You are on page 1of 56

GAMIT NG WIKA

SA LIPUNAN
Layunin:
• Nauunawaan ang kahulugan ng
komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
• Natutukoy ang mga gamit ng wika sa
lipunan na ginamit sa pangungusap
• Nailalarawan ang tamang gamit ng wika
sa lipunan bilang instrumento sa pag-
unawa
-Pakisuot po ang ating mga face mask.
-Anak,patayin mo na ang ilaw.
-Isulat ang letra ng tamang sagot.
-Diretso po kayo sa kanto at pagkatapos
kumanan po kayo. Naroon po ang bahay
ni Mang Estong.
Bawat indibidwal ay may sapat
na kakayahang magamit ang
isang wika na kailangang
pagtuunan ng pansin upang
sanayin ang sarili sa bawat
tungkulin.
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
Ayon kay M.A.K.Halliday sa kaniyang
Explorations in the Functions of Language
na inilathala noong 1973, na ang mga
tungkuling ginagampanan ng wika sa
ating buhay ay kinategorya. Ginagamit
nang pasalita at pasulat ang nasabing
tungkulin.
INSTRUMENTAL
May instrumental na tungkulin ang wika
kung layunin nitong makipagtalastasan
para tumugon sa pangangailangan ng
tagapagsalita. Ginagamit ang wika para
tukuyin ang mga preperensiya,
kagustuhan, at pagpapasiya ng
tagapagsalita. 
•Ginagamit rin ito upang
mangyari o maganap
ang mga bagay-bagay
tulad ng:
PANG- INSTRUMENTAL

11.pakikitungo

12.pangangalakal

13.pag-uutos

14.pakikiusap

1.5.pagsulat ng liham
•Pangunahing instrumento ang wika
upang makuha o matamo ng tao
ang kaniyang mga lunggati o
pangangailangan. Ang maayos at
matalinong paggamit ng wika ay
nagbubunga nang malawakang
kaayusan sapagkat…
•hindi lamang nito
nagagawang magpaunawa
kundi pumukaw ng
damdamin at kaisipan.
•Halimbawa, alin sa dalawang pahayag
ang naglilinaw ng mensahe ng ninanais
na pakikipaghiwalay?
• Sa palagay ko, kailangan na nating
magpahinga muna.
• Sa akin, gusto ko munang makipaghiwalay.
Halimbawa:

Hugasan mo na ang mga pinagkainan.


Pakiabot mo naman ang folder na nasa
ibabaw ng mesa.
Maaari ko bang malaman kung gaano
katagal bago matapos ang proyektong
ito?
LIHAM
REGULATORI
Ang regulatori naman ay
paggamit ng wikang
kumokontrol o gumagabay
sa kilos at asal ng tao.
PANREGULATORI
pagbibigay ng panuto
pagbibigay ng direksyon

paalaala
paggabay
pagkontrol
•Sa maayos at malumanay na
gamit ng wika inilalahad ng mga
magulang ang kanilang pangaral
upang mapanuto sa buhay ang
kanilang mga anak.
Halimbawa:

• Bawal pumitas ng bulaklak.


• Huwag gumamit ng bolpen sa pagsagot,
gumamit ng lapis.
• Basahing mabuti ang pangungusap
bago mangatuwiran.
• Bawal manigarilyo.
INTERAKSYONAL
•ang tungkulin ng wika na
ginagamit ng tao sa pagtatatag
at pagpapanatili ng relasyong
sosyal sa kapwa tao.
•Dapat matutuhan ng mga tao
ang mga iba’t ibang uri ng
gamit ng wika kung nais
nilang makisalamuha nang
mahusay sa iba.
•Nangangailangan ang
matagumpay na interaksyon ng
wastong pag-uugali (good
manners), wastong pagsasabi sa
wastong paraan at paggawa ng
mga bagay ayon sa kinagawian.
•Madaling makita ang mga paglabag sa
kaugalian, maging malaswang salita
(dirty words) sa maling tagpuan o di
pagtayo sa ilang pagkakataon.
•Halimbawa: pagbati, pagpapaalam,
pagbibiro, panunudyo, pag-aanyaya,
paghihiwalay, pagtanggap, atbp.
Pakikipagbiraun  Pakikipagpalitan
ng kuro-kuro
PERSONAL
•Saklaw ng tungkuling ito ang
pagpapahayag ng sariling
opinyon o kuro-kuro sa paksang
pinag-uusapan.
Mga talaarawan- Diary
 HEURISTIKO -receive

