You are on page 1of 38

Aralin 1

RETORIKA AT KOMUNIKASYON
Retorika
Ang retorika ay tumutukoy sa masining na pagpapahayag. Tumutukoy din ito sa tuntunin ng
matalinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag. Dalawa ang elementong dapat tandaan
kapag retorika ang pinag-uusapan, ito ay ang kagandahan at kawastuan ng pagpapahayag.
Hindi lahat ng magagandang pagpapahayag ay maretorika. Kailangan din itong taglayin anng
kawastuang panggramatika. Sa madaling salita, ang kagandahan ng pagpapahayag at ang
kawastuan ng pagpapahayag ay dalawang puntos na hindi mapaghihiwalay sa retorika.
Ayon kay Aristotle, ang retorika ay isang sining ng pagtuklas sa lahat ng mga maaaring paraan
upang makapangumbinse. Sinusuportahan ng tagapagsalita ang makabuo ng mensahe sa
pamamaraang lohikal, etikal at emosyunal na pagpapatunay. Ang tiyak na pagtanggap ng
mensahe ay bunga ng epektibong imbensyon, pagsasaayos, istilo, paghahatid at maaaring
pagkakabisa.
Rhetoricans ang tawag sa mga taong tumutugon sa mga serbisyong pangkomunikasyon katulad
ng pagsulat ng talumpati, pakikipag-usap sa mga kliyente, pagsasanay sa pagtugon sa mga
mahihirap na kasagutan, at kasanayang mangumbinse.
Ang retorika ay nanggaling sa salitang “rhetor” na nangangahulugang “guro” o “mahusay na
mananalumpati”.
Binibigyang kulay at sigla ng retorika ang wikang Filipino dahilan kung bakit nantili ang
kadalisayan nitong taglay.
Ano ang komunikasyon?
Ang komunikasyon ay ang proseso ng pagpapabatid ng mensahe mula sa tagapaghatid tungo sa
tagatanggap nito. Nanggaling ito sa salitang Latin na “communis” na ang kahulugan sa Ingles ay
“ordinary” at “karaniwan” naman kapag isinalin na Filipino.
Uri ng komunikasyon
Dalawa ang uri ng komunikasyon. Ang mga ito ay ang mga sumusunod.
1. Komunikasyong berbal – ang komunikasyong ito ay ginagamitan ng wika na maaaring
pasulat at maaari rin namang pasalita. Sa uring ito ng komunikasyon nakatuon ang pansin
sap ag-aaral ng Retorikang Filipino. Gamit ito sa pakikipahg-ugnayan sa tao at lipunang
ginagalawan. Ang ordinaryong pakikipag-usap ng mga kasangkot sa komunikasyon sa
tindahan, sa tambayan, sa mga kapamilya at kapuso ay maituturing na komunikasyong
berbal. Ang simpleng text message man, gamit ang cellular phone bilang kasangkapan ng
komunikasyon ay pumapasok din sa depinisyon ng komunikasyong berbal.

2. Komunikasyong di-berbal – Kinakasangkutan naman ng mga kilos o galaw ng katawan ang


uri ng komunikasyong ito. Karaniwang binibigyan ng interpretasyon ang mga senyas upang
maisakatuparan ang proseso ng komunikasyon. Ang simpleng pagtango ay maaaring
mangahulugan ng pangsang-ayon, subalit maaari rin naman na walang ibig sabihin ditto
ang taong kasangkot. Ang pagkindat ay maaaring nag-aanyaya ng pagsang-ayon, maaari
rin naman na isang payak na pagbati lamang, subalit pwede ring itanggi ng taong
kasangkot na nangangati lamang ang kanmyang noo kung siya ay napapakindat.
Anyo ng komunikasyon
Maaaring matagpuan ang komunikasyon sa mga sumusunod na anyo:
1. Intrapersonal na komunikasyon – Hindi kabaliwan ang pakikipag-ugnayan ng tao sa
kanyang sarili. Ito ay isang uri ng pagmumuni-muni upang makabuo ng isang narrapat na
desisyon. Ang Intrapersonal na komunikasyon ay self-meditation na komunikasyon.
Kinakausap ng tao ang kanyang sarili sa pagnanais na higit na maging produktong
indibidwal. Naniniwala ang may akda ng aklat na ito nab ago pa man maganap an inter-
personal na komunikasyon, dumadaan muna ang tao ang pakikipag-usap sa sarili o
tinatawag na intrapersonal na komunikasyon.

2. Interpersonal na komunikasyon – Ang Interpersonal na komunikasyon ay ang ugnayang


komunikasyon ng isang tao. Nagaganap dito ang paikot na proseso ng komunikasyon
kung kayat hayag na hayag ang tugon o feedback. Karaniwang nagaganap ang
interpersonal na komunikasyon sa pang-araw-araw na pakikisalamuha natin sa iba’t-
ibang uri ng tao. Dalawang tao lamang ang kasangkot sa komunikasyong ito (ang
nagpapadala at ang tumatanggap)
3. Komunikasyong Pampubliko – Ang komunikasyong pampubliko ay ang ugnayang
komunikasyon sa pagitan ng isang tao at dalawa o higit pang katao. Linyar ang
komunikasyon sa komunikasyong pampubliko. Ang ibig sabihin, natatapos ang
komunikasyon kapag naiparating na nagpapadala ng mensahe ang kanyang mensahe sa
kanyang mga tagapakinig. Karaniwang ginagamit ang komunikasyong pampubliko sa
mga miting de advance, seminar, o pilahan. Interpersonal na komunikasyong
magaganap kung sakali man na magpukol g katanungan sa tagapagsalita ang isang
tagapakinig at hindi komunikasyong pampubliko.
4. Komunikasyong Pangmadla – Maihahalintulad sa komunikasyong pampubliko ang
komunikasyong pangmadla sa kadahilanang parehong linyar ang komunikasyong
namamagitan sa kanilang dalawa. Nagkaiba lamang ang mga ito sa kasangkapang gamit
sa pagpapadala ng mensahe.
Wastong Gamit ng Salita para sa Maretorikang Pagpapahayag
1. Kung / Kong – Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali at pagbibigay ng
kondisyon.
Halimbawa : Mamahalin kita nang lubusan kung magagawa mong iwan ang salapi,
kapangyarihan, at karangyaan para sa akin.
Sa kabilang dako, ang kong naman ay ginagamit bilang panghalip panao na nasa
anyong pakol.
Halimbawa : Mahal kong kaibigan.
2. May / Mayroon – Ang may ay salitang sinusundan ng pandiwa.
Halimbawa : May dumating na sulat buhat sa England kaya maging masaya kana.
Ang mayroon ay sumasagot sa paayon sa isang tanong.
Halimbawa : Mayroon siyang pag-asa na makamit ang matamis kong oo kung
magtitiyaga lamang siya sa kanyang panliligaw.
3. Nang / ng – Ginagamit ang nang bilang pang-abay na sumasagot sa tanong na
paano.
Halimbawa :Tumakbo siya nang mabilis nang Makita ang paparating na mga
kaaaway.
Ang ng sa kabilang bahagi bahagi ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay
pangngalan.
Halimbawa : Kumain siya ng fried chicken sa kentabi.
4. Din at rin / daw at raw / dito at rito – Ang din, daw, at rito ay ginagamit kung ang
sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig.
Halimbawa : Kumain din siya ng boy bawang habang hinihintay ang iyong pagdating;
Inihain daw niya ang lahat ng pagkain na nasa refrigerator dahil sa katarantahan sa
pagdating ng kanyang panauhin. Pinuntahan ditto ng mga opisyal ng barangay ang
iyong katulong na nagtatago.
Sa kabilang bahagi, ang rin, raw, at rito ay gnagamit kung ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa patinig.
Halimbawa : Isinumpa rin ng bruha ang katawan ni Cinderella; Puso raw ang kanyang
pinagagana sa pagdedesisyon at hindi ang kanyang utak. Pumunta siya rito upang
hanapin ang nawawala niyang tsinelas.
5. Subukin / Subukan – Ang subukin ay katumbas ng salitang “to spy on” sa wikang
Ingles.
Halimbawa : Subukin mo siya mamayang gabi, tignan mo at tama lahat ng aking
hinala.
Samantalang ang subukan naman ay katumbas ng salitang “to try” sa wikang Ingles.
Halimbawa : Subukan mong uminom ng allerin upang gumaan ang iyong
pakiramdam.
6. Pinto / Pintuan – Ang pinto ay bahagi ng gusali o tahanan na siyang isinasara o
ibinubukas.
Halimbawa : Isara mo ang pinto upang hindi makapasok ang aso ng kapitbahay.
Samantalang ang pintuan naman ang siyang pinagkakabitan ng pinto.
Halimbawa : Paakikuha naman ang aking bola diyan sa pintuan.
7. Iwan / Iwanan – Ang iwan ay nangangahulugan ng hindi pagsama sa isang tao o
bagay patungo sa ibang lugar.
Halimbawa : Iiwan ko na lamang ang aking laruan sapagkat nabibigatan na ako sa
aking bagahe patungo sa baqiuo.

sa kabilang banda, tinitukoy naman ng iwana ang pagbibigay o paghahabilin sa isang


tao ng isang bagay.
Halimbawa : Iwanan ko muna sayo ang sapatos na ito upang makasigurado ka sa
aking pagbabalik. Iwanan mo sya ng pamasahe papunta sa eskwelahan.

8. Walisin / Walisan – tinutukoy ng walisin ang mga tiyak / espisipikong bagay na


wawalisin.
Halimbawa : Natuwa si inay nang walisin ng kanyang bunsong anak ang mga damo sa
kanilang bakuran.
Sa kabilang banda, tinutukoy naman ang walisan ang tiyak na lugar na katatagpuan
ng bagay na wawaliin.
Halimbawa : Winalisan na ni celline ang kanilang tahanan bago pa man dumaing ely.

