You are on page 1of 27

ANG PAGTUTURO NG

PANITIKAN

Group 6

Marissa D. Bandales
Michelle M. Sarte

Clint Josua P. Manlogon

William E. Loreto

Jeffre D. Labrador
Layunin:
Matalakay ang kahulugan ng panitikan
Matukoy ang aspekto ng takdang pampanitikan
Matuto ng mga proseso at pag-aaral ng Panitikan
Matuto ng ibat ibang paraan sa pagiging
intelektwalisado.
Panitikan
• Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan,mga
damdamin, mga karanasan,hangarin at diwa ng mga tao at ito rin
ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o
tuluyan at patula.
• Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang pang titik an na
kung saan ang unlaping “pang”ay ginagamit at hulaping “an” at sa
salitang titik naman ay nangangahulugang literature (literature).
Na ang literature ay galing sa latin na litterana na nangangahulugang
titik.
Ang Pagtuturo ng Panitikan
May malaking bagay na nagagawa ang paraan ng pag aaral at
pagtuturo ng panitikan sa ating mga paaralan.hinayaan nating
magdaos ng paligsahan ang mga mag-aaral sa pagsasaulo ng
nilalaman ng panitikan. Naging maluwag tayo sa pagsasabing
“magalingg sa” sinumang makasasagot sa mga tanung na ang simula
ay sino,ano,alin,kalian,saan tungkol sa itinakdang aralin sa
panitikan. (badayos, 1998).
Dalawang Uri ng Panitikan

• Patula ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pag sasamasama ng


maaanyong salita sa mga taludtodna may sukat at bilang ng mga
pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa
bawat saknong .kabilang ditto ang mga sumusunod: tulang
liriko,tulang pasalaysay,tulang pang tanghalan at tulang patnigan.
• Tuluyan o Prosa ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang
pagsasamasama ng mga salita sa mga pangungusap hindi limitado
o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may akda.
Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikang
Pilipino

• Upang makilala ang kalinangang Pilipino.

• Upang matalos natin na tayo ay may marangal at dakilang


tradisyon.
• Upangmabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at
makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.
• Upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at
mapagsikapang ito ay mapabuti at mapaunlad.
• Bilang mga pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating
sariling kultura ay dapat nating pag-aralan ang ating panitikan.
Aspekto ng Akdang Pampanitikan
Ang akdang pampanitikan ay tumutukoy sa mga akda o mga sulatin
katulad ng mga tula, maikling kwento, pabula, parabula, epiko,
alamat, sanaysay, talumpati at marami pang iba. Ito rin ay
nagsasalaysay ng kaalaman, damdamin, kultura, at mga ideya nga
mga tao.
Halimbawa ng Akdang Pampanitikan

Maikling Kwento
Ang maikling kwento
ay isa sa mga anyo ng
panitikan. Ito ay maiksing
salaysay na naglalaman ng
isang kwentong may
mahalagang pangyayari.
Epiko
Ang epiko ay isang
tulang nag kukwento ng
kabayanihan ng
pangunahing tauhan. Bukod
dito, ang ang pangunahing
tauhan ay mayroong mga
katangian na higit pa sa
ordinaryong tao.
Pabula
Ang mga pabula ay
mga kwento na kung saan
ang mga pangunahing
tauhan ay mga hayop.
Ngunit, ang mga
pangyayari sa kwento ay
nasasalamin sa totoong
buhay.
Nobela
Ang nobela ay
isang mahabang likhang
sining na nagpapakita ng
mga pangyayariing
pinagdikit sa
pamamagitian ng
balangkas.
• Salawikain
Isa sa mga itinuturo sa
mga mag-aaral sa
elementarya ay ang
mga salawikain o mga
kasabihan na
mapupulotan ng aral.
Sa katunayan,
maraming bata ang
mahilig kabisahin ang
mga ito.
Parabula
Ang parabula o
talinghaga ay mga
maikling kuwento na
galing sa bibliya na
kung saan ang mga
importanteng aral ay
makukuha.
Mito
Ang mga mitolohiyang
Pilipino ay mga
paniniwala na mula sa
panahon bago pa dumating
ang mga Espanyol at
ipinakilala ang
Kristyanismo.
Kwentong–Bayan
Ito ang mga alamat,
mito, parabula, o
pabula na matatagpuan
sa ating bansa.
Anekdota
Ito ay isang uri ng
akdang tuluyan na
tumatalakay sa nakakatawa o
kakaibang pangyayari o
insidente.
Haiku
Ang Haiku ay isang uri ng
panunulat na nagmula sa
bansang Japan. Ito ay
pwedeng i hambing sa
“tanaga” o maikling tulang
Pilipino. Ngunit, iba yung
pamamaraan ng pagsulat nito
Proseso at Pag-aaral ng Panitikan

Paglalarawan
Maaaring maipahayag ng mag-aaral sa sariling pangungusap,pasalita o
pasulat man ang tungkol sa kanilang bansa.
Interpretasyon o Pagsusuri
Masusing ipinapaliwanag at pinangngatwiran ngmga mag-aaral ang temang
nais ibahagi ng may-akda sa kanyang mambabasa.
Pagtatangi
napag-uuri ngmag-aaral ang mga seksyong binasa, halimbawa,
pagkilala ng genre, pagkilala sa may-akda, at pagtukoy sa kaisipan o
tema ng binasang akda.

