You are on page 1of 15

Banghay Aralin sa Filipino 10

I-LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa ngalan sa isang


pangungusap.( F10WG-If-61)

II-MGA NILALAMAN

A.Paksang aralin: Panghalip ( Anapora at Katapora)


B.Sanggunian: Modyul para sa Mag—aaral ni Florentina F. Gorrospe
pahina 68-69
C. Kagamitan: Manila paper, chalkboard, paper strip.
D. Kahalagahang pantao: Kooperasyon

III-Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A.Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtsek ng Atendans
B. Balik- aral
Noong nakaraang araw ay tinalakay natin
ang isa sa halimbawa ng maikling kwento na
pinamagatang “Ang Kwintas” ni Guy de
Maupassant.
Sino-sinu ang mga tauhan sa kwento? Magbigay Ang isa sa tauhan sa kwento ay si Mathilde. Siya
ng isa sa kanyang katangian at gamitin ito sa ay maganda,
pangungusap.

Magaling.

C.Pagganyak
(Ang guro ay maglalagay ng mga salita sa isang
kahon at ipapabunot sa mga mag-aaral).

Panuto:
Kumuha ng isang salita sa kahon na 1.ito 4.ikaw 7.nila
nakasulat sa maliit na papel. Pagkatapos ay 2.kaniya 5.ko 8.kami
basahin ang salita at gamitin ito sa pangungusap. 3.siya 6.mo 9.sila

1.Siya ay nadapa.
Magaling.

Ano ang inyong napapansin sa mga salitang


inyong ginamit sa pangungusap? Ito ay humahalili sa ngalan ng tao Maam.
Mahusay .
Ang inyong mga salitang ginamit nyo sa
pangungusap ay may kaugnayan sa paksang ating
tatatalakayin ngayong araw.

D. Paglalahad ng aralin
Ang ating tatalakayin ngayong araw ay
tungkol sa panghalip mga uri nito at ang
dalawang reperensiya.

E. Pagtatalakay
Basahin ang nasa pisara. Panghalip- ito ay isa sa bahagi ng panalita na
ginagamit bilang pamalit o panghalili sa ngalan ng
tao sa parehong pangungusap o kasunod ng
pangungusap.

Salamat.
Ang panghalip daw ay ginagamit bilang pamalit o
panghalili sa ngalan ng tao sa parehong
pangungusap o kasunod na pangungusap.

Halimbawa:
1. Si Marie ay nahulog sa hagdan.
Siya ay nahulog sa hagdan.

Ano ang napapansin nyo sa halimbawa? Ang napaapansin ko sa halimbawa ay sa unang


pangungusap ngalan ng tao ang ginamit
samantalang sa pangalawang halimbawa ay
panghalip na siya ang ginamit sa pangungusap na
kung saan ito ay inihalili o pinalit sa ngalang
Marie.
Okey. Magaling.
At ang tawag sa salitang siya ay? -Panghalip Maam.

Iba pang halimbawa.

ako sila ikaw


kami ko mo

Gamitin ninyo sa pangungusap ang nasa -Pumunta sila sa ilog.


halimbawa.

Ano ang salitang panghalip sa pangungusap? Ang salitang panghalip sa pangungusap ay sila
Maam.
Mahusay.
Ngayon ay dadako tayo sa apat na uri ng 1.Panao – ito ay inihalili sa pangalan ng tao.
panghalip. Ang una ay , pakibasa.

Salamat.
Ang panao ay inihalili sa ngalan ng tao.
Halimbawa:
ka niya amin ikaw mo iyo ko

Ngayon ay gamitin ninyo sa pangungusap ang -1.Ikaw ang nagpasimula ng gulo.


mga salitang nasa halimbawa.

Ano ang ginamit na panghalip sa pangungusap? Ikaw Maam, na kung saan ito ay pinalit sa ngalan
ng tao.
Mahusay.

Ang pangalawa ay, pakibasa. 2. Pamatlig.- panghalili sa mga pangalang


itinuturo.