9. Linisin / linisan - ang linisin ay ginagamit sa pagtukoy sa bagay na lilinisin.


Halimbawa : Linisin mo nga angelito ang mga kalat sa iyong higaan.
Ang linisan naman ay ang mga lugar na katatagpuan ng mga bagay na lilinisin.
Halimbawa : Linisan mo ng iyong silid bago ka maulog.

10. operahin / operahan – ang operahin ay tumutukoy sa medikal prosidyur na


isasagawa sa bahagi ng katawan.
Halimbawa : Nanlamig ang buong katawan ni Mario nang operahin siya ng dokor.

Ang oprahan naman ay ang espisipikong bahagi ng katawan na ooperahan.


Halimbawa : inoperahan ng doktor ang tagiyawat sa ilong ni Mario.

11. Pahirin / pahiran - tinutukoy ng pahirin ang paglilinis o ang pag-aalis.


Halimbawa : pahirin mo Isabel ang dumi sa mukha ng iyong kapatid.

Ang pahiran naman ay tumutukoy sa paglalagay.


Halimbawa : pahiran mo ng floor wax ang sahig bago mo ito bunuin.

12. Bumangon /magbangon – ang bumangon ay nangangahulugan ng pagtayo buhat sa


higaan.
Halimbawa : bumangon si Maria para magsipilyo.

Ang magbangon ay nangangahulugan ng pagtatag o pag-oorganisa.


Halimbawa : hindi gawang biro ang magbangon ng isang samahan totoong may
pagmamalasakit sa bayan.

13. Hagdan / hagdanan – ang hagdanan ay ang akyatan at ang babaan.


Halimbawa : huwag mo masyadong pakintabin ang hagdan dahil delikado ‘yan sa
mga matatanda na darating mamaya.

Lugar kung saan matatagpuan o makikita ang kahulugan ng hagdanan.


Halimbawa : sa may hagdanan mo makikita ang tsinelas na kabibili ko lamang
kahapon.

14. Sundan / sundin – ang sundan ay nangangahulugan pagsunod sa nauuna.


Halimbawa : mahirap nang sundan ang mga yapak ng namayapang si dating
pangulong Ferdinand Marcos.

Ang sundin naman ay nangangahulugan ng pagsunod sa panuto, tuntunin, batas at


payo.
Halimbawa : Hindi masama ang mga adhika mo sa buhay subalit higit sigurong
makabubuti kung sundin mo muna ang payo ng iyong mga magulang.

15. Kita / kata – ang kita ay ginagamit kung ang isa sa mga nagsasalita ang kikilos.
Halimbawa : dahil sa iyong ipinakitang kabayanihan, mamahalin na nga kita ng
lubusan.

Ang kata ay ginagamit kapag kapwa kikilos ang mga tauhan ng pahayag.
Halimbawa : katang dalawa ang itinadhana na magsama sa habang buhay.

Aralin 2
PAGLINANG SA BOKABULARYO

Tayutay ( Figurative Language/ figure of speech)


Ito ay paglayo ng sa karaniwang paggamit ng pananalita para sa
kasiningan,kabisan,at kagandahan ng paghahayag. Itinuturing din
ito ng mga matatalinghagang pagpapahayag na bunga ng
mayamang gunuguni,karanasan sa buhay at kasanayan sa
pagsasalita.

Iba’t ibang Uri ng Tayutay


Maramaing uri ng tayutay. Ang ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod:

1. Pagtutulad ( Simile)
Ito ay isang paraan ng paghahambing ng dalawang magkaibang
tao, bagay,pangyayari na ginagamitan ng mga katagang
naghahambing katulad ng tulad,parang,kawangis, animo’y tila, at
iba pa.
Mga halimbawa:
1. Sinasamba kita katulad ng pagsamba ko sa aking sarili.
2. Katulad niya ay isang maamong tupa nang kaharap niya ang
kaniyang ina.

2. Pagwawangis ( Methapor)
Ito ay tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang
tao,bagay,pangyayari kaya hindi ginagamitan ng mga salitang
naghahambing na tulad, parang, kawangis, animo’y tila at iba pa.
Mga halimbawa:
1. Musika sa aking pandinig ang iyong tinig.
2. Ang pag ibig ay isang kendi … matamis kung pakaiisipin.

3. Pagpapalit-tawag (Metonymy)
Nagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay na tinutukoy ng
uring iyo ng pagpapahayag.
Mga halimbawa:
1. Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko.
2. Binato niya ng tinapay ang kanyang kaaway.

4. Pagpapalit-saklaw (Synedoche)
Sa pagpapahayag na ito may binabanggit ang bahagi bilang
pantukoy sa kabubuuan at maari namang isang tao ang
kumakatawan sa isang pangkat.
Mga halimbawa:
1. Isang barangay ang lumusob sa aming hapag- kainan.
2. Isang bala ka lang.

5. Pagmamalabis (Hyperbole)
Nagpapakita ng sitwasyong labis-labis o kaya’y pinalalabis ang
katayuan ng tao, bagay at mga pangyayari.
Mga halimbawa:
1. Pasan ko ang daigdig sa mga panahong wala ka pa sa buhay ko.
2. Gigibain ko ang gusaling ito kung hindi ka titigil sa
paglapastangan sa mahal ko!

6. Pagsasatao (Personification)
Ang mga kilos, talino, at katangian ng tao ay isinasalin at
pinapagawa sa mga hindi tao sa pamamagitan ng paggamit ng
PANDIWA.
Mga halimbawa:
1. bukas, luluhod ang tala.
2. Ngumiti ang haring araw matapos na linasin ang unos ang
kabisayaan.

7. Paglilipat (Transferred Epithets)


Ang mga kilos,talino, at katangian ng tao ay isinasalin at
ipinagagawa sa mga hindi tao sa pamamagitan ng PANG-URI.
Mga halimbawa:
1. Batid ko sng kslungkutan ng masungit na panahon.
2. Nagmuni-muni ako sa kakahuyan habang hinhintay ang
pagdating ng maalindog na ibon
8. Pahiraya ( Prosopopeia)
Nanawagan sa isang taong hindi kaharap subalit animo’y kausap
lamang.
Mga halimbawa:
1. Dr. Jose Rizal, ito baa ng sinasabi mong mga kabataan na pag-
asa ng ating bayan?
2. Kabataan, san ka paruruuon?

9. Alusyon ( Allusion)
Kinakausap ang isang karakter na buahy sa bibliya o mitolohiya.
Mga Halimbawa:
1. Diyos ko, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam kung ano
ang kanilang ginagawa.
2. Hesus, Maria, Joseph!

10.Pagtawag (Apostrophe)
Ipinapahayag ang isang di-nakikitang kaisipan na parang buhay ng
tao ang kinakusap. Tatawagin ang isang kaisipan at ipagpapalagay
na kaharap.
Mga halimbawa:
1. Tukso,layuan mo ako.
2. Pag-ibig, masdan ang ginawa mo.

11. Pag-uyam ( Sarcasm)


Pagpapahayag na positibo at babawiin ng pangalawang pahayag na
negatibo.
Mga halimbawa:
1.Kay ganda mo, mukha kang Christmas tree.
2. Napakabango mo, pwe!

12. Pagtatanong (Rhetorical question)


Tanong na walang inaasahang kasagutan.
Mga halimbawa:
1. alin pag ibig pa ang hihigit sap ag ibig ko sa’yo bayan ko?
2. May pagmamahal bang hihigit sa pagmamahal na maibibigay ng
ina sa kanyang anak.
13. Pagtatanggi (Litotes)
Ang pagpapahayag na ito ay ginagamitan ng salita o panangging
hindi upang bigyan-diin ang makahulugang pagsang-ayon sa
isinasaad ng salita.
Mga halimbawa:
1. Hindi ko sinasabing mahal kita, subalit madalas ang sandaling
hindi ako makatulog sa tuwing hindi kita nasisilayan kahit na
saglit man lamang.
2. hindi ka na maaring tumuntong sa aming hagdanan.

14. Pagtatambis (Antitesis)


Ang tayutay na ito ay bumbanggit ng mga bagay na salungatan
upang bigyan ng bias ang isang natatanging kaisipan.
Mga halimbawa:
1. Bakit ang pera may mukha, ang mukha walang pera.

Aralin 3
PAGSASALING WIKA
Ang Pagsasalin
Ang pagsasaling-wika ay isang gawaing naglalayon na bigyan ng
kahulugan ang isang linggwistikong diskurso mula sa isang wika
tungo sa
ibang wika. Maari itong gawin gamit ang diksyunaryo bilang
sanggunian o
di kaya ay ang kontekstwal na pagpapakahulugan ditto. Ang
pagsasaling
wika ay kinabibilangan ng pag-aaral ng leksikon istrukturang
panggramatika, katayuan pangkomunikasyon, kontekstong
pangkultura
ngh pinanggalingang teksto, pagsusuri nito upang malaman ang
ganap na
kahulugan, at muling pagsasaayos nito gamit ang leksikon at
istrukturang
panggramatika na naangkop sa wika at kultura.

Proseso ng Pagsasalin
1. Pagaaraql ng teksto, kultura ng orihinal, at wikang pagsasalinan.
Bago simulant ang gawaing pagsasaling-wika, mahalga na suriin
munang mabuti ang teksto na isasalin sa ibang wika, ang kultura
ng
orihinal na teksto at ang wikang wikang pagsasalinan upang
makapagbigay
ng wastong pagpapasya hinggil sa gagamiting pamamaraan sa
pagsasalin.

2. Proseso ng pagtuklas ng kahulugan ng orihinal na teksto.


Ang pamamaraan sa pagtuklas ng kahulugan ng tekstong isasalin
sa ibang wika ay nasa direksyon ng taga-salin. Kaugnay nito,
maaring
sumangguni sa diksyunaryo ang taga salin kung sakali man na
may mga
terminolohiya sa orihinal na teksto na hindi alam na taga salin.
3. Aktwal na pagsalin
Maaring makatagpo ng iba pang suliranin sa aktwal na pagsasalin
bukod sa mga siliraning inasahan bago simulant ang pagsasalin.

