You are on page 1of 22

Retorika – makapangyarihan na salita.

Nagbibigay daan sa pagkakaunawaang na nakakamit natin sa pamamagitan


ng mga pasalita at pasulat na interaksyon.
 Kasanayan na maipabot ang mga mensaheng nakapaloob sa pahayag sa pamamagitan ng masining na pagsulat o
pagsalita.
 Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailantad ang ang layunin tulad ng panghihikayat, panggaganyak, pagbibigay-
alam, at iba na palasak na gingamit ng mga manunulat o tagapagsalita na naaayon sa tiyak na sitwasyon para sa
partikular na awdiyens.
 kadalasang ginamit upang mabili ang partikular na produkto, magamit ang mga ispisipikong serbisyo, sumapi sa
personal na paniniwala, o maipaabot ang sariling tindig.
 malinaw na pagpapamalas ng kahusayan sa kasanayang gamit sa pakikipagtalastasan.

 Ethos, Pathos, Logos – tatlong mapanghikayat na madla ni Aristotle.


 Sayusay – bilang salin ng rhetoric, bukod sa salitang retorika. Nilathala sa Gabby’s Dictionary ni Luciano L.
Gaboy
 Rhetor – salitang Latin na pinagmulan ng salitang retorika. Nangangahulugang guro o mahusay na
mananalumpati
 Oratorical – pinagmulang salita ng retorika sa Greek mula sa, "pampublikong tagapagsalita", na nauugnay sa
"na kung saan ay sinabi o sinasalita, salita, sinasabi", at sa huli ay nagmula sa pandiwa ἐρῶ erō, "sinasabi ko,
nagsasalita ako".

Pahapyaw na Kasaysayan ng Retorika


 Wikipedia (2013) - sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa Syracuse, isang
isla sa Sicily noong ika-limang siglo bago dumating si Kristo.
 Corax - Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailanagan ang maayos at
sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran. Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa talumpati na
kakikitaan ng limang mahahalaganag elemento:
1. ang proem o introduksyon;
2. ang salaysay o pahayag na historikal;
3. ang mga pangunahing argumento;
4. mga karagdagang pahayag (supplemental statements) o kaugnay na argumento (supporting arguments);
5. at ang konklusyon.

 Naimbento nila ang retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang pagkukulang sa mga
konkretong katibayan (concrete evidence).
 Sophist - Makapal na panitik (katawagan sa pangkat ng matatalinong tao noon), ang retorika ay angkop sa
pagtatamo ng kapangyarihang political sa pamamgitan lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang
ipinaglalaban at estilo sa pagbigkas.
 Socrates (c. 470–399 B.C.) - walang hangad ang mga sophist maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa
pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang sining ng pakikipagtalo (debate) at hindi
sustansiya ng talumpati.
kinikilalang pinakamaimpluwensiyang retorisyan noon si Socrates (c. 436–338 B.C.).
nagtatag ng sariling paaralan magtuturo ng istilo ng pananalumpati sa paraang tuluyan o
prosa.
 Aristotle (384–322 B.C.) - sa kaniyang Rhetoric sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat (Art of
Persuasion)
probabilidad o malamang na mangyari na retorikal sa lohikang kaisipan:
1. enthymeme kung saan ang pansamantalang kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan,
2. silohismo na mula sa katotohanang unibersal;
3. halimbawa o analogy para sa pangangatwirang induktibo.
 Cicero (106–43 B.C.) - ang batikang orador ng Roma.
-“maging mabuting tao ka muna upang maging mabuting mananalumpati
Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang forensic
Forensic - nakatuon sa nakaraan
- naging batayan sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay.
Oratoryong deliberative o pampolitika - nakatuon sa hinaharap
- dito sinasabing nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan o mga pagtatalong pampubliko
(public debate).
Oratoryong panseremonya o epideictic - mga mabubulaklak at madamdaming mga salita. Pagbibigay ng papuri. Ito
ang tinatawag natin sa Ingles na declamation.

Mga Kanon ng Retorika


Kanon- sa pangkalahatang kahulugan ito ay tumutukoy sa pagiging isa (adjectival) o isang pangkat (pangngalan) ng
opisyal
Limang Kanon ng Retorika:
1. imbensyon - ang proseso ng pagbuo ng mga argumento
2. pag-aayos - pag-aayos ng mga argumento para sa matinding epekto
3. estilo - pagtukoy kung paano iharap ang mga argumento
4. memorya - ang proseso ng pag-aaral at pagsasaulo ng mga mensahe sa pagsasalita at mapanghikayat
5. paghahatid - ang mga kilos, pagbigkas, tono at bilis na ginamit kapag nagtatanghal ng mapanghikayat na mga
pangangatwiran.
Ang memorya ay naidagdag sa kalaunan sa orihinal na apat na mga kanon.

Ang Gramatika at Retorika


Dalawag sangay ng mabisang pag-aaral ng karunungang pangwika:
1. gramatika - nagdudulot ng kawastuhan sa pahayag
2. retorika - Nagbibigay-linaw, bias, at kagandahan sa pagpapahayag
Ang relasyon ng gramatika at retorika ay napakahalaga upang makamit ang mabisang pagpapahayag. Sa larangan
ng pagpapahayag, pasulat man o pasalita, lubhang mahalaga ang tamang pagpili ng mga salita. Maaaring maganda
ang ibig ipahatid, maaari rin namang may mabuting layon sa pagpapahayag subalit hindi nagbubunga nang mabuti
kung mali ang pagkakapili ng mga salita.