Salamat, ang pamatlig ay inihalili sa ngalang


itinuturo.

Halimbawa:
ito iyan ganito doon
iyon diyan heto

Ngayon gamitin ninyo sa pangungusap ang mga -Ang punong-kahoy na iyon ay paboritong
halimbawa. tambayan ng mga magkasintahan.

Ano ang panghalip na ginamit sa pangungusap? -Ang ginamit na panghalip ay iyon na kung saan
ito ay ginamit na panghalili sa ngalan na itinuro at
ito ay punong-kahoy.

Magaling.

Ang pangtatlo ay, maaari mo bang basahin? 3.Pananong- binubuo ng mga salitang patanong.

Salamat.

Ang mga halimbawa ay:


ano ilan sino kanino alin

Gamitin sa pangungusap ang mga salitang nasa -Sino ang may-ari ng bag na naiwan sa silid
halimbawa. aklatan?

Ano ang ginamit na panghalip sa pangungusap? -ang panghalip na gimamit sa pangungusap ay


sino na kung saan ito ay nagtatanong.

Magaling.
Ang panghuli ay, Pakibasa. 4.Panaklaw-sumasaklaw sa bilang o dami ng
tinutukoy na bagay.
Salamat. Ang panaklaw ay tumutukoy sa bilang o
dami ng isang bagay.

Halimbawa:
lahat sinuman anuman
tanan
Gamitin ninyo sa pangungusap ang nasa
halimbawa. -Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili
lamang.
Ano ang ginamit na panghalip sa pangungusap?
Ang ginamit ay sinuman Maam.
Magaling.

Ngayon naman ay dadadako tayo sa dalawang


reperensiya ng panghalip pero bago iyon ay
aaalamin muna natin kung ano ang ibig sabihin
ng reperensiya. Ang reperensiya ay mga
panghalip na ginagamit sa teksto o pangungusap.

Mayroon tayong dalawang reperensiya ng


panghalip ang una ay, pakibasa. 1.Anapora- ay reperensiya ng panghalip na
tumutukoy sa mga nabanggit na sa unahan ng
Salamat. Ang anaphora ay reperensiya daw ng teksto o pangungusap.
panghalip na tumutukoy sa mga nabanggit na sa
unahan ng isang teksto o pangungusap.

Ang halimbawa nito ay:

Karamihan sa mga tao ay ikinakabit ang kulturang


Pranses sa Paris. Ito ang sentro ng moda,
pagluluto, sining, at arkitektura.

Batay sa halimbawa, alin diyan ang panghalip na


anaphora? Ang panghalip na anapora sa pangungusap ay Ito
na kung saan ang tinutukoy nito sa pangungusap
Magaling. ay ang salitang Paris.
Sa panghalip na anapora ay nauuna ang
pangngalan kaysa sa panghalip, na kung saan ang
pangalan sa pangungusap ay Paris at ang
panghalip naman ay Ito.

Ngayon ay dadako naman tayo sa pangalawang


reperensiya ng panghalip , pakibasa.
Salamat. Ang katapora naman ay bumabanggit o 2. Katapora-ay mga reperensiya na bumabanggit
tumutukoy sa mga bagay na nasa hulihan pa ng at tumutukoy sa mga bagay na nasa hulihan pa
teksto o pangungusap. ng teksto o pangungusap.

Sa kataporang panghalip ay nauuna naman ang


panghalip kaysa sa pangngalan.

Ang halimbawa nito ay:


Sila ay sopistikado kung manamit. Mahilig din sila
sa masasarap na pagkain at alak. Ang mga taga-
France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga
kasayahan.
Batay sa halimbawa ano ang katapora sa
pangungusap na kung saan tinukoy niya ang
salitang Taga-france?
-ang katapora na ginamit sa pangungusap ay
Magaling. salitang Sila.
Naunawaan niyo ba klas ang dalawang
reperensiya ng panghalip?