Ang aktwal na pagsalin ay nangangailngan ng kritikal na pag-


iisip.Dito isinasagawa ng tagasalin ang pagpapasya sa kung ano ng
makakabuti paras a binubuong salin.

4. Ebalwasyon
Hindi natatapos ang pagsasalin sa ikatlong proseso nito. kailangan
nag ebalwasyon sa kabuuang salin upang mapakinis pa ito kung
kinakailangan.

5. Rebisyong at huling papel


Pagkatapos ng ebalwasyon, maari nang gawin ang rebisyon at ang
huling papel ng isinaling teksto.

Mga dapat tandaan sa pagsasalin.

1. Magkaroon ng layunin sa pagsasalin


Nakabatay sa layunin ng pagsasalin ang pamamaraang gagamitin
ng
magsasaling-wika. Kung wala ito, mahihirapan ang magsasalin na
makapagpasya sa wika na angkop gamitin sa gawaing ito.
2. Walang perpektong pagsasalin
Iba’t ibang bersyon ang maaring lumlabas sa orihinal na teksto
kung
pah-uusapan ang pagsasalin. Ang bibliya man tulad ng Noli Me
Tangere at
batas ay may iba’t ibang salin. Marami kasing salik na maaring
makaapekto sa pamamaraang ito tulad ng mga sumusunod:
a. lawak na kaalaman at kakayahan ng nasasalin sa bokabulkaryo
at
gramatika ng isinasaling wika at pinagsasalinang wika.
b. internal at eksternal na balakid habang isinasagawa ang
pagsasalin.
c. dami at uri ng sangguniang ginamit.

d. oryentasyon ng taga salin sa paraan ng pagsalin bunga ng mga


nabbanggit sa salik ay ang mga debate ,diskusyon, o pagtatalo sa
tamang
salin ng isang teksto.

3. Ang pagsalin ay batay sa piling salita na gagamitin ng


tagapagsalin.
Isa sa katangiang dapat taglayin ng tagapag salin ay ang
kahusayan
niya sa bokabolaryong gagamitin sa pagsalin at bokabularyong
ginamit sa
orihinal na teksto.
Ang pagsasalin ay isang simpleng pagdedesisyon kung anong
bokabularyo ang angkop na gagamitin sa isang akda.Marami
kasing salita
sa Filipino na magkakapareho ang kahulugan.

4. Higit na maganda kung maiksi ang salin.


Pangunahing layunin ng pagsasalin ang maipaunawa sa
tagapagbasa at iba pang pang tatanggap ng mensahe kung ano ang
orihinal na teksto.
Hindi sinasabi ng may akda ng aklat nito na mali ang mahabang
salin. Mugkahi lamang nito na piliin ang higit na maikling salin
kung maari
para sa mas madaling pag-unawa sa bagong teksto.

5. Gamitin ang katumbas na salita sa Filipino kung mayroon namn


talagang katumbas ito sa Filipino.
Hanggat maari, dapat iwasan ng tagapagsalin ng wika ang
paggamit
ng mga hiram na salita kung mayroon naman tlagang maaring
salin sa
Filipino. Halimbawa; Sa halip ng “bigyan ng advice” ang gamitin
salin sa
“give advice”, mas mainam kung “bigyan ng payo” ang gamiting
salin nito.

6. May madaling tumbasan


Halimbawa: World-daigdig; man-tao, at iba pa.
Subalit maaring isa –Filipino ang baybay ng ilan.

Halimbawa: ‘ macrocosm’- makrokosmos


‘scietism-siyentismo, at iba pa.

7. Sa pagitan ng asimiladong Filipino at tanggap na salin sa


Filipino,
higit na papaliin ang tanggap na salin sa Filipino upang mapanatili
ang kadalisayan ng wikang Filipino.
Halimbawa: kung isasalin sa Filipino ang “ opportunity”
iminumungkahing
may-akda na gamitin ang salin na “pagkakataon” kaysa sa
“oppotunidad”.

8.Maaring gamitin ang orihinalna wikang pinanggalingan ng


isasalin
sa mga sumusunodf na pagkakataon.

a. Teknikal na salita
halimbawa: de facto, de jure
b. Salitang may internasyunal na kahulugan
halimbawa :computer,taxi,,fax machine
c. Siyentipikong mga salita
halimbawa: pandaca, pyhmea
d. Panggalang pantangi
halimbawa: Jollibee, Mario, Mc Donalds

9. Gumamit ng diksyunaryo kungn hindi maunawaan ang


kontekstwal
na kahulugan ng salita na isinasalin.

10. Paglikha ng bagong salita. Halimbawa: Pagmumuling buhay


(reincaranation), kalawigambuhay (longetivity)

11. Lumikha ng bagong salita


Halimbawa: (laks-bisig ( people power) yamang tao ( human
resources)
pagkahumaling sa diploma diploma mill) atbp.

12. Sa pagsalin sa idyoma, iminumungkahi na thoughts unit ang


gamitin
na paraan ng pagsalin hanggat maari kung ito ay hindi magdudulot
ng
kakat’wang anyo sa bagong salita.

Mga Katangian ng Isang Tagasalin


1. May kaalaman sa batayang gramatika o balarila ng mga
kasangkot
na wika.
Wika ang pangunahing sangkap sa pagsalin kung kaya mahirap
magsalin kung limitado ang kaalaman ng tagasalin sa bokabularyo
ng
orihinal na teksto at bokabularyo na gagamitin sa pagsalin.

2. May kaalaman at kahusayan sa paksang tinatangkang isalin.


Ang kahusayan sa wika ay mawawalan ng saysay kung hindi ito
alam ng tagasalin ang paksa ng tekstong isinasalin. Dahil dito,
hindi
magkakaroon ng pagkakataon ang taga salin na makapamili ng
angkop na
bokabularyong gagamitin sa pagsalin.

3. Kabatiran sa kultura ng mga bansang kasangkot sa pagsalin.


Mahalaga na may kabatiran sa kulyura ng mga bansang kasangkot
sa pagsalin para sa maayos na pagpapasiya sa wikang angkop
gamitin sa
pagsasalin. Tandaan na ang pagsasalin ay hindi isang simpleng
paglilipat
ng wika lamang kasama sa isinasalin ang kultura ng orihinal na
teksto.

4. May kasanayan sa pag salin

Ang pagsasalin ay gawaing teknikal sapagkat mabigat ang


tungkulin
ng tagasalin na ihatid sa iba ang mensaheng nais ipabatid ng
orihinal na
may-akda ng teksto.

Aralin – 4
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
A. Pagsasalaysay
B. Paglalarawan
C. Paglalahad
D. Pangangatwiran

A. Pagsasalaysay ( Narative)
Ito ay isang uri ng pagpapahayag na naglalayong magkuwento ng
mga kawil-kawil na mga pangyayari sa masining na pamaraan.

Dalawang Anyo ng Pagsasalaysay

1. Pasulat- nagpapahayag ito ng matagumpay na maikuwento ng


isang indibidwal sa mga magbabasa ang mahalagang pangyayari na
maaring magbigay ng impormasyon,karunungan, at aliw sa kanila.

2. Pasalita- hindi rin madaling Gawain ng pagsasalaysay sa


paraang pasalita. Maraming balikid na dapat malampasan upang
maging matagumpay sa gawaing ito. Marapat na isaalang-alang ang
karansan, kasanayan, karunungan, at tiwala sa sarili ng isang
tagapagsalita upang maging matagumpay sa paghahatid ng
mensahe ng iba.

Mga Uri ng Salaysay

1. Salaysay na nagpapabatid (Informative narrative)


- ito ay magbigay ng kaalaman at kabtiran sa mga magbabasa o
makikinig kung kaya kailangan itong tiyak at tuwiran.

2.Masining na Pagsasalaysay (artistic narrative)


-Ito ay mayroong banhay na sinusunod na umiikot sa paghahanap
ng suliranin na bibigyang lunas ng pangunahing tauhan.

Mga Maaring Mapagkunan ng Paksa ng Salaysay

1. Karanasan
- ito ay pangunahing sangkap upang makapgsulat ng isang
salaysay. Dinidiktahan ng karanansan ang puso at isipan upang
makabuo ng isang obra na maaring pasulat at pasalita. Hinuhubog
ng karanasan ang tao na maging henyo sa larangang ito.

2. Nasaksihang Pangyayari
- madalas itong gamitin sa pagsulat na nagpapabatid na
pagsasalaysay sapagkat maaring makabuo rito ng salaysay gamit
ang sangkap na sumasagot sa mga tanong na sino,ano,saan,kalian,
at paano.

3. Nabasa
- hinuhubog din ng pagbabasa ang kakayahan ng isang tao na
makapagsulat. Mas maraming nabasa, mas maraming mailahad.

4. Likhang – isip o Bunga ng Imahinasyon


-Maari ri naming gamutin ng isang manunulat o tagapagsalita ang
kaniyang imahinasyon sa pagpapahayag ng kanyang salaysay
subalit naniniwala ang may akda na hindi ito magiging possible
kung limitado ang kanyang karansan,nasaksihang pangyayari at
nabasa.

Bahagi ng Masining na Salaysay


1. Simula
-Karaniwan na ang pagpapakilala sa mga tauhan at tagpuan ang
ginagamit na istilo ng mga tradisyunal na manunulat sa panimula
ng kanilang mga salaysay.

2. Gitna
-Ito ay matatagpuan ang mahahalagang elememnto na kailangan
abangan at subaybayan. Ito ang kabuang detalye na siyang
magpapaluha,magpapatawa,uukit sa inyong kaakuhan.