Pagpili ng Wastong Salita


Ang pagiging malinaw ng pahayag ay nakasalalay sa mga salitang gagamitin. Kinakailangang angkop ang salita sa
kaisipan at sitwasyong ipapahayag. May mga pagkakataon na ang salita na tama naman ang kahulugan ay lihis o
hindi angkop gamitin.
Nang at Ng
NANG
1. Pag-uulit ng pandiwa
Halimbawa:
 Kanta nang kanta si Anne Curtis.
 Tango nang tango ang aso sa unahan ng jeep
2. Kung ang sumusunod na salita ay pang-uri (adjective).
Halimbawa:
 Nagdadasal nang matimtim ang mga mamamayan sa gitna ng pandemya.
 Kumilos nang mabilis ang mga awtoridad upang mahuli ang suspek.
3. Kung gagamitin sa unahan ng pangungusap.
Halimbawa:
 Nang nagsimula ang virtual class ay nagkaingay ang mga manok.
 Nang dumating si nanay ay biglang naglinis ang kapatid ko.
4. Ang nang ay ginagamit bilang pinagsamang na at na.
Hailimbawa:
 Lumabas ka na na hindi napapansin. – Lumabas ka nang hindi napapansin.
 Ang mga damit ay itinago na na hindi nalalabhan. – Ang mga damit ay itinago nang hindi nalalabhan.

NG
Halimbawa:
 Bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita siya.
 Kailangan ng mga mag-aaral ang pang unawa sa panahong ito.

Kung at Kong
KUNG - Bilang pangatnig na panubali sa hugnayang pangungusap
Halimbawa:
 Makatatanggap sana ako ng medalya kung
hindi ako nagkaroon ng 3.00 sa Retorika.
 Magiging masaya ka na ba kung iiwan na kita?
KONG - Galing sa panghalip na panaong ko at inaangkupan ng ng.
Halimbawa:
 Natutunan kong magsalita sa harap ng maraming tao sa kursong Masining na Pamamahayag.
 Pangarap kong maging parte ng buhay mo.

May at Mayroon
MAY - 1. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan.
Halimbawa:
 May klase kaya ngayon?
 May pagkain sa lamesa para kay Teddy. 2.Kapag sinusundan ng pandiwa Halimbawa:
 May hahanapin akong guro na Pethy Crisostomo ang pangalan.
 May nakita akong mga pantalon na dala ni nanay galing Divisoria.
3. Kapag sinusundan ng pang-uri
Halimbawa:
 May mabait na titser sa Retorika sa Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro.
 May mapagmahal na kapatid si CJ.
4. Kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari
Halimbawa:
 Lahat ng kurso ay may kanya kanyang kahingian.
 Ang bawat pamilya ay may kani-kanilang kwento ng lungkot at saya.
MAYROON - 1. Kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito.
Halimbawa:
 Mayroon ding hindi naligo bago pumasok sa Google Meet.
 Mayroon ba akong magagawa para sumaya ka?
2. Ginagamit na panagot sa tanong.
Halimbawa:
 May size 5 po ng sapatos na ito?– Mayroon.
 May pag-asa pa kayang maging mahusay ako? – Mayroon naman!
3. Ginagamit kung nangangahulugang ng pagka- may kaya sa buhay
Halimbawa:
 Noong pa man ay sadyang mayroon na ang pamilyang Escudero.
 Mahirap umibig sa isang taong mayroon lalo na para sa tulad kong dukha.

Subukin at Subukan
SUBUKIN - nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o bagay.
Halimbawa:
 Subukin natin ang husay ng mga bata sa pagsasalita sa isang debate.
 Susubukin ang tibay ng loob ng mga batang papasok sa buhay ng pagiging lider.
SUBUKAN - Ang subukan ay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginawa ng isang tao o mga tao.
Halimbawa:
 Susubukan ko ang katapatan ng aking mga kaibigan sa isang prank.
 Huwag mo nang subukan pang mandaya sa sa pagsusulit.

Pahiran at Pahirin
PAHIRIN - Ang pahirin ay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi sa isang bagay, alisin ang bagay.
Halimbawa:
 Pahirin mo ang mga labis na lipstick sa iyong labi.
 Walang sawa kong papahirin ang luha sa iyong mga mata.
PAHIRAN - Dalawaang maaaring ibigay na kahulugan ng pahiran.
1. Ang lunan o bahagi ng lunan o bagay na pinanggagalingan ng bagay na pinahid. Sa ganitong
gamit ang pahiran ay may layon. Halimbawa:
 Ang cheek bone ang karaniwang pinapahiran ng blush on.
 Madalas nalalagay ng tuwalya sa hawakan ng ref para pagpahiran ng kamay.
2. Nagagamit din ang pahiran sa kahulugang paglalagay ng kaunting bagay at karaniwan ay sa bahaging katawan.
Halimbawa:
 Hindi niya nalilimutang pahiran ng lip tint ang labi bago lumabas ng bahay.
 Pinapahiran ng Oryspa ang sintido ng gurong pagal na sa paggawa ng modyul.

Operahin at Operahan
OPERAHIN - Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.
Halimbawa:
 Nangangailangang operahin ang mga mata ng Lola Basyang.
 Itinakdang operahin ang bukol sa tiyan ng asong si Bantay.
OPERAHAN - Tinutukoy nito ang tao at hindi ang bahagi ng katawan.
Halimbawa:
 Ooperahan na ng betirinaryo ang nanginginig na aso.
 Sa sikat at mamahaling ospital inooperahan ang mga kilalang personalidad.

