You are on page 1of 6

ModyuI 2 - Wastong Gamit ng mga Salita

Oras na Nakalaan: 3 Oras


Objectives (Mga Layunin)
Pagkatapos ng modyuI ang mga mag-aaraI ay inaasahang:
1. Matutukoy ang mga salita sa FiIipino na may wastong gamit.
2. Mapapalawak ang talasalitaan sa wikang FiIipino na may wastong gamit.
3. MakakasuIat ng isang sanaysay na naaayon sa wastong gamit ng mga
pangungusap sa bawat taIata.

Learning Outcome/s (Inaasahang Bunga)


Pagkatapos ng modyuI ang mga mag-aaraI ay inaasahang:
1. Matukoy ang mga salita sa FiIipino na may wastong gamit.
2. Mapalawak ang talasalitaan sa wikang FiIipino na may wastong gamit.
3. MakasuIat ng isang sanaysay na naaayon sa wastong gamit ng mga pangungusap
sa bawat taIata.

ArtikuIong naiIathaIa sa MSEUF Research QuarterIy, VoI. 47, No. 2, June 2009

Wastong Gamit ng mga salita tungo sa Efektivong Pagpapahayag


Ano ang Pagpapahayag?

Ito ang pagsisiwalat ng tao ng kanyang mga saloobin, ng kanyang mga


paniniwala, at ng lahat ng kanyang mga nalalaman

2 paraan ng pagpapahayag
1. PASALITA- ito ay pagpapahayag na maaring isagawa nang harapan o
lantaran at malapitan, dili kaya ay hindi at malayuan.
2. PASULAT- ito ay kung ibinabahagi ang mga kaalaman, paniniwala, mithiin, at
saloobin sa pamamagitan ng pagsasaakda, mapalimbag man ito o hindi.
Narito ang mga salita sa Filipino na may Wastong gamit
Ng at Nang-
Magkaiba sila ng gamit bagaman at magkatulad ng bigkas.

Ang nang ay ginagamit na:


1. Katapat ng noon o when sa Ingles
2. Katapat ng upang o so that sa Ingles
3. Pagsamasama ng pang-abay na “na” at ang pang-angkop na “ng”
4. Tagapagugnay ng inuulit na pandiwa
5. Pangatnig sa hugnayang pangungusap t pasimula ng katulong na sugnay
6. Bilang salitang nangangahulugan din ng “para o upang”.
Nang
Halimbawa:
1. Napili siyang presidente ng klase nila nang (noong) nasa high school siya.
2. Uminom kayo ng gatas nang (upang) kayo ay lumakas.
3. Sumayaw siya nang sumayaw hanggang sa siya ay mapagod.
4. Huli na nag lahat nang malaman ko.
5. Tumakbo nang mabilis ang bata nang habulin ito ng pulis.
6. Magtulung-tulong tayo nang maitaboy ang masamang pwersa.
Sumulat ka nang sumulat ng mga kuwento nang mahasa ka.

Ng
1. Gingamit ang ng na pananda ng actor o tagaganap ng pandiwa sa tinig
balintayak.
- Halimbawa:
a. Tinimbang ng palikero ang damdamin sa dalawang kasintahan.
b. Ipinagtabuyan ng ale ang madungis na bata sa harap ng palengke.
c. Ipinaglaban ng guro ang kanyang karapatang magmahal at mahalin

1. Gingamit bilang pang-ukol na ang katumbas ay sa.


Magsisitungo ng Antipolo ang mga mag-aaral upang dumalo sa seminar.
Ang mga guro ay nagsisiakyat ng Baguio
2. Pinto at pintuan
Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at binubukas. Ginawa ito upang
ilagay sa pintuan.
Ang pintuan (doorway) ay kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan kapag
bukas na nag pinto.
Halimbawa
1. Ibinukas niya ang pinto upang makapasok ang mga bagong dating.
2. Hindi pa naikakabit ang pinto sa pintuan.

3. Hagdan ay hagdanan
Ang hagdan (stairs) ay may mga baytang at inaakyatan at binababaan sa bahay.
Ang hagdanan (stairways) ay bahagi ng bahay na kinalalagyan ng hagdan.
Halimbawa
1. Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang naghihintay na
kasintahan.
2. Naiwan ang hagdanan pagkatapos niyang alisin ang hagdan.

4. Pahirin at pahiran
Ang pahirin ay nangangahulugang “tanggalin, gamit ang pamunas.” gingamit ito upang
tumukoy sa salitang-kilos na nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi sa isang bagay.
Pahirin (to wipe) ay nangangahulugang alisin sa pamamagitan ng pamunas.
Pahiran (to apply) ay nangangahulugang lagyan sa pamamagitan ng pamunas.

