You are on page 1of 3

SAINT MICHAEL’S COLLEGE OF LAGUNA

BASIC EDUCATION DIVISION


JUNIOR HIGH SCHOOL

Filipino para sa Ika-10 Baitang

Unang Markahan: Panitikang Mediterranean


PAKSA 2: Parabula at Pang-ugnay

INAASAHANG KASANAYAN
Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:
1. makilala ang salitang may naiibang kahulugan.
2. masuri ang tiyak na bahagi ng nabasang parabula na naglalahad ng
katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal.
3. mabigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita o ekspresyong
ginamit sa akda.
4. masuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang
mga ibinigay na tanong.
5. magamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay.
6. maiugnay ang kaisapan ng parabulang binasa sa kasalukuyan.

PAGTALAKAY
Ang parabula ay isang kuwento na nagtataglay ng talinghaga. Nagtuturo ito ng
aral o ng isang katotohanan. Ginagamit din ito upang magpalalim ng
pananampalataya. Ang kuwento ng parabula ay may paralelismo sa buhay ng tao.
Kapag sinuri ang gayong hambingan, lalong mauunawaan ng tao ang kabuluhan
ng parabula sa kanyang buhay.

Nagbigay rin ang mga eksperto ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa parabula


na sinipi ni Steven J. Voris sa kanyang aklat na Preaching Parables: A Metaphorical
Interfaith Approach (2008). Ayon kay George Buttrick (2000), ang parabula ay isang
kuwentong makalupa na may kahulugang makalangit. Ayon naman kay Henry Van
Dyke, ang parabula ay isang napakaikling kuwento tungkol sa mga tunay na tao o
bagay na nag-iingat ng mas malalim na kahulugan. Ayon naman kay C.H. Dodd
(1961), ang pinakapayak na pagpapakahulugan, ang parabula ay isang
pagwawangis o pagtutulad na ibinatay sa kalikasan o sa pang-araw-araw na buhay
ng tao. Sinabi naman ni Clarence Edward Macartney, sa isang parabula,
naglalahad ng isang sitwasyon na ibang-iba at ginagamit ang isa upang ipaliwanag
ang isa. Ayon naman kay Robert Funk (2006), ang parabula ay isang gawaing
pangwika dahil ito ay isang metapora-isang pagsasama ng dalawang pangyayaring
magkaiba. At dahil metapora, nahahamon ang isip na lumikha ng pagkakaugnay-
ugnay. Ayon naman kay Bernard Brandon Scott (1989), ang parabula ay isang
maikling kuwentong kathang-isip. Upang mabigyan ng tamang interpretasyon ang
isang parabula, kailangang basahing mabuti ang kuwento nito.

FILIPINO 10 1
May dalawang katangian ang parabula ayon kay Steven J. Voris (2008) na
kinabibilangan ng mga sumusunod: (1) Ang parabula ay isang salaysay. Ang mga
sangkap ng na bumubuo sa maikling kuwento gaya ng tauhan, tagpuan, banghay,
tema, pananaw at iba pa ay mga sangkap na maaaring gamitin sa pagsulat ng
parabula. Ang ikinaiba ng parabula sa maikling kuwento ay wala sa mga sangkap
na bumubo rito kundi ang uri ng mensaheng taglay nito. Ang isang parabula ay may
nakatagong aral na maaaring magturo sa mambabasa o magpabago sa kaniya. (2)
Ang parabula ay isang metapora. May mga pagkakataong nagkukulang ang
tuwirang paglalarawan sa isang bagay upang maintindihan ito ng tao. Sa ganitong
mga sitwasyon, angkop ang paggamit ng masining na pagpapahayag, gaya ng
paggamit ng metapora. Ang metapora ay isang masining na pananalitana
tumutulong sa isang tao na maintindihan ang anumang hindi niya alam o nakalilito
sa kaniya gamit ang bagay na dati na niyang alam. Sa parabula, ang pagkakatulad
ay nasa karanasan ng tauhan at karanasan ng karaniwang mambabasa.

