You are on page 1of 9

MODYUL: SALITANG PANGKAYARIAN

MGA SALITANG PANGKAYARIAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay nararapat na

1. malaman ang iba’t ibang salitang pangkayarian;
2. matukoy ang iba’t ibang uri at gamit nito; at
3. magamit ang ilan sa mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa.
Pangawing – ang AY ay palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ibinabadya nito ang
karaniwang ayos
pangungusap. Ang una ang panag-uri sa paksa ay nilalagyan ng pagbabago. Palataandaan
ito na inilipat
ng posisyon ang bahaging paksa ng pangungusap. Ito ay pang-dugtong sa mga
pangungusap na di-
karaniwang ayos
Halimbawa:
Ako ay galing sa banyo.

1
MODYUL: SALITANG PANGKAYARIAN

Bago ka magpatuloy sa iyong modyul, subukan mo munang sagutin ang

mga sumusunod na pagsusulit.

PANUTO: Kumpletuhin ang diwa ng sumusunod na pangungusap sa

pamamagitan ng pagpuna sa bawat blangko ng wastong pananda nito. Piliin ang
sagot sa kahon.

1. Dahil sa mataas na lagnat, dinala siya sa pinakamalapit ospital.

2. Masyado matao ang mga mall tuwing malapit ang Pasko.
3. ____ Qatar ay isa sa mga pinakamayaman bansa sa buong mundo.
4. May makapal kumot sa loob ng luma kabinet.
5. Ang bata ay pumasok nang walang takot sa madilim _____ silid.
6. Ang protestang ito ay ________ pagtaas ng buwis.
7. ___________ Marlon ba ang pinag-uusapan ninyo kanina?
8. Sinamahan niya ang mga Amerikanong turista ________ lumang simbahan.
9. _______ ordinansa ng lungsod ang manigarilyo sa mga lugar na pampubliko.
10. Ang paghihiwalay ng mga basura ay _________ patakaran ng paaralan.
11. Mabigat ang trapiko ______ nahuli ako sa klase.
12. Naglilinis siya ng silid _______ nakikinig siya sa radyo.
13. Magbabasa ako ng aklat ______ manonood ako ng telebisyon.
14. Hindi kumikibo si Mario _________ malapit si Anna sa kanya.
15. Huwag mo siyang tularan ___________ masama ang ginagawa niya.
tungkol kay kaya g sapagkat
labag sa habang ng ang
laban sa o tungo sa si
na kapag alinsunod sa sina

Nahirapan ka ba sa pagsagot sa pagsusulit na iyon? Huwag kang mag-

alala dahil sa bandang ito, mas malalaman at maiintindihan mo na ang iba’t ibang
klase ng pananda.

A. PANANDA

ALAMIN M
O

Ang pananda ay nagpapakilala o nagsisilbing tanda ng gamit na pambalarila ng isang

salita sa loob ng pangungusap.

2
MODYUL: SALITANG PANGKAYARIAN

May dalawang uri ang pananda. Interesado ka na bang malaman ang mga ito?
Narito ang dalawang uri ng pananda. Una, ang pangawing!

Sa uring pangawing, tanging ang panandang ‘ay’ lang ang kabilang. Ang ‘ay’
ay palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ibinabadya nito ang karaniwang ayos
pangungusap. Palataandaan ito na inilipat ng posisyon ang bahaging paksa ng
pangungusap. Sa ibang sabi, ito ay pandugtong sa mga pangungusap na di-
karaniwang ayos.

Halimbawa:
Ako ay galing sa banyo.

Ikalawa naman ang pantukoy. Ano naman itong pantukoy? Basahing

maigi ang sumusunod para maunawaaan ito.

Ang pantukoy ay ang katagang ginamit sa pagpapakilala sa pangngalan. Ito

ay tinatawag na article sa Ingles. Ito ay may dalawang uri: ang pantukoy na
pambalana at pantangi. Ilan sa mga pantukoy ay ang sumusunod:

 Ang, Ang mga -ito ay ang pantukoy sa ngalan ng bagay, lunan o

pangyayari.
Halimbawa:
Ang kotse ni Raul ay maganda.

