You are on page 1of 18

Ang makabagong talasalitaan

LIKSYUNARYO
Gabay sa Pagpapa-unlad ng Kaalaman sa
Asignaturang Filipino

pangkat ii
Aa
aligin /a-li-gin/
(pang-uri)
nangangahulugang magpatong o maglapat nang tuwid
o pantay-pantay

Halimbawa: Ang gabi ay humahalik sa aking balat,


inaaligin ako ng kadiliman na yumayakap sa aking
katahimikan.

alpabetiko /al-pa-be-ti-ko/
(pang-uri)
nakaayos ng nakaayon sa alpabeto o sistema ng mga
titik na ginagamit sa isang wika

Halimbawa: Ang mga pangalan ng mga mag-aaral ay


naka-ayos ng paalpabetiko sa rekord ng guro.

Bb
balarila /ba-la-ri-la/
(pangngalan)
ang pag-aaral at pagsusuri sa wastong paggamit ng
mga salita, tuntunin ng gramatika, at iba pang aspeto
ng wika

Halimbawa: Napakagandang basahin ng isang


pangungusap kung tama ang bawat balarila.

pahina 1
banyaga /ban-ya-ga/
(pangngalan)
isang tao o bagay na nagmula o galing sa isang bansa o
lugar

Halimbawa: Ang banyagang kultura ay umaabot at


humahalik sa ating sariling tradisyon.

bokabularyo /bo-ka-bu-lar-yo/
(pangngalan)
ang kabuuan ng mga salita o mga leksiyon na alam o
ginagamit ng isang tao

Halimbawa: Ang kaniyang bokabularyo ay isang


tanglaw na nag-iilaw sa daang patungo sa kaalaman.

Dd
dalubwikaan /da-lub-wi-ka-an/
(pangngalan)
ang pag-aaral ng wika kasama ang mga aspeto nito
tulad ng tunog, estraktura, kahulugan, at paggamit

Halimbawa: Ang kaniyang husay sa dalubwikaan ay


isang nagliliyab na sulo ng kaalaman.

dayalekto /da-ya-lek-to/
(pangngalan)
isang bersiyon o baryasyon ng isang wika na ginagamit
sa partikular na rehiyon o grupo ng mga tao

Halimbawa: Ang dayalektong pumapalibot sa aking


bayan ay nagpapalitan ng mga kwento at mga sikreto.

pahina 2
diskurso /dis-kur-so/
(pandiwa)
ito ay tumutukoy sa proseso ng pagsasalita o pagsulat
na may pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay ng mga
salita, pangungusap, o teksto.

Halimbawa: Ang kaniyang diskurso ay isang mahusay


na tugma na nagpapalipad ng isipan.

Ee
estilong pampanitikan /es-ti-long pam-pa-
ni-ti-kan/
(pangngalan)
maaaring tukuyin bilang kung paano nagpasya ang
isang manunulat na ipahayag ang anumang nais niyang
sabihin; kanyang pagpili ng mga salita, ang ayos ng
pangungusap, sintaks, wika (matalinhaga o metaporikal)

Halimbawa: Napakahusay ng estilong pampanitikan


ng manunulat na si Jose Rizal.

Hh
hibo (hikayat) /hi-bo/
(pandiwa)
ang hibo o hikayat ay isang gawain kung saan ay
mapasang-ayon ang isang tao sa nais mangyari ng
nagsasalita

Halimbawa: Sa masikap na panghihibo ng grupo ay


pumayag din ang mag-aaral.

pahina 3
Ii
integridad /in-te-gri-dad/
(pangngalan)
ang paggawa ng tama at mabuti kahit walang
nakakakita; matapat na pamumuhay sa mga
alituntunin ng katotohanan at pagkamatuwid

Halimbawa: Sobrang linis ng kaniyang integridad kaya


maraming tao ang nagtitiwala sa kaniya.