Pag-uugnay
Nagagawa ngmag-aaral na maiugnay ang mga sangkap na
ginamit sa isang akda.
Paglalahat,
 Maaaring mailapat n mag-aaral ang kanyangnatutuhan mula sa akda sa
pagbabasa ng iba pang akda. Kagaya rin ito ng paglalapatang mga kasanayang
natutuhan sa panitikang Filipino sa pag-aaral ng panitikang Ingles,maging ito’y
sanaysay, maikling kuwento, tula, nobela o dula.
Pagpapahalaga
 Karaniwang ginagawa pagkatapos basahin ang akda.Subalit hindi ito tuwirang
itinuturo. Lilitaw at lilitaw ito dahil punong-puno sapagpapahalaga ang
panitikan, maaring kaugnay rin ito ng Pagtataya.
Kahalagahan sa Pagiging Intelektwalisado.
Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga estudyante ay ito ay isang
mahalagang salik ang wika sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at
angkop na paggamit ng wika, nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang
kumuha at makapagbahagi ng kaalaman, ng ating mga mithi at nararamdaman.
Sa bawat aspekto ng ating pag-iral ay gumagamit tayo ng wika kapag
nagpapalitan ng mga sikreto sa pagitan ng ating malalapit na kaibigan, kapag
sumasagot sa klase o nagsusulat ng iba't ibang term paper, sa mga oras ng
review para sa eksamen, lahat ay gumagamit ng wika. Dito nakasalalay ang
epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao.
Ngunit gaya nga ng nabanggit kanina, kailangang hasain ang wika sa isang
kaukulang lebel upang magamit ito nang maayos. Kaya naman may mga kurso
tayo sa grammar o balarila, at sa literature o panitikan. Sa pamamagitan ng mga
kursong ito, lumalawak ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa paggamit
ng iba't ibang mga salita upang makamit nila ang kanilang mga nais gawin. May
matibay na relasyon ang pagbabasa at pagsusulat, sapagkat hindi maaaring
umiral ang isa kung wala ang isa pa. Habang umuunlad ang ating kakayahan sa
pagbabasa ay inaasahang umuunlad din ang ating kakayahan sa pagsusulat.
Ginagamit rin ang wikang Filipino upang mas lalo pang nagbubuklod buklod
ang bawat isa sa ating bansa.
Sa aking palagay, kinakailangang pag-aralan nang mabuti ang
proseso ng intelektuwalisasyon bago pa man ito isagawa. Kailangan ding
maintindihan ng mga tao na ang ating wika ay hindi unibersal tulad ng
wikang Ingles. Maisalin man natin ang lahat ng salita sa Filipino, hindi
pa rin ito magiging dahilan upang gamitin ng lahat, lalo pa’t pag-aralan
ng ibang tao mula sa ibang bansa. Hindi nito masisiguro na ito’y
gagamitin sa pang-araw-araw na buhay. Bukod pa rito, hindi rin ito
magiging madaling proseso kung ito’y ituturo sa mga mamamayan. Sa
kabilang banda, dapat din ay bigyang pansin at pagkakataon ang mga
nais magtaguyod ng pag-intelektuwalisa ng wikang Filipino.
Mataas ang respeto ko sa kanila dahil bagama’t mahirap ang kanilang
mga nais mangyari ay hindi ito nagiging hadlang upang silay’y
magpatuloy. Kung mabibigyan sila ng pagkakataon ay marahil
maintindihan din kung bakit hindi kinakailangang iintelektuwalisa ang
wikang Filipino sa bawat larangan. Bukod sa hindi magiging simple ay
hindi rin ito ang tanging paraan upang itaguyod ang sariling wika. Ang
intelektuwalisasyon ng Filipino ay hindi imposible, ngunit sa ating
panahon ngayon, hindi rin ito lubusang magagamit. Bukod pa rito ay
hindi na rin mapapalitan ang katotohanang Ingles pa rin ang unibersal
na wika.
Salamat 
Group 6

Marissa D. Bandales
Michelle M. Sarte

Clint Josua P. Manlogon

William E. Loreto

Jeffre D. Labrador

You might also like