You are on page 1of 3

Ang Aking Talambuhay

Isinulat ni Belen Liquido


Ako si Belen Liquido, isinilang sa Ladgaron. Dalawa kaming magkapatid at ako ang bunso. Ang aking mga
magulang ay sina Arlene Liquido at Bebencio Cabangunay na sa ngayon ay kumakabilang buhay na. Dalawang
taon pa lamang ako ay namatay na ang aking Ama kaya lumaki akong walang Ama at ni hindi man lamang ako
nakakita sa kanya. Tanging ang aking Ina na lamang ang bumubuhay sa amin at sa mahabang panahon ay nag-
asawa ulit siya at may dalawa ulit akong kapatid. Mahirap lang ang buhay kaya nagsumikap akong mag-aral.
Nagtapos ako ng aking Elementarya sa Ladgaron. Nagtapos naman ako ng aking Sekondarya sa Mataas na
Paaralan ng Claver. At ngayon sa tulong at awa ng Dios ay nag-aaral ako sa tersyarya sa Claver Surigao Stage
College na kumukuha ng Bachelor of Secondary Education Mayorya sa Filipino na nasa pangalawang antas na
ng baitang.
Dahil sa hirap ng buhay at nakita kung sapat lang ang kinikita ng aking Ina sa pagtra-trabaho at may dalawa
pa akong kapatid maliliit pa ay naisipan kung maging “working student” nagsusumikap para sa kagustuhan
kong maka-ahon sa hirap ng buhay at ma abot ang aking minimithi sa buhay. Marami akong gusto sa buhay na
dapat kung pagsisikapan at una ay maiparanas ko sa aking Ina ang magkaroon ng magandang buhay loobin
nawa ng dios.
Hanggang ngayon ay patuloy parin sa buhay at pangarap. Makita ko lamang na masaya ang aking pamilya
ay mas nagiging masaya na rin ako. At dahil nandito ako sa mundong walang kabuluhan hindi maiiwasan ang
mga problema at pagsubok. Sa kabila ng lahat sa tulong at awa ng Dios ay laking pasalamat ko at hindi niya ako
pinabayaan. Nagkaroon ako ng lakas ng loob. Hindi ang kahirapan ang magiging hadlang upang magpatuloy sa
buhay at naniniwala ako loobin ng Dios Ama ay magkaroon ako ng magandang buhay.

“Ang Aking Talambuhay”


(Jinky M. Muro)
Ako si Jinky M. Muro, ipinanganak sa barangay Suyangan, Siargao, Surigao del Norte. Ako ay ipinanganak
noong 14 ng Enero 1988. Ang aking magulang ay sina Rechie Gida Dingding at Jovena Sumaylo Dingding.
Ako ay may walong kapatid apat na babae at apat na lalaki. Namatay na ang dalawa kong babaing kapatid.
Noong ako ay bata pa nakaramdam ako ng kaginhawaan. Nabibili ko ang mga nais kong bihin at gustuhin.
Masaya at masagana ang aming pamumuhay kahit ito ay simple lamang doon sa katonggan o nipa farm. Ang
trabaho ng aking ama ay gumawa ng native wine at ang paggawa ng nipa (pawod). Kaagapay ng aking ama ang
aking ina. Ika-19 ng Disyembre nang ipinanganak ng aking ina ang aking pangalawang kapatid. Maganda at
masagana parin ang aming pamumuhay. Ngunit dumating din ang panahon na aking kinatatakutan. Laging
lasing ang aking ama tuwing uuwi siya sa amin galing sa kanilang lugar kung saan siya lumaki. Minsan iniiwan
niya kami ng walang makain. Nagsimula ng pumait ang aming buhay. Lagi silang nag-aaway ng aking ina.
Isang araw binisita kami sa aking lolo, ama ng aking tatay. Hindi ko alintana kung ano ang puno’t dulo ng
kanilang pagtatalo. Hanggang nakita ko na lamang nang ilaba ng aking lolo ang kanyang itak at ang itak ng
aking ama. Ako’y nagimbal sa aking kinatatayuan na parang ako ay naging yelo na hindi makagalaw. Tanging
nagawa ko na lamang ay ang umiyak ng malakas ng makita nila ako ay nagsitigil na sila. Napagdesisyunan ng
aking ama na umalis na lamang.
Pumunta kami sa lugar ng kapatid ng nanay ko sa Trento, Agusan del Sur. Doon naranasan naming ang
kumain ng mais. Itinaguyod kami doon ng aking ama’t ina sa pananakahan. Makalipas ang ilang buwan
nagkasakit ako hindi nila ako madala-dala sa hospital. Umuwi ang aking ama sa Claver. Iniwan muna kami ng
aking kapatid at ina sa Trento. Ika-19 ng Disyembre 2006, ipinanganak ng aking ina ang pangatlo kong kapatid.
Bumalik ang aking ama makalipas ang ilang linggo galing sa panganganak ng aking ina.
Kinuha lamang ako ng aking ama at ang aking pangalawang kapatid at isinama muli kami sa Claver naiwan
naming doon ang aking ina at ang sanggol kong kapatid. Labis ang lungkot ang aking nadarama. Iyon ang
kaunaunahang pagkakataon na malayo ako sa aking ina.
Lumipas ang ilang buwan bumalik ang aking ina sa Claver dala niya ang aking kapatid. Nanirahan kami sa
bahay ng aking lolo’t lola ng mahabang panahon. Ngunit napagdesisyunan ng aking ama na guamawa ng maliit
na bahay sa likuran. Bumuklod kami hanggang sa dumami na kami. Labas na hirap ang aking naranasan
hanggang ngayon na ako ay nasa kolehiyo na.
TEMA: Kagitingan Gawing Gabay, Pandemya ay Matatagumpayan
Isinulat ni Mary Mae P. Baradillo