F. Paglalapat -Opo, Maam.


Pangkatang Gawain
(hahatiin sa apat ang klase)
Panuto:
Sumulat ng Diyalogo gamit ang iba’t ibang
panghalip tungkol sa mga paksang pag-ibig,
paghihiwalay,pagseselos, at kaibigan.

1 pangkat- pag-ibig
2 pangkat- paghihiwalay
3pangkat- pagseselos
4 pangkat- kaibigan

Pamantayan sa Pagpupuntos
Pamantayan Puntos
1.Nagagamit nang
wasto ang mga 10
panghalip sa isang
Diyalogo.
2.Maayos ang
paglalahad ng ideya 10
sa diyalogo gamit ang
mga panghalip
3. Maayos at malinaw 10
ang pagkasulat ng
gramatika at bantas.
Kabuuan 30
G.Ppaglalahat
Sa kabuuan, ano ang tinalakay ngayong umaga?

Magaling. -Ang tinalakay natin ngayong umaga ay tungkol


sa panghalip ang apat na uri nito at ang dalawang
IV-PAGTATAYA/ EBALWASYON reperensiya ang anaphora at katapora.
Panuto:
Tukuyin kung ang mga pahayag ay
Anaphora o Katapora.
1.Isa sa magaganda’t mapanghalinang bababe si
Mathilde. Siya ay isinilang sa angkan ng
manunulat.
2.Ang France ay una nang tinawag na Rhineland.
Noong panahon ng iron age at roman era, ito ay
tinawag na Gaul.
3. Sa labis ng kanyang paghahahangad ng
magandang buhay ay napunta siya sa isang
mahirap na pamilya. Kaya si Lara ay naghihirap at
nagdurusa sa kanyang buhay.
4. Siya ay umiyak dahil pinagalitan ng kanyang
nanay. Kaya si Marie ay lumayas sa kanilang
bahay.
5.Minamahal kong Roy, kaawaan ka sana ng
poong maykapal sa iyong paglalakbay

V-KASUNDUAN
Panuto:
Alamin ang kahulugan ng Nobela
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

I-LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A.Natutukoy ang kahulugan at elemento ng maikling kwento.

II-MGA NILALAMAN

A.Paksang aralin: Maikling kwento ( kahulugan at elemento).


B. Sanggunian: Pluma 7 pahina 82- 83.
C. Kagamitan: Manila paper, larawan, at illustration board.
D.Kahalagahang pantao: Pagkakaisa at Kooperasyon.

III-PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A.Panimulang Gawain
1.Panalangin
2.Pagtsek ng Atendans
B.Balik-aral
Kahapon ay tinalakay natin ang tungkol sa
pangatnig. Kung inyo pang naaalala, ano ang ibig -ang ibig sabihin ng pangatnig ay nag-uugnay sa
sabihin ng pangatnig? mga salita, parirala, at sugnay para magkaroon ng
kahulugan ang isang pangungusap.
Magaling.

C.Pagganyak
(Pansinin ang larawan sa pisara)
Batay sa larawang inyong nakikita, ano ang -iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
mabubuo ninyong kwento?

Magaling, at nagawan ninyo ng kwento ang


pangyayaring nasa larawan.
Ngayon ay ang inyong ginawa ay may kaugnayan
sa paksang ating tatatalakayin ngayong araw na
ito.

D.Paglalahad ng Aralin
Ngayong araw, ating tatalakayin ang tungkol -Maikling Kwento- ay isa sa akdang
sa kahulugan at elemento ng maikling kwento. pamapanitikan na tumatalakay sa
E.Pagtatalakay pinakamasidhing pangyayari sa buhay ng
Basahin ang nasa pisara. pangunahing tauhan sa kwento.

Salamat. Sa madaling salita ang maikling kwento


ay nakapokus sa mga pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan sa kwento at ito ay
mababasa sa isang upuan lamang.
Naunawaan niyo ba klas ang Maikling kwento? Opo Maam.

Ngayon ay dadako naman tayo sa mga emento ng 1.Tauhan- ang nagbibigay ng buhay sa isang
maikling kwento. Ang una ay, pakibasa.. kwento. Ang tauhan ay maaaring maging mabuti
o masama.

