You are on page 1of 11

Aralin 1

RETORIKA AT KOMUNIKASYON
Retorika
Ang retorika ay tumutukoy sa masining na pagpapahayag. Tumutukoy din ito sa tuntunin ng
matalinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag. Dalawa ang elementong dapat tandaan
kapag retorika ang pinag-uusapan, ito ay ang kagandahan at kawastuan ng pagpapahayag.

Hindi lahat ng magagandang pagpapahayag ay maretorika. Kailangan din itong taglayin anng
kawastuang panggramatika. Sa madaling salita, ang kagandahan ng pagpapahayag at ang
kawastuan ng pagpapahayag ay dalawang puntos na hindi mapaghihiwalay sa retorika.
Ayon kay Aristotle, ang retorika ay isang sining ng pagtuklas sa lahat ng mga maaaring paraan
upang makapangumbinse. Sinusuportahan ng tagapagsalita ang makabuo ng mensahe sa
pamamaraang lohikal, etikal at emosyunal na pagpapatunay. Ang tiyak na pagtanggap ng
mensahe ay bunga ng epektibong imbensyon, pagsasaayos, istilo, paghahatid at maaaring
pagkakabisa.
Rhetoricans ang tawag sa mga taong tumutugon sa mga serbisyong pangkomunikasyon katulad
ng pagsulat ng talumpati, pakikipag-usap sa mga kliyente, pagsasanay sa pagtugon sa mga
mahihirap na kasagutan, at kasanayang mangumbinse.
Ang retorika ay nanggaling sa salitang “rhetor” na nangangahulugang “guro” o “mahusay na
mananalumpati”.
Binibigyang kulay at sigla ng retorika ang wikang Filipino dahilan kung bakit nantili ang
kadalisayan nitong taglay.

Ano ang komunikasyon?


Ang komunikasyon ay ang proseso ng pagpapabatid ng mensahe mula sa tagapaghatid tungo sa
tagatanggap nito. Nanggaling ito sa salitang Latin na “communis” na ang kahulugan sa Ingles ay
“ordinary” at “karaniwan” naman kapag isinalin na Filipino.
Uri ng komunikasyon
Dalawa ang uri ng komunikasyon. Ang mga ito ay ang mga sumusunod.
1. Komunikasyong berbal – ang komunikasyong ito ay ginagamitan ng wika na maaaring
pasulat at maaari rin namang pasalita. Sa uring ito ng komunikasyon nakatuon ang pansin
sap ag-aaral ng Retorikang Filipino. Gamit ito sa pakikipahg-ugnayan sa tao at lipunang
ginagalawan. Ang ordinaryong pakikipag-usap ng mga kasangkot sa komunikasyon sa
tindahan, sa tambayan, sa mga kapamilya at kapuso ay maituturing na komunikasyong
berbal. Ang simpleng text message man, gamit ang cellular phone bilang kasangkapan ng
komunikasyon ay pumapasok din sa depinisyon ng komunikasyong berbal.

2. Komunikasyong di-berbal – Kinakasangkutan naman ng mga kilos o galaw ng katawan ang


uri ng komunikasyong ito. Karaniwang binibigyan ng interpretasyon ang mga senyas upang
maisakatuparan ang proseso ng komunikasyon. Ang simpleng pagtango ay maaaring
mangahulugan ng pangsang-ayon, subalit maaari rin naman na walang ibig sabihin ditto
ang taong kasangkot. Ang pagkindat ay maaaring nag-aanyaya ng pagsang-ayon, maaari
rin naman na isang payak na pagbati lamang, subalit pwede ring itanggi ng taong
kasangkot na nangangati lamang ang kanmyang noo kung siya ay napapakindat.

Anyo ng komunikasyon
Maaaring matagpuan ang komunikasyon sa mga sumusunod na anyo:
1. Intrapersonal na komunikasyon – Hindi kabaliwan ang pakikipag-ugnayan ng tao sa
kanyang sarili. Ito ay isang uri ng pagmumuni-muni upang makabuo ng isang narrapat na
desisyon. Ang Intrapersonal na komunikasyon ay self-meditation na komunikasyon.
Kinakausap ng tao ang kanyang sarili sa pagnanais na higit na maging produktong
indibidwal. Naniniwala ang may akda ng aklat na ito nab ago pa man maganap an inter-
personal na komunikasyon, dumadaan muna ang tao ang pakikipag-usap sa sarili o
tinatawag na intrapersonal na komunikasyon.