Magandang araw sa inyong lahat, ako po si Bb. Mary Mae P. Baradillo narito ako upang ibahagi ang aking
talumpati patungkol sa “Kagitingan ay gabay, Pandemya ay malalagpasan”.
Marami na tayong unos na nadaraanan ngunit lahat ng ito ay ating nalampasan. Kagitingan ng isang tao ay
mahalaga upang magsilbing gabay na tayo ay tumibay lalong-lalo na sa panahon ngayon na may
pandemya,kailangan natin maging matapang , magtiwala at manalig sa poong maykapal na sana ang lahat ay
hihilom, ang pandemya ay isang malaking bagyo na dumating sa ating buhay na kung saan tila nagbago ang
lahat, nagbago ang sitwasyon natin ngayon, katulad ng hindi tayo makakalabas ng bahay kung walang suot na
face mask, hindi na natin makikita ang mga kamag-anak natin dahil sa bawal ang pagtitipon at pag-alis dahil
posibleng makahawa tayo sa mga tao o tayo ang mahahawaan , hindi na tayo nakapagdiriwang ng mga pista na
kung saan ito ang ating kultura, higit sa lahat hindi na nakapasok sa paaralan ang mga estudyante dahil sa
pandemyang ito, kaya masasabi kong malaki ang pagbabago sa ating bansa na kung saan tayo ay nahihirapan.
Dapat nating ihanda ang ating mga sarili na tanggapin ang bakunang Covid-19. ‘Wag tayong maniniwala sa
mga haka-haka at di makatutuhanang balita. Dapat tayong maging mapagpasalamat sa mga taong nagbuhis ng
buhay lalong lalo na sa mga nurses,doctor at sundalo na isinasantabi nila ang kanilang obligasyon sa pamilya
mas ginahampanan pa nila ang kanilang trabaho kaysa responsibilidad sa kanilang pamilya.
Ang kagitingan ang magsilbing gabay at sandata upang malalampasan natin ang pandemyang ito, manalig
tayo,maging matapang tayo sa anumang hamon ng buhay, dahil ang buhay ng tao ay hindi nawawalan ng
problema hangga’t nabubuhay tayo dahil lagi tayong sinusubok upang masukat kung anong kaya mong gawin
upang malampsan ito,manalig tayo sa Diyos ,magtiwala tayo sa kaniya at hihilom din ang lahat ,mabibigyan rin
tayo ng kalayaan , ang pandemya ay malalagpasan natin sa pamamgitan ng pagtitiwala sa Diyos at sa pagiging
matapang natin na harapin ang mga problemang ito.
Maging mapagmatyag, mapagpanuri tayo sa ating palibut lalong lalo na sa mga haka-haka at mga balita na
walang katutuhanan. Lagi nating isapusot isipan na ang mga opisyales ng gobyerno ay laging inu una ang ating
kapakanan at kalusugan. Kayat hikayatin natin ang ating mga nasasakupang pilipino na wag matakot
magpabakuna dahil ito ay para rin lang naman sa ating kaligtasan.