3. Wakas
- hindi magiging kompleto ang isang akda kung wala ang wakas
nito. Karaniwan na konklusyon at pagbibigay ng aral ang istilo
upang mabigyan ng tuldok ang isang salysay.

Elemento na Masining na Salaysay

1. Tauhan
-Binibigyan ng buhay ng mga tauhan ang kabuuan ng masining na
salaysay. Pinagagana ang imahinasyon ng bawat mambabasa sa
diwa at damdamin ng akda.
2. Tagpuan
- Nailantad ang kabuuan ng mga kaganapan sa boung salaysay. Ito
ang piping saksi sa luha, kalungkutan,galit, at kaligayahan ng mga
tauhan.

3. Saglit na kasiglahan
-Ang bumabasa’y maaring maakit sa panimula dahil sa di-
karaniwang pamamaraan ng sumulat ngunit pansamantala lamang
ang pagkakaakit na ito dahil ibang uri ng pagkakaakit na ito dahil
ibang uri ng pagkakaakit ang dapat madama ng bumabasa sa saglit
na kasiglahan sapagkat madarama niya na may namimintong
pangyayari na gigising sa kanya sa isang tiyak na damdamin.

4. Suliranin o Tunggalian
- ataumutukoy ito sa mga problema na pilit hinahanapan ng
solusyon sa isang salaysay. Hindi maganda ang isang kuwento na
wala man lamang suliranin sapagkat wala naming tao na
nabubuhay na panay kaligayahan na lamang ang tinatamasa.

5. kasukdulan
- Inilalarawan ito nang malinaw, mabilisan,maayos,at tiyak.
Lumilikha ng mga kawilihang pasidhi nang pasidhi hanggang sa
karurukan ang tunggalian sa isang salaysay.

6. Kakalasan
- Pagkatapos ng kasudulan ay dapat na isunod ang kakalasan.
Hindi dapat na magkaroon pa ng maraming paliwanang pagkatapos
ng kasukdulan. Ang isang mabisa at masining na kakalasan ay
hindi umaagaw sa pananabik ng bumabasa bilang isang
manunuklas.
7. Wakas
Dito tinutuldukan ang lahat ng tanong na bumabagabag sa isipan
ng nagbabasa habang isinasagawa ang kuwento.

B. Paglalarawan
-Ito ay piling-pili at angkop na paggamit ng mga salita upang
makabuo bg isang hugis o anyo sa mga magbabasa o mga
makikinig. Kinasasangkutan ito ng mga bahagi ng pananalit na
naglalarawan (pang-uri at pang-abay)

Mga Uri ng Paglalarawan


1. Pangkaraniwan na Paglalarawan
-kinasasangkutan ng mga paglalarawang ayon sa pangmalas ng
lahat ang karaniwang ginagamit sa anyong ito ng paglalahad.

2. Masining na Paglalarawan
-Sangkot sa paglalahad na ito ang pagpapagana sa imahinasyon o
guni guni ng nagbabasa. Masasabing matagumapay ang
naglalarawan kung tumutugma ang pag-unawa ng nagbabasa sa
nais na paglalarwan ng naglalarawan.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Mabisang Paglalarawan


1. Maingat na Pagpili ng Paksa
- Kung bibigyan ng kalayaan na mkapamili ng pksa sa
paglalarawan, higit na makakabuting pumili ng isang paksang
may malawak kang kaalaman.

2. Pagpili ng Pansariling Pananaw


- Dapat na igalang ninuman ang paglalarawang ibibigay ng iba
lalo’t higit at ito ay isinasagawa sa masining na paglalarwan.

3. Pagbou ng isang Pangunahing larawan.


- Kailangan na mag-iwan ng kakintalan sa mga magbabasa ang
larawang nais ipakita ng nagpapahayag. Mahalaga ito upang
mapukaw ang interes ninuman para sa patuloy na pagbabasa sa
kabuuan ng isang paglalarawan.

4. Wastong Pagpili ng sangkap


- Mahalaga ang mga sangkap na gagamitin sa paglalarawan upang
higit na maging kapana-panabik ang isasagwang paglalarawan.

5. Mainagat na Pagsasaayos ng mga sangkap.


- walang saysay ang mga sangkap sa paglalarawan kung hindi ito
maipahayag sa maayos na pamamaraan. Magagawa lamang ito sa
pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa maganda at lohikal na
pagkasunod ng mga ideya o sangkap na inilalarawan.

C. Paglalahad
- Binibigyan ito ng katuturan ang isang simpleng subalit
makabuluhang mga salita. Inihahanay ang mga balangkas para sa
higit na madaling pagkaunawa sa iba pang anyo ng pagpapahayag.

Mga Katangian ng Isang Mahusay na Paglalahad


1. Kalinawan
- ang isang mahusay na pagpapahayag ay yaong hindi nag-iiwan ng
pagkalito sa kabuluhan ng tototong layunin ng pinanggalingan ng
pagpapahayag.

2. Katiyakan
- Sa pamamagitan ng katangian ito ng ng nagpapahayag, nagiging
maliit ang sakop ng pagtatalakay. Hindi ito dapat tingnan sa
negatibong aspeto nito sapagkat binibigyang lamang ng katangiang
ito pagpapahayag ang nagpapahayag na mapagtuunan ng panahon
na maging maayos ang lahat ng butas sa tiyak ng pagtalakay.

3. Diin
-nagpapahayag ang kaniyang ideya sa pamamagitan ng
pamamagitan ng paggamit ng ibang paniniwala na sumusuporta sa
kanyang pag-aaral.

4. Kaugnayan
- Mahalaga ang pagkakaugnay-ugnay ng sangkap ng paglalahad sa
sa madaling pag-unawa sa punto na nais nitong bigyan ng diin.

Iba’t ibang Uri ng Paglalahad


1. Pagbibigay ng katuturan
-maitutring na ito ang pinakagamiting uri ng paglalahad sa
kadahilang halos lahat ng uri ang pagpapahayag ay
kinasasangkutan ng pagbibigay ng katuturan.

May dalang anyo ng uri ng paglalahad.


1.Denotasyon- ito ay binabatay sa kahulugan ng na ibinibigay ng
diksyunaryo.
2. Konotasyon- ito ay nakabatay sa konteksto ng akda.

Iba’t ibang Paraan sa pagbibigay ng katuturuan.

1.1 Payak na Pagpapakahulugan


-Ito ay paglalahad na mabigyan ng kalinawan ang ideyang nais
ipabatid ng nagpapahayag. May mga pagkakataong maisagawa ito
kahit na sa payak o simpleng kahulugan lamang gamit ang
denotasyon at konotasyon.

1.2 Pagbibigay ng Halimbawa


- Upang higit na maging malinaw ang paglalahad, makakabuting
bigyan ng suporta ang ideya ng pagpapahayag na ito sa
pamamagitan ng mga konkretong halimbawa.

1.3. Sanhi at Bung


-Ipinapaliwanag ng sanhi ang dahilan kung bakit nakabuo ng
ganoong katuturan ang may akda samanatalang ipinaliliwanag
naman ng bunga ang epekto ng pangyayari. Sinusuportahan ng
sanhi at bunga ang pangunahaing kontesyin ng may akda sa
salitang binibigyan ng kahulugan.

1.4. Hambingan at Kontras


- Tulad ng sanhi at bunga, ang hambingan at kontras ay suportang
mekanismo rin upang mapanindigan ng may akda ang
pagpapakahulugang kaniyang binibigyan ngndiin sa pagpapahayag.

2. Balangkas
- Tinuturing na kalansay o iskeleton ng nagpapahayag ang
balangkas. Ipinapakita nito sa sa isang sulyap angb tatakbuhin ng
pagtatalakay. Ipinapakita nito sa isang sulyap ang tatakbuhin ng
pagtatalakay. Nagsisilbi itong gabay upang maiwasan ang pagkalito
sa kabuuan ng papahayag kung sakaling kinapapalooban ito ng
higit sa isang teorya.
3. Buod – Ito ay isang paraan ng paglalagom o pagpapaikli ng isang
akda na may kahabaan ang pagtatalakay. Layunin nito na
mapadali ang pag-unawa sa isang komplikadong pagtatalakay.

4. Panuto – ito ay ang pagbibigay ng diresksyon sa kung ano an


gang nararapat gawin ng isang tagapakinig o dili kaya ng
magbabasa.
Samakatuwid, hindi dapat umaasa sa isang magandang ubynga
kung walang matinong panuto.

Dahil ditto, mahalaganag isaalang-alang ang mga sumusunod:


a. Katiyakan
-kailangan ang isang tiyak na panuto para sa isang tiyak na
pagsunod. Makakaiwas sa malaking kalituhan ang magsasagawa
ng isang akto kung may espisipikong panuto na manggagaling sa
manipula ng isang kilos.
b. Kapayakan
-hindi kailangang gawing maligoy ang isang panuto upang
maituring lamang na isang epektibong tagapaglahad. Dapat
tandaan na ang pangunahing layunin ditto ay masundan ang
panuto at hindi lituhin ang mga nakikinig o dila kaya ay
nagbabasa.
c. kaiksian
-higit na maganda ang isang panuto kung ito ay maiksi.mahalga
nga lamang na taglay nito ang pagiging tiyak.
d. Kalinawan
-Dapat na magkaroon lamang ng iisang paksa ng pagtatalakay sa
pagbibigay ng panuto upang maging malinaw ang pagsunod ditto
ng mga tagapakinig o dili kaya ang magbabasa.
5. Pangulong Tudling
-Nagpapahayag ito ng pananaw o kuro-kuro ng may –akda hinggil
sa isang napapanahong isyu o usapin sa pulitika, ekonomiya,
sosyolohiya sa iba’t ibang kaganapan sa loob at labas ng bansa.

6. Suring basa
-pinapahalagahan nito ang mga palagay ng nagsasagawa ng
pagsusuri. Binibigyan ng puna nito ang kakalasan at kahinaan ng
binasang akda.

