You are on page 1of 6

DIAZ COLLEGE

Nono Limbaga Drive, Tanjay City


Tel. No. (035) 415-9157 ∙ \Fax No. (035) 527-0152
E-mail Address: diazcollege_dc@yahoo.com
WORKSHEET 3
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Name:_______________________________________________________ Date:_________________
_ ___________________________
___________________________
1. Tekstong Impormatibo ___________________________
Panuto: Basahing mabuti ang teksto, isulat sa yellow pad at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.
___________________________
___________________________
Orange, Panlaban sa sakit ni Armando T. Javier ___________________________
Liwayway Magasin, 2004 ___________________________
___________________________
Malimit nating marinig ang kasabihang "An apple a day can keep doctor___________________________
away." At marami nang nasulat
na artikulo ukol sa katotohanan ng mga nutrient na nakukuha mula sa mansanas. Ngunit may isa ring prutas na
___________________________
simbisa ng mansanas sa paglaban sa mga sakit — ang kahel o orange. ___________________________
Mayaman sa mga phytochemical, at antioxidant, sinasabing ang orange ___________________________
ay makapigil sa mga tinatawag
na chonic illness tulad ng sakit sa puso at ilang uri ng kanser. ___________________________
Ayon sa mga pag-aaral sa Australia, ang pagkain ng isang orange kada araw bilang pandagdag sa pagkain
___________________________
ng lima pang prutas at gulay ay maaaring pumigil sa pagkakaroon ng kanser sa lalamunan, bituka at larynx Ang
_____________________.
pagkain daw ng orange ay makapipigil ng banta ng mga nabanggit na uri ng __________________v
kanser hanggang limampung
porsiyento. Sinasabi ng mga researcher na ang benepisyong ito ay nagmumula sa may 170 phytochemicals at 60
flavonoids ng orange na nagtataglay naman ng mga katangiang anti-blood clot, antiflammatory at anti-tumor.
Sa pag-aaral naman ng Cleveland Clinic sa Ohio, napatunayan nilang nakapagpapababa ng presyon ng
dugo ang pag-inom ng dalawang eight ounces na baso ng orange juice araw-araw. Bumababa diumano ang
systolic blood pressure ng halos 7 porsiyento habang ang diastolic blood pressure naman ay 4.6 porsiyento.
Dahilan daw ito sa potassium na matatagpuan sa orange juice.
Sa Arizona Cancer Center sa Tucson, natuklasang mabuti ring panlaban sa pinsala sa balat ang katas ng
orange. Ang sangkap nitong perillyl alcohol ay sinasabing pumipigil sa cancerous lesion na lumaki sa pagaalis
ng mga kanser causing chemicals sa balat. Ipinapahid sa balat ang katas ng orange upang makamtan ang bisa
nito. Inaasahan ng mga eksperto na makadedebelop ng mga sunscreen products na nagtataglay ng orange sa
hinaharap.
Kaya sa susunod na pagkain natin ng orange o pag-inom ng orange juice, alalahanin nating hindi lamang
ito isang masarap na prutas o malamig na inurnin kundi isa ring panlaban sa sakit.

Task # 1 (Written Works 40%) 5pts. each.


Pagsusuri sa katangian ng teksto:
a) Sa papaanong paraan inilahad ang paksa sa teksto? Ipaliwanag.
b) Nagbigay ba ito ng mahahalagang impormasyon? Patunayan.
c) Batay sa mga impormasyong nabanggit sa teksto, alin sa mga ito ang sa iyong palagay ay makatotohanan?
Paraan ng ____________________________________________________
pagkakalahad ng ____________________________________________________
mga ____________________________________________________
impormasyon ____________________________________________________
__
____________________________________________________
Mga ____________________________________________________
mahahalagang ____________________________________________________
impormasyon ____________________________________________________
__
d) Nahahaluan baa ng teksto ng personal na damdamin ng may-akda? Ano ang tono ng teksto? Patunayan.