Kk
kaalaman /ka-a-la-man/
(pangngalan)
ang pagkilala, kamalayan, at pag-unawa sa isang bagay,
tulad ng katotohanan, kasanayan, o bagay

Halimbawa: Ang kaniyang kaalaman ay kasing-lawak


ng karagatan.

kabuhayan /ka-bu-ha-yan/
(pangngalan)
isang gawain, gampanin, o tungkulin na isinasagawa o
isinasakatuparan ng isang tao upang makatanggap ng
kapalit na salapi, gana, o suweldo.

Halimbawa: Ang kabuhayan ng tao ngayon ay


mahirap at hindi sapat upang matustusan ang gastusin.

pahina 4
karunungan /ka-ru-nu-ngan/
(pangngalan)
ang pagkakaunawa sa tama at mali at pagkakaroon ng
matinong pag-iisip o pinag-aralan; may kaugnayan ito
sa sentido kumon, talino, erudisyon, at tining ng pag-
iisip.

Halimbawa: Wala akong tulak-kabigin sa abot langit


niyang karunungan.

kasaysayan /ka-say-sa-yan/
(pangngalan)
ang pag-aaral ng nakalipas na panahon; tinutukoy ang
mga pangyayaring nakatala

Halimbawa: Ang kasaysayan ay napakalawak tulad ng


kaniyang karunungan.

katapatan /ka-ta-pa-tan/
(pangngalan)
ang katapatan, na tinatawag ding katapatang-loob,
pagkamatapat na loob, o pagkamatapat, ay ang
pagkakaroon ng debosyon at pananalig sa isang tao,
bansa, pangkat, o layunin.

Halimbawa: Ang katapatan ng batang babae ay hindi


matutumbasan.

katutubo /ka-tu-tu-bo/
(pangngalan)
isang tao o grupo ng tao na nagmula sa isang partikular
na lugar o rehiyon; mga unang naninirahan sa isang
lugar bago pa man dumating ang iba't ibang pangkat
etniko o kultura

Halimbawa: Ang mga katutubo ng Pilipinas ay mga


mga bulaklak sa malawak na parang ng kulturang
Pilipino.

pahina 5
komunikasyon /ko-mu-ni-kas-yon/
(pangngalan)
proseso ng pagpapahayag, pagpapalitan ng
impormasyon, at pag-unawa sa pagitan ng mga
indibidwal o grupo. Ito ang pangunahing paraan ng
pagpapahayag ng mga ideya, damdamin, at kaisipan sa
pamamagitan ng mga wika, simbolismo, o iba pang
mga anyo ng ekspresyon

Halimbawa: Ang komunikasyon ay isang kaibigan na


laging nakikinig at nagbibigay ng payo.

kritisismo /kri-ti-sis-mo/
(pangngalan)
isang uri ng pagsusuri o pag-aaral na may layuning
suriin at tasaan ang mga akda, gawa, kaisipan, o iba
pang mga bagay; naglalayong maunawaan at kritikal na
suriin ang mga katangian, halaga, kalidad, at
kahalagahan ng isang bagay o konsepto

Halimbawa: Ang kritisismo ay isang biyaya na


humuhubog sa atin upang patuloy na umunlad.

kultura /kul-tu-ra/
(pangngalan)
panlipunang kaugalian, tradisyon, paniniwala, sining,
wika, at iba pang aspeto ng buhay ng isang partikular
na grupo ng mga tao

Halimbawa: ANg kawikaan ay tanda ng mayamang


kultura ng mga Pilipino.