 Si, Sina -Ito ay mga pantukoy ukol sa ngalan ng tao.

Halimbawa:
Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani.
Sina Rizal at Bonifacio ay magigiting na mga bayani.
 Ng, mga, Ni, Nina, Kay, Kina, Sa, Sa mga - Ito ay tumutukoy sa
mga tao o bagay na nagmamay-ari ng alinmang bagay.
Halimbawa:
Kay Maria ko ibibigay ang mga rosas na ito.
Sa mga lilipat, mag-ingat po sa dadaanang tulay.

3
MODYUL: SALITANG PANGKAYARIAN

Magagawa mo na bang makapagbigay ng sarili mong halimbawa? Kung

hindi pa, ipagpatuloy mong alamin ang sumusunod na wastong gamit ng bawat
pananda.

* Kapag isahan ang pangngalan, ang pantukoy ay dapat pang-isahan din.

Halimbawa:
Si Jose Rizal ang sumulat ng Noli Me Tangere.
* Kung maramihan ang simuno, ang pantukoy ay dapat pangmaramihan
din.
Halimbawa:
Ang niluto ni Nene ay para kina Juan at Pedro.
* Ang pangngalang pambalana na isahan ay nangangailangan ng pantukoy
na isahan at pambalana.
Halimbawa:
Ang magandang relo ay suot ni Walter.
* Kung ang pangngalang pambalana ay pangmarami, ang pantukoy ay
pangmaramihan din.
Halimbawa:
Ang mga tulip sa Ottawa ay tulad ng mga nasa Holland.
* Maaaring gumamit ng dalawang pantukoy kung ang ikalawa'y umuuri sa
unang pangngalan.
Halimbawa:
Ang mga Katipunero ang nagtatag ng katipunan.

4
MODYUL: SALITANG PANGKAYARIAN

Ang pananda ay nagpapakilala o nagsisilbing tanda ng gamit na pambalarila

ng isang salita sa loob ng pangungusap. Ilan sa mga halimbawa nito ay si, sina, ang,
ang mga, kay, kina, sa, at sa mga.

B. PANG-UGNAY

ALAMIN MO
Tulad ng pananda, may tatlo ring uri ang pang-ugnay. Ito ay
ang pangatnig, pang-ukol at ang pang-angkop. Interesado ka na

Ang pang-ugnay ay mga katagang ginagamit bilang pandugtong ng mga salita at

diwa sa isang pangungusap.

bang malaman ang mga ito isa-isa? Kung ganun, umpisahan natin sa pang-ukol.

Ang pang-ukol ay kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa

ibang salita sa pangungusap. Ilan sa mga ito ay ang sa, para sa/kay/kina, ayon
sa/kay/kina, tungkol sa/kay/kina at marami pang iba.
Halimbawa:
Ang kanyang nilutong ulam ay para sa kanyang asawa at mga anak
Tungkol sa karumal-dumal na krimen ang iniuulat ng reporter.
Para kina Nanay at Tatay ang mga binili kong gulay at prutas.

Alam mo bang hindi ka basta-basta gagamit ng pang-ukol kapag bubuo ka ng

pangungusap? Tama ang iyong narinig dahil ang mga ito ay wastong pinanggagamitan.
Basahin ang sumusunod para lubusan mong maunawaan.

Mga Gamit ng Pang-ukol:

a. Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay.

Halimbawa:
Ang pera ay nasa loob ng kuwarto ni Coby.

b. Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari. 5

Halimbawa:
Ang bagong damit ay para kay Lita.
MODYUL: SALITANG PANGKAYARIAN

Dumako naman tayo sa pangalawang ursi ng pang-ugnay, ang pangatnig. Ano

naman itong tinatawag na pangatnig?

Ang pangatnig ang tawag sa mga kataga o salitang naguugnay sa dalawang

salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap. Ilan sa mga ito ay at,
pati, saka, o, ni, maging, subalit, ngunit, kung, bago, upang, sana, dahil sa at
sapagkat.

Ang pangatnig ay nahahati sa dalawang uri. Upang mas maging malinaw ito
sa iyo, basahin ang sumusunod.