III. Uri ng panitikan

A. Uri ng Pampanitikan
Ito ay isang nobela. Nahahati ito sa maraming yunit/bahagi o
kabanata. Nagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan at iba pang katulong na tauhan. Ito ay
karaniwang sa totoong buhay na ginagawang kawili-wili para sa
imahinasyon ng mambabasa.

B. Istilo ng Paglalahad
Ito ay nasa paraang pasalaysay sapagkat inilalahad nito ang
wastong pagkasunod sunod ng pangyayari. Ikinukwento nito ng
dahan dahn ang mga nagaganap sa nobela at ito ay nasa
karaniwang paglalahad ng ng mga totoong pangyayari na buhay ng
karaniwang tao.

Sa nobelang ito, makikit ang iba’t ibang uri ng teoryang


pampanitikan tulad ng mga sumusunod:
1. Realismo- sng mgs tsgpo st psngysysri ds nobelang binasa ay
hindi imposible maangyari sa buhay. Realidad na maiituring na ang
isang babae ang magsisilbing ama at ina ng tahanan.
2. Romantisimo- maraming tagpo sa nobela nahigit na
maningibabaw ang simbuyo ng damdamin kaysa sa kaisipan.
3. Pemenismo- Nauukol sa mga kababihan ang mga pasakit sa
buhay.

C. Mga Tayutay
1. Pagtutulad (Simile)
Paghahamabing ng isang bagay, tao, lugar na ginagamitan ng mga
salitang tulad, parang at iba pa.
2. Pagmamalabis (Hyperbole)
Nagpapakita ng mga bagay ns imposibleng mangyari.
3. Pagwaangis (Methapor)
Direktang paghahambing sa tao, bagay, lugar at mga pangyayari.

D. Argumentasyon/Pangangatwiran
Sa patuloy na pakikihamok ng tao sa buahy,taglay nito ang husay
sa pangangatwiran. Anumang desisyon na kanyang ginagawa ay
may karapatang dahilan.
Nagagawa nating itama ang mali at napapanindigan ng tama ang
para sa atin ay tama basta maitatak lamang sa isipan ng tao na
tayo ang may tamang katwiran.

May pagkakaiba Ba ang Pangangatwiran sa Debate?


-Malaki ang pagkakaiba ng pangangatwiran sa debate. Bahagi ng
pangangatwiran ang debate samantalang ang debate ay hindi
bahagi ng pangangatwiran.

Pangangatwiran- ay ang masining na pagpapaliwanag sa saloobin


at paniniwala ng isang indibidwal hinggi sa isang isyu o paksa.
Binibigyang dahilan ng nagangatwiran ang kaniyang paniniwala
upang maipaliwang lamang ang kaniyang panig. Maituturing na
linyar na proseso ng komunikasyon ang pangangatwiran sa
maraming pagkakataon sapagkat hindi namn ito nangangailangan
ng tugon ng tumatanggap ng mensahe.
Debate- sa kabilang bahagi ay sining na nangungumbinse sa ibang
kasangkot sa komunikasyon na ang panig ng tagapagdala ng
mensahe ay tama at narrapat na sang-ayunan.
Ang debate ay maaring Pormal at maari rin naman na
impormal.
Pormal- ang isang debate kung may isinasagawang paghahanda
ang mga kalahok sa proseso ng komunikasyon .
ANG LAHAT NG ARGUMENTO O NANGAGATWIRAN O
NAKIKIPAGDEBATE AY MAY BATAYAN HINDI PAWANG OPINYON
LAMANG.
Impormal – ay nakikipagtalo naman o debate ay hindi
nangangailangan ng paghahanda. Mahalaga lamang na may
kaalaman ang nakikipagtalo sa paksang pinagtatalunan. Madalas
na sariling karansan lamang at konting kaalaman ang sandata ng
mga kalahok sa pakikipagtalo.

Anyo ng Pangangatwiran
Ang pangangatwiran ay maaring pagtibayin sa paraang pasulat at
maari rin namng sa paraang pasalita.
Mga Mungkahi Upang Mapaunlad ang Isang Argumentatibong
Pagsulat.

1. Magkaroon ng sariling Posisyon sa Argumentatibong


Pagsulat.
Makakatulong nang Malaki sa lohikal na organisasyon ng
argumentatibong pagsulat ang pagkakaroon ng sariling posisyon
sa argumentatibong sanaysay. Madaling maunawaan ng mga
magbabasa nito ng puntos na tinutumbok nito dahil nga sa hindi
sabog na paglalahad ng mga ideya.
2. Asahan ang mga Salungat na Pananaw.
Sa paglalahad ng argumentatibong sanaysay, dapat tandaan na
hindi mawawala ang salungat na pananaw ng mambabasa. Dapat
gumawa ng paraan na maging makinis ang paglalahad ng
argumento upang matugunan ang mga katanungang maaring ihain
ng salungat na pananaw.
3. Kilalanin o Isaalang-alang ang mga Magbabasa ng Isinulat o
Isusulat na Sanaysay.
Dapat ding isalang-alang sa pagsulat ng argumentatibong sanaysay
ang kakayahang umunawa ng mga taong magbabasa nito. alamim
ang target na market at gawin silang batayan sa pagpili ng ng lebel
ng wika na gagamitin sa pagsulat.
4. Piliin ang mahahalagang Puntos para sa Argumentatibong
Sanaysay.
Sa pagsulat ng argumentatibong sanaysay, marrapat lamang na
iprograma sa utak na manunulat ang mahalagang puntos sa
kanyang bibigyan ng diin sa pagsulat nito.
5. Gawing Malinaw ang Organisasyong ng Sanaysay.
Malaki ang maitutulong ng maayos na organisasyon ng
argumentatibong sanaysay sa layunin ng manunulat
makapagpabatid. Mahihikayat nito ang mga magbabasa na
ipagpatuloy ang kanilang nasimulang gawaing pagbabasa sa
kadahilanang malinaw naming nailalahad ng manunulat ang
kanyang mga puntos sa sanaysay.

6. Gawing lohikal ang bawat puntos ng Argumentasyon


Makakatulong nang Malaki sa paglalahad ng lohikal na puntos ng
argumentasyon ang paghihiwalay ng emosyon sa isipan ng
manunulat.
7. Magbigay ng mga Batayan na Makakatulong sa Pagpapatatag
ng Bawat Argumentatibo.
Higit na maganda ang isang sulatin kung mayroon itong batayang
sanggunian. Makakatulong ito nang Malaki sa pagpapatatag ng
argumento ng sulatin.
8. Hanapin ang ankop na Tono
Ang pagsulat ay katulad din ng ordinaryong konbersasyon na may
tonos a bawat paglalahad ng puntos. Mahalaga na mabigyan diin
tono ang paglalahad bilang suporta sa puntos na ipianglalaban ng
argumento.

Karaniwang Pagkakamali sa Argumentasyon (Fallacy)


Tinatawag na “ fallacy” ang mga karaniwang pagkakamali sa
argumentasyon. Nangaggaling ito sa sa salitang Latin na “ fallo” na
nangangahulugan ng “I deceived” na sa Filipino ay may kahulugan
na “ ako ay nagkunwari.” Ang “fallacy” ay isang nakalilinlang na
argumento na sa unang tinginay mukhang matuwid subalit ang
katotohanan ay hindi namn ito matuwid.

Ilan sa “Fallacies” o mga pagkakamali sa argumentasyon ay ang


sumusunod.

1. Maling paglalahat (Hasty Generalization)


Karaniwang pagkakamali sa argumentasyon ang paglalahat nang
walang sapat na batayan. Itinuturing nito na ginagawa ng lahat ang
ginawa ng kakaunting tao lamang.
2. Argumentong Non Sequitor (it does not follow)
Isang karaniwang pagkakamali sa argumentatibong sanysay ay ang
pagbibigay ng konklusyon na walang kauganayan sa mga naunang
argumento.
3. Pagmamakaawa ( Begging the Question)
Ipinapapakita ng manunulat na isang katotohanan ang isang paksa
na dapat sana ay patunayan muna o suportahan ng mga
argumento.
4. Red Herring ( paikot-ikot na pangangatwiran)
Naglalantag ng mga walang kaygnayan puntos ang mga manunulat
upang iligaw ang atensyon ng mga magbabasa sa pangunahing
isyu.
5. Argumentong ad hominem
Kilala ito bilang “character assassination”. Higit na piangtutuunan
ng pansin ang katatuhan o karakter ng taong nagbibigay ng
argumento kaysa sa tibay ng argumentong kanyang ipinaglalaban.
Argumento ito ng mga taong hindi alam kung ano at kung paano
bibigyan ng katwiran ang sariling argumento kaysa sa halip na ang
nilaalman ng isyu ang pagtuunan ng pansin, ang katauhan na
alamang ng kalabang pangkat ang binibugyan ng pansin.