Ll
leksiko /lek-si-ko/
(pangngalan)
ang kabuuang bilang ng mga salita o bokabularyo ng
isang wika, isang partikular na disiplina, o isang
indibidwal

Halimbawa: Ang leksiko ng batang estudyante ay


tulad ng bukas na aklat na puno ng mga salita.

pahina 6
leksikolohiya /lek-si-ko-lo-hi-ya/
(pangngalan)
isang sangay ng lingguwistika na nag-aaral ng mga
salita, kung paano sila nabuo, at kung paano sila
ginagamit sa iba't ibang konteksto; tumutulong sa pag-
unawa sa mga salita at kahulugan nito sa isang
partikular na wika

Halimbawa: Ang lalim ng aking leksikolohiya ay


nagpapahayag ng aking kaalaman sa mga salitang
pambansang wika.

lengguwahe /leng-gu-wa-he/
(pangngalan)
isang sistemang ginagamit ng mga tao upang
maipahayag ang kanilang mga kaisipan, damdamin, at
karanasan; binubuo ng mga salita, bantas, at estruktura
na ginagamit upang makipag-ugnayan at magkaroon
ng komunikasyon sa loob ng isang komunidad

Halimbawa: Ang lenggwaheng Filipino ay isang


mananayaw na may kahusayan sa pagpapahayag ng
damdamin ng mga tao.

lingguwistika /ling-gu-wis-ti-ka/
(pangngalan)
isang disiplina na nag-aaral ng mga wika, kasama na
ang kanilang kasaysayan, pagbuo, paggamit, pagsusuri
ng mga tunog, gramatika, bokabularyo, at iba pang
aspeto ng mga wika para maunawaan ang kanilang
estruktura

Halimbawa: Ang aking pag-aaral sa lingguwistika ay


nagpapakita ng kahalagahan ng bawat letra sa pagbuo
ng salita.

lipi /li-pi/
(pangngalan)
isang pangkat ng lipunan na binubuo pangunahin ng
maraming pamilya, angkan, o henerasyon na may
magkaparehong ninuno at wika

Halimbawa: Sa Pilipinas, ang ilang mga lipi ay may


kakaibang kaugalian, tradisyon, at paniniwala na
sinusunod pa rin hanggang ngayon.

pahina 7
literatura /li-te-ra-tu-ra/
(pangngalan)
ang temang ginagamit upang ilarawan ang nasusulat o
sinasalitang materyal.

Halimbawa: Mahusay si Jose Rizal sa pagsulat ng iba't


ibang estilo ng literatura.

Mm
metapora /me-ta-po-ra/
(pangngalan)
ang pagbibigay ng katangian sa isang bagay o tao sa
pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag,
katangian, o gawain ng isang bagay

Halimbawa: Mahilig gumamit ng metapora si Anne sa


paggawa ng kaniyang mga tula.

metodolohiya /me-to-do-lo-hi-ya/
(pangngalan)
ang pamamaraan ng pagkalap ng mga datos o
impormasyon sa pananaliksik na kailangang masagot
upang maging reliable, valid at kaaya-aya ang resulta ng
isang pananaliksik

Halimbawa: Mahabang proseso ang paggawa ng aking


grupo sa parteng metodolohiya ng aming pag-aaral.

Oo
ortograpiya /or-to-gra-pi-ya/
(pangngalan)
ang kalipunan ng mga pamantayan sa pagsusulat ng
isang wika, kabilang ang mga pamantayan sa
pagbaybay, paggigitling, pagmamalaking titik, paghinto
ng salita, diin, at bantas.

Halimbawa: Ang gabi ay humahalik sa aking balat,


inaaligin ako ng kadiliman na yumayakap sa aking
katahimikan.

pahina 8
Pp
pag-aaral /pag-a-a-ral/
(pangngalan)
ang prosesong ng pagpapadali ng pagkatuto, o
pagtatamo ng kaalaman, kasanayan, prinsipyo,
moralidad, paniniwala, at paggawi

Halimbawa: Mahalaga ang pag-aaral dahil


tinutulungan tayo nitong bumuo ng mga kasanayan

pag-unlad /pag-un-lad/
(pandiwa)
ang pagbabago at pagsisimula ng isang bagay mula sa
pinakamababa hanggang sa pagtaas nito