2. Interpersonal na komunikasyon – Ang Interpersonal na komunikasyon ay ang ugnayang


komunikasyon ng isang tao. Nagaganap dito ang paikot na proseso ng komunikasyon
kung kayat hayag na hayag ang tugon o feedback. Karaniwang nagaganap ang
interpersonal na komunikasyon sa pang-araw-araw na pakikisalamuha natin sa iba’t-
ibang uri ng tao. Dalawang tao lamang ang kasangkot sa komunikasyong ito (ang
nagpapadala at ang tumatanggap)
3. Komunikasyong Pampubliko – Ang komunikasyong pampubliko ay ang ugnayang
komunikasyon sa pagitan ng isang tao at dalawa o higit pang katao. Linyar ang
komunikasyon sa komunikasyong pampubliko. Ang ibig sabihin, natatapos ang
komunikasyon kapag naiparating na nagpapadala ng mensahe ang kanyang mensahe sa
kanyang mga tagapakinig. Karaniwang ginagamit ang komunikasyong pampubliko sa
mga miting de advance, seminar, o pilahan. Interpersonal na komunikasyong
magaganap kung sakali man na magpukol g katanungan sa tagapagsalita ang isang
tagapakinig at hindi komunikasyong pampubliko.
4. Komunikasyong Pangmadla – Maihahalintulad sa komunikasyong pampubliko ang
komunikasyong pangmadla sa kadahilanang parehong linyar ang komunikasyong
namamagitan sa kanilang dalawa. Nagkaiba lamang ang mga ito sa kasangkapang gamit
sa pagpapadala ng mensahe.

Wastong Gamit ng Salita para sa Maretorikang Pagpapahayag

1. Kung / Kong – Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali at pagbibigay ng


kondisyon.
Halimbawa : Mamahalin kita nang lubusan kung magagawa mong iwan ang salapi,
kapangyarihan, at karangyaan para sa akin.

Sa kabilang dako, ang kong naman ay ginagamit bilang panghalip panao na nasa
anyong pakol.
Halimbawa : Mahal kong kaibigan.

2. May / Mayroon – Ang may ay salitang sinusundan ng pandiwa.


Halimbawa : May dumating na sulat buhat sa England kaya maging masaya kana.

Ang mayroon ay sumasagot sa paayon sa isang tanong.


Halimbawa : Mayroon siyang pag-asa na makamit ang matamis kong oo kung
magtitiyaga lamang siya sa kanyang panliligaw.

3. Nang / ng – Ginagamit ang nang bilang pang-abay na sumasagot sa tanong na


paano.
Halimbawa :Tumakbo siya nang mabilis nang Makita ang paparating na mga
kaaaway.

Ang ng sa kabilang bahagi bahagi ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay


pangngalan.
Halimbawa : Kumain siya ng fried chicken sa kentabi.

4. Din at rin / daw at raw / dito at rito – Ang din, daw, at rito ay ginagamit kung ang
sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig.
Halimbawa : Kumain din siya ng boy bawang habang hinihintay ang iyong pagdating;
Inihain daw niya ang lahat ng pagkain na nasa refrigerator dahil sa katarantahan sa
pagdating ng kanyang panauhin. Pinuntahan ditto ng mga opisyal ng barangay ang
iyong katulong na nagtatago.

Sa kabilang bahagi, ang rin, raw, at rito ay gnagamit kung ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa patinig.
Halimbawa : Isinumpa rin ng bruha ang katawan ni Cinderella; Puso raw ang kanyang
pinagagana sa pagdedesisyon at hindi ang kanyang utak. Pumunta siya rito upang
hanapin ang nawawala niyang tsinelas.

5. Subukin / Subukan – Ang subukin ay katumbas ng salitang “to spy on” sa wikang
Ingles.
Halimbawa : Subukin mo siya mamayang gabi, tignan mo at tama lahat ng aking
hinala.

Samantalang ang subukan naman ay katumbas ng salitang “to try” sa wikang Ingles.
Halimbawa : Subukan mong uminom ng allerin upang gumaan ang iyong
pakiramdam.

6. Pinto / Pintuan – Ang pinto ay bahagi ng gusali o tahanan na siyang isinasara o


ibinubukas.
Halimbawa : Isara mo ang pinto upang hindi makapasok ang aso ng kapitbahay.

Samantalang ang pintuan naman ang siyang pinagkakabitan ng pinto.


Halimbawa : Paakikuha naman ang aking bola diyan sa pintuan.