Rin, Raw, Daw at Din


RIN at RAW - ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na w at y.
Halimbawa:
Sana ay tayo pa rin hanggang sa huli. Saklaw raw ng kanyang minanang lupain ang lahat ng iyong natatanaw.
DIN at DAW - ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.
Halimbawa:
 Laman din ng aking panalangin na makasama ka habambuhay.
 Masakit daw ang mag-isa pero mas masakit ang matakid ang hinliliit.

Kung ‘di, kung di at kundi


kung'di ( if not) - ay pinaikling kung hindi.
kung di - ay di dapat gamitin. Walang salitang ganito. Ang kundi ay kolokyalismo ng kung'di.
Halimbawa:
 Kung'di kayo mag-uusap hindi ninyo mauunawaan ang punto ng bawat isa.
 Walang ibang magtutulungan kundi tayo tayo rin lamang.

KINA at KILA
Kina - ay panandang pangkayarian sa pangngalan katulad ng sina.
Kila - walang ganitong salita sa Balarilang Filipino. Ang paggamit ng kila ay karaniwang pagkakamali.
Halimbawa:
 Madalas kina Aling Nena nagaganap ang pagtsitsismisan.
 Malapit lamang ang bahay nina Rudy kina Bonggy.

Pinto at Pintuan
pinto (door) - ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito upang ilagay sa pintuan. Halimbawa:
 Panatilihin nating sarado ang pinto ng ating mga tahanan para sa ating kaligtasan.
 Pinintahan niya ng kahel ang pinto ng kanyang tindahan.
pintuan (doorway) - ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan kapag bumukas na ang pinto.
Halimbawa:
 Kailangang matibay ang mga pintuan lalo na mga lugar na madalas lumilindol.
 Nakasampay sa pintuan ang tuwalya dahilan para maiwan na nakakawang ang pinto.

Hagdan at Hagdanan
hagdan (stairs) - ay mga baitang at inaakyatan at binababaan sa bahay/gusali.
Halimbawa:
 Natapilok siya sa hagdan kaya siya nahulog.
 Ang mataas na hagdan na ito ang ginagamit upang makatawid sa kabilang kalsada.
Hagdan at Hagdanan
hagdan (stairs) - ay mga baitang at inaakyatan at binababaan sa bahay/gusali.
Halimbawa:
 Natapilok siya sa hagdan kaya siya nahulog.
 Ang mataas na hagdan na ito ang ginagamit upang makatawid sa kabilang kalsada.

Iwan at Iwanan
iwan (to leave something) - ay nangangahulugang huwag isama/dalhin.
Halimbawa:
 Dapat iwan sa baggage counter ang lahat ng dala maliban sa pitaka at cellphone.
 Hindi ko maaring iwan ang aking gamit sa mataong lugar.
iwanan (to leave something to somebody)- ay nangangahulugang bibigyan ng kung ano ang isang tao.
Halimbawa:
 Iniwanan ko ang aking bag sa aking kapatid noong nagpunta ako sa banyo.
 Pinaalala ng aking anak na iwanan ko siya ng baon.

Tunton, Tungtong at Tungtong


tungtong - ay panakip sa palayok o kawali.
Halimbawa:
 Nagdadabog ang batang hindi makita ang tungtong pinapahanap ng kanyang nanay.
Tuntong - ay pagyapak sa anumang bagay.
Halimbawa:
 Tumuntong ang sirkero sa patong patong na silya nang walang kahirap hirap.
Tunton - ay pagbakas o paghanap sa bakas ng anumang bagay.
Halimbawa:
 Kailangan matunton ang pinagtataguan ng mga magnanakaw.

Sa usaping pampanitikan napakahalaga ang mga pagpapahayag ng ideya sa matalinghagang istilo


sapagkat mas binibigyan nito ng kahusayan ang isang akda kaya’t ito ay masasabing isang sining. Gumagamit ang
mga manunulat ng Idyoma, Tayutay at Alusyon.
Idyoma - o sawikain ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal. Hindi
binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya- kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay
kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
Mga halimbawa ng Idyoma o Sawikain
1. butas ang bulsa – walang pera
Halimbawa: Maiikawing sa mga online shop ang pagiging butas ng bulsa ko.
2. ilaw ng tahanan – ina
Halimbawa: Napakaresponsable ng aming ilaw ng tahanan.

Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa: 1.idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyunal.
2. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
3. salawikain, mga kasabihan o kawikaan.

Tayutay - salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng
pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin
ang kanyang saloobin.
Mga kasangkapang panretorika na mahahati sa dalawa:
 Kasangkapan sa paglikha ng tunog o musika
 Kasangkapan sa pagpapasidhi ng guniguni at damdamin.