•Ang tungkuling ito ay ang


pagkuha o ang paghahanap
ng impormasyon o datos.
Interbyu Pagbabasa ng magasin Panonood ng Telebisyon
o mga pahayagan
 IMPORMATIBO
•Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Ito
ang pagbibigay ng impormasyon o datos
sa paraang pasulat at pasalita.
Talaan ng Nilalaman Pagbibigay- ulat
IMAHINATIBO
• Ang Imahinatibo ay ang pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing
paraan.
• Halimbawa na dito ang pagbabasa ng mga nobela, napapalawak mo
ang imahinasyon mo sa pagbabasa dahil kahit binabasa mo lang ito
parang nakikita mo ang nangyayari na nakapaloob sa kwento.

• Ang imahinatibo hindi lamang sa nobela makikita o magagamit.


Maaari ring magamit ito sa mga tula, at maiikling katha at kung saan
pang pwedeng maipahayag ang imahinatibo.
• Komiks- Pedro Penduko- Komiks – Pedro , apoy, dwende, (imahinatibo)
•Ang pinakadiwa ng wika ay
panlipunan. Marami ang mga gamit
o tungkulin ang wika sa lipunan.
•Ang wika din ay isang sistema ng
pakikipag-ugnayan na nagbubuklod
sa mga tao. Hindi matatawaran ang
mahalagang gamit nito sa lipunan.
• Bawat indibidwal ay may sapat na
kakayahang magamit ang isang wika na
kailangang pagtuunan ng pansin upang
sanayin ang sarili sa bawat tungkulin.
• May mga pagkakataong kinakailangang
gamitin ang isang tungkulin sa isang
sitwasyon, at may pagkakataon din na
kailangang gamitin ang dalawa o higit pang
tungkuling pangwika sa isang sitwasyon.
Salamat!
• https://
www.youtube.com/watch?v=OqAQFyzRpfI
• https://
www.youtube.com/watch?v=HLKGhi-He1w
COHESIVE DEVICES
• Ang mga cohesive device ay maraming gamit tulad ng
pagpapaliwanag sa pagbibigay- halimbawa sa mga gamit ng wika sa
lipunan.
• Iba pang gamit ng cohesive device ay pagpapahayag ng pagdaragdag
na madalas Makita sa unahan ng pangungusap bagamat makikita rin
sa gitna ng pangungusap bilang pang- ugnay sa dalawang sugnay.
• Halimbawa: ganoon din, gayundin, at/at saka, bilang karagdagan,
dagdag pa rito/ riyan/ roon.
• May pagdaragdag din sa tulong ng at/ at saka, hindi lamang… pati na…
• Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan tulad ng maliban sa, sa mga,
kay, kina, bukod sa, sa mga, kay, kina.
• Pagpapahayag ng dahilan na resulta ng isang pangyayari o kaganapan
tulad ng kaya/ kaya naman, dahil/ dahil sa, sa mga, kay/ kina, pagkat/
sapagkat, dahil ditto, bunga nitoo.
• Pagpapahayag ng kondisyon na bunga ng kinalabasan tulad ng sana,
kung, kapag, sa sandaling, basta’t.
• Pagpapahayag ng taliwas/ salungatan/ contrast tulad ng pero, ngunit,
sa halip, kahit (na).
• Pagpapahayag ng di pagsang- ayon, pagsang- ayon at di- ganap na
pagsang- ayon tulad ng
• Kung gayon, kung ganoon, dahil ditto, samakatuwid, kung kaya.

You might also like