I-click ang link. Panoorin ang bidyo-lektyur tungkol sa pang-ugnay. Magtala ng


mahahalagang impormasyon.
https://web.microsoftstream.com/video/ef879235-5bec-4a82-85e6-89e7618fb836

Transcript
Mahalaga ang paggamit ng mga pang-ugnay sa pagsulat. Ito ay makatutulong sa
atin sa pagpapalawak ng isang paksa at gayundin ay maiangkop ang tunog ng
naunang salita sa kasunod na salita.

May tatlong pang-ugnay sa wikang Filipino.

a. Pang-angkop – katagang nag-uugnay sa panuring at salitang


tinuturingan.
May tatlong pang-angkop.
Una ay ang pang-angkop na na ginagamit kapag ang unang salita ay
nagtatapos sa katinig maliban sa n.
Halimbawa: masipag na mag-aaral
Ang unang salitang masipag ay nagtatapos sa katinig na g kung kaya’t
na ang ginamit na pang-angkop.
Kadalasan ay nagkakamali sa paggamit ng pang-angkop na ito
sapagkat ito’y nagagamit sa salitang nagtatapos sa n. Halimbawa ay
mamamayan na masipag. Ang lahat ng salitang nagtatapos sa n, ang
gagamiting pang-angkop ay -g.

Ikalawang pang-angkop ay -g kapag ang unang salita ay nagtatapos sa


n. Ang -g ay ikinakabit sa unang salita.
Halimbawa: mamamayang mapunyagi
Ang salitang mamamayan ay nagtatapos sa n kung kaya’t -g ang pang-
angkop na ginamit.

Ang ikatlong pang-angkop naman ay -ng kapag ang unang salita ay


nagtatapos sa patinig.
Halimbawa: mapagpunyaging mamamayan

FILIPINO 10 2
May mga pagkakataon ding nagkakaroon ng kamalian sa pag-aangkop
ng mga salitang nagtatapos sa patinig at nagagamit na pang-angkop ay
na. Tandaang lahat ng salitang nagtatapos sa patinig kung iaangkop sa
kasunod na salita, ang gagamitin ay -ng.
Halimbawa, parating mag-aaral at hindi parati na mag-aaral.

b. Pang-ukol – katagang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang


mga salita sa pangungusap. Ang mga sumusunod ay mga pang-ukol:

sa ng ukol sa/kay
kay/kina para sa/kay tungkol sa/kay
laban sa/kay alinsunod
sa/kay
hinggil sa/kay ayon sa/kay

Halimbawa: Ang kanyang labis na pagsusumikap ay para sa kanyang


pamilya.
Ang pang-ukol na ginamit sa pangungusap ay para sa.

Pangatnig – tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang


salita, parirala, o sugnay. Narito ang iba’t ibang pangatnig.
at ni o kaya maging man
saka pati dili kaya gayundin kung alin sa halip
kung sino siya rin kung kung datapwat subalit
saan gayon
bagkus samantala habang maliban bagaman kung
sa bagay kundi kapag sakali sana pagkat
sapagkat kasi kung palibhasa dahil sa sanhi
kaya ng
anupa samaktwid ngunit kaya sa madaling salita

Halimbawa:
Ni sa hinagap, ni sa panaginip ay hindi ko naisip na malalagay ang ating
bansa sa ganitong sitwasyon.
Ang pangatnig na ginamit sa pangungusap ay ni.
Ang mga pang-ugnay na ito ay mabisang gamit sa pagpapalawak ng mga
pahayag.

Sanggunian:
Dayag, A.M., Del Rosario, MG.G., Julian, A.B., Lontoc, N.S. (2018). Ikalawang
Edisyon Pinagyamang Pluma 9 Lite. Phoenix Publishing House, Inc.
Del Rosario, M.G.G. & Marasigan, E.M. (2018). Pinagyamang Pluma 10 Lite
Edition. Phoenix Publishing House, Inc.

FILIPINO 10 3

You might also like