1. Kasangkapang Panretorika sa Paglikha ng Tunog o Musika


1.1. ALITERASYON - Pag-uulit ng mga tunog- katinig sa inisyal na bahagi ng salita.(pag-ibig, pananampalataya
at pag-asa) (lungkot at ligaya)(masama at mabuti)
Halimbawa: Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdob niyang pagtatangi mahal
niyang bayan.
1.2. ASONANS - Pag-uulit ng mga tunog-patinig sa alinmang bahagi ng salita. (hirap at pighati) (salamat at
paalam)(buhay na pagulung -gulong) Halimbawa: Nasisiyahan ka palang manghiram ng ligayang may hatid na
kamandag at lason.
1.3. KONSONANS - Katulad ng aliterasyon, pag- uulit ng mga katinig sa pinal na bahagi(kahapon at ngayon)
(tunay na buhay) (ulan sa bubungan)
Halimbawa: Ang halimuyak ng mga bulaklak ay mabuting gamot sa isang pusong wasak.
1.4. ONOMATOPIYA - Sa pamamagitan ng tunog o himig ng salita ay nagagawang maihatid ang kahulugan
Halimbawa: langitngit ng kawayan lagaslas ng tubig
dagundong ng kulog haginit ng hangin

2. IBA PANG URI NG TAYUTAY BATAY SA PAG


–UULIT
2.1. ANAPORA - Pag –uulit sa unang bahagi ng pahayag o ng isang taludtod.
Halimbawa: Kabataan ang sinasabing pag-asa ng ating inang bayan. Kabataan ang sanhi ng pagsisikap ng bawat
magulang. Ngunit kabataan din ba ang sisira sa kanyang sariling kinabukasan? At kabataan din ba ang wawasak sa
pangarap ng kanyang kapwa?
2.2. EPIPORA - Pag –uulit sa huling bahagi ng pahayag o ng isang taludtod.
Halimbawa: Ang Konstitusyon o Saligang Batas ay para sa mamamayan, gawa ng mamamayan at mula sa
mamamayan.
2.3. ANADIPLOSIS - Pag -uulit sa una at huling bahagi ng pahayag o ng isang taludtod. Halimbawa: (mula sa
tula ni Juseng Sisiw o Jose Dela Cruz) “Mata’y ko man yatang pigili’t pigilin; pigilin ang sintang sa puso’y
tumiim; tumiim na sinta’y kung aking pawiin, pawiin ko’y tantong kamatayan ko rin.”

3. IBA PANG URI NG TAYUTAY


3.1. PAGTUTULAD o SIMILI - Hindi tuwirang paghahambing ng magkaibang bagay, tao o pangyayari
pagkat gumagamit ng mga pariralang tulad ng, kawangis ng, para ng, gaya ng. Halimbawa: Tumakbo ring tulad
ng isang mailap na usa nang makita ang papalapit na kaaway.
3.2. PAGWAWANGIS o METAPORA - Tuwirang paghahambing sapagkat hindi gumagamit ng mga parirala.
Halimbawa: Isang bukas na aklat sa akin ang iyong buhay, kaya’t huwag ka nang mahiya pa.
3.3. PAGBIBIGAY-KATAUHAN o
PERSONIPIKASYON - Inaaring tao rin ang mga
bagay na walang buhay sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga ito ng mga kilos o gawi ng tao. Halimbawa:
Mabilis na tumakbo ang oras patungo sa kanyang malagim na wakas.
3.4. PAGMAMALABIS o HAYPERBOLI - Lagpas ito sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag kung
pakasusuriin.
Halimbawa: Sa dami ng inimbitang kababayan, bumaha ng pagkain at nalunod sa mga inumin ang mga dumalo
sa kasalang iyon.
3.5. PAGPAPALIT-TAWAG o METONIMI - Ang panlaping meto ay nangangahulugan ng
pagpapalit o paghahalili (Sebastian) Nagpapalit ito ng katawagan o ngalan sa bagay na tinutukoy. Halimbawa:
Malakas talagasiyang uminom, sampung bote ay agad niyang naubos nang ganoon na lamang.
3.6. PAGPAPALIT-SAKLAW o SINEKDOKI- Binabanggit dito ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan.
Halimbawa: Kagabi ay dumalaw siya, kasama ang kanyang mga magulang upang hingin ang kamay ng dalagang
kanyang napupusuan.
3.7. PAGLUMANAY o EUPEMISMO - Paggamit ng mga salitang magpapabawas sa tindi ng kahulugan ng
orihinal na salita.
Halimbawa: Magkakaroon na lamang siya ng babae (kabit) ay bakit sa isa pang mababa ang lipad (prostityut).
3.8. RETORIKAL NA TANONG- Isang uri ng pagapaphayag na hindi naman talaga kailangan ng sagot kundi
ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe.
Halimbawa: Magagawa kaya ng isang ina na magmaramot sa isang anak na nagugutom, may sakit at
nagmamakaawa?
3.9. PAGSUSUKDOL o KLAYMAKS -Paghahanay ito ng mga pangyayaring may papataas na tinig, sitwasyon o
antas.
Halimbawa: Mabilis na humupa ang hangin, napawi ang malakas na ulan, muling sumilay ang liwanag ng araw
na nagbabadya ng panibagong pag –asa!
3.10. ANTIKLAYMAKS - Ang kabaligtaran ng pagsusukdol o klaymaks.
Halimbawa: Noon, ang bulwagang iyon ay punung
–puno ng mga nagkakagulong tagahanga, hanggang sa unti –unting nababawasan ang mga
nanonood, padalang nang padalang ang mga pumapalakpak at ngayo’y maging mga bulong ay waring sigaw sa
kanyang pandinig.
3.11. PAGTATAMBIS o OKSIMORON - Paggamit ng mga salita o pahayag na magkasalungat. Halimbawa:
Ang buhay sa mundo ay tunay na kakatwa: may lungkot at may saya, may hirap at may ginhawa, may dusa at
may pag –asa!
3.12. PAG –UYAM o IRONIYA - May layuning mangutya ngunit itinatago sa paraang waring nagbibigay –
puri.
Halimbawa: Kahanga –hanga rin naman ang taong iyan, matapos mong arugain, pakainin at damitan ay siya pa ang
unang mag –iisip ng masama sa iyo.
3.13. PARALELISMO - Sa pamamagitan ng halos iisang istruktura, inilalatag dito ang mga ideya sa isang pahayag.
Halimbawa: Iyan ang disiplinang militari: sama – samang lulusob sa mga kaaway, sama –sama rin kaming
mamamatay o magtatagumpay.