2. Tekstong Deskriptibo

Panuto: Basahing mabuti ang teksto, isulat sa yellow pad at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

Ang mga Ita


(Halaw sa Artikulong “Pagninilay sa Araw ng Kalayaan” ni Jon E. Royeca)
Liwayway, 2016
Isang matandang tradisyon na ang mga Ita ang mga unang tao raw na tumira sa Pilipinas. Subalit
napatunayan na ng mga tuklas sa arkeolohiya na hindi sila ang mga pinakaunang tao sa kapuluan.
Ang mga Ita ay mga taong maliit, itim, maiksi at kulot ang buhok, sarat, at makakapal ang mga labi.
Nakatira sila sa mga bundok at malalagong gubat. Hindi sila nagtatatag ng mga pangmatagalang pamayanan,
dahil ang marami sa kanila ay pagala-gala at palipat-lipat ng mga tinitirhan.
Dating nakatira sa mga tabing-dagat at kapatagan ang mga Ita. Subalit nang dumagsa ang iba't ibang lahi,
gaya ng mga Iloko, Ibanag, Ipugaw, kapampangan, Pangalatok, Tagalog, Bikol, waray, Sugbuanon, Hiligaynon,
Maranaw, Bukidnon, at Maguindanawon, napilitan sila na umurong at lumipat patungong mga kagubatan at
bundok. Ayaw nilang makisalamuha sa mga bagong dayo, dahil kakaiba ang anyo, wika, at pamumuhay ng mga
iyon.
Bagama't nakatira na sila sa mga gubat at bundok, may mga pagkakataon na bumababa sila sa mga
kapatagan at pamayanan ng mga dayo upang maningil ng mga buwis. Kung hindi nagbabayad sa kanila ng mga
buwis ang mga dayo, dinidigma sila ang mga ito. Kung kinakailangan, namumugot sila ng mga ulo upang sindakin
at pilitmg magbayad ang mga dayo. Marahil, para sa mga Ita, may karapatan silang maningil ng mga buwis sa
mga dayo. Bilang nauna, sila ang siyang nagmamay-ari sa mga kapatagan.
Pangkat-pangkat ang mga Ita. Ang isang angkan ay isa nang pangkat-pamayanan. Ang bawat angkan ay
pinamumunuan ng pinakamatandang kasapi nito, na kadalasan ay isang lalaki. Ang pinuno na iyon ang siya ring
tagapamahala at tagapagpasya sa kanilang mga panloob na usapin.
Ang tanging pinakadamit nila ay mga bahag na hinimay na ubak ng puno. Ang mga palamuti nila sa
katawan ay mga leteng sa kamay at paa, na mula sa makukulay na baging ng yantok. May inilalagay rin sila sa
kanilang mga bisig na balahibo ng tandang o lawin. Sa kanilang buhok naman ay may nakaputong na pumpon ng
maririkit na sanga o bulaklak.
Ang pagkain ng mga Ita ay mga bungang-kahoy, lamang-ugat, pulot-pukyutan, at baboyramo na sagana
nilang nakukuha sa mga bundok at gubat. Pana at palaso ang ipinanghuhuli nila sa mga hayop. Wala silang mga
kasulatan. Wala rin silang mga sinasambang panginoon.

Task # 2 (Written Works 40%) 5pts. each.


Pagsusuri sa Layon/Uri ng teksto:

a) Malinaw ba nag nagging paglalarawan ng manunulat sa napiling paksa? Ano ang mga nakatulong sa
paglalarawan?
b) Epektibo bang naiparating ng may-akda ang kaisipang nais iparating sa mambabasa? Ipaliwanag.
c) Ano ang layon ng may-akda sa paglalarawan? Saan mo mauri na deskripsyon ang binasang teksto?
Patunayan ang sagot.
Task # 3 (Performance Tasks 60%) 40pts.

Panuto: Ikaw ay isang kawani ng tourism department ng inyong siyudad. Inatasan ka ng iyong direktor na
bumuo ng isang travel brochure sa wikang Filipino na naglalayong umakit ng mga local na turista sa
kalagitnaan ng pandemya. (Deskriptibo)
Ang nagawang travel brochure ay ipopost sa ating Facebook Group bago ang napag-usapang deadline.
Tatayain ang Travel Brochure gamit ang mga pamantayang:

Pamantayan Napakahusay (10) Mahusay (8) Katamtaman (5) Pagsasanay pa (3)


Nilalaman
Gamit ng Wika
Organisasyon ng
mga Ideya
Pagkamalikhain

3. Tekstong Persweysib
Panuto: Basahing mabuti ang teksto, isulat sa yellow pad at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.
"Pokus Sa Pag-Aaral"
Ni Paul Anunsaon

