You are on page 1of 2

Antas ng Wika

Layunin
1. Natutukoy ang kahulugan ang bawat antas ng wika.
2. Napapaunlad at napapahalagahan ang bawat antas ng wika.
3. Naibabahagi ang mga natutunan sa aralin tungkol sa mga antas ng wika.
Ano nga ba ang wika?
Wika - galing sa tribong Malay
- bahagi ng pakikipagtalastasan
- lingwahe ( mula sa salitang Latin na lingua na ang ibig sabihin ay dila)
ay isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa parang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. ( Henry Gleason)
Mga Antas ng Wika
A. Pormal - wikang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami
lalo na ng mga nakapag - aral ng wika.
Pambansa - salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangika sa lahat ng mga paaralan.
( wikang panturo)
Pampanitikan - salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito
din ang mga salitang matatayog, malalalim, makukulay at masining.
B. Impormal - salitang karaniwan, palasak at ginagamit sa pang araw-araw na
pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan. Mula sa pagsilang sa isang tao meron na tayong
unang salitang natutunan.
1.Lalawiganin - ginagamit ang mga ito sa mga partikukar na pook o
lalawigan lamang. Naaayon ang wikang ginagamit ng isang indibidwal depende sa lugar na
kanyang tinitirhan. Ang bawat probinsya o rehiyon ay may sariling wika o lingwahe na kanilang
ginagamit.
Halimbawa : Daghan ( cebu)
Hamok ( surigao)
2. Kolokyal - mga salitang pinapaikli na ginagamit sa pang araw - araw na pangungusap, ito rin
ay may kagaspangan ng kaunti.
Halimbawa : kelan ( kailan)
Pa'no ( Paano)
3. Balbal - islang kung sa ingles. Ginagamit ng mga pangkat - pangkat upang magkaroon ng
sariling codes. Ito rin ang tinatawag na kantong salita ng mga teenager.
Halimbawa : Chaka ( pangit)
Ermat ( Ina)
Pepa ( maganda)
Mga Akdang Pampanitikan
1. Alamat - isang uri ng pampanitikan ang nagkukukwento tungkol sa pinagmulan ng mga
bagay- bagay sa daigdig.
2. Anekdota - isang uri ng may akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatuwang
pangyayaring naganap sa buhay ng isang kakilala, sikat o tanyag na tao.
3. Nobela - o kathambuhay, ay isang mahabang kwentong piksyon na binubuo ng ibat - ibang
kabanata.
4. Pabula - isang uri ng panitikan na kathang isip lamang na kung saan mga hayop o di kayay
mga bagay na walang buhay ang gumaganap na mga tauhan.
5. Parabula - o talinghaga ay isang mailing kwentong may aral na kalimitang hinango sa bibliya.
6. Maikling - kwento - isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon lamang.
7. Dula - isang uri ng pampanitikan na tinatanghal sa teatro.
8. Sanaysay - isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng mga kuro- kuro ng may
akda.
9. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao
hango sa tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
10. Talumpati - isang buod na kaisipan ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado.
11. Balita - mga pahayag na nangyari sa loob at labas ng bansa.
12. Kwentong - bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang isip ng mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan.
13. Salawikain - ay mga maiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong
magbigay patnubay sa ating pang araw - araw na pamumuhay.
Kasabihan - kawikaing nagsasaad ng ating karanasan.
14. Epiko - tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban
sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di -
kapani paniwala.
15. Bugtong - pahulaan o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong
kahulugan na nilulutas bilang palaisipan.

Panglalahat :
Sa pagtatapos ng araling ito nalaman natin kung gaano kahalaga ang wika at kung ano ang mga
nakapaloob dito.Nalaman natin na ang wika ay may mga antas , at natukoy natin kung ano ang
kahalagahan ng bawat isa nito. Sa pamamagitan ng araling ito, matutukoy o malalaman natin
ang lahat ng ating mga makakasalamuha at ang kanilang mga pinagmulan at pagkakilanlan. Sa
tulong ng aralin , nalaman din natin kung ano- ano ang mga akdang pampanitikan na
nakapaloob o meron ang ating wika. At dahil dito nagkaroon tayo ng mga panibagong kaalaman
at mga impormasyon na makatutulong sa atin. Ang lahat ng ating mga natutunan hinggil sa mga
antas ng wika at ng mga akdang pampanitikan na nakapaloob dito ay makatutulong upang mas
mapalawak pa natin ang ating mga isipan at tatatak sa atin na ang wika ay napakahalaga lalo na
ang bawat antas nito, sapagkat dito natin matutukoy kung ano at sino ang ating mga
nakakasalamuha araw - araw, ang ating mga natutunan ay maibabahagi pa natin sa mga
susunod pang henerasyon.
Reperensiya:
Antas ng wika https: wwwscribd.com
Https://komunikasyon sa Akademikong Filipino Nina M.Z Palazo

You might also like