Alusyon - Pamamaraang panretorika na gumagamit ng pagtukoy sa isang tao, pook, katotohanan, kaisipan o
pangyayari na iniingatan sa pinakatagong sulok ng alaala ng isang taong may pinag-aralan. (Bisa at Sayas, 1966)
Limang Uri ng Alusyon
1. Alusyon sa HEOGRAPIYA
Halimbawa: Ang Mt. Apo ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa ating bayan kung kaya ito ang Mt.
Everest ng Pilipinas.
2. Alusyon sa BIBLIYA
Halimbawa: Nagsilbi siyang isang Moises ng kanyang lipi upang iligtas ang mga ito sa kamay ng mga mapang-
aliping nais na sakupin ang kanilang bayan.
3. Alusyon sa MITOLOHIYA
Halimbawa: Unang Saknong ng tulang “Felicitacion” (Maligayang Bati) ni Dr. Jose Rizal: Kung si Filomena ang
dila’y may tamis ang sa kay Apolo, sa kanyang pagsilip, sa may kabukira’t bundok na masungit, ang may dalang
awit.
4. Alusyon sa LITERATURA
Halimbawa: Walang alinlangang isa siyang Ibarra na puno ng pag –asang kanyang maililigtas ang kanyang bayan
sa isang ideyal na paraan.
5. Alusyon sa KULTURANG POPULAR
Halimbawa: Kinikilala si Mang Noe bilang Elvis Prestley ng lungsod ng Davao at ang anak niyang si Liway
bilang Whitney Houston ng buong Mindanao.

Organisasyon ng Pasalita at Pasulat na Komposisyon


Layunin ng sino mang manunulat o mananalumpati ang maipaabot ang kanilang mensahe sa malinaw at maayos na
paraan. Organisadong matatawag ang isang komposisyon kung ito ay sumusunod sa mga panuntunan at mekaniks.
Mahalagang mabatid ito ng lahat dahil bahagi na ng buhay ng tao ang magsulat at magsalita ng iba’t ibang saloobin
at naiisip.

KAISAHAN - tawag sa pangangailangan ng iisang paksang tatalakayin sa kabuuan ng isang komposisyon.


- maaaring bumuo ng isang paksang pangungusap na maaaring matagpuan sa alin mang bahagi
ng talaan
- makatutulong din sa pagkakaroon ng kaisahan ang semantic mapping bago magsalita o
magsulat upang matiyak na ang mga sumusuportang detyalye ay hindi lumalayo sa pangunahing
kaisipan.

KOHIRENS - tumutukoy sa pagkakahanay-hanay ng mga ideya o pangyayaring tinatalakay. pagkakaroon ng tuluy-


tuloy na daloy ng diwa ng isang komposisyon.
Mga PARAAN upang magkaroon ng KOHIRENS ang pangungusap:
- Paggamit ng mga panghalip na panao at mga panghalip na pamatlig (siya, ito atbp.)
- Paggamit ng nga salitang naghahayag ng karagdagan (at, isa pang)
- Paggamit ng mga salitang naghahayag ng pagsalungat. (subalit, ngunit atbp.)
- Paggamit ng mga salitang naghahayag ng bunga ng sinundan (dahil, bunga atbp.)
- Paggamit ng mga salitang naghahayag ng pagkakasunud-sunod ayon sa panahon. (samantala,
pagkatapos atbp.)
- Paggamit ng mga salitang magkakasingkahulugan at maging ang pag-uulit ng mga salita
EMPASIS AT DIIN - pagbibigay ng higit na pansin sa pinakamahalagang kaisipan sa loob ng isang komposisyon.
Uri ng Diin o Empasis
1. Diin sa pamamagitan ng POSISYON Tumutukoy ito sa paglalagay ng pamaksang pangungusap sa
wasto o angkop na lokasyon nito sa loob ng isang set ng mga pahayag o talata. Kung gayon, ang pamaksang
pangungusap ay maaaring matagpuan sa unahan, sa gitna o huling bahagi.
2. Diin sa pamamagitan ng PROPORSYON bawat bahagi ay binibigyan ng proporsyunal na diin ayon sa halaga,
ganda at iba pang sukatan.
3. Diin ayon sa PAGPAPARES-PARES NG MGA IDEYA
Ang paglalahad ng mga ideya sa pamamagitan ng pagpapares – pares ng mga ito ay nakapagbibigay ng malianw na
pagkakatulad o pagkakaiba ng kanilang pagkakaugnay. Makakatulong ito sa pagpapahayag ng barayti ng mga
implikasyon.