Halimbawa: Ang pag-unlad ng bagong teknolohiya ay


nagpadali para sa mga tao na makipag-usap at
manatiling konektado sa buong mundo.

pag-uuyam /pag-u-u-yam/
(pandiwa)
ang pag-hahamak,pagtutuya at pag-kukutya sa kapuwa,
ang pagsasabi ng mga salita sa isang tao na masasakit
nasalita sapagkat iniinsulto mo ang kanyang pagkatao

Halimbawa: Nawalan ng tiwala sa sarili si Sara dahil sa


pag-uuyam ni Paulo sa kaniya.

paglalarawan /pag-la-la-ra-wan/
(pangngalan)
ipaliwanag o kumatawan nang detalyado sa
pamamagitan ng wika ng mga tampok na katangian ng
isang bagay, tao, lugar, sitwasyon o pangyayari

Halimbawa: Ang paglalarawan ng pagkain sa libro ay


napakatamis, parang natitikman ko ang bawat sangkap
at nararanasan ang buong pagkain doon mismo sa
pahina.

pahina 9
pagpapahalaga /pag-pa-pa-ha-la-ga/
(pandiwa)
ang anumang bagay na kaibig-ibig, kaakit-akit, kapuri-
puri, kahanga-hanga at nagbibigay mg inspirasyon,
magaan at kasiya-siya sa pakiramdam, at kapaki-
pakinabang

Halimbawa: Ang pagpapahalaga ko sa aking guro ay


higit pa sa buwan at mga bituin.

pagsasadula /pag-sa-sa-du-la/
(pangngalan)
Isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal
sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang
kaisipan ng may-akda

Halimbawa: Napakadetalyado at malikhain ng


pagsasadula ng makasaysayang kaganapan, parang
nandoon talaga ako na nanonood nito sa totoong oras.

pagsasalin /pag-sa-sa-li/
(pandiwa)
ang paglipat ng pwesto ng isang bagay o teksto

Halimbawa: Muntik ng matapon ang tubig sa


ginawang pagsasalin ni Mary.

pagsasaling-wika /pag-sa-sa-ling-wi-ka/
(pangngalan)
ang pagsasalin (pagsasalinwika) ay ang gawain ng
pagpapaunawa ng mga kahulugan ng panitik (teksto),
at ng kinalabasang paglikha ng katumbas na teksto

Halimbawa: Ang kanyang mga kakayahan sa


pagsasaling-wika ay parang isang mahiwagang parol,
na binabago ang mga dayuhang teksto sa malinaw na
kristal na pag-unawa.

pahina 10
pagsulat /pag-su-lat/
(pandiwa)
ang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na
tagapamagitan sa pamamagitan ng paggamit ng isang
pangkat ng mga tanda o sagisag (kilala bilang sistema
ng pagsulat

Halimbawa: Dahil sa likot ng katabi ay itinigil ni Faye


ang pagsulat ng aralin.

pagsusuri /pag-su-su-ri/
(pangngalan)
ang malalim na pagsusuri at pag-aaral ng mga akdang
pampanitikan o iba pang tekstong nasa wikang Filipino

Halimbawa: Ang pagsusuri ng manunulat sa teksto ay


parang magnifying glass, na nagpapahintulot sa
mambabasa na makita ang lahat ng magagandang
detalye at mga layer ng kahulugan na nasa ilalim ng
ibabaw.

palaasalan /pa-la-a-sa-lan/
(pangngalan)
isang sangay ng pilosopiya na sumusuri at nag-aaral ng
mga moral na pamantayan at mga patakaran ng
tamang pag-uugali at kahusayan sa mga gawaing tao

Halimbawa: Ang palaasalan ay tulad ng tuntunin sa


isang laro.

