You are on page 1of 1

Paaralan: Surigao State College of Technology

Pangalan: Judaleen B. Bayogbog


Asignatura: Sanaysay at Talumpati
Gawain Blg.: 7
Petsa: Abril 10, 2021
Guro: Alfe S. Lito

Sanaysay na Larawan

"Kung may itinanim, mayroong aanihin." Isang salawikaing hindi na bago sa


atin sapagkat ito'y bukambibig nating mga Pilipino. Hindi ba? Tama ako diba.

Kung ang isang tao ay puno ng pagsisikap, pagtitiyaga at masipag sa lahat ng


kanyang ginagawa, posibleng makakamit niya ang kanyang inaasam na tagumpay.
Gawing halimbawa natin ang ating mga dakila at minamahal na magsasaka. Dugo't
pawis ang kanilang puhunan upang magkaroon ng masaganang ani bawat taon at sa
panahong iyan, hindi lamang malaking bentaha para sa kanila kundi pati na rin sa atin.
Sa pagkakaroon ng malaking ani ng mga magsasaka ay hindi tayo nauubusan ng bigas
o iba pang produktong hatid sa atin ng mga magsasaka. Hangga't sagana ang bansa
ng mga pagkain at lahat ng mga tao sa lipunan ay kumikilos, walang pangamba at
walang magugutom na mga Pilipino.

Sa pagkalap ng Covid 19, mas lumitaw ang pag-uugali nating mga Pilipino na
siyang ipinagmamalaki ng ninuman. Mula sa pagiging madasalin, masipag, masikap at
matiyaga, nagagawa parin nating maging matatag at magpatuloy sa agos ng buhay sa
gitna ng pandemya. Ang mga pag-uugaling ito ay nararapat na ikintil sa isipan ng mga
kabataan ng sa gayon ito'y magiging gabay nila sakaling sila'y mahaharap sa isang
malaking unos sa hinaharap at tulad ng isang palay, kapag ang mga kabataan ay
binigyang tuon at tinuturuan ng magagandang asal, bukas sila'y ipinagmamalaki ng
bansa at ng kanyang kapwa.

You might also like