Pagbabalangkas - maayos na pagtatala ng mga pangunahing kaisipan o paksa ayon sa pagkakasunud-sunod sa isang
katha o seleksyon. Ito ay ang paghahati-hati ng mga kaisipang nakapaloob sa isang seleksyon ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga ito, (Bernales at Veneracion, 2009).
- Ito ang organikong kabuuan ng isang pagpapahayag, ayon kay Plato. Ito rin ang istruktura o
porma at nilalaman o kontent ng diskurso, (Arrogante, 2007).
ANYO NG BALANGKAS
Paksa – isinusulat ito sa anyong parirala Pangungusap – isinusulat sa buong pangungusap PARAAN SA
PAGGAWA
1, Hanapin o alamin ang pangunahing diwa ng buong seleksyon.
2. Isulat ito bilang pinakapamagat ng balangkas
3. Isulat ang pangunahing diwa ng bawat talata na bumubuo sa seleksyon.
4. Gamitin ang roman numerals (I, II, III…) sa pagsulat ng pangunahing diwa o paksa.
5. Gamitin ang malaking letra sa pagsulat ng unang salita at lahat ng mahahalagang salita ng bawat pangunahing
diwa.
6. Maglagay ng tuldok pagkatapos ng roman numerals at malaking letra.
7. Isulat nang may pasok sa ilalim (indention) ng pangunahing diwa ang mga kaugnay na paksa.
8. Gamitin ang malaking letra (A, B, C…) sa bawat kaugnay na paksa (sub topic).
9. Gamitin ang arabic numerals (1, 2, 3…) sa unahan ng mga detalye na sumusuporta sa kaugnay na paksa.
10. Isulat ito nang may pasok sa ilalim ng kaugnay na paksa. Simulan ito sa malaking letra.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGBABALAKAS


1, Sa paggawa ng balangkas, tanungin mo muna ang iyong sarili kung paano mo maaayos sa mga grupo o ma-uuri
ang mga pangunahing ideya (titulo o pamagat) na nasasaisip mo.
2. Palawakin ang mga ideyang ito sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga detalye o subtopics sa bawat grupo.
3. Ang mga pangunahing ideya na pinagsama sama ay mga impormasyon o data na magkakapareho o
magkakatulad.

Pagsulat ng Komposisyon
Komposisyon - ay itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat. Ang pagsulat ng mga natatanging karanasan,
pagbibigay interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nabasang akda o napanood na
pagtatanghal ay nagagawa sa pamamagitan ng pagsulat ng komposisyon.

MGA TEORYA SA PAGSULAT


- ang pagsulat ay isang aktibong gawain. Hindi basta na lamang nangyayari. Nasasangkot ito
ng marubdob na partisipasyon at imersyon na proseso. Ang imersyong ito sa pagsulat ay
kadalasang:
1. Solitari at Kolaboratib
2. Pisikal at Mental
3. Konsyus at Sabkonsyus
LEVEL NG GAWAING PAGSULAT
Ayon kay W. Ross Winterowd (1985) ang proseso ng pagsulat ay kinasasangkutan ng ilang lebel ng gawain na
nagaganap nang daglian at maaaring kaugnay o kasalungat ng bawat isa.
Ayon kay Donald Murray (2003) na ang pagsulat ay isang eksplorasyon pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma
at ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-balik, nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon
nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag nang episyente.
Idinagdag pa ni Murray na ang pagsulat ay isang prosesong rekarsibo o paulit-ulit. Writing is rewriting, wika niya.
Samantala , sinabi ni Ben Lucian Burman na I am a demon on the subject of revision. I revise, revise, revise, until
every word is what I want.

TALATA
Ang komposisyon ay binubuo ng mga talata. Ito binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap
na naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro, palagay o paksang-diwa. editoryalat mga sanaysay
ay karaniwang nagtataglay ng mga talatang binubuo ng ilang mga pangungusap.
Ang isang talata ay mauuri ayon sa lokasyong katatagpuan nito sa loob ng isang komposisyon. Kung gayon, ang
talata ay maaaring mauring Panimulang Talata, Talatang Ganap, Talata ng Paglilipat-diwa at Talatang Pabuod.
Para sa layunin ng epektibong pagsulat ng komposisyon, balik-aralan natin ang kalikasan at katangian ng bawat uri
ng talata.

1.Panimulang Talata
Ito ang una at kung minsan ay hanggang sa ikalawang talata ng komposisyon. Layunin nito ang ilahad ang paksa ng
komposisyon. Sinasabi rito kung ano ang ipinaliliwanag , ang isasalaysay, ang ilalarawan o bibigyang katuwiran.
Kung maikli ang komposisyon, ito’y isa lamang maikling talata rin. Subalit kung mahaba ang akda, maaring ang
panimulang talata ay buuin ng mahigit isang talata.
2,Talatang Ganap
Matatagpuan ito sa kalakhang gitnang bahagi ng komposisyon. Tungkulin nito ang idebelop ang pangunahing
paksa. Binubuo ito ng paksang pangungusap at mga pangungusap na tumutulong upang matalakay nang ganap ang
bahagi ng pangunahing paksa ng komposisyon na nililinaw ng talata.
3. Talata ng Paglilipat-diwa
Mahalaga ito upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng mga pahayag sa mga talataan ng komposisyon.
Ginagamit ang talatang ito upang pag-ugnayin ang diwa ng dalawang magkasunod na talata. Ipinahihiwatig din
nito ang development ng paksang tinatalakay.
4. Talatang Pabuod
Kadalasan, ito ang pangwakas na talata o talata ng komposisyon. Inilalagay rito ang mahahalagang kaisipan o
pahayag na tinatalakay na gitna ng komposisyon. Maari ring gamitin ang talatang ito upang bigyan ng higit na
linaw ang layunin ng awtor ng isang komposisyon.