7. Iwan / Iwanan – Ang iwan ay nangangahulugan ng hindi pagsama sa isang tao o


bagay patungo sa ibang lugar.
Halimbawa : Iiwan ko na lamang ang aking laruan sapagkat nabibigatan na ako sa
aking bagahe patungo sa baqiuo.

sa kabilang banda, tinitukoy naman ng iwana ang pagbibigay o paghahabilin sa isang


tao ng isang bagay.
Halimbawa : Iwanan ko muna sayo ang sapatos na ito upang makasigurado ka sa
aking pagbabalik. Iwanan mo sya ng pamasahe papunta sa eskwelahan.

8. Walisin / Walisan – tinutukoy ng walisin ang mga tiyak / espisipikong bagay na


wawalisin.
Halimbawa : Natuwa si inay nang walisin ng kanyang bunsong anak ang mga damo sa
kanilang bakuran.

Sa kabilang banda, tinutukoy naman ang walisan ang tiyak na lugar na katatagpuan
ng bagay na wawaliin.
Halimbawa : Winalisan na ni celline ang kanilang tahanan bago pa man dumaing ely.

9. Linisin / linisan - ang linisin ay ginagamit sa pagtukoy sa bagay na lilinisin.


Halimbawa : Linisin mo nga angelito ang mga kalat sa iyong higaan.
Ang linisan naman ay ang mga lugar na katatagpuan ng mga bagay na lilinisin.
Halimbawa : Linisan mo ng iyong silid bago ka maulog.

10. operahin / operahan – ang operahin ay tumutukoy sa medikal prosidyur na


isasagawa sa bahagi ng katawan.
Halimbawa : Nanlamig ang buong katawan ni Mario nang operahin siya ng dokor.

Ang oprahan naman ay ang espisipikong bahagi ng katawan na ooperahan.


Halimbawa : inoperahan ng doktor ang tagiyawat sa ilong ni Mario.

11. Pahirin / pahiran - tinutukoy ng pahirin ang paglilinis o ang pag-aalis.


Halimbawa : pahirin mo Isabel ang dumi sa mukha ng iyong kapatid.

Ang pahiran naman ay tumutukoy sa paglalagay.


Halimbawa : pahiran mo ng floor wax ang sahig bago mo ito bunuin.

12. Bumangon /magbangon – ang bumangon ay nangangahulugan ng pagtayo buhat sa


higaan.
Halimbawa : bumangon si Maria para magsipilyo.

Ang magbangon ay nangangahulugan ng pagtatag o pag-oorganisa.


Halimbawa : hindi gawang biro ang magbangon ng isang samahan totoong may
pagmamalasakit sa bayan.

13. Hagdan / hagdanan – ang hagdanan ay ang akyatan at ang babaan.


Halimbawa : huwag mo masyadong pakintabin ang hagdan dahil delikado ‘yan sa
mga matatanda na darating mamaya.

Lugar kung saan matatagpuan o makikita ang kahulugan ng hagdanan.


Halimbawa : sa may hagdanan mo makikita ang tsinelas na kabibili ko lamang
kahapon.

14. Sundan / sundin – ang sundan ay nangangahulugan pagsunod sa nauuna.


Halimbawa : mahirap nang sundan ang mga yapak ng namayapang si dating
pangulong Ferdinand Marcos.

Ang sundin naman ay nangangahulugan ng pagsunod sa panuto, tuntunin, batas at


payo.
Halimbawa : Hindi masama ang mga adhika mo sa buhay subalit higit sigurong
makabubuti kung sundin mo muna ang payo ng iyong mga magulang.
15. Kita / kata – ang kita ay ginagamit kung ang isa sa mga nagsasalita ang kikilos.
Halimbawa : dahil sa iyong ipinakitang kabayanihan, mamahalin na nga kita ng
lubusan.

Ang kata ay ginagamit kapag kapwa kikilos ang mga tauhan ng pahayag.
Halimbawa : katang dalawa ang itinadhana na magsama sa habang buhay.

Aralin 2
PAGLINANG SA BOKABULARYO

Tayutay ( Figurative Language/ figure of speech)


Ito ay paglayo ng sa karaniwang paggamit ng pananalita para sa
kasiningan,kabisan,at kagandahan ng paghahayag. Itinuturing din
ito ng mga matatalinghagang pagpapahayag na bunga ng
mayamang gunuguni,karanasan sa buhay at kasanayan sa
pagsasalita.

Iba’t ibang Uri ng Tayutay


Maramaing uri ng tayutay. Ang ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod:

1. Pagtutulad ( Simile)
Ito ay isang paraan ng paghahambing ng dalawang magkaibang
tao, bagay,pangyayari na ginagamitan ng mga katagang
naghahambing katulad ng tulad,parang,kawangis, animo’y tila, at
iba pa.
Mga halimbawa:
1. Sinasamba kita katulad ng pagsamba ko sa aking sarili.
2. Katulad niya ay isang maamong tupa nang kaharap niya ang
kaniyang ina.

