You are on page 1of 1

Great Britain

Judaleen B. Bayogbog

Ang Great Britain o kilala sa opisyal na pangalan na United Kingdom of Great Britain
and Northern Ireland ay isa sa mga islang bumubuo o sakop ng British Isles. Ang islang ito ay
matatagpuan sa hilagang-kanlurang kontinental ng Europa. Bukod pa riyan, ito ay ang
bayang sinilangan ng estadong soberanyo ng United Kingdom, na siyang kinabibilangan ng
mga bansang Scotland, England, Wales at Northern Ireland. Ang islang ito ay may lawak na
88, 745 sq mi o 224, 848 sq km kaya't pinangalanan bilang ikasiyam sa pinakamalaking isla
sa buong mundo at sa kontinente ng Europa. Ngayon, kailan at paano ba nabuo ang
pangalang United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland? Bukod sa Great Britain,
ano pang mga bansa ang napapaloob sa British Isle?

Ang pangalang Britain ay ginamit na sa panahon pa ni Aristotle at kalaunay naging


Great Britain matapos ang kasunduang pagpapakasal ng anak na babae ni Edward IV ng
England at James IV ng Scotland noong 1474. Pagkaraan ng 1801, sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng Acts of Union 1800, naidagdag ang Ireland at naging United Kingdom of
Great Britain and Ireland at nang tumiwalag ang Irish Free State noong 1992, tanging ang
Northern Ireland ang nanatili sa Great Britain kaya't naging United Kingdom of Great Britain
and Northern Ireland.

Sa kabilang dako, ang British Isles naman ay tumutukoy sa mga pangkat ng mga isla
sa Hilagang Atlantiko malapit sa Hilagang-Kanlurang baybayin ng kontinental ng Europa.
Bukod sa Great Britain, kabilang din ang Ireland, Isle of Man, Herbrides at ang higit sa anim
na libong mas maliliit na mga isla.

Samakatuwid, ang Britain ay isang malaking isla na nabibilang sa British Isle at siyang
tinubuang bayan ng estadong soberanyo ng United Kingdom of Great Britain and Northern
Ireland.

You might also like