pananaliksik/pa-na-na-lik-sik/
(pangngalan)
ang sistematikong pag-aaral, pagsusuri, at pagsisiyasat
tungo sa pagkuha ng impormasyon, datos, at kaalaman
hinggil sa isang tiyak na paksa o isyu

Halimbawa: Ang pananaliksik ay isang manunulat na


hindi natitinag ng pagsubok at patuloy na naghuhukay
ng mga lihim na kaalaman.

pahina 11
panitikan /pa-ni-ti-kan/
(pangngalan)
iang anyo ng pagsusulat na naglalayong maglahad ng
mga ideya, magpahayag ng kultura at tradisyon, at
magbigay ng aliw o kahulugan sa mga mambabasa

Halimbawa: Ang panitikan ay ilaw ng karunungan na


sumisilip sa kalaliman ng puso.

pilosopiya /pi-lo-so-pi-ya/
(pangngalan)
ang pag-aaral at pag-iisip ukol sa mga malalim at
pangunahing katanungan tungkol sa buhay,
katotohanan, kaalaman, moralidad, at iba pang aspeto
ng eksistensya

Halimbawa: Ang pilosopiya ay parang malalim na lawa


na bumabatid ng mga lihim ng buhay.

ponema /po-ne-ma/
(pangngalan)
ang pinakamaliit na yunit ng tunog sa isang wika na
may kakayahang magbago ang kahulugan ng salita

Halimbawa: Ang ponema ay tulad ng mga pulang lapis


na bumubuo ng isang malalim at makabuluhang
kuwento sa wika.

pragmatika /prag-ma-ti-ka/
(pangngalan)
isang sangay ng lingguwistika na sumusuri sa paggamit
ng wika sa mga konteksto ng komunikasyon at ang
epekto nito sa kahulugan ng mga pahayag

Halimbawa: Napakagandang basahin ng isang


pangungusap kung tama ang bawat balarila.

pahina 12
Rr
rebyu /reb-yu/
(pangngalan)
ang pagtatasa, at pagsusuri ng isang bagay o karanasan;
to ay isang pagsusuri na karaniwang binibigyang-diin
ang mga katangian, kahinaan, benepisyo, at mga punto
ng pagpapabuti o pagpapahusay.

Halimbawa: Ang rebyu ay isang mapagkumbabang


tagapagpahayag na tahimik na nakikinig sa bawat salita
at pagkilos ng mga bagay na kanyang sinuri.

retorika /re-to-ri-ka/
(pangngalan)
isang sining at kasanayan sa paggamit ng wika at
komunikasyon upang maapektuhan at mapahikayat
ang mga tagapakinig o mambabasa

Halimbawa: Ang retorika ay tulad ng mahiwagang susi


na nagbubukas ng mga pintuan ng kaisipan at
nagpapalawak ng kaalaman sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng mga salita.

Ss
sanaysay /sanaysay/
(pangngalan)
ang sistematikong paraan upang mapaliwanag ang
isang bagay o pangyayari.

Halimbawa: Ang kanyang sinulat na sanaysay ay


kamangha-mangha

semantika /se-man-ti-ka/
(pangngalan)
iang pag-aaral na tumutukoy sa kung paano
nabibigyang kahulugan ang mga salita’y batay sa
paggamit nito sa pangungusap o pahayag

Halimbawa: Masaya ang paggamit ng semantika sa


pag-aaral dahil katulad lamang ito ng pag-abot sa
langit.

pahina 13
sibilisasyon /si-bi-li-sas-yon/
(pangngalan)
«ito ay tumutukoy sa klase o estado ng pamumuhay sa
isang lungsod o lugar

Halimbawa: Parang isang malaking pader ang


sibilisasyon na walang kayang tumibag.

simbolismo /sim-bo-lis-mo/
(pangngalan)
isang tatak o isang pagkakakilanlan ng isang bagay, tao,
lugar, o hayop na ginamit upang siya ay makilala at
matandaan

Halimbawa: Ang kanilang simbolismo ay kasing tibay


ng isang relasyon.

