Ang panimula o introduction sa Ingles ay tumutukoy sa panimulang mga salita
o talata tungkol sa isang paksa. Kalimitan ay buod ang nakasulat sa
panimula.
Ang depenisyon naman ay ang ibig sabihin ng paksa. Ang paghahambing o
pagtutulad naman ay magpapakita ng paglalarawan ng paksa. Contrasting
ang katumbas nito sa Ingles.
Sa pagsusuri naman ay detalyadong pag-aaralan kung ano nga ba ang
paksang pinag-uusapan. Pagdating sa pagbibigay ng halimbawa, mag-iisip ka
ng mga sitwasyon kung saan ginagamit ang paksang nabanggit upang mas
lalo pa itong maintindihan ng iyong kausap o nagbabasa ng iyong isinulat.
[Link]
Gamit ng wika sa Lipunan
1. Interaksyonal - ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag at pagpapanatili ng
relasyong sosyal sa kapwa tao.
Halimbawa: pagbati, pagbibiro, pag-anyaya, pangangamusta
2. Instrumental - ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan.
Halimbawa: Pakikiusap, pagtatanong
3. Regulatori - ang tungkulin ng wikang gingamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang
tao.
Halimbawa: babala, mga panuto sa pagsususlit, mga instructions, paggawa ng recipe, mga alituntunin
4. Personal - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinion.
Halimbawa: Pagkagalak, pagkaawa, paghanga, pagkainip, pagkayamot
5. Imahinatibo - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing
paraan.
Halimbawa: Paggawa ng tula na may tayutay o matalinghagang salita, alamat, nobela, maikling kwento
6. Heuristik - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa paghahanap o paghihingi ng impormasyon.
Halimbawa: pakikipanayam, pagsagot sa sarbey, pananaliksik
S a pakikipagkomunikasyon, kailangang mabatid ng isang
nagsasalita ang mga paraan ng paggamit ng wika. Mahalaga ito
upang magkaroon ng pagkakaunawaan ang bawat isa. Mababatid
ng kinakausap ang layunin ng nagsasalita, gayundin naman,
maiaangkop ng nagsasalita ang paraan ng kanyang pagpapahayag
ayon na rin sa pagkakilala niya sa kausap.
Mahalaga sa pakikipagkomunikasyon ang kaalaman hinggil sa
mga tungkulin ng wika sa pagpapahayag. Batay sa pag-aaral ni
Jacobson (2003), may anim na tungkulin sa paggamit ng wika.
1. Pagpapahayag ng damdamin (emotive) – Ginagamit
ang wika upang palutangin ang karakter ng nagsasalita.
Halimbawa: Nakikiisa ako sa mga adhikain ng ating
pamunuan.
2. Panghihikayat (conative) -Ginagamit ang wika upang
mag-utos, manghikayat, o magpakilos ng taong
kinakausap.
Halimbawa: Magkaisa tayong lahat upang maging ganap
ang katahimikang ating ninanais.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic)
– Ginagamit ang wika bilang panimula ng isang usapan o
pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Halimbawa: Ikinagagalak kong makasama ka sa aming
mga krusada.
4. Paggamit bilang sanggunian (referential) –
Ginagamit ang wikang nagmula sa aklat at iba pang
babasahin bilang sanggunian o batayan ng pinagmulan ng
kaalaman.
Halimbawa: Ayon kay Don Gabor sa kanyang aklat na
Speaking Your Mind in 101 Difficult Situation, may anim
na paraan kung paano magkakaroon ng maayos na
pakikipagtalastasan.
5. Pagbibigay ng kuro-kuro (metalinguwal) –
Ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng
komentaryo sa isang kodigo o batas.
Halimbawa: Itinatadhana nang walang pasubali sa Batas
ng Komonwelt Blg. 184 ang pagkakatatag ng Surian ng
Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon sa Wikang
Filipino.
6. Patalinghaga (poetic) —Ginagamit ang wika sa
masining na paraan ng Pagpapahayag gaya ng panulaan,
prosa, sanaysay, at iba pa.
Halimbawa: Isa-isa mang mawala ang mga bituin sa
langit, hindi pa rin niya maikakaila na nananalaytay sa
kanyang mga ugat ang dugong naghasik ng lagim sa puso
ng bawat Pilipino noong panahon ng digmaan
Ano ang Cohesive Device?
Ito ay mga salitang ginagamit upang maging maayos at malinaw ang daloy
ngkuwento , pahayag at gamit sa pangungusap ng may [Link]
sa ibaba ang ilang halimbawa ng Cohesive Device at kung saanito ginagamit.
1. Pagpapahayag ng pagdaragdag
Halimbawa: ganoon din , gayundin , saka , bilang karagdagan , dagdag pa rito
Tiyak na halimbawa: Bilang paghahanda sa paparan na bagyo ang lahat aypinag-
iingat , dagdag pa rito ang pagsunod sa tagubilin ng ilang ahensya ng pamahalaan ay
dapat maunawaan.
2. Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuanHalimbawa: maliban sa , sa mga , ka , kina , bukod
sa , sa mga , kay , kinaTiyak na halimbawa; Bukod sa sinasabi mong pag-iingat, ang
pagbibigay ng ayudasa bawat nasanta ng bagyo ay isinsaayos na ng pamahalaan.
3. Dahilan o resulta ng kaganapan o pangyayariHalimbawa: kaya , kaya naman , dahil , dahil
sa , sa mga , kay , kina , sapagkat ,dahil dito , bunga nitoTiyak na halimbawa: Kahit isang
saglit di ka nawala sa isipan ko , kahit ilang besesmo akong sinaktan nilimot ko, sapagkat
mahal kita.
4. Kondisyon , bunga , o kinalabasanHalimbawa: sana , kung , kapag , sa sandaling ,
bastaTiyak na halimbawa: Lahat ng bagay may hangganan , kapag nasasaktan nanaututong
lumaban ito ang pangako ng puso.
5. Taliwas o salungatHalimbawa: pero , ngunit , sa halip , kahit ( na )Tiyak na halimbawa:
Ilang uli kitang inunawa, ilang beses kitang pinatawad sahalip na magsisi ka nagpaulit – ulit
ka sa kasalanan mo.
6. Pagsang-ayon ,o di pagsang-ayonHalimbawa: kung gayon, kung ganoon , dahil dio ,
samakatwid . Kung kayaTiyak na halimbawa: Ayon sa mga saksi , may mobo kang saktan ang
kaibiganmo dahil sa manding panibugho.
7. PananawHalimbawa: ayon sa , sa mga , kay , kina, para sa , mula sa pananaw ,sa paningin
ng , ng mga , alinsunod saTiyak na halimbawa: Para sa lahat ng taong nagmamahal, ang sakit
at pagdurusang pusong madalas masugatan sa dulo ng labanan ikaw pa rin ang babalikan.
8. Probabilidad , sapantaha , paninindiganHalimbawa: maaari , puwede , possible , marahil ,
siguro, yakTiyak na halimbawa: Kapag nagpatuloy ka sa iyong kahibangan , possible sa
duloay magsisi ka.
9. Pagbabago ng paksa o tagpuanHalimbawa: gayunman , ganoon pa man , sa kabilang dako,
banda, sa isang bandaSamantalaTiyak na halimbawa: Ang bunsong anak ni Mang Jubrice ay
masipag at mayagasa pag-aaral samantala, ang panganay naman niyang anak ay magas ang
ulo atwalang pangarap.