Pagod ka na ba sa pag- aaral? Susuko ka nalang ba ng ganyan ka dali? Isipin mo muna ang hirap at
sakripisyong ginawa ng magulang mo para ma tus-tusan ang pag aaral mo, ang supporta nila sa iyo. Kanilang
pagganyak para ikaw ay mag-aral, Sana'y pag isip isipan mo ang kanilang sakripisyo huwag ang sarili ang unahin.
Ikaw, Oo ikaw. Alam mo bang mahirap na nga kayo, Pinapahirapan mo pa ng sobra ang magulang mo, sana
man lang mag-ayos ka sapag- aaral mo. iyan na nga lang ang maibibigay mo sa iyong mga magulang sa ngayon,
ang mapasaya sila. Marami ka namang mga pagganyak gaya nang parating sinasabi ng magulang natin na, ayusin
mo pag-aaral mo ha? para sa hinaharap hindi kana mahihirapan sa buhay mo. Tiyaga at Hindi pagbabago ng grado
sa skwela para sa hinaharap may pirmi ka na na trabaho at hindi kana mahirapan pag dating ng panahon. kaya
simula ngayon huwag niyong aksayahin ang panahon na ikaw ay nakakapag-aral pa. Ikaw lang din naman
makikinabang kung ano matatapos mo sa pag-aaral."Keep that in mind"
Hinding hindi mo pagsisihan kung ikaw ay makapag-tapos at magkaroon ng magandang trabaho para sa
pamilya mo at sa susunod na pamilya mo yung sa iyo na talaga.
Task # 4 (Written Works 40%) 5pts. each.
Pagsusuri sa Layon/Katangian ng teksto:

Panuto: I-kritik ang tekstong binasa batay sa mga tanong sa ibaba.


a. Ano ang layunin ng teksto?
b. Saang paniniwala ng may-akda gusto niyang hikayatin ang mga mambabasa?
c. Ano ang mga binanggit ng may-akda upang mahikayat ang mga mambabasa na tanggapin ang kanyang
paniniwala.
d. Epektibo baa ng teksto bilang isang tekstong persweysib? Nahikayat ka ba ng paniniwala niya tungkol sa
paksa? Ipaliwanag.
4. Tekstong Naratib

Panuto: Basahing mabuti ang teksto, isulat sa yellow pad at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.
“Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas”
Nasa katamtamang estado ng pamumuhay ang pamilya ng batang si Nicholas Cruz. Mas kilala siya sa Kalye
Sampaguita bilang si Kulas, sampung taong gulang na anak nina Julio at Vina Cruz.
Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga kasangkapan sa bahay ang ama ni Kulas samantalang kahera naman
isang tindahan ang kanyang ina.
Isang araw, habang tinatali ni Vina ang sintas ng sapatos ng anak ay nagtaka ito.
“Nak, ba’t ang lumang rubber shoes mo ang suot mo? Di ba binilhan ka namin ng papa mo ng bago?” tanong ng
ina sa bata.
Hindi sumagot si Kulas at nagkataon naman na bumusina na ang sasakyan na maghahatid sa kanya sa paaralan.
Humalik ito sa mama niya at dali-daling tumakbo palabas ng bahay.
“Leon, bilisan mo nariyan na iyong school bus,” sabi ni Kulas sa nakababatang kapatid habang tumatakbo siya
palabas.
Natapos ang kalahating-araw ng klase at hinatid na pauwi sa kanilang bahay sina Kulas at Leon. Pagdating nila
sa sala, nagulat ang panganay na may karton na naglalaman ng bagong sapatos.
“Ma, kanino po ‘tong rubber shoes?” tanong ni Kulas sa ina niya.
Ngumiti ang ina at sinabihan siyang sa kanya iyon. Bagong rubber shoes at mukhang mamahalin yung binili ng
mama niya para sa kanya. Kinabukasan, sinuot niya ito papuntang paaralan dahil sakto naman na P.E. nila.
Pagkalipas ng isang linggo, nagulat si Vina noong sinumbatan sya ni Julio habang nag-aayos siya sa harap ng
salamin at ang asawa naman ay nagbabasa ng dyaryo sa higaan nila.
“Akala ko ba binilhan mo ng bagong sapatos si Kulas kaya naubos ang sweldo mo. Bakit mukhang luma yata
yung nabili mo,” sabi ni Julio.
Nagulat si Vina sa sinabi ng asawa. Idiniin niya bumili talaga siya ng bago at mahal iyon kaya humiram pa siya
ng pera sa may-ari ng tindahan.
Pagdating ng tanghalian, nakarating na ang mga bata. Tama si Julio at luma na ang sapatos na suot ni Kulas.
Nagulat ang ina at tinanong ang anak.
“Nak, binilhan kita ng bagong sapatos, e, bakit luma pa rin iyang sinusuot mo?” tanong ni Vina sa anak.
Nagdahilan si Kulas na nakalimutan niya raw na may bago na pala siyang sapatos. Inutusan siya ng ina na kunin
iyon at dalhin ito sa kanya. Ilang minuto na naghintay si Vina pero hindi bumalik si Kulas.
Pinuntahan niya ito sa kwarto at nadatnan niya palakad-lakad si Kulas at balisa. Tinanong ulit ni Vina ang anak
tungkol sa sapatos niya. Pang-apat na pares ng sapatos na iyon na binili para sa kanya ngayong taon.
“Mama, patawad po. Binigay ko po sa kaibigan ko sa labas ng paaralan ang bagong sapatos na bili niyo para sa
akin,” pagtatapat ng bata.
“Ano? Binilhan ka ng bago tapos ipamimigay mo lang pala? Walang mali sa pagbibigay anak pero sana, inisip
mo rin na binili namin ng papa mo iyon para sa iyo. Nag sinungaling ka pa,” sabi ni Vina sa anak.
Pinuri ng ina ang bata sa pagiging mapagbigay nito pero pinaalalahanan rin niya na mali ang magsinungaling
kahit ano pa ang dahilan. Inihayag niya rin kay Kulas na sana ay pahalagahan nito ang mga binibigay nila ng ama
niya dahil pinaghihirapan nila ito.
Humingi ng patawad si Kulas at nangako sa ina na pahahalagahan na niya ang susunod na mga sapatos at mga
gamit na ibibigay sa kanya ng mama at papa niya. Nangako rin siyang hindi na siya magsisinungaling.
Task # 5 (Written Works 40%) 5pts. each.
Pagsusuri sa Katangian at Sangkap ng kwento:

