You are on page 1of 14

Presentasyon sa

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wikang
Kulturang Pilipino
Pangkat IV – Aralin 6
Pagbati at Pangangamusta
Magandang araw sa inyong lahat!
Kamusta kayo nitong mga nakaraang araw?
Sana’y mabuti ang lagay ninyo.
Handa na ba kayong harapin ang bagong aralin?
Halina’t Magbalik-aral
Ano nga ba ang wika?
Ano ang maitutulong sa atin ng wika?
at Ano ang simbolo ng wika sa ating bansa?
Layunin
Alamin Nauunawaan ang kahulugan ng
komunikatibong gamit ng wika
Ang presentasyon na ito ay ginawa upang sa lipunan.
makatulong na matutuhan ang tungkol sa Natutukoy ang mga gamit ng
Gamit ng Wika sa Lipunan at mabigyang wika sa lipunan na ginamit sa
pangungusap.
kahulugan ang mga komunikatibong gamit
ng wika sa lipunan. Nailalarawan ang tamang gamiit
ng wika sa lipunan bilang
instrument sa pag-unawa.

Matutunan ang gamit ng wika sa


bawat sitwasyon.
Sa pamamagitan ng talahanayan, tunghayan ang
mga gamit ng wika sa lipunan gamit ng
INSTRUMENTAL at REGULATORI.

PANG- INSTRUMENTAL PANREGULATORI


pakikitungo pagbibigay ng panuto
pangangalakal pagbibigay ng direksyon
pag-uutos paalala
pakikiusap paggabay
paggawa ng liham pagkontrol
Aralin Gamit ng Wika sa Lipunan
6 ( Instrumental at Regulatori )
Bawat indibidwal ay may sapat na
kakayahang magamit ang isang wika na
kailangang pagtuunan ng pansin upang
sanayin ang sarili sa bawat tungkulin. May
mga pagkakataong kinakailangang gamitin
ang isang tungkulin sa isang sitwasyon, at
may pagkakataon din na kailangang gamitin
ang dalawa o higit pang tungkuling
pangwika sa isang sitwasyon.
Tuklasin
Gamit ng Wika sa Lipunan ( Instrumental at Regulatori )
Ayon kay Halliday sa kaniyang Explorations in the Function of Language na inilathala
noong 1973, na ang mga tungkuling ginagampanan ng wika sa ating buhay ay
kinategorya. Ginagamit nang pasalita at pasulat ang nasabing tungkulin.
Pasalita man o pasulat, may kani-kaniyang gamit ang wika sa lipunan. Mahalaga ang
nasabing mga tungkulin o gamit ng wika sa epektibong pakikipagkomunikasyon.
Tunghayan ang mga gamit ng wika sa lipunan.
Instrumental
Ang Instrumental sa gamit ng wika ay ginagamit upang tumugon sa pangangailangan. Pangunahing
instrument ang wika upang makuha o matamo ng tao ang kanyang mga lunggati o pangangailangan.
Ang maayos at matalinong paggamit ng wika ay nagbubunga nang malawakang kaayusan sapagkat
hindi lamang nito nagagawang magpaunawa kundi pumukaw ng damdamin at kaisipan.
Halimbawa:

• Pakiabot mo naman ang folder na nasa ibabaw ng mesa.


• Maaari ko bang malaman kung gaano katagal bago matapos ang proyektong ito?
• Ano-anong departamento ang kailangan kong daanan bago makarating sa tanggapan ng kagalang-galang na
gobernador?
Regulatori
Ang Regulatori naman ay wika rin ang kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng tao. Sa maayos
at malumanay na gamit ng wika inilalahad ng mga magulang ang kanilang pangaral upang mapanuto
sa buhay ang kanilang mga anak. Obserbahan ang mga babala, karatula, o kautusan na malimit
makitang nakapaskil sa mga pampublikong lugar.
Halimbawa:

• Bawal pumitas ng bulaklak.


• Huwag gumamit ng ballpen sa pagsagot, gumamit ng lapis.
• Basahing mabuti ang pangungusap bago mangatuwiran.
• Bawal manigarilyo.
Pumili kung ang mga sumusunod ay
Subukin Instrumental o Regulatori
Natin
• “Bawal magtapon dito” REGULATORI

• Pakiabot mo naman ang cellphone na nasa ibabaw ng cabinet. INSTRUMENTAL

• Maaari ko bang malaman kung anong oras na? INSTRUMENTAL

• “Smoking Area” REGULATORI

• “Slow Down School Zone” REGULATORI

• Pakikisuyo sa kapatid na dalhin ang gamit niya sa kwarto. INSTRUMENTAL

• Paggawa ng resipi ng ulam. REGULATORI

• Pagbabasa ng mga karatula sa daan. REGULATORI

• Pagpapaalala ng ina sa mga anak na dapat makauwi ng tama sa oras REGULATORI

• Paglalagay ng mga babala sa daan. REGULATORI


Panuto: Basahin ang mga sumusunod.
Tayahin Sabihin kung ito ay fact o bluff.
Natin
• Ginagamit lamang ang wika nang pasalita. BLUFF
• Regulatori ay ginagamit upang tumugon sa pangangailangan. BLUFF

• BLUFF
Instrumental ang nagbibigay babala sa atin.
• Ang maayos at matalinong paggamit ng wika ay nagbubunga nang malawakang FACT
kaayusan.
• Ang mga tungkuling ginagampanan ng wika sa ating buhay ay kinategorya. FACT
BLUFF
• Ang mga panuto ng mga magulang sa anak ay masasabing instrumental.
FACT
• Maaaring gamitin nang pasalita man o pasulat ang wika.
FACT
• Regulatori ang kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng tao.
FACT
• Instrumental ang tumutugon sa ating pangangailangan.
FACT
• Explorations in the Functions of Language ay inilathala noong 1973.
Buod ng Aralin
Ang wikang instrumental, ay ang mga wika
na ginagamit ng isang tao para sa kanyang
sariling pangangailangan. Maaaring ito
ay nagbibigay ng tugon, pakiusap, at pag-uutos.
Ang wikang regulatori naman ay naglalayon
na kontrolin o baguhin ang ugali o asal ng
isang tao.
Ang mga wikang ito ay makakatulong upang
baguhin ang ugali ng isang tao o kaya naman
ay makakatulong sa pansariling
pangangailangan ng isang tao para sa araw-
araw na kanyang pamumuhay at pang araw-
araw na paggamit ng wika.

Ang pangkat IV ay binubuo nina;

VICEDO, STELLAH IRISH MISLANG, JAN GABRIEL ECLEO, NICOLE FUGADO, JOY
pinuno miyembro miyembro miyembro

FUENTES, JOHN ERICK MOJICA, EDGARDO MRS. THIEL PANARES


miyembro miyembro guro
Maraming Salamat!
pangkat IV
Komunikasyon at Pananaliksik
HUMSS 1 Fernando Amorsolo

You might also like