MGA KATANGIAN NG MABUTING TALATA


Magiging mainam ang mga talata bilang bahagi ng isang komposisyon kung magtataglay ang mga ito ng
sumusunod na katangian:

1, May isang paksang-diwa


Masasabing may isang paksang-diwa ang isang talata kapag ito ay nagtataglay ng isa lamang paksang
pangungusap. Nagsisilbi itong patnubay upang hindi malihis sa paksa ng talata ang mga pangungusap na
napakaloob sa talata at nang sa gayo’y maiwasan ang pagpasok ng mga bagay na hindi kailangan sa talata.
2. May Kaisahan ng Diwa
Masasabing may kaisahan ng diwa ang isang talata kapag ang bawat pangungusap ay nauugnay sa paksang
pangungusap.
3. May Wastong paglilipat-diwa
Nagiging malinaw ang mga pangungusap ng talata kapag may wastong paglilipatdiwa. May mga salita at
pariralang ginagamit sa paglilipat-diwa. Makakatulong ang mga ito upang maunawaan ang tamang pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangungusap na bumubuo sa talata. Sa bawat
isipang ililipat, may angkop na salita o pariralang ginagamit.

Pansinin ang mga kasunod na halimbawa: a.Pagdaragdag - at, saka, gayon din
b. Pagsalungat - ngunit, subalit, datapwat, bagaman, kahiman, sa kabilang dako
c. Paghahambing - katulad ng, kawangis ng, animo’y, anaki’y
d. Pagbubuod - sa madaling sabi, kaya nga
e. Pagkokongklud - samakatuwid, kung gayon

Masasabing may kaisahan ng diwa ang isang talata kapag ang bawat pangungusap niyon ay tumutulong sa pagsulong
ng diwa ng talata at kapag ang bawat pangungusap ay nauugnay sa paksang pangungusap niyon.

4. May Kaayusan
Kumpletuhin muna ang kaisipan ng isang talata bago lumipat o gumawa ng bagong talata. Maaaring maging ganito
ang gawaing pagsasaayos ng mga ppangungusap sa loob ng talata.
a.) Ayusin nang kronolohikal ayon sa pagkakahanap ng mga pangyayari.
b.) Ayusin ayon sa pananaw sa bagay o pangyayari, gaya halimbawa ng malapit palayo o kabalikan
nito, mula sa loob- palabas o kabalikan nito o mula sa kanan pakaliwa o kabalikan nito. c.) Iayos na mula sa
masaklaw patungo sa ispesipiko. Ito ang karaniwang ayos na ang paksang pangungusap ang unang
pangungusap ng talata. Maari ring ayusin sa kabalikan nito na mula sa mga pangungusap na ispesipiko tungo na
masaklaw na pangungusap. Sa ganito, ang paksang pangungusap ang huling pangungusap ng talata.

ANG PROSESO NG PAGSULAT


tatlong yugto ng pagsulat: ang pre writing, writing at revising stage
Pre-Writing Activities
Walang manunulat ang walang anu-ano’y bigla na lamang na nagsusulat. Lahat ay may kinapapalooban o
kinakasangkutan gawain, sinasadya man o hindi, bago siya magsulat. Ang gawaing ito ang maaaring
pinagmumulan ng
kanyang inspirasyon o motibasyon o di kaya’y pinaghahanguan niya ng mga ideya o kaalaman na nagsisilbing
puwersa upang itulak siyang magsulat at bigyang-direksyon ang kanyang pagsusulat. Dalawa sa mga ito, ang
paggawa ng semantic map at pagbabalangkas ay natalakay na sa Kabanata IV.

Narito ang iba pang mungkahing pre – writing activities:


1. Pagsulat sa Dyornal - talaan ng mga ideya, ngunit ito ay mula sa araw-araw na pangyayari ng pagsulat.
Nagsisilbi rin itong imbakan ng mga ideya para sa maraming manunulat.
2. Brainstorming - Mabisa itong magagamit pangangalap ng opinyon at katuwiran ng ibang tao. Naisasagawa ito
sa pamamagitan ng malayang pakikipagtalakayan sa isang maliit na pangkat hinggil sa isang paksa.
3. Questioning - Binabagsakan ng mga tanong sa gawaing ito ang isang posibleng paksa. Madalas gamitin dito ang
limang W’s at isang H (What, When, Why, Where, Who, at How). Makatutulong ito sa pagbibigay ng wastong
pokus ng isang komposisyon.
4. Pagbabasa at Pananaliksik - Mabisa itong ginagamit sa pagpapalawak ng isang paksang isusulat at pangangalap
ng mga kaugnay na karagdagang kaalaman. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga libro at iba
pang materyales na karaniwang matatagpuan sa aklatan o internet.
5. Sounding –out Friends - Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga kasambabahay,
kaibigan, kapitbahay o kasama sa trabaho at pakikipagtalakayan sa kanila hinggil sa isang paksa. Ang usapan ay
kailangan maikli lamang at impormal.
6. Pag-iinterbyu - Ito ay pakikipanayam sa isang tao o pangkat ng mga tao sa ipinalalagay na awtoridad hinggil sa
isang paksa.
7. Pagsasarbey - Ito ay paraan ng pangangalap ng mga impormasyon hinggil sa ano mang paksa sa pamamagitan
ng pagpapasagot sa isang talatanungan sa isang pangkat ng respondente.
8. Obserbasyon - Pagmamasid ito sa mga bagay- bagay, tao o pangkat. Inaalam dito ang mga gawi at distinksyon
ng inoobserbahang paksa.
9. Imersyon - Ito ay sadyang pagpapaloob sa isang karanasan o gawain upang makasulat hinggil sa karanasan o
gawaing iyon.
10. Pag – eeksperimento - Dito, sinusubukan ang isang bagay bago sumulat ng tungkol dito. Madalas itong gawain
sa pagsulat ng mga sulating sayantipiko.