6. Maling Gamit ng Sanggunian ( Faulty use of Authority)


Anumang puntos na ipinaglalaban ng isang tao na kanyang mga
argumento ay kailangan na magkaroon ng sapat na batayan. Hindi
maaring tanggaping batayan ang isang puntos na gusto mo lamng
na inilahad.
7. Argumentong Ad Populom ( Panawagan sa emosyon ng tao)
Iniiwasan ng manunulat ang pagtalakay sa pangunahing
isyu/paksa sa pamamagitan ng pagkuha sa emosyunal na
reaksyon ng mga mambabasa sa iba pang usapin.
8. Alinman/o (either/or)
Sinusubukang kumbinsihin ng mga manunulat ang mga
mambabasa n mayroon lamang dalawang panig ang isyu- isang
tama at isang mali.
9. Hypotalization ( PAGPAPALAGAY)
Pinaiikot ng ganitong uri ng argumento ang mga mambabasa o
tagapakinig na parang bang tototong-totoo na gumagamit sila ng
sanggunian bilang suporta sa knilang mga argumento.
10. “Ignorantio Elinchi”
Nangangahulugan ng ‘” Reputasyon” ang “elenchos”. Ang
“ignorantio elenchi” ay nangangahulugan na “ hindi alam ang
reputasyon.” Pinatutunayan nito ang isang bagay bukod sa dapat
na payunayan. Ang “fallacy” o kamaliang ito ay kilala din bilang
pagtalikod sa pangunahing isyu o “ignoring issues.”
11. Maling Sanhi ( False Cause)
Hindi makatwiran na sisi lamang sa kahirapan ang paggawa ng
krimen. Maraming pang sanhi na maaring isaalang alang.
12. Post Hoc Ergo Proctor Hoc
Ito ay sinisisi sa mga nakraang pangyayari ang usapin sa isyu.
Aralin 5
PAGTATALUMPATI
Ano ang Pagtatalumpati?
Itinuturing na sining ng pagsasalita ang pagtatalumpati. Layunin nito na 
makapanghikayat ng iba na maniwala sa nais mangyari ng nagtatalumpati. Hindi
ito isang madaling Gawain sapagkat nangangailangan ito ng mahabang panahon ng
pag-aaral at pagsasanay. Hindi lahat ng magaling sa klase ay mahusay na
magtatalumpati.

Ang pagtatalumpati ay sining ng pagpapahayag na humuhubog sa kadalubhasaan


at lumilinang sa kaisipan.mahalagang sangkap sa pag-aaral ng alinmang wikaang
sining na ito sapagkat nangangailangan nang lubos na kakayahan sa pagpapahayag
upang mapaniwala at mapakilos ang kapwa nang naayon sa paniniwalang iyon.

Dalawang Uri ng Pagbigkas ng Talumpati


1. Yaong binibigkas ng walang ganap na paghahanda o ang tinatawag na
impromptu speech sa Ingles.
Ang pagsasalita sa harap ng maraming tao ay isang bagay na mahirap na Gawain.
Nangangailangan ito ng metatag na personalidad upang matakasan ang tinatawag
na “stage fright”
Mahirap malampasan ang takot na makapagsalita sa hrap ng maraming tao lalo na
kung ang pagsasalita ay walang gaanong paghahanda.Nakablablangko minsan ng
utak.nangangailangan ito ng kasanayan.

2. Yaong binibigkas na may paghahanda o ang tinatawag ng “prepared speech.”


Ito ang talumpating karaniwang binibigkas ng mga pulitiko sa kani-kanilang
pangangampanya. Masasabing higit itong madaling gawin kaysa sa talumpating
walang paghahanda sa kadahilanang mahaba ang panahon mo upang upang
makapag-isip-isip kung anu-ano ang mga bagay na dapat mong bigyn ng higit na
puntos o diin.

Tatlong Uri ng Talumpating May Paghahanda

1. Talumpating Binabasa nang Malakas


Madalas itong binibigkas ng mga tagapagsalita na may isinasagawang paghahanda
subalit hindi sapat ang panahon upang makapagkabisa ng talumpati o dili kaya ay
walang kakayahang magkabisa.
2. Talumpating Sinaulo
Isa ito uri ng talumpating pianghahandaan. Mas pinili ng tagapagsalita ang
kabisaduhin ang kaniyang talumpati upang pahangin ang kaniyang
tagapakinig.Kung minsan nga lamang ay hindi maganda na iminungkahi ang
gnitong uri ngb talumpati lalo na kung ang magsasalita ay walang kakayahan mag-
adlib.
3. Talumpating Ekstemporanyo
Madalas na pinakakamalang hindi pinaghandaan ang ganitong urio ng talumpati
dahil sa limitadong oras na laan sa tagapagsalita upang siya ay makapaghanda ng
kaniyang talumpat.

Masklaw na Layunin ng Talumpati


1. Magbigay ng Kaalaman o Impormasyon
Ito ang layunin na ginagamit na panuntunan ng mga tahapagsalita sa iba’t-ibang uri
ng palihan o seminar.
2. Mang-aliw o Magbigay ng Kasiyahan
Ang mga stand up comedian man sa knailang pasasalita ay harap mg maraming
tagasubaybay ay nagtatalumpati rin sa layuning nitong makapagbigay ng aliw o
kasiyahan. Ang isang prmal na pagtitipon kung minsan ay dapat ding lagyan ng
mga nakakaaliw na linya upang hindi itong magmukhang kabagut-bagot sa
kanyang mga tagapakinig.
3. Manghimok o Kumumbinse
Anumang uri ng talumpati ay nangungumbinsi. Ang mga pulitiko sa kanilang
pagtatalumpati ay nangungumbinsi na sila ay karapat-dapat na pakinggan at ihalal
ng taong bayan.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa at Pagtatalumpati.

1. Okasyon
Mahalagang isaalang-alang ang okasyon sa paksa ng talumpati na bibigkasin
sapagkat hindi magiging makabuluhan ang lahat ng pagsusumikap ng tagapagsalita
na mapaganda ang kaniyang talumapati kung hindi naman akma ang nilalaman ng
kanyang pagatatalakay sa okasyon. 
2. Ang Lenggwaheng Gagamitin
Isa sa piankamahalagang bagay na dapat tandaan ng isang magtatalumpati sa
kanyang pagtatalakay ay ang lenggwahe na kanyang gagamitin ditto. Nakasalalay
sa pagpili ng lenggwahe ang isandaaang bahgdang pakikinig ng mga
tagaoakinig.nararapat lamang na umangkop sa panlasa ng tagapakinig ang
lenggwahe ng maagtatalumpati upang hindi ito kakitaan ng pagkabagot habang
isinasagawa ang pakikinig.
3. Ang Bilang ng mga Makikinig
Nakasalalay sa bilang ng mga tagapakinig ang momentum ng tinig ng isang
magtatalumpati kaya mahalaga na malaman ito ng magtatalumpati bago pa man
simulant ang kaniyang pagtatalakay.
4. Ang edad o Gulang ng mga Makikinig
Isa pa ring salik kung bakit mahirap pukawin ang inters ng mga tagapakinig ay ang
pagkakaiba-iba ng mga edad ng mga ito. Bilang mananalumpati, mahalaga na
matutunan ang pakikibagay sa edad ng nakraraming mga manunood. 
5. Ang Kasarian ng mga Makikinig 
Sa pangkalahatan,magkaiba ang ugali ng babae at ng lalaki kung kayat nararapat
na alamin muna ng tagapagsalita o mananalumpati ang kasarian ng karamihan sa
kanyang tagaoakinig.Higit na sensitibo ang mga kababaihan kaysa sa mga
kalalakihan. Ang biro na maaring ipukol sa kalalakihan at maaring katuwaan ng
mga ito ay maaring kabastusan na palasa mga kababaihan.
6. Edukasyon ng mga Makikinig.
Malaking salik din sa pakikinig ang Edukasyon ng mga tagapakinig. Bilang
tagapagsalita,dapat niyang timbangin ang lalim ng pag-unawa ng kaniyang mga
tagapakinig upang nang sa gayun ay makapaghanda rin siya kung anong wika ang
angkop na gamitin.tandaan na ang antas ng wika ay nakasalalay din sa antas ng
edukasyon ng taong gumagamit nito.
7. Grupong Kinabibilangan ng mga Makikinig
Tungkulin ng isang magtatalumpati o Tagapagsalita ang paligayahin ang kaniyang
mga tagapakinig. Hindi niya ito dapat na bigyan ng sama ng loob upang maging
maayos ang daloy ng kanyang pagtatalakay.

Mga Hakbangin sa Paghahanda ng Talumpati


1. Pagpili ng Paksa
Bilang mga matatagumpay na mag-aaral sa larangan na inyong pinili para sa
hinaharap,hindi maiiwasan na magkaroon kayo ng kaliwa at kanang speaking
engagement. Nakakataba ng puso na maanyayahan bilang isang tagapagsalita
sapagkat nangangahulugan ito ng Malaki ang tiwala sa iyo ng tao o mga taong nag-
aanyaya.
Bagamat isang malaking pagkkataon ang pag-aatang ng gawaing pagsasalita,
nararapat na matutunan mo rin na timbangin kung ano ang kaya o hindi.
Matutong pumili ng paksa. Kung hindi alam ang paksa, matutong tumanggi kung
kinakailangan.

2. Pagtitipon ng mga Materyales sa Pagtatalumpati.


Maari ka nang maghanda ng mga kagamitang susuporta sa paghahanda mo sa
talumpating bibigkasin matapos na malaman ang paksa na pagtatalakay.
Ang pagtitipon ng materyales ay makakatulong nang Malaki upang higit na
maging metatag ang mga pamimitawang pahayag sa gagawing pagtatalumpati.
Hilaw ang isang pagtatalakay na batay lamang sa sariling opinion at paniniwala.
Kailangan itong suportahan ng isang ekstensibong pananaliksik.
3. Pagbabalankas ng mga Ideya o Kaisipan para sa Katawan ng Talumpati.
Pagkatapos na makapag-ipon ng mga materyales na gagamitin sa
pagatatalakay,maari nang bumuo ng balangkas para sa pagtatalakay.
4. Paglinang ng mga Kaisipan o Ideya sa Balngkas.
Maari nang linangin ang kaisipan sa gawaing pagtatalakay matapos ang
balangkas.paulit-ulit itong balikan upang makapagdagdag ng impormasyong kung
kinakailangan.

Mga Dapat Tandaan ng Isang Magtatalumpati

1. Gawing kaakit-akit ang talumpati


Nararapat lamang nag awing kaakit-akit ang talumpati sapagkat tungkulin ng
tagapagsalita na himukin ang mga tagapakinig na making sa kanyang pagtatalakay.
Ang paghihikab,pagtulog,pagte-text,pakikipagdaldalan ng mga tagapakinig sa
kanilang mga katabi ay isang malaking kabiguan para sa tagapagsalita o
magtatalumpati.
2. Bumigkas ng Tama,Malinaw, at May Sapat na Lakas na Tinig.
Walang saysay ang lahat ng pagsumikap ng tagapagsalita o mananalumpati na
mapaganda ang kaniyang pagtatalakay kung hindi niya ito maayos na maiparating
sa kanyang mgab tagapakinig. Bilang tagapagsalita o mananalumpati, tungkulin
niya nag awing tama,malinaw at may sapat na lakas ng kanyang tinig.