2. Pagwawangis ( Methapor)
Ito ay tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang
tao,bagay,pangyayari kaya hindi ginagamitan ng mga salitang
naghahambing na tulad, parang, kawangis, animo’y tila at iba pa.
Mga halimbawa:
1. Musika sa aking pandinig ang iyong tinig.
2. Ang pag ibig ay isang kendi … matamis kung pakaiisipin.

3. Pagpapalit-tawag (Metonymy)
Nagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay na tinutukoy ng
uring iyo ng pagpapahayag.
Mga halimbawa:
1. Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko.
2. Binato niya ng tinapay ang kanyang kaaway.

4. Pagpapalit-saklaw (Synedoche)
Sa pagpapahayag na ito may binabanggit ang bahagi bilang
pantukoy sa kabubuuan at maari namang isang tao ang
kumakatawan sa isang pangkat.
Mga halimbawa:
1. Isang barangay ang lumusob sa aming hapag- kainan.
2. Isang bala ka lang.

5. Pagmamalabis (Hyperbole)
Nagpapakita ng sitwasyong labis-labis o kaya’y pinalalabis ang
katayuan ng tao, bagay at mga pangyayari.
Mga halimbawa:
1. Pasan ko ang daigdig sa mga panahong wala ka pa sa buhay ko.
2. Gigibain ko ang gusaling ito kung hindi ka titigil sa
paglapastangan sa mahal ko!

6. Pagsasatao (Personification)
Ang mga kilos, talino, at katangian ng tao ay isinasalin at
pinapagawa sa mga hindi tao sa pamamagitan ng paggamit ng
PANDIWA.
Mga halimbawa:
1. bukas, luluhod ang tala.
2. Ngumiti ang haring araw matapos na linasin ang unos ang
kabisayaan.

7. Paglilipat (Transferred Epithets)


Ang mga kilos,talino, at katangian ng tao ay isinasalin at
ipinagagawa sa mga hindi tao sa pamamagitan ng PANG-URI.
Mga halimbawa:
1. Batid ko sng kslungkutan ng masungit na panahon.
2. Nagmuni-muni ako sa kakahuyan habang hinhintay ang
pagdating ng maalindog na ibon
8. Pahiraya ( Prosopopeia)
Nanawagan sa isang taong hindi kaharap subalit animo’y kausap
lamang.
Mga halimbawa:
1. Dr. Jose Rizal, ito baa ng sinasabi mong mga kabataan na pag-
asa ng ating bayan?
2. Kabataan, san ka paruruuon?

9. Alusyon ( Allusion)
Kinakausap ang isang karakter na buahy sa bibliya o mitolohiya.
Mga Halimbawa:
1. Diyos ko, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam kung ano
ang kanilang ginagawa.
2. Hesus, Maria, Joseph!

10.Pagtawag (Apostrophe)
Ipinapahayag ang isang di-nakikitang kaisipan na parang buhay ng
tao ang kinakusap. Tatawagin ang isang kaisipan at ipagpapalagay
na kaharap.
Mga halimbawa:
1. Tukso,layuan mo ako.
2. Pag-ibig, masdan ang ginawa mo.

11. Pag-uyam ( Sarcasm)


Pagpapahayag na positibo at babawiin ng pangalawang pahayag na
negatibo.
Mga halimbawa:
1.Kay ganda mo, mukha kang Christmas tree.
2. Napakabango mo, pwe!

12. Pagtatanong (Rhetorical question)


Tanong na walang inaasahang kasagutan.
Mga halimbawa:
1. alin pag ibig pa ang hihigit sap ag ibig ko sa’yo bayan ko?
2. May pagmamahal bang hihigit sa pagmamahal na maibibigay ng
ina sa kanyang anak.
13. Pagtatanggi (Litotes)
Ang pagpapahayag na ito ay ginagamitan ng salita o panangging
hindi upang bigyan-diin ang makahulugang pagsang-ayon sa
isinasaad ng salita.
Mga halimbawa:
1. Hindi ko sinasabing mahal kita, subalit madalas ang sandaling
hindi ako makatulog sa tuwing hindi kita nasisilayan kahit na
saglit man lamang.
2. hindi ka na maaring tumuntong sa aming hagdanan.

14. Pagtatambis (Antitesis)


Ang tayutay na ito ay bumbanggit ng mga bagay na salungatan
upang bigyan ng bias ang isang natatanging kaisipan.
Mga halimbawa:
1. Bakit ang pera may mukha, ang mukha walang pera.

You might also like