Suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba. Pumili ng 3 larawan na nagpapakita ng kaganapan sa
kasalukuyan. Sumulat ng alinmang sa bugtong, sawikain, salawikain, o kasabihan na aakma sa larawan na
iyong napili. Isaalang-alang ang mga paraan sa pagsulat ng karunungang-bayan at isulat sa nakalaang
katapat mismo ng larawan.

Salawikain/Sawikain/Kasabihan/
Larawan Bugtong
1
Halimbawa:

Karunungan ay kayamanan higit na mas mahalaga


kaysa sa gintong kumikinang

Salawikain/Sawikain/Kasabihan/
Larawan Bugtong
2 __________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
_________________________

Salawikain/Sawikain/Kasabihan/
Bugtong
Larawan
3 __________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
_________________________

Salawikain/Sawikain/Kasabihan/
Larawan Bugtong
4
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
_________________________

(Ang mga larawan na ito ay mula sa google)


Rubriks sa Pagsulat ng sariling Bugtong, sawikain, salawikain angkop sa kasalukuyang pangyayari

6
= Naisalang-alang ang mga paraan sa pagsulat ng mga karunungang-
bayan=5 pts
Naipapakita ang kaangkupan sa kasalukuyang pangyayari=5pts
Nagpapakita ng pagiging malikhain sa pagsulat= 5pts
Kabuoang Puntos=15pts.

Susi sa Pagwawasto sa Linggo 3


Pagsasanay 1-
1.parehong-Paghahambing na magkatulad
2. magkasing-Paghahambing na magkatulad
3. Di-tulad-Pasahol
4. Parang-Paghahambing na magkatulad
5. Higit-Palamang
6. Higit-Palamang
7. Parang-Paghahambing na Magkatulad
Pagsasanay 2
(Ang mga sagot ay nakabatay sa pagbuo ng sariling mapipili nila sa alinmang sa bugtong, sawikain, salawikain at
kasabihan ng mga mag-aaral at ito ay may halimbawa na)
Pagsusulit 3
(Ang mga sagot ay nakabatay sa pamantayan na itinakda at ng sariling mapipili nila sa alinmang sa bugtong, sawikain,
salawikain at kasabihan ng mga mag-aaral sa pagbuo nito)

You might also like