Halimbawa
1. Pinahid niya ng panyo ang pawis na gumiti sa kanyang noo.
2. Pahirin mo ang dumi sa kanyang braso.
3. Inutusan siya ng nanay niya na pahiran ng floor wax ang sahig bago iyon
bunutin.
4. Pahiran mo ng vicks ang makating bahagi ng iyong braso.
5. Subukin at subukan
Ang subukin (to test) ay nangangahulugang tingnan ang bisa o husay.
Ang subukan (to spy on) ay nangangahulugang espiyahan ang tao o ginagawa ng tao.
Halimbawa ng subukin
1. Subukin mo nga ang bisa ng bagong sabon na ito.
2. Subukin nga natin ang galing ng makinang iyan sa larangan ng kompyuter.
3. Subukin mo ang panlinis na “joy” at ikaw ay masisiyahan.
Halimbawa ng subukan
1. Inutusan nila ang bata na subukan ang ginagawa ni Renato sa likod-bahay.
2. Subukan natin kung ano ang ginagawa ng mga guro.
3. Subukan mo kung saan ang kanyang kaalaman sa pagpapatakbo sa negosyo.
6. Iwan at iwanan
Ang iwan (to leave something) ay nangangahulugang huwag isama.
Ang iwanan (to leave something to somebody) ay nangangahulugang bibigyan.
Halimbawa
1. Iwan na natin siya sa bukid at saka na lamang siya sumunod bukas ng umaga.
2. Iiwanan ko siya ng perang gagamitin niya sa pagbili ng aklat na gagamitin niya
sa klase.
7. Sundan at sundin
Ang sundin (follow an advice) ay nangangahulugang sumunod sa payo o pangaral.
Ang sundan (follow where one is going; follow what one does) ay nangangahulugang
gayahin ang gingawa ng iba o pumunta sa pinuntahan ng iba.
Halimbawa
1. Hindi niya sinunod ang payo ng kanyang mga magulang kaya siya napahamak.
2. Sundin mo ang payo ng iyong mga magulang.
3. Susundan ko si Felly sa ilog.
4. Sinundan niya ang pagiging manunulat ng kanyang ama.
8. Hatiin at hatian
Ang hatiin (to divide) ay partihin o bahagihin.
Ang hatian (to share with) bigyan ng kaparte.
Halimbawa:
Hinati niya sa dalawang bahagi ang inani niyang kamatis sa bakod.
Hinatian mo ba ng pinitas mong mangga ang kapatid mo?
9. Walisin at walisan
Ang walisan (to sweap the place) ay tumutukoy sa lugar na lilinisin.
Halimbawa:
1. Walisan mo ang paligid ng bahay.
2. Walisan mo ang harapan ng ating bahay.
Ang walisin (to sweep the dirt) ay tumutukoy sa bagay na tatanggalin.
Halimbawa:
1. Walisin mo ang mga tuyong dahon.
2. Walisin mo ang mga ikinalat na papel ni Joey.
10. Ikit at ikot
Ang ikit ay pagligid na panloob o mula sa labas ng kabilugan patungo sa loob.
Ang ikot ay paligid na panlabas o mula sa loob ng kabilugan patungo sa labas.
Halimbawa
1. Nakailang ikit din siya sa paligid ng bahay bago niya natunton ang butas
papasok ng bakuran.
2. Umikot-ikot muna siya sa bakuran bago nakalabas.
11. tungtong, tuntong at tunton
Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali.
Ang tuntong ay yapak o gawa ng yapak.
Ang tunton ay bakasin o hanapin ang bakas.
Halimbawa
1. Hindi makita ni Aling Nena ang tungtong ng palayok.
2. Bakas na bakas ang tuntong ng maalikabok niyang paa sa bagong bunot na
sahig.
3. Tuntunin mo ang pinagdaanang buhay ng iyong Lolo.
12. Hangga ngayon at hanggang ngayon
Hanggang ngayon ang tama at mali ang hangga ngayon.
Halimbawa:
1. Hanggang ngayon ay hindi pa niya mapaniwalaang tumama siya sa lotto.

Mga Gawain ng Pagtataya

Panuto: Palawakin ang mga sumusunod na pahayag:

1. Magsaliksik ng iba pang mga salita sa Filipino na may wastong gamit. Pagkatapos,
ibigay ang kahulugan nito at gamitin sa pangungusap.

2. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa wastong gamit ng mga salita sa wikang


FiIipino.

You might also like