sining /si-ning/
(pangngalan)
ang « malikhaing gawa ng isang tao gamit ang kanilang
malikhaing isip

Halimbawa: Ang kaniyang sining na ginawa ay


kamangha-mangha.

sintaks /sin-taks/
(pangngalan)
isang pag-aaral o paguugnay-ugnay ng mga salita para
makabuo ng parilala, sugnay at mga pangungusap

Halimbawa: Napakadaling maintindihan ng sintaks


parang kasing dali lng ng paglangoy sa kumukulong
tubig.

pahina 14
Tt
talastasan /ta-las-ta-san/
(pangngalan)
ang sistema o paraan ng pagpapalitan o
pagpapahatiran ng kaalaman, impormasyon, at iba pa.

Halimbawa: Ako ay lumundag ng nakahiga dahil sa


kanilang walang katapusang talastasan.

talinghaga /ta-ling-ha-ga/
(pang-uri)
ang mga salitang mayroong hindi literal na kahulugan
sa likod ng sinasabi; pinagsanib na nakataling hiwaga

Halimbawa: Ang kaniyang pananalita ay puno ng


talinghaga.

taludtod /ta-lud-tod/
(pangngalan)
ang pinakamaliit na yunit ng tula na binubuo ng ilang
pantig; linya o berso sa loob ng tula

Halimbawa: Pinag-isipang mabuti ang bawat taludtod


ng spoken poetry ni Hanna.

tanyag /tan-yag/
(pang-uri)
bantog o sikat; isang taong kilala ng nakakarami dahil sa
kaniyang gaawain o personalidad

Halimbawa: Si Jose Rizal ang pinakatanyag na bayani


ng Pilipinas.

pahina 15
tayutay /ta-yu-tay/
(pangngalan)
isang pahayag na ginagamitan ng mga matalinghaga o
di-karaniwang salita upang maging mabisa, makulay, at
kaakit-akit ang pagpapahayag

Halimbawa: Ang kawikaang "maitim ang iyong budhi"


ay isang halimbawa ng tayutay.

teorya /te-yor-ya/
(pangngalan)
isang bagay na minungkahi bilang isang makatwirang
paliwanag para sa mga katotohanan, kalagayan o isang
kaganapan lalong lao na't kung ito ay isang sistematiko
o siyentipikong paliwanag

Halimbawa: Marami nang nabuong teorya ang sikat na


dalub-agham na si Einstein.

transpormasyon /trans-por-mas-syon/
(pangngalan)
ang ang pagbabago ng isang bagay papunta sa isa
pang bagay

Halimbawa: Malaki na ang naging transpormasyon ng


teknolohiya sa kasalukuyan kung ihahambing sa
nakaraan.

Ww
wika /wi-ka/
(pangngalan)
isang sistema ng kumunikasyon na ginagamit ng mga
tao na bahagi ng pakikipagtalastasan at
pakikipagdiskurso

Halimbawa: May iba't ibang antas ang wika na


kailangan nating pag-aralan upang magamit ito ng
wasto.

pahina 16
Ang makabagong talasalitaan

LIKSYUNARYO
Ang Liksyunaryo ay ginawa upang maging isang
gabay sa pagpapa-unlad ng talasalitaan ng mga
mag-aaral sa asignaturang Filipino. Sa
Liksyunaryo, pinagsanib ang katangian ng libro
at diksyunaryo upang mas mabigyang ng
malinaw na presentasyon ang mga mambabasa.

Ang mga manunulat ng Liksyunaryo ay lubos na


umaasa na maging kapaki-pakinabang ito sa
pagpapalawak ng kaalamang pangwika ng mga
mag-aaral. Higit sa lahat, maging gabay at daan
nawa ang Liksyunaryo sa pagmamahal ng mga
mag-aaral sa ating sariling wikang Filipino.

pangkat ii

You might also like