3. Magkaroon ng Tiwala sa sarili


Pinakamalaking suliranin ng isang tagapagsalita o mananalumpati ang kawalan ng
sapat na tiwala sa kanyang sarili. Dahil ditto, hindi niya maayos na natatalakay ang
dapat na talakayin bagamat nagsasagawa siya ng mahabang paghahanda hinggil
ditto.dapat itong malampasan ng isang tagapagsalita.

4. Makaroon ng Sapat na Kahandaan


Walang gamot sa pagkalimot at kaba kundi ang kahandaan. Anumang Gawain lalo
pa at may kaakibat na malaking responsibilidad sa komunidad ay kinakailangn ng
paghahanda.

Mananalumpati sa Ibabaw ng Entablado.


1. Tindig
Malaking salik na nakaapekto sa pagpukaw ng atensyon ng mga tapakinig ang
maayos na tindig ng tagapagsalita. Kailangan ng tindig pa lamng ay maitanim ng
ng tagapagsalita sa mga tagapakinig ang “authority” o ang paniniwala  na siya ang
pinakamahusay sa larangan ng tatalakayin.
2. Asal/ Kilos
Ang asal o kilos man ng tagapagsalita o mananalumpati sa ibabaw ng entablado ay
may malaki ring papel sa pahikayat sa mga manunuod o tagapakinig na ibigay ang
kanilang atensyon sa tagapagsalita o magtatalumpati.
Ang asal o kilos ay suporta ng tagapagsalita o magtatalumpati sa pagbibigay diin
sa karunungang namumutawi sa kanyang bibig.
3. Tinig
Pinakamahalga sa lahat ang tinig. Anuman ang eaksyon ng mga tagapakinig o
magtatalumpati ay repleksyon lamang ng tinig ng tagapagsalita.

Mga Anyo ng Talumpati


1. Talumpating Panlibang
Nakapokus ang talumpating ito sa layuning magbigay ng aliw sa mga tagapakinig.
Wala itong pakialam sa porma,istruktura, at nilalaman ng pagtatalakay sapagkat
ang layunin lamang nito ay ang makaaliw.
2. Talumpating Pampasigla
Ang talumpating ito ay binibigkas bilang panimula at pagpapakila sa isang
pangyayari,paunahin.Tinatawag din itong teaser sa wikang Ingles.
3. Talumpating Panghihikayat
Pangunahing layunin ng talumpating ito ang paniwalain ang tao isang bagay na
kayang gawin o maibibigay ng tagapagsalita o magtatalumpati.karaniwan itong
ginagamit ng mga pulitiko sa kanilang mga pangangampanya.
4. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran
Pagbibigay ng impormsayong o kabatiran ang pangunahaing layunin ng
talumpating ito.
5. Talumpati ng Papuri
Binibigkas ang talumpating ito upang bigyan ng parangal o pagkilala ang isang tao
dahil sa kontribusyon nito sa ikakaunlad ng pamayanan.
6. Talumpati ng Pagbibigay-galang
Karaniwang binibigkas ang talumpating ito bilang pagpapakilala sa isang tao
hinahangaan at iginagalang ng lahat.
PAGSULAT NG MGA PERSONAL AT
KONTEMPORANYONG SALITA.
ANG TALAARAWAN O JURNAL
Ang talaarawan o jurnal, bukod sa isang masaklaw at magaling na anyo ng
pagpapahayag dahil naisusulat ito sa alinman sa mga paraang pasulat na
pakikipagkomunikasyon- pasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pagmamtawid-
ito ay maituturing ding isahan pinakamabisang estratehiyang pampagsisismula ng
pagsusulat sapagkat napakadali nitong imbakan ng mga kaisipan at mga
damdaming sekreto rito maibubulalas, at ng anupamang mga bagay bagay na
masusumpungan sa pang- araw-araw na buhay at pakikimuhay sa mundo.

ANG KAHULUGAN NG TALAARAWAN AT JURNAL


Ang talaarawan, ayon sa depinisyon ni Webster, ay isang talaan ng mga
pangyayari, mga pakikipagtransaksyon, o mga observasyon, na arawan o
paminsan- minsang ginagawa.

Ang jurnal, ayon sa pa rin sa pagbibigay-kahulugan ni Webster, ay isang


arawang tala ng mga pansariling Gawain.

Ang Mga Bagay na Maitatala sa Talaarawan o Jurnal


Kung anu-ano ang puweding isulat sa talaarawan o jurnal. Maaring tungkol sa
isang paglalarawan ng mga bagay na inaasikaso sa isang araw.
 Maari ding paglaharan ito ng isang panutong pampagluto, recipe tulad ng
paggisa ng tahong sa margarina’t dahoon ng sili.
 Maaring obsrvasyon
 Maari rin naming isang impresyon sa mga nakakasalamuhang tao sapagkat
ang tao ang pinakakaakit –akit na paksang isulat.

Ang Pagpapasimulang Pagsulat ng Talaarawan o Jurnal.
Si Anne Frank, ang batang Dutch na sumulat ng mkabagong damdaming
sitwasyon sa kanyang buhay noong silang boung pamilya ay nagtatago sa mga
Nazi noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay nasulat sa kanyang talaarawan.

Format
Walang sinusunod na anumang pisikal na kaanyuan ang talaarawan o jurnal.
Lalaki ka, naninigarilyo pero walang pambili ng papel, notbuk o de susing
mapagsulatan, gamitin ang kaha o ang palara sa halip na lamutakin at itapon, at
saka ipunin sa taguan.Babae ka, nag-oopisina’t ayaw gumastos dahil mas
importante ang lipstick at make up, ‘ yong mga Letterhead na ginamit na sinupin.

Pag-uumpisa
Napakadaling gawin ang isang bagay pag gusting gawin. Ang pagsusulat ke
anumang posisyon- nakatayo, nakaupo,nakahiga, ayon sa kinasanayan ng
katawang komportableng makpagsulat, ay magagawa.

Prekwensya ng Pagsulat
Hindi isang obligasyon ang pagsususlat sa talaarawan o jurnal. Nasa tao
lamang. May nagtatala araw-araw. Mayroon kung kalian maisipan. Hindi gaanong
mahalaga kung gaano kadalas o kadalang ang pagsusulat. Ang mas mahalaga ay
yong pangangailangan o tulak ng kaisipang maisulat.

Kaayusan
Dapat bang laging nakakronolohikal ang mga isinusulat? Karaniwang sa
karamihang nagtatalaarawan o nagjujurnal ang laging naglalagay ng petsa. Ang iba
sa halip na petsa, ang ngalan ng araw ang ipinanananda (Lunes, Martes,
Miyerkoles, atb.) ang ilan, kompleto. May petsa na, may araw na, may oras pa’t
may lugar.

Sukat ng Tala
Walang sukat na dapat sundin sa bilang ng mga salita o mga pangungusap
na isusulat. Maaring isang bagong salita lamang na karirinig ma isinusulat para di
Makalimutan. Maaring isang pangungusap lamang.

Istilo
Alalahanin na ang talaarawan o jurnal ay hindi pangklase na bibiugyan ng
grado o dapat markahan ng propesor, maliban na lamang  kung ito’y kabilang sa
aralin bilang pagsasanay sa malikhain pagsulat. Hindi rin ito panlathalain na
babasahin ng publiko kundi isang pansariling konsumo. Huwag maasiwa sa mali-
maling baybay. Huag masyadong kritikal sa sarili sa diksyon, sa kayarian ng mga
pangungusap, sa kaugnayan ng mga kaisipan.

ANG KOREPONDASYANG PAMPAHAYAGAN


Isa sa mga pang-araw-araw na halimbawa nito ang Liham sa Patnugot o Editor
na nababasa ng madla sa mga dyaryo.

Liham sa Patnugot ( Letter to the Editor)


Kilala ng lahat ang pitak na ito dahil ito lamang ang pitak na nag-aanyaya sa
madling mambabasa upang bukas nilang ipahayag ang kani- kanilang sariling
opinion, karaingan, reaksyon, mungkahi, pamumuna, pahpapahalaga, paalala at iba
pa pang damdamin at kaisipang maari rin naming makapagbigay ng mahalagang
impormasyon tungkol sa mga nagaganap sa kapaligiran- pulitiko, ekonomiya,
gobyerno, paaralan at sa larangan ng buhay.

ANG ANEKDOTA
Isang karaniwan naman maikling salysay ng isang bayografikal na insidente
ang anekdota. Nililikha itong sadya sa kawili-wiling paraan sa tonong katawa tawa
o kasiya –siya sa layunin aliwin ang mga mambabasa o mga tagapakinig.

Ang Awtobayografi at mga Bayografi o Talambuhay

Ang talambuhay at awtobayograpi bagamat parehong kasaysayan ng tunay


na buhay ng isang tao, ay dalawang magkaibang kaanyuan ng sulatin. Ang
pagkakaiba ay naayon sa kaganapan ng buhay ng taong isinulat at sa kung sino ang
sumusulat.
Sa unang talambuhay, ay tungkol sa sa buhay ng taong namatay na at isinulat ito
hindi ng taong mismo namatay noong nabubuhay pa siya kundi ng iba na may
interes sa kasaysayan ng buhay niya ayon sa kung anumang layunin nito sa
pagpapahayag.

May tatlong (3) uri ng talambuhay


1. defentibo
2. awtorisado
3. karaniwan

Defentibo Talambuhay- kailanman ay hindi maisususlat habang nabubuhay pa


ang tao. Final kasi ang sulating ito, pang-iskolar na trabaho at malawak ang
tinutungo.

