Professional Documents
Culture Documents
DISCIPLINE…ACCOUNTABILITY…PROFESSIONALISM…HUMILITY
NAUTICAL HIGHWAY PANGGULAYAN, PINAMALAYAN ORIENTAL MINDORO
HANDOUTS 1
Inahanda ang handout na ito upang higit na makilala at mapangalagaan ang mga
nilalaman ng asignaturang Filipino. Sa iyong pagbabasa, malalaman mo ang kahalagahan ng
pag-aral ng pagbasa at pagsulat kaugnay sa iba’t ibang disiplina.
Sahandout na ito, lalo mong hahangaan ang asignaturang Filipino. Aakayin ka ng handout na
ito sa pagiging isang mabuting mag-aaral sa tulong ng mga aralin at pagsusulit. Kaya naman,
ikaw katulad ng ibang kasinggulang mo ang may kakayahang maging pag-asa ng ating bansa
kung isasabuhay moa ng iyong mga natutunan.
LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;
• Mauunawaan at matutukoy ang batayang kaalamang pangwika;
• Makikilala ang batayang istruktura at hulwaran ng iba’t ibang genre ng teksto;
Alamin Natin!
Kahalagahan ng Pagsulat
• Mahalagang kasanayang pangkomunikasyon ang pagsulat sapagkat sa
pamamagitan nito ay nagkakaugnayan ang mga tao kahit na sila ay magkakalayo
ng lugar na kinalalagyan.
• Ito rin ang paraan upang maitala ang mga naganap nang pangyayaring
pangkasaysayan at nang mabasa at mabatid ng mga darating na henerasyon o
salinlahi. Sa gayon, nalalaman natin ang pinagmulan ng ating lahi, ang kanilang
mga karanasan, kaugalian at paniniwala na naging bahagi ng kulturang ating
kinagisnan.
• Nababasa natin ang mga kathang pampanitikang nalilikha sa bawat panahon sa
dahilang naisulat ang mga ito. Dahil sa naisulat ang mga kabatirang pansyensyang
natuklasan, nagkakaroon ng mga pagbabagong pangkabuhayan na naging daan
tungo kaunlarang pambansa tulad ng Pilipinas.
Alibata- Alpabetong ginagamit ng mga Pilipino noon bago pa dumating nag mga kastila.
• Nabago ang ating paraan ng pagsulat sa panahon ng Kastila mula nang ipasok sa ating
sistema ng komunikasyon ang alpabeto Romano. Natuto na tayong gumamit ng papel at
panulat na de tinta kaya naisulat na ang mga kathang pampanitikan at talang
pangkasaysayan noon. Bunga nito nabatid ng mga sumusunod na salinlahi ang
kadakilaan ng ating mga bayani at ang kayamanan ng panitikang Pilipino sa bawat
panahon.
Pananaliksik
Mahalagang papel ang ginagampanan ng pananaliksik sa pagtuklasng karunungan lalo
na sa larangan ng syensya. Pangunahing pangangailangan dito ay ang malawak at mapanuring
pagbabasa at mabisa o epektibong pagsusulat.
• Ang pananaliksik ay isang masistema at lohikal na pangangalap ng mga datos o
impormasyon tungo sa paglutas ng isang suliranin. Madalas gamitin ito sa pagtuklas ng
mga bagong kaalaman at katotohanan sa mga disiplinang tulad ng syensya, literature o
panitikan, kasaysayan at iba pa.
• Karaniwang ginagamit ang pananaliksik sa pagsulat ng tesis at paghahanda ng
pamanahong papel (term paper) bilang mga pangangailangan ng isang asignatura o
kursong pinag-aralan. Ginagamit din ang pananaliksik sa paghahanda ng ulat tungkol sa
isang paksa.
Anumang uri ng pananaliksik ang nais gawin, kailangan ang maingat na pagbabalak.
Narito ang mga hakbang na maaaring sundin:
1. Tiyakin ang layunin ng pananaliksik na isasagawa.
2. Alamin ang paraan na pananaliksik na angkop gamitin.
3. Magkaroon ng isang sistema ng pangangalap at pagtatala ng mga datos na nalikom.
4. Ayusin ang mga datos at bigyang-kahulugan ang mga ito.
5. Lagumin ang kinalabasan ng pagpapakahulugan sa mga datos at buuin ang kongklusyon
o paglalahat. Ito ang magpapatunay kung natamo ang layunin ng pananaliksik. Sa
maikling salita, ito ang kasagutan sa problemang nais lutasin.
May tatlong karaniwang uri ng pananaliksik na maaaring gamitin:
1. Palarawan- Nilalayon nitong suriin at alamin ang isang umiiral na kalagayan, gawain o
sitwasyon.
2. Eksperimental- Tuklasin ang katotohanan ang layunin ng ganitong uri ng pananaliksik
sa pamamagitan ng pagsubok o eksperimento.
3. Pangkasaysayan o Historikal- Ito ang pagbakas sa mga pangyayaring naganap sa
nakaraang panahon o henerasyon upang alamin ang mga pagbabagong naganap at kung
paano nakatulong ang mga ito sa pag-unlad ng tao o ng bansa.
Dapat munang maging malinaw sa atin ang kahulugan ng teksto bago tuluyan nating
makilala ang batayang istruktura o kayarian at huwaran o modelo ng iba't ibang genre nito.
Sa isang artikulo ni Willie Van Peer na pinamagatang "How to Do Things with Texts:
Towards A Pragmatic Foundation for the Teaching of Texts" na nalathala sa aklat na Reading,
Analyzing, and Teaching Literature na inedit ni Mick Short (1989), limang kahulugan ng teksto
ang kanyang inilahad:
1. Ang teksto ay tala. Ang ibig sabihin nito, ang teksto ay naisulat na saksi sa iba t ibang
pangyayaring nagaganap sa tunay na buhay.
2. Ang teksto ay literari. Sa kahulugang ito, ang teksto ay produkto ng mga manunulat na
kilala at di-kilala na naipreserba ng lipunan dahil sa taglay nitong katangiang
panliterari, halagang moral at sa iba pang mga dahilan.
Sagutin ang mga katanungan. Sumulat ng 2 talata upang ipaliwanag ang mga
sumusunod.
Pagsasanay II
Narito ang talaan ng ilang problema sa bansa. Mabigay ng 2 solusyon para rito.
Isulat sa papel ang kasagutan.
Problema Solusyon
1. Basura
2. Pagbaha
3. Pagtaas ng halaga ng bilihin
4. Katiwalian sa gobyerno
5. Trapik
Pagsasanay III
Ang 1. _________________________________________________________________________________
Si 2. ___________________________________________________________________________________
Sina 3. _________________________________________________________________________________
Ng 4. ___________________________________________________________________________________
Sa 5._____________________________________________________________________________________
Kay 6. __________________________________________________________________________________