You are on page 1of 4

Kawastuhang Pambalarila

Sa anumang uri ng pakikipag-usap, ang kalinawan ng sinasabi ng nagsasalita ay mahalaga.


Kaya’t sa modyul na ito ay ating tuklasin ang wastong gamit ng salita upang masabing malinaw at mabisa
ang inyong pakikipagtalastasan sa kapwa.
Dalawang bagay ang isinasaalang-alang sa paggamit ng salita upang matawag itong masining ang
kawastuhan at kagandahan. Dahil dito ang balarila at retorika ay di maaaring paghiwalayin. Ang
balarila, ang sumasaklaw sa kawastuhan at ang retorika naman ang sa kagandahan. Bukod sa kaalaman sa
iba’t ibang bahagi ng panalita katulad ng pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pang-
angkop, pang-ukol at pangatnig ay dapat ding matutuhan ng isang magpapahayag ng wastong gamit ng
mga sumusunod:
NANG/ NG
 Nang
Ang nang ay karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito ang
panimula ng katulong na sugnay. Nagmula sa na at inaaangkupan ng ng at inilalagay sa
pagitan ng pandiwa at ng panuring nito. Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang salitang
ugat na inuulit, dalawang pawatas o neutral na inuulit at dalawang pandiwang inuulit.
Halimbawa
1. Magsikap nang magsikap
2. Nagdarasal nang mataimtim ang dalaga.
3. Mag-aral kayong mabuti nang makapasa kayo.
 Ng
Ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.
Ginagamit na pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.
Ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.
Halimbawa
1. Gumagawa siya ng takdang-aralin
2. Tinulungan ng binata ang matandang babaeng nakahandusay.
3. Ang katalinuhan ng kanyang kapatid ay hinahangaan ng lahat.
KUNG / KONG
 Kung
Ito ay pangatnig na panubali at ito’y karaniwang ginagamit sa hugnayang pangungusap.
Halimbawa:
1. Siya ay sasama sa inyo kung papayagan siya ng kanyang mga magulang.

 Kong
Galing sa panghalip na panaong ko at inaangkupan lamang ng ng.
Halimbawa
1. Nais kong tulungan ka ngunit tulungan mo muna ang iyong sarili.
PINTO / PINTUAN
 Pinto (door)
o bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas
 Pintuan (doorway)
o kinalalagyan ng pinto. Bahaging daraanan kapag bukas na ang pinto.
Halimbawa:
1. Binuksan niya ang pinto upang makapasok ang mga bagong dating.
2. Hindi pa naikakabit ang pinto sa pintuan.
HAGDAN/HAGDANAN
 Hagdan (stairs)
o mga baitang na inaakyatat binababaan sa bahay.
 Hagdanan (stairways)
o bahagi ng bahay na kinalalagyan ng hagdan.
Halimbawa:
1. Ilagay mo ang mga halaman sa may hagdanan.
2. Mabilis niyang inakyat ang hagdan.

PAHIRIN/PAHIRAN

 Pahirin (to wipe)


o Ito ay tumutukoy sa kilos na nangangahulugan ng pag-aalis o pagpawi sa isang
bagay.
Halimbawa:
1. Pahirin moa ng pawis ng bata.
2. Pinahid niya ang dumi sa kanyang leeg.
 Pahiran (to apply)
o Paglalagay ng kaunting bagay at karaniwan ay sa bahagi ng katawan.
Halimbawa:
1. Pahiran mo ng kaunting pulbos ang iyong mga pisngi.
2. Pahiran mo ng floor wax ang sahig.

SUBUKIN/SUBUKAN
 Subukin (to test)
o Ito’y nangangahulugan ng pagsususri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng
isang tao o bagay.
Halimbawa:
1. Subukin mo ang sabong ito at napakahusay.
2. Ang mantikang iniaanunsiyo ay susubukin daw ng aking ina.
 Subukan (to spy on)
o Nangangahulugang pagtingin upang malaman ang ginagawa ng isang tao o mga tao.
Halimbawa:
1. Bakit mo siya sinusubukan sa kanyang ginagawa sa kusina.
2. Inutusan nila ang bata na subukan ang ginagawa ng kanyang kuya.