a) Gumamit ba ng pagkakasunod na panahon upang maisalaysay ang simula hanggang wakas ang kwento?
b) Magkaugnay baa ng simula at wakas ng kwento?
c) Nakatulong baa ng paggamit ng dayalogo upang matukoy ang katangian at hangarin ng tauhan sa kwento?
d) Nag-iwan ba ito ng mahalagang kakintalan sa mambabasa matapos mabasa ang kuwento?

5. Tekstong Argumentatibo
Panuto: Basahing mabuti ang teksto, isulat sa yellow pad at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.
PAGPAPAKAMATAY: Kasalanang Mortal
Ni Ruben F. Manalo

Araw-araw sa buong mundo, hindi mabibilang sa daliri ang mga taong nagpapakamatay. May
nagpapakalunod, may tumatalon buhat sa mataas na lugar, may naglalason, may nagbabaril, kaya'y may
nagsasaksak sa sarili, may nagbibigti at marami pang iba't ibang paraan ng kusang pagkitil sa sarili. Mayayaman
at mahihirap, marurunong at mangmang, kahit mga maykapangyarihan at mga kilala sa lipunan ay nababalitaan
nating gumagawa ng ganito.
Sa Pilipinas kamakailan lamang ay ginimbal tayo ng halos magkakasunod na balita tungkol sa
pagpapakamatay ng mga taong kilala sa iba't ibang larangan, kilala sa lipunan.
Kung hahalungkatin natin ang sanhi ng kanilang pagpapatiwakal, iisa ang dahilang masusumpungan natin:
SULIRANIN! Ito ang ugat ng maraming napanganyaya at kusang pagkitil ng sariling buhay.
Marami rin ang naiinggit sa kanila. Sila'y ang mga taong batbat din ng panimdim at mga suliranin. Sila
ang mga taong naglalayong tumakas sa tunay na kahulugan ng buhay. Sila ang mga taong tulad ng mga pangahas
na kaluluwang kanilang kinaiinggitan ay hindi nagsisitanggap sa mga suliranin bilang isang hamon ng buhay
kundi KAMANDAG at LASONG pumapatay! Isang katotohanan na hindi Izo kailanman tututulan ay yaong ang
mga patay ay WALA nang SULIRANIN!
Ang ninanasa kong ituwid at ibangon ay ang paninindigan sa buhay ng mga maaaring magsisunod sa
kanilang yapak. Ariin nating yaman at biyaya sa atin ng Lumikha ang buhay na ating taglay. At ang mga suliraning
nasasagupa natin sa buhay na ito'y PAGSUBOK sa ating katatagan. Ang gawin nating huwaran ay iyong mga
taong dumadaig at nakapagtatagumpay sa mