You are on page 1of 4

Judaleen B.

Bayogbog Iskor

BSED – Filipino 2A Mayo 21, 2021

Cluster 1 : Valeriano Hernandez Pena

PAMAGAT NG NOBELA:

Pinamagatang “Nena at Neneng” ang nobelang ito sapagka nakasentro ang kwento
tungkol sa buhay at pagdurusa ng dalawang matalik na magkaibigang kapwa sinubok ng
kapalaran.

MAY-AKDA:

Valeriano Hernandez Peña

Si Valeriano Hernandez Peñ a (ang Peñ a ay apelyido ng kanyang ina) ay isinilang sa


nayon ng San Jose, Bulakan noong Disyembre 12, 1858. Siya ay bunsong anak nina Marcos
Hernandez at Dominga dela Peñ a. Ang kanyang ama ay isang platero, at ang hanapbuhay na
ito ang kanyang ginamit upang maitawid ang kanyang pamilya sa pang-araw-araw na
pangangailangan.

Nagsimulang mag-aral si Tandang Anong (ito ang tawag sa kanya ng mga


kasamahang manunulat sa Muling Pagsilang) ng Kartilya at ang kanyang naging guro ay
ang kanilang kapit-bahay na si G. Marcelino Nuque. Sa murang edad na sampu ay nakitaan
na siya ng pagkahilig sa pagbabasa at pagsusulat.

Sa nayon ng Matungao, Bulakan, Bulakan ginugol ni Tandang Anong ang malaking


bahagi ng kanyang kamusmusan sa piling ng mga kababatang sina Gregorio Santillan (ama
ng mga manunulat na sina Dr. Jose Santillan at Dr. Pura Santillan-Castrence), Benito dela
Peñ a, at Mariano Cristobal.

Nagsimula siyang mamasukan bilang kawani ng isang Kapitan Alvarez sa gulang na


labindalawa matapos pumanaw ang kaniyang ama. Nagsilbi rin siyang kawani ng husgado.
Nakasal siya kay Victoria Laktaw, isang taga-Matungao sa gulang na 45, subalit ang mag-
asawa ay hindi pinalad na mabiyayaan ng anak.

Nagsimula siyang sumulat sa pahayagang El Renacimiento Filipino (Muling


Pagsilang) na pinamatnugutan ni Jose Palma at sa pahayagang Taliba kung saan inilathala
ang kanyang pitak na Buhay Maynila na nasalin kay Huseng Batute matapos na siya ay
pumanaw. Sa mga pahayagang ito nakilala ang kanyang angking husay sa pagsulat. Maliban
sa mga tula, sumulat din siya ng mga nobelang inilabas ng serye sa Seccion Tagala ng
Muling Pagsilang. Dito iniluwal ang kanyang mga unang nobela na sa kalaunan ay naging
panulukang bato ng mga akdang prosa ng mga sumunod na panahon.

Inihambing si Tandang Anong ni Bb. Mona P. Highley, propesora ng Kagawaran ng


Ingles sa Pamantasan ng Pilipinas sa mandudulang Ingles na si Shakespeare. Sila ay kapwa
tagahawan ng kani-kanilang panitikang kinabibilangan. Na mula sa Edad Media ay
ipinakilala ni Shakespeare ang isang bagong anyo ng panitikan, gayon din naman ginamit ni
Tandang Anong ang isa bagong anyo sa panahong ang Tagalog ay hindi gaanong ginagamit
dahil sa malawakang paggamit ng Kastila at ang pagdating ng wikang Ingles.

Sa Muling Pagsilang, nakasama ni Tandang Anong ang mga kilalang manunulat na


gaya nina Lope K. Santos, Faustino Aguilar, Andres Rivero, Carlos Ronquillo, at iba pa. Kilala
sa taguring Ama ng Nobelang Tagalog, itinuturing na obra maestra niya ang Kasaysayan
ng Magkaibigang si Nena at si Neneng (1905), bagamat iniluwal din ng kanyang panitik
ang iba pang mga nobela tulad ng: Pagluha ng Matuid (1899), Mag-inang Mahirap
(dalawang bahagi – 1905 at 1906), Hatol ng Panahon (1909), Pahimakas ng Isang Ina
(1914), Unang Pag-ibig (1915), Dangal ng Magulang (1920), at iba pa, gayundin ang mga
maiikling kuwento at mga tula.
Pumanaw ang dakilang alagad ng sining noong Setyembre 7, 1922 at inilibing sa
kanyang pinagmulang bayan ng Bulakan, Bulakan.

Sa kasalukuyan, ang ilang mga kagamitan ng manunulat (pluma, orihinal na kopya


ng patente ng nobelang Si Nena at Si Neneng, at iba pa) at dalawang sipi ng El Renacimiento
Filipino (1910 at 1911) ay nasa pag-iingat ni G. Jaime Villafuerte Jr. ng Matungao, Bulakan,
Bulakan, na apo niya sa talampakan sa kanyang pamangkin na si Maria.

MGA TAUHAN:

Nena – Ang matalik na kaibigan ni Neneng at inalagaan ni Ale Anday. Ang babaeng nabigo
sa kanyang naging pag-ibig kay Miguel at muling umibig at masayang bumuo ng pamilya
kasama si Deogracias.

Neneng– Ang matalik na kaibigan ni Nena na minahal at naging asawa ni Narciso.

Miguel - Ang lalaking nanliligaw kay Nena na kalaunay naging katipan ni Chayong.

Aling Anday – Ang nag-alaga kay Nena ng maulila ito at siyang tumayo bilang ina rito.

Chayong – Ang dating kasintahan ni Narciso na naging katipan ng kanyang pinsang si


Miguel.

Tiya Belang at ama ni Chayong – Ang magulang ni Chayong na siyang nagpahuli sa kay
Miguel na katipan ni Chayong.

Narciso – Ang dating kasintahan ni Chayong na naging asawa naman ni Neneng.

Andoy – Ang minamahal na asawa ni Aling Anday na namatay.

Beatriz- Ang pinsan ni Nena na namatay ng dahil sa sakit na dinaramdam nito.

Deogracias - Ang pamangkin ni Aling Anday na kababata ni Nena na kalaunay kanyang


naging asawa.
Gregorio Magpayo- Ang taong nagpadala ng sulat at nagbalita kay Aling Anday na patay na
si Andoy at Beatriz.

Pepe - Ang nakatatandang kapatid ni Neneng na namatay din dahil sa dinaramdam nitong
sakit.

Isiang- Ang kapwa kababayan ni Nena at Deogracias na iniuugnay kay Deogracias na


siyang nais ng mga ale ni Deogracias na mapangasawa niya.

Ale ni Deogracias – Ang kapatid ng ama ni Deogracias

Isko - Ang sugarol na nangingibig kay Neneng na siyang naging dahilan ng naging hindi
pagkakaunawaan nina Neneng at ng asawa nitong si Narciso.

Andres – Ang alila ni Isko na siyang nagtago sa liham na ipinadala ni Neneng.

TEMA:

Ipinakita at inilarawan ng may-akda sa nobelang “Nena at Neneng” ang kahalagahan ng


pagkakaroon ng tunay na kaibigan, ang nakaambang kaparusahan sa pagiging masama at
gantimpala naman sa langit sa mga mabubuti at ang pagpapakita ng magandang
pakikipagkapwa ay isang pinakamalupit na parusa.

KAISIPAN/MENSAHE:

Tayong mga tao ay hindi lamang puro kaginhawaan sa buhay ang ating tinatamasa kundi
marami rin tayong mga pagsubok na kinakaharap at kakaharapin pa na siyang
magpapalugmok sa atin ng sakit at kalungkutan kagaya ng naging takbo sa buhay ni
Neneng na kung saan ang ugaling pagkaseloso ng kanyang asawang si Narciso ay nagdulot
sa kanya ng sakit at kalungkutan sa huli at ang kaginhawaang tinatamasa naman ng
kaibigan nitong si Nena sa piling ng nabuo nitong pamilya.

You might also like