Awtorisadong Talambuhay- ay tungkol sa buhay ng tao na kinomisyon ng kamag-


anakan,kaibigan, o kakilala ang sinumang manunulat na pawing mga positibo
lamang ang kailangan lamnin.

Karaniwang Talambuhay- ito ay tapat sa katotohanan at tiyak ang mga katibayan


para madama at maitulad sa sarili ng mambabasa ang kaniyang nagging karanasan
at pagkatao.

Awtobayograpi- ay tungkol naman sa kasaysayan ng tunay ng buhay ng tao na


siya mismo ang sumusulat. Mailap ang kapaniwalaan na detalye ng mga
katotohanan.
ANG TRAVELOG
Isang uri ito ng sulatin tungkol sa paglalakbay. Noong 1903, iniukol lamang
ang katawagang ito sa pagsasalita o paglelektyur tugkol sa pagbibiyahe ng
karaniwang inaalinsabayan ng pagpapakita ng mga kinuhang litrato na maaring pa-
videocam o pa slides.
REPORTAZ
Isang uri ito ng sulatin na nagaanyong balita sa layuning makapagbibigay –
salaysay hinggil sa mga naobserbahang pangyayari ns maaring bago sa paningin o
pandinig gaya ng moda ng buhok o damit, mga nauusong pananlita o musika, mga
nkaugaliang diversion, o anumang matgal nang mga kultural nab gay na hindi
gaanong nabibigyan ng importansya.

ANG KOMPOSISYON
Ay isang pangkasanayang sulatin ng mga estudyante sa klase. Ito ay
isinasagawa nang malinaw at mabisa sa pamamamagitan ng maselang pamimili,
mahusay na pagsasaayos at masinop na pagpapaunlad ng mga ideya sa
pangungusap.

Ang Dalawang uri ng Komposisyon


Imformal o Malaya- ay isang pagsasanay sa pagsususlat na ang mga mag-
aaral ay napapayagang makpagpahayag ng sarili sa wikang kanilang
kinagamayanan at sa format na kanilang maibigan.

Formal o pinatnubayan
Ito ay pili at ang formanginiiangkop ay buhat sa mahusay na pagbabalangkas
ng mga detalye.ito ay ginagawa sa modelong akademiko at teknikal ang
oryentasyon.

ANG MAHAHALAGANG BAHAGI NG KOMPOSISYON


Simula o introduksyon, gitna o katawan, wakas o konklusyon. Tatlong
mahahalagang bahagi ito hindi lamang ng komposisyon kundi bawat akda.

Ang Simula o Introduksyon


Ang simula ang pinakamukha ng komposisyon. Dito hinhatulan, kung
magtatagumpay o mabibigo, ang isang katha. Kailangan, sa sulyap pa lamang ng
babasa, ito’y kaakit-akit na nakakapukaw, nakakganyak, nakakahatak na ng
kuryusidad para tuluyang titigan, tunghayan hanggang sa malay, kung maari pa
nga’y pati buhay, ay may matangay nang boung kasabikan. 

Ang Mabibisang Panimula


Ang pinakamahalagang pangungusap o talata sa isang sulatin dahil, tulad sa
nasabi na, ditto naksasalay ang tagumpay o kabiguan ng akda. Ito ay kailangan
malinaw at mabisa para mabasa, maintindhan at makaapekto.

Narito ang ilan sa mga pinakagamiting mabisang panimula:

1. Pasaklaw na Pahayag- Sa panimulang ito,ang resulta o kinalabasan muna ang


sinasabi bago isa-isahin at pagkasunod-sunurin mula sa di-gaaanong mahalga
hanggang sa pinakamahalagang detalye.
2. Pagbubuod- ang panimulang ito ay naghahayag muna ng pinakadiwa bago
tuntunin o sadyang tinatalakay.
3. Pagtatanong- Ang panimulang ito’y kalabisan nang ipaliwanag pa.
4. Tuwirang Sinasabi- Ito ay karaniwang nakikita nakapanipi sapagkat mula ito sa
tapat na pagsipi sa tiyak na pahayag ng isang taong bantog, dalubhasa, awtoridad,
at maari din naming karaniwang tao lamang ngunit sinasabi’y naghahayag ng
mahahalagang bagay na magagamit na lundayan sa pinapaksa.
5. Panlahat na pahayag- Isang uri ito ng panimula na nagtataglay ng
kahalagahang unibersal na maaring hanguin sa mga salawikain, sa mga kawikaan,
at maging sa mga pamilyar at pang araw-araw na makatotohanang kaalaman ng
lahat na nagtataglay ng diwa o aral.
6. Paglalarawan- Ang pnimulang ito’y gingamit pag nagtatampok ng tao.
Sapagkat nagbibigay- deskripsyon, mga malarawan at maaksyong salita ang
ginagamit.
7. Pagkakaligiran- Ito naman ang ginagamit na panimula kung ang bibigyang-
larawan ay pook.
8. Pagsusumbi- Bibihira ang panimulamg ito. Maikli lamamng, na karaniwan
nang binubuo ng iisang salita.
9. Pagsasalungat- Binibigyang diin ay ang pagkakaiba. Ang tuntuning sinusunod
ditto ay mas Malaki ang pagkakaiba, mas matindi ang bisa.
10. Pagsasalaysay- Ang panimulang ito’y anyong malumanay na pagkukuwento.
11. Anekdota- Isang panimulang nagkukwento ng maikling istorya para pasiglahin
ang babasa, o di kaya’y gamiting tularang lundayan ang kaugnayan sa paksang
tatalakayin.
12.  Analohiya-  ang panimulang ito ay nagtutulad o nagwawangis.

    
Ang Gitna o Diskusyon
- Ang pinakakatawan ng sulatin. Dito makikita ang mga kalamnan.
Binubuo ito ng mga talatang kinapapalooban ng mga pangunahing
kaisipan at mga pantulong o pamunong mga detalyeng maayos ang
masuring pagkakauri-uri at pagkakasama-sama, at makatwiran ang
pagkakahanay-hanay at pagkasunod sunod tungo sa malinaw na
ikapapaliwanag ng paksa.
Ang mga Pangkalahatang Pamamaraan sa Pagsasaayos ng katawan
ng komposisyon.

1. Pakronolohikal- Ito ang paraan ng pagpapaunlad ay ayon sa tamang


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mulang pinakamatagal na
hanggang sa pinakasalukuyan.

2. Paanggulo- ang paraan ng pagsasaayos na ito ay ibinabatay sa


personal na masasabi o reaksyon ng bawat tao tungkol sa mga bagay-
bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom.

3. Paespesyalo Paagwat- Pagsasaayos itong pinauunlad ang paglalahad


sa pamamaraang sa malapit sinisimulan dahil ang mga bagay bagay dito’y
alam na alam na, patungong malayo o palayo kung saan ang mga bagay
nagay ay hindi masyadong kilala.

4. Paghahamabing- Sa pamamaraang ito ang pagpapaunlad ay


isinasaayos nang paseksyon. Sa unang seksyon, sinisimulan muna ang
pagkakaiba tungo sa ikalawang seksyon na ang mga pagkakapareho
naman.

5. Palamang/ Pasahol – Sa pamamaraang ito ang bagay munang lalong


mahahalaga ang binabanggit bago ang di-gaanong mahalaga.

6. Patiyak/ pasaklaw – Isinasaayos naman ito sa pamamaraang sinasabi


muna ang particular o depinidong detalye bago ang pangkalahatang mga
payag.

7. Papayak/ Pasalimuot – Gayundin sa tatlong sinusundan ang mga


pamraang ito lamang sinisimulan itong iayos sa mga bagay na komplikado
kasunod ang mga bagay na simple.

Ang Wakas o Kongklusyon


- Ito ay sinasambit sa ilang pananalita na lamng dahil kung pahahabain
pa,bukod sa hindi kasisisyahan, ay hindi na magiging bisa. Sa wakas
napapaloob ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa o
base sa mga katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitna.
Ang Mabisang Pangwakas
-kailangan din ng isang komposisyon ang mabisang pangwakas, sa
gayon, hindi man mataandaan ng mambabasa ang boung paglalahad, ang
isang impresyong titimo sa damdamin at kikintal sa isipan ay sapat na para
tagumpay na maituturing ang katha dahil tiyak na lagi itong maaalala.

1. Tuwirang sinasabi
Halimbawa:
Mula ngayon at di na magtatagal ang bukambibig na sabi ni Jose
Rizal na “ Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan” ay mapapatunayan na.

2. Panlahat na Pahayag
Halimbawa:
Makabukuhan, samakatuwid, ang palasak nating kawikaan “ Ang hindi
lumngon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan”.

3. Pagbubuod – Ito ang pinakagamitin sa mga pangwakas. Sa halip na


simula binubuod , ang kabuuang diwa ng komposisyon, ditto nama’y sa
katapusan.

4. Pagpapahiwatig ng Aksyon – Ito’y isang pangwakas na tuwiran o di


tuwirang nagpapakilos sa mga mambabasa ayon sa hinahangad na
inaakalang mahalaga sa ikakatamo ng kabutihan ng lahat.

5. Mahalagang Insidente – Ito’y isang madulang pangwakas na maaring


magpakita ng pagbabago sa takbo ng mga pangyayari at sa katauhan ng
mga nasasangkot sa katha.

6. Pagtatanong
Halimbawa:
Ano pa an gating hinhintay? Magtatamad-tamaran na lamang ba tayo
habang buhay? Kalian natin bubuksan ang pinto ng maunlad na
kinabukasan?

7. Pagsisipi – Pangwakas itong kumukopya ng isang taludtod o mahigit pa


sa isang akda, patula man o patuluyan, na ang sinasabi ay angkop sa
tinalakay na paksa.

You might also like