Writing Stage
Kapag may paksa na at may mga datos o ideya na ang mga manunulat, ang susunod niyang lohikal na tanong ay ang
mga sumusunod: Paano ko sisimulan ang komposisyon? Paano ko aayusin ang katawan? Paano ko wawakasan ang
komposisyon?

Pagsisimula
buhay ng ano mang komposisyon o akda. Sa ganitong palagay, nararapat lamang na maging maganda ang simula
upang mapagpasyahan ng mambabasa kung itutuloy o hindi ang nasimulang pagbasa. Sa simula pa lamang dapat
nang makuha ang interes at kawilihan ng mambabasa.

May ilang paraan na maaring gamitin sa pagsisismula ng paglalahad upang makaakit ng atensyon.
1. Gumamit ng isang serye ng mga tanong retorikal.
2. Gumamit ng isang pangungusap na sukat makatawag-pansin.
3. Gumamit ng pambungad na pagsasalaysay.
4. Gumamit ng salitaan.
5. Gumamit ng isang sipi.
6. Banggitin ang kasaysayan o mga pangyayaring nasa likuran ng isang paksa.
7.Tahasang ipaliwanag ang suliraning ipapaliwanang.
8. Gumamit ng salawikain o kawikaan.
9. Gumamit ng pansaklaw o panlahat na pahayag.
10. Magsimula sa pamamagitan ng buod.
11. Gumamit ng tuwirang sabi.
12. Maglarawan ng tao o pook.
13. Gumamit analohiya.
14. Gumamit ng isang salitang makatatawag ng kuryosidad.
Pagsasaayos ng Katawan
Sa pagbuo ng pinakakatawan ng komposisyon, may iba’t ibang paraang maaaring gamitin sa paghahanay ng mga
kaisipan, alinsunod sa paksa, layunin at sa pinag uukulan.
1. Iayos ang mga datos nang pakronolohikal
2. Iayos ang mga datos nang palayo o palapit, pataas o pababa,papasok o palabas
3. Iayos ang mga datos nang pasahol
4. Iayos ang mga datos nang pasaklaw
5. Paghambingin ang mga datos
6. Isa-isahin ang mga datos 7.Suriin ang mga datos

Pagwawakas
ang haba ng wakas ay dapat ibagay sa haba ng buong katha. Ang wakas ay maaaring isang kabanata, isang talataan,
isang pangungusap o isa lamang “pakiramdam sa pagsapit sa katapusan ng akda” na nililikha ng mga pangunahing
salita.
Ito’y magagawa sa iba’t ibang paraan.
1. Ibuod ang paksa.
2. Mag-iwan ng isa o ilang tanong.
3. Mag-iwan ng hamon.
4. Bumuo ng Kongklusyon.
5. Gumawa ng prediksyon.
6. Magwakas sa angkop na sipi o kasabihan.
7. Sariwain ang suliraning binanggit sa simula.
8. Mag-iwan ng isang pahiwatig o simbolo.

Revising Techniques
Ang pagrerebisa ng isang komposisyon ay isang mahalagang yugto sa pagsulat. Maging ang mga batikang
manunulat ay nagrerebisa ng kanilang mga akda. Sa yugtong ito, lalong pinabubuti ang isang akda.
Nakapaloob dito ang sumusunod:
1. Pag-eebalweyt sa nagawang draft at pagsusulat nang panibago na maaaring may pagdaragdag, pagbabawas,
pagbabago o pagpapalit.
2. Pag-eedit sa akda. Dito sinusuri at winawasto ang mga pagkakamali sa grammar, ispeling, mekaniks at
paggamit ng mga bantas.

3. Proofreading. Pagbabasa sa nirebisang kopya at pagwawasto kung may mga pagkakamali pang
nakaligtaan hanggang sa maiprodyus ang minimithing
pinal na kopya.

May mga iba’t ibang teknik na ginagamit sa


pagrerebays ng isang sinulat na komposisyon. Ang
pinakakaraniwan ay ang pag – eedit at pagrerebays ng
sariling draft. Isinasagawa ito sa isa o ilang araw
matapos isulat ang draft. May mga pagkakamali kasing
mahirap makita kung iwawasto agad draft.

4. Peer editing. Maaaring ipabasa sa mga kaklase o


kaibigan ang draft upang ipa edit at ipakritik.
5. Professional editing. Ang pagpapa edit ng draft sa
mga propesyunal tulad ng mga editor at guro. Sa peer
editing at professional editing, ang isang manunulat ay
kailangang maging bukas sa mga pagwawasto, puna at
mungkahi upang lalo pang madebelop ang kanyang
kakayahan sa pagsulat.

INIHANDA NI: MARY GRACE CABER:)

PADAYON!

You might also like