TEMA: "Kagitingan ay Gawing Gabay, Pandemya ay Mapagtagumpayan"


Isinulat ni Judaleen B. Bayogbog

'Araw ng Kagitingan' ay atin ngayong ipinagdiriwang at batay sa aking nalalaman, ito'y paggunita sa
kabayanihang ipinamalas sa atin ng kapwa sundalong Amerikano’t Pilipino sa panahon ng Ikalawang Digmaan.
Kung ating babalik tanawin ang kasaysayan sa panahon na aking nabanggit, ang Bataan Death March ang
isa sa mga nakakahindik, nakakasindak at nakakadurog pusong pangyayaring sinapit ng ating mga Pilipino at
Amerikanong sundalo mula sa  kabagsikan ng sundalong Hapones.
Isiping ang mga sumukong sugatan at gutom na mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay pilitang pinalakad
ng animnapu't limang milya mula Mariveles hanggang sa timog na dulo ng Bataan Peninsula, hanggang sa San
Fernando. Hindi ba't ito'y kabagsikan at pagkakaroon ng pusong bato na mga sundalong Hapones!
Tanong ko sa inyo, minsan ba'y sumagi sa inyong isipan kung bakit kailangan pang sumuko ng ating mga
sundalo sa panahong iyon kung pwede naman silang magtungo sa ating mga kabundukan at doon magtago at
magpalakas uli ng pwersa? Hindi ba't kapag ganoon, pagkamaan mababa lamang ang porsyento ng malalagas na
buhay ng ating mga sundalo at maiiwasan pa nila ang nakaka agaw buhay na parusa ng mga sundalong
Hapones. 
Ngunit bakit kaya hindi nila iyon ginawa at sumuko na lamang mismo sa mga kalaban? Ito'y dahil ba sa
kawalan ng pag-asa mula sa kanilang inaasahang taong tutulong sa kanila kung kaya't ninanais na lamang nilang
mahulog sa mga kamay ng mga kaaway?
Sa teleseryeng Encantadia, mayroong isang serye roon na kung saan sa loob ng pamumuno ni Amihan
bilang reyna ng Lireo, ang lahat ng mga encantadong panig sa kanya ay nahaharap sa isang napakahirap na
sitwasyon at nagtatago sa kalaban nilang si Hagorn na mayroong mga kawal o alagad na Hadezar ngunit sa
kabila ng lahat si Sanggre Danaya, ang bunsong kapatid ng reyna ay nagpamalas ng katapangan at nagwika na
hindi sa lahat ng pagkakataon ay tatakbuhan nila ang mga kalaban at ang panganib na hatid nito at talagang
nagpatibay sa hangarin ng reyna na iligtas ang kanyang kapwa encantada kung kaya't sa kahulihan ng seryeng
iyon, sumukong lumalaban at nagbuhis ng buhay si Amihan sa hangaring maililigtas niya ang kanilang mundo,
ang Encantadia. 
Kung inyong napansin, hindi ba't may pagkakapareho ito sa naging pasya ng ating mga sundalong sumuko
at pilit na nakikipaglaban sa hirap na ipinapadanas sa kanila ng mga sundalong Hapon, nilabanan nila ang
nadaramang sakit buhat ng kanilang mga natamong sugat, pagkagutom at pagkauhaw.
Sa inyong palagay, anong katangian ba ang ipinapakita nito sa atin at siyang binigyang halaga ng ating
pamahalaan? Oo, ang kanilang kabayanihang ipinamalas ay nagpapakita ng kagitingan, kung kaya tuwing
buwan ng Abril ay ginugunita natin ang Araw ng Kagitingan. 
Ngayon, anong kaugnayan ng kagitingan ng isang tao sa problemang kinakaharap ng ating bansa sa
kasalukuyan? Mainam ba ito at nararapat na taglayin ng mga Pilipinong kagaya ko o di kaya'y nakakatulong ba
ito na gawing isang nakaraang karanasan ang pandemyang nagpapahirap sa buhay ko ngayon, sa buhay nating
lahat?
Ang salitang kagitingan ay nangangahulugan ng pagpapakita ng angking katapangan ng isang tao sa
