You are on page 1of 5

Week :6

Title : Angkop na Gamit ng Pandiwa


Subject : Filipino 8
Subject Teacher : Mikko L. Domingo

Course Objective:

A. Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksiyon, pangyayari at karanasan

B. Nauunawaan ang gamit ng pandiwa

Angkop na Gamit ng Pandiwa bilang Aksiyon, Karanasan at Pangyayari

1. Aksiyon

May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o


tagaganap ng kilos.

Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng


mga panlaping: -um, mag-, ma-, mang-, maki-, mag
-an.

Maaaring tao o bagay ang aktor.

Halimbawa:

1. Umalis ang nanay kahapon patungong probinsiya.

2. Makikipagkita si Leo kay Marta mamayang alas nuebe.

3. Sumunod si Monique sa lahat ng payo ng kanyang butihing ama-amahan.

4. Umaawit ako tuwing umaga.

5. Namimitas si Ezra ng gulay sa hardin tuwing Sabado.

2. Karanasan

• Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil dito, may
nakakaranas ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa.

•Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o damdamin/emosyon. Sa ganitong


sitwasyon may tagaranas ng damdamin o saloobin.

Halimbawa:

1. Nagulantang ang lahat sa masasakit na pananalita ni Nadine.

2. Labis na nanibugho si Michael sa panlilinlang sa kanya ng kasintahang si Ligaya.

3. Nalungkot ang lahat nang malaman ang masamang pangyayari.


4. Namangha si Cupid sa kagandahan ni Psyche.

5. Naawa ang ale sa nabundol na bata.

3. Pangyayari

Ang pandiwa ay resulta ng isang


pangyayari.

Halimbawa:

1. Nalunod ang mga tao sa matinding


baha.

2. Naglayas si Warren dahil sa


pagmamaltrato ng kanyang ina.,

3. Nasira ang buhay ni Nico nang


dahil sa droga.

4. Nagpatiwakal ang dalaga sa labis na pagdaramdam.

5. Nalunod ang bata sa kapabayaan ng kanyang magulang.

Ang pandiwa ay maaaring gamitin bilang aksyon, karanasan at pangyayari.

Ginagamit ito bilang aksyon kapag may tagaganap o aktor ng kilos.

Malinaw itong nakikita sa pamamagitan ng panlaping magma, mang, maki at marami


pang iba.

Halimbawa:

-Kumain si Nene ng mainit na puto.

-Nagluto ng hapunan si Nanay.

-Naglaba ng maruruming damit si Ate.

-Nag-igib ng tubig si bunso.

-Nagmasid ng laro si Kuya.

Ang pandiwa bilang karanasan naman ay kadalasang naipapahayag kapag may damdamin
ang pangungusap at may tagaramdam ng emosyon o damdamin na nakapaloob sa
pangungusap.

Halimbawa:

-Umiyak si Ana ng dahil sa pagkamatay ng alaga.

-Nagalit si Helen dahil nawala ang kanyang pera.

-Natuwa si Nene sa regalong natanggap.

-Nalungkot siya sa pagkawala ni Mingkay.

-Nairita siya sa paulit-ulit na palabas.

Ang pandiwa naman bilang pangyayari ay


nasasalamin sa aksyong naganap bunga ng
isang pangyayari.

Halimbawa:

-Nahulog siya sa kahoy dahil sa lindol.

-Nalunod siya dahil sa bilis ng agos ng tubig.

-Umakyat siya sa bubong dahil sa taas ng tubig-baha.

-Umakyat siya sa stage noong graduation nito.

-Tumulong siya sa mga nasalanta ng bagyo.

-The End

NAME: ________________________________ YEAR & SECTION: ________________

Panuto:
Magbigay ng limang halimbawa ng pandiwang nasa aksyon at limang halimbawa ng nasa anyong
karanasan at ang huli ay limang halimbawa ng pandiwang nasa anyong pangyayari
Karanasan

1.

2.

3.

4.

5.

Aksyon

1.

2.

3.

4.

5.

Pangyayari

1.

2.

3.

4.

5.

ACTIVITY/OUTPUT

Bumuo ng koleksyon ng larawan na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng salitang kilos ito ay hindi hihigit sa
20 larawan at hindi bababa sa 15 larawan siguraduhing malinaw at naipapakita ng maayos ang mga salitang
kilos sa larawan.

Prepared by:

Mikko L. Domingo
Subject Teacher

Checked by:
Mrs. Janice J. Tamayo
JHS Principal

You might also like