You are on page 1of 4

Filipino 8

Module 7: Pang-ugnay
Subject Teacher: Mary Jane E. Bonglay

Lesson Description:

Sa modyul na ito ay tatalakatin ang Pang-ugnay at mga gamit ng pang-ugnay sa mga pananalita.

Course Objective:

A. Nagagamit ang angkop na mga piling pang- ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula, pagpapadaloy ng mga
pangyayari, pagwawakas)

Pagtalakay

Pang- ugnay

Pang-ugnay- Ang Pang-ugnay ay mga salitang


nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa
pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng
dalawang sugnay.

Mga Pang -ugnay

a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay

b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan

c. Pang-ukol ( preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita

May tatlong pang-ugnay sa Wikang


Filipino. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Pang-angkop – ito ay ang mga


katagang nag-uugnay sa at salitang
tinuturingan. Ito ay nagpapaganap
lamang ng mga pariralang
pinaggagamitan. May dalawang uri
ng pang-angkop.

a. Ang pang-angkop na – na ay
ginagamit kapag a ng unang salita ay natatapos s katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat ng nakadikit sa unang
salita. Inihihwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita ng panuring.

b. Ang pang-angkop ng –ng ay ginagamit kung ang unang salita at nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa
unang salita.

Kapag ang unang salita naman ay nagtatapossa n tinatanggal o kinakaltas ang n at ikinakabit ang –ng

- Halimbawa:

"Mapagmahal na ina"
"Masarap na kainan"

- Ang ng ay idinurugtong sa salitang inaangkupan. Ginagamit ito sa mga salitang nagtatapos sa patinig

- Halimbawa:

"Maruming damit’’

"masunuring bata"

2. Pang-ukol – ito ay isang uri ng pang-ugnay na nagsasaad ng kuagnayan ng pangngalan o panghalip sa ibang
salita sa pangungusap.

Halimbawa:

Para sa, ukol sa, laban sa, alinsunod sa, labag sa, ayon
sa, para kay/kina, ukol kay/ kina

- Narito ang mga halimbawa:

ng, ni/nina, kay/kina, laban sa/kay, ayon sa/kay, para


sa/kay, alinsunod sa/kay, hinggil sa/kay at tungkol
sa/kay.

- Halimbawa:

"Alinsunod sa batas, bawal ang ilegal na pagpuputol ng mga puno sa kabundukan."

" Pagbubutihan ko ang aking pag-aaral para sa aking magandang kinabukasan."

3. Pangatnig -bahagi ng salitang nag-uuganay ng


isang salita o kaispan sa isa pang salita o kaisipan sa
isang pangungusap.

Halimbawa ng pangatnig:

at, pati, nang, bago, habang, upang, sakali, kaya,


kung, gayon

"Mag banat ka ng buto upang guminhawa ang iyong


buhay."

"Pumunta sila sa mall at namili ng mga p-agkaing


ihahanda sa noche buena."

a. Pamukod – ginagamit upang itangi ang isa sa isa pang bagay.

b. Paninsay o pasalungat – ginagamit kung nagsasaaad ng pagsalungat

Halimbawa:

Subalit, datapwat, bagama’t

c. Panubali o Panlinaw – nagsasaaad ng panubali o pasakali.

d. Pananhi – tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaaad kadakilaan

Halimbawa:

Sapagkat, dahil sa, palibahasa

Mga halimbawa ng Pang-ugnay:


Pagdaragdag - at, ulit, pagkatapos, bukod, ano pa

Paghahambing - pero, sa kabilang banda, subalit, gayon man

Pagpapatunay - dahil sa, para sa, tunay na, sa katunayan, kung saan

Pagpapakita ng oras - Kaagad, pagkataposm sa lalong madaling panahon, sa wakas, noon

-The End-

NAME: ________________________________ YEAR & SECTION: ________________

Pagsusulit bilang isa

Ibigay ang mga kasagutan na hinihingi ng bawat bilang


1. Ano ang pangatnig na bubuo sa pangungusap?
"Mabigat ang trapiko ______ nahuli ako sa klase."

2. "Matutulog ako ng maaga ___________ hindi ako mahuli sa klase bukas."

3. "Maaari tayong maglaro __________ tapos na tayo sa pagsagot ng ating takdang-aralin."

4. Huwag mong gawin ang mali __________ walang maibubungang maganda iyan sa'yo."

5. Sasabay sana ako kay Marie pauwi ___________ nakauwi na pala siya.

6. Anong pang-angkop ang bubuo sa pangungusap?


"Lagi____ maagang nagpapasa ng kanyang proyekto si Juan."

7. "Nagpunta sila sa ilog ____ malalim kanina."

8. "Mukha_____ masarap ang ulam mamaya sa bahay."

9. Masipag _____ mag-aaral si Juan kaya mataas ang kanyang mga marka.

10. Magtanim tayo ng mga halaman_____ gulay upang makasiguro na walang kemikal ang
ating kinakain.

ACTIVITY/OUTPUT

Kayo ay mga sikat na manunulat kung saan ay nagsusulong ng kalinisan kaya naman naisipan nyo na
gumawa ng kasabihan na sa tingin nyo tutulong sa pagligtas sa inang kalikasan na kakikitaan ng ibat-ibang uri
ng pang-ugnay. Kayo ay pupuntusan batay sa pagtatasang ginawa ng inyong guro.

You might also like