Salamat. Ang tauhan ang siyang gumaganap ng


kilos sa isang kwento kung kayat sila ang
nagbibigay buhay sa kwento.

Halimbawa:
Sa isang dramang “ Ang Probinsiyano” ang mga
tauhan ay sina Cardo, alyana at marami pang iba.

Ang pangalawa ay, Pakibasa. 2. Tagpuan- ang panahon at lugar kung saan
naganap ang pangyayari sa kwento.

Maraming salamat. Ang tagpuan sa isang kwento


ay tumutukoy kung saan naganap ang pangyayari
sa kwento.
Halimbawa:
Sa pabulang “Si Pagong at si Matsing” ang
tagpuan ay nasa gubat.

Ang pangtatlo ay, basahin. -3.Banghay-ito ang maayos at wastong


pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

Maraming salamat.
Ang banghay ay ang maayos at wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kwento.

May limang bahagi ang banghay ang una ay, 1.Simula-ang ka wilihan ng mga mambabasa ay
nakasalalay sa bahaging ito. Dito ipinakilala ang
mga tauhan at tagpuan na iikutan ng pangyayari
sa kwento.
Maraming salamat. Dito sa simula ipinapakilala
ang mga tauhan at tagpuan na iikutan ng mga
pangyayari sa kwento.

Ang pangalawa naman ay ang tunggalian. 2.Tunggalian-dito makikita ang pakikipagtunggali


Pakibasa. ng pangunahing tauhan sa mga suliraning
kanyang kakaharapin sa kwento.
Salamat.
Sa tunggalian ay dito nakikipaglaban ang
pangunahing tauhan sa mga suliraning kanyang
kinakaharap.
Nauunawaan niyo ba ang ibig sabihin ng -Opo maam.
tunggalian?
Ang susunod ay ang kasukdulan. -3. Kasukdulan- Ito ang pinakamataas na
Sino ang maaaring makabasa? pangyayari sa kuwento kaya’t ito ang
pinakamaaksyon.

Salamat.
Sa bahaging ito, unti-unting nabibigyang-
solusyon ang suliranin at dito malalaman kung
magtatagumpay ba ang tauhan o hindi.
Nauunawaan niyo ba ang ibig sabihin ng -Opo maam.
kasukdulan?

Magaling.
Ngayon ay dadako na tayo sa pang-apat na
bahagi ng banghay, ang kalakasan.
Basahin: 4. Kakalasan- sa bahaging ito, bumababa ang
takbo ng kuwento. Ito ay nagbibigay ng daan sa
wakas.
Salamat.
Kakalasan- ito ang nagbibigay-daan sa isang
wakas. Nagkakaunawaan na ang mga tauhan sa
kuwento.
Nauunawaan ba ang ibig sabihin ng -Opo maam.
kakalasan?

Magaling.
Ang panghuli ay ang wakas. 5. Wakas- ang kahihinatnan o resolusyon ng
Maaari mo bang basahin? kuwento na maaaring masaya o malungkot.

Salamat.
Sa bahaging ito ay dito isinasaad ang
kahihinatnan ng isang kuwento, at ang kuwento
ay maaaring magwakas sa masaya o malungkot
na pangyayari.
Nauunawaan niyo ba klas ang mga bahagi ng Opo maam.
banghay?

E. Pagpapahalaga/Paglalapat
Ano ang iyong naramdaman matapos niyong -Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
malaman ang kahulugan ng maikling kuwento at
ang mga elemento nito?
Pangkatang Gawain
(Hahatiin ng guro ang klase sa dalawa)
Panuto:
Mag-isip ng mga kuwentong inyo nang
nabasa. Pagkatapos suriin ninyo kung sino ang
tauhan, kung saan ang tagpuan, at kung ano ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento.

Mayroon lamang kayong 5 minuto para


gawin ito at 3 minuto naman para sa pagpapakita
ng inyong mga ginawa.