IWAN/IWANAN
 Iwan (to leave something)
o nangangahulugang huwag isama
 Iwanan (to leave something to somebody)
o bibigyan
Halimbawa:
1. Iwan na natin siya sa bukid.
2. Iiwanan ko siya ng perang magagamit niya sa pagbili ng aklat.

SUNDIN/SUNDAN
 Sundin (to follow an advice)
o sumunod sa payo o pangaral
 Sundan (follow where one is going; follow what one does)
o gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa pupuntahan ng iba.
Halimbawa:
1. Sundin mo kung ano ang sinabi ng iyong ina.
2. Sundan mo ang iyong kapatid sa plaza.
HATIIN/HATIAN
 Hatiin (to divide)
o partihin o bahagihin
 Hatian (to share)
o bigyan ng kaparte
Halimbawa:
1. Pagkatapos niyang hatiin ang tinapay, ibinahagi niya ito sa mga naroroon.
2. Hatian mo ng biyaya ang mga nangangailangan.

WALISIN/WALISAN
 Walisin (to sweep the dirt)
o tumutukoy sa bagay
 Walisan (to sweep the place)
o tumutukoy sa lugar.
Halimbawa:
1. Walisin mo ang kalat sa bakuran.
2. Nakalimutan niyang walisan ang kanyang kuwarto.

OPERAHIN/OPERAHAN
 Operahin
o ang tiyak na bahaging tinitistis.
Halimbawa:
1. Ang mga mata ng matanda ay ooperahim bukas.
2. Ooperahin ang puso ng ina sa BGH.
 Operahan
o Tinutukoy nito ang tao at hindi bahagi ng karawan.
Halimbawa:
1. Si Vic ay kasalukuyang inooperahan sa pagamutan ng St. Lukes.
2. Inoperahan ang ina kahapon.
MAY/MAYROON
 May
o ginagamit kapag sinusundan ng Pangngalan, Pandiwa, Pang-uri, at Panghalip na panao
sa kaukulang paari
Halimbawa:
1. May kasama siyang kaibigan
2. May gagawin ka ba mamaya
3. May bago ka pa lang kaibigan
4. Bawat tao ay may kanya-kanyang problema
 Mayroon
o Kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nila.
o Panagot sa tanong
o Kung nangangahulugan ng pagka-maykaya sa buhay
Halimbawa:
1. Mayroon bang nagkasala na hindi pinarurusahan?
2. May hinihintay ka ba? Mayroon
3. Sila ay mayroon sa kanilang bayan.
RIN/RAW – DIN/DAW
 Rin at Raw
o ginagamit kung ang sinusundang katagang salita ay nagtatapos sa patinig at sa
malapatinig na w at y.
Halimbawa:
1. Tayo ay sasama rin sa mga inanyayahan.
2. Ikaw raw ay napiling “Mag-aaral ng Taon.”
 Din at Daw
o ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.
Halimbawa:
1. Takot din siyang magsinungaling kagaya mo.
2. Kung kabanalan daw ang gawang magdasal, ang mabuting gawa-y lalong kabanalan.

NAGPAKASAL/ NAPAKASAL
 Nagpakasal
o tumutukoy sa taong nagging punong-abala o siyang nangasiwa upang makasal ang
isang lalaki at babae.
Halimbawa:
1. Ang mag-asawa ay nagpakasal ng anak na panganay.
2. Ang mayamang babae ay nagpakasal ng mga lalaki at babaeng nagsasama nang hindi
kasal.
 Napakasal
o kapag ang tinutukoy ay ang ginagawang pag-iisang dibdib ng dalawang nilalang na
nagmamahalan.
Halimbawa:
1. Napakasal sina Alex at Rhoda na malaon nang magkasintahan.
2. Si Vilma ay napakasal sa sarili niyang kapasyahan.

You might also like