Mga Uri ng Pangatnig:

a. Paninsay
Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay gaya
ng
at, saka, pati, ngunit, maging, datapuwat, at subalit.
Halimbawa:
Gusto niyang bumili ng damit ngunit wala siyang pera.
Naglinis muna si Hannah saka siya nagluto.
b. Pantulong
Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o
sugnay gaya ng kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat at dahil
sa.
Halimbawa:
Nag-trabaho siya ng mabuti para makabili siya ng damit.

Bilang pagtatapos sa mga uri ng pang-ugnay, dumako tayo sa panghuling

uri- ang pang-angkop.

Ang pang-angkop ay ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang

tinuturingan. Tatlo ang pang-angkop na ginagamit: na, -g, at ang -ng.

Upang mas lubusan mong maunawaan ang pang-angkop, alamin ang

sumusunod nitong gamit.

6
MODYUL: SALITANG PANGKAYARIAN

Wastong Paggamit ng Pang-angkop:

a. Inilalagay ang na sa pagitan ng salitang naglalarawan at inilalarawan na ang

nauuna'y nagtatapos sa katinig maliban sa n.
Halimbawa:
masarap na pagkain; malinis na bahay; masinop na tao
b. Ikinakabit ang -g sa nauunang salitang nagtatapos sa letrang n sa magkasunod
na salitang naglalarawan at inilalarawan.
Halimbawa:

bayang magiliw, mahinahong pakikipag-usap, makabuluhang

gawain, maalinsangang lugar, pahayagang makatotohanan.

c. Ikinakabit ang -ng sa nauunang salitang nagtatapos sa patinig (a, e, i, o, u) sa

magkasunod na salitang naglalarawan at inilalarawan.
Halimbawa:
bagong bayani, magandang binibini, mabuting anak, matinding
takot, makataong pulitiko, masayang naglalaro

7
MODYUL: SALITANG PANGKAYARIAN

Ang pang-ugnay ay mga katagang ginagamit bilang pandugtong ng mga salita at

diwa sa isang pangungusap. Ito ay may tatlong uri: ang pangatnig, pang-ukol at ang
pang-angkop.

Magaling! Ngayon ay natapos mo ng pag-aralan ang iba’t ibang salitang

pangkayarian. Upang subukan ang iyong mga natutunan sa modyul na ito, narito ang
ilang katanungan para mas malinang pa ang iyong kaalaman.

GAWIN MO
PANUTO: Kumpletuhin ang diwa ng sumusunod na
pangungusap sa pamamagitan ng pagpuna sa
bawat blangko ng wastong salita na tutugma
dito. Piliin ang sagot sa kahon.

1. Dahil sa mataas na lagnat, dinala siya sa pinakamalapit ospital.

2. Masyado matao ang mga mall tuwing malapit ang Pasko.
3. ____ Qatar ay isa sa mga pinakamayaman bansa sa buong mundo.
4. May makapal kumot sa loob ng luma kabinet.
5. Ang bata ay pumasok nang walang takot sa madilim _____ silid.
6. Ang protestang ito ay ________ pagtaas ng buwis.
7. ___________ Marlon ba ang pinag-uusapan ninyo kanina?
8. Sinamahan niya ang mga Amerikanong turista ________ lumang simbahan.
9. _______ ordinansa ng lungsod ang manigarilyo sa mga lugar na pampubliko.
10. Ang paghihiwalay ng mga basura ay _________ patakaran ng paaralan.
11. Mabigat ang trapiko ______ nahuli ako sa klase.
12. Naglilinis siya ng silid _______ nakikinig siya sa radyo.
13. Magbabasa ako ng aklat ______ manonood ako ng telebisyon.
14. Hindi kumikibo si Mario _________ malapit si Anna sa kanya.
15. Huwag mo siyang tularan ___________ masama ang ginagawa niya

tungkol kay kaya g sapagkat

labag sa habang ng ang
laban sa o tungo sa si

8
MODYUL: SALITANG PANGKAYARIAN

na kapag alinsunod sa sina

You might also like