PAMANTAYAN SA PAGPUPUNTOS

Pamantayan Puntos
1.Nailalahad nang maayos 10
ang tauhan, tagpuan at
banghay sa sinuring
kuwento.
2. Kooperasyon 5
3. Malinis at maliwanag 15
ang pagpapaliwanag
Kabuuan 25

F. Paglalahat
Sa kabuuan, ano ang ating tinalakay ngayong -Ang ating tinalakay ngayong umaga ay tungkol sa
umaga? maikling kuwento at ang mga elemento nito na
kung saan ito ay binubuo ng tauhan, tagpuan at
banghay.

Magaling.

IV- PAGTATAYA/EBALWASYON
Panuto:
Tukuyin kung anong elemento ng maikling
kuwento at bahagi ng banghay ang tinutukoy sa
bawat bilang. -1. Banghay
1. Ito ay tumutukoy sa maayos at wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento. -2. Tagpuan
2. Tumutukoy ito sa panahon at lugar kung saan
naganap ang kuwento. -3. Tunggalian
3. Dito makikita ang pakikipaglaban ng
pangunahing tauhan sa kuwento sa mga -4.Kakalasan
suliraning kanyang kakaharapin.
4. Sa bahaging ito bumababa ang takbo ng -5. Tauhan
kuwento. Ito ay maaaring maging daan sa wakas.
5. Ito ay tumutukoy sa nagbibigay-buhay sa
maikling kuwento.

V- TAKDANG ARALIN
Panuto:
1.Basahin ang isang halimbawa ng isang maikling
kuwento sa pahina 58-64.
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

I-LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A.Nagbibigyang kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginagamit sa akda batay sa


konteksto ng pangungusap. F10PB-Ig-6
B.Napapatunayang ang mga pangyayari sa akda ay maaaring maganap sa tunay na buhay. F10PT-Ig-66

II- MGA NILALAMAN

A.Paksang aralin: Maikling kuwento (Ang Kuwintas)

B.Sanggunian: Modyul para sa mag-aaral ni Florentina F. Gorrespe (pahina 58-65)

C.Kagamitan: Larawan, manila paper, chalkboard

D. Kahalagahang Pantao: Maging makontento

III-PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A.Panimulang Gawain
1.Panalangin
2.Pagtsek ng atendans
B.Pagbabalik-aral
Noong nakaraang araw, ay tinalakay natin nag
kahulugan ng maikling kuwento at ang mga
elemento nito.
Ano ang maikling kuwento? -Ang maikling kuwento ay nagtatalakay sa
pinakamasidhing pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan sa kuwento.

Magaling.
Anu-ano naman ang mga elemento ng maikling -Ang mga element ng maikling kuwento ay
kuwento? tauhan, tagpuan at banghay.

C.Pagganyak
Ilarawan Mo
Panuto:
Para sa iyo, anu-ano ang katangian ng isang
huwarng babae o lalaki? Magbigay ng 3 katangian
at isulat sa loob ng hugis puso.

-Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral


Magaling.
Ang inyong ginawa ay may kaugnayan sa
paksang ating tatalakayin ngayong araw, dahil
tungkol sa isang babae ang kuwentong ating
babasahin ngayong araw na ito.