hangaring mapagtagumpayan ang kanyang ninanais na makamit. Sa sitwasyong mayroon tayo ngayon, hindi
maipagkakaila na may isang hangarin tayong ipinagdarasal na sana'y isang araw ay atin nang makamit ngunit
ano nga bang hangarin ito? Ito ba'y pagkakaroon ng maraming pera, malinamnam na pagkain, maririkit na
kasuotan at alahas at magagarang bahay at kotse? Anong sa tingin ninyo?
Kung ang mga kabataan ang aking tatanungin, nakakasigurado akong tungkol sa K-pop, K-drama, at online
games ang kanilang mga hangarin sa panahong ito. Halimbawa ang  makita sa personal ang mga sikat na K-pop
group tulad ng BTS at Blackpink, maka-love in tandem ang mga nagkikisigang aktor sa mga sikat na K-drama o
di kaya'y ang maging kampeon ng mga patimpalak sa online games. Nako! Huwag ninyong ikakagalit sapagkat
ako'y nagbibiro lamang sapagkat ang mga kabataan ngayon ay iisa ang hangarin sa ating mga nakakatanda.
Tama ba ako?
Ang mapuksa ang nakamamatay na sakit na tinawag nating COVID 19 ang isang pinakanatatanging
hangarin nating mga Pilipino. Hindi lamang isang daan, isang libo o kayang sampung libo ang nagdusa at
binawian ng buhay ng sakit na ito kundi libo-libong Pilipino. 
Bukod pa riyan, ang mga kapwa Pilipino nating mula sa mababang antas ng lipunan ay lubos na naghihirap
at kahit sabihin na nating sila'y hindi pinabayaan ng ating pamahalaan ay masasabi kong hindi iyun sapat
sapagkat marami pa ring Pilipino ang nawalan ng trabaho at ngayo'y nagugutom at ang mas malala pa ay sa
kabila ng kinakaharap natin ngayon.
Kailan lang dumating ang inaasahan nating lunas upang mapuksa ang COVID 19 at nang mawakasan na
ang pandemya ngunit bakit iilan lang sa ating mga Pilipino ang naglakas loob na tanggapin ang lunas na
pinaghirapan ng ating pamahalaan? Sapagkat ito ba ay nakakamatay ayon sa ating mga narinig, nakita at nabasa
mula sa internet at mga taong nakapaligid atin?  Mga kapwa ko Pilipino, huwag tayong mangamba at patatagin
pa ang ating pananampalataya sa ating Panginoong Maylikha. Inuulit ko huwag tayong mangamba at patatagin
pa ang ating pananampalataya sa ating Panginoong Maylikha.
Kagitingan ng nakararami ang siyang nagpapalakas loob ng iilan at ang ating kagitingan ang magliligtas sa
atin laban sa COVID 19, sa pandemyang kinakaharap natin. Hahayaan na lang ba nating lumabang mag-isa ang
ating mga magigiting na mga frontliners na isalba ang buhay ng nakararaming Pilipinong nagdurusa? Tayo'y
uupo, manonood saka pagkaraan ay ngangawa na lamang ba? Walang mangyayari at kailanman hindi natin
makakamtan ang ating hangaring makawala sa pagpapahirap sa atin ng sakit na COVID 19 kung hindi tayo
magpapamalas ng kagitingan!
Isang kagitingan ang agarang pakikilahok sa pamahalaan at sa ahensya ng pangkalusugan. Sama-samang
pawiin natin ang nararamdamang takot at pangamba sa ating mga puso. Ang bansa natin ay marami ng
pinagdaanan at ito'y nababahiran ng masasaya at masasakit na karanasan at hindi lingid sa ating kaalaman na
maraming mga ninuno nating Pilipino ang nagpamalas ng kabayanihan kung kaya bakit hindi rin natin silang
gawing maging isang mabuting halimbawa?
Hindi malulutas ang problema kung hindi tayo kikilos kung kaya halina't tumayo at maging magiting na
Pilipino ng bansang Pilipinas!

You might also like