D.Paglalahad ng aralin
Ngayong umaga ang tatalakayin natin ay isang
halimbawa ng maikling kuwento na
pinamagatang “Ang Kuwintas”, ni Guy de
Maupassant.
Pero bago tayo magbabasa ay atin munang
bibigyan ng kahulugan ang mga salitang maaaring
makasagabal sa ating pagbabasa sa isang
kuwento.
E.Paglinang ng Talasalitaan
Panuto:
Basahin at unawain ang pangungusap sa
bawat bilang at ibigay ang kahulugan ng mga
salitang may salungguhit batay sa pagkagamit
nito sa pangungusap.
1. Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap -nag-aalinlangan
ng salamin, nagbabantulot siya at hindi
mapagpasyahan kung ang mga iyon ay
isasauli o hindi.
2. May taglay siyang alindog na hindi -kagandahan
nababagay sa kasalukuyan niyang
kalagayan kaya’t ipinahihinagpis niya ang
karukhaan ng kaniyang lumang tahanan.
3. Malimit na sa pagmamasid niya sa -lungkot
babaeng Briton na siyang gumaganap ng
ilang abang pangangailangan niya sa
buhay ay nakadarama siya ng
panghihinayang at napupuntas ng
lumbay ang kaniyang puso kapag naisip
ang mga pangarap niya sa buhay na hindi
na yata magkakaroon ng katuparan.
4. Oh, kahabag-habag kong Mathilde, ang -kaawa-awa
ipnahiram kong kuwintas sa iyo ay
imitasyon lamang, puwit lamang ng baso.
5. Naglalaro sa kanyang balintataw ang -alik-mata
anyo ng tahimik na tanggapang
nasasabitan ng mamahaling kurtina.
6. Kung kani-kanino siya nanghiram,
lumagda sa kasulatan, pinasok kahit na -mangungurakot
ang mga gipit na kasunduan, kumuha ng
mga patubuan at pumatol sa lahat ng uri
ng manghuhuthot.
7. Sa harap ng gayong nakkagigimbal na -karamay
pangyayari, si Mathilde ay maghapong
naghihintay na sapupo ng di
matingkalang pangamba.
8. Labis ang pagmimithi niyang masiyahan -kaiinggitan
siya, maging kahali-halina, kaibig-ibig,
maging tampulan ng papuri at
pangimbuluhan ng mga babae.
9. Nagulumihanang ang lalaki nang -naguguluhan
makitang umiyak ang kanyang asawa.

F.Pagtatalakay
Basahin ninyo ng tahimik ang kuwento at
unawain ito. “Ang Kuwintas” ni Guy de Maupassant

Mga Tanong:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa
kuwento? Magbigay ng isa niyang
katangian at gamitin ito sa pangungusap.
2. Bakit hindi masaya si Mathilde sa pililng
ng kanyang asawa?
3. Ano ang ginawa ni G. Loisel upang
mapapayag ang kanyang asawa na
dumalo sa kasayahang idinaraos ng
kagawaran?
4. Anu-ano ang nais mangyari ni Mathilde
sa kanyang buhay?
5. Kung ikaw si Mathilde, ano ang gagawin
mo upang matupad mo ang mga
pangarap mo sa buhay?
6. Sa kasalukuyang panahon, may mga
Mathilde ka bang nakikita? Ilarawan.
-Opo maam.
Nauunawaan niyo ba ang kuwento?

G.Pagpapahalaga/Paglalapat
Mahalaga bang maging makontento sa
anong mayroon tayo sa buhay?

Pangkatang Gawain
(Hahatiin ng Guro sa 2 ang klase)
Kilalanin Mo
Panuto:
Ipakilala ang mga pangunahing tauhan sa
kuwento sa pamamagitan ng kasunod na
character map. Ihambing sila sa ilang kakilala na
may pagkakatulad ang ugali. Ilahad ito sa klase.
Tauhan Katangiang Pisikal Gawi Aksyon

Mayroon lamang kayong 5 minuto para gawin ito.

PAMANTAYAN SA PAGPUPUNTOS
Pamantayan Puntos
1. Malinaw at maayos ang
pagkakahambing ng mga
tauhan sa kuwento sa 20
mga kakilala na may
pagkakatulad ang ugali.
2. Pagkakaisa 10
3. Ideya 20
Kabuuan 50

H.Paglalahat
Sa kabuuan, anong aral ang inyong napulot
sa kuwentong ating binasa na maaari nating -Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
isabuhay?

IV- PAGTATAYA/EBALWASYON
Panuto:
Patunayan na ang mga sumusunod na
pangyayari sa akda ay maaaring maganap sa
tunay na buhay.

V- KADUNDUAN
Panuto:
1. Alamin ang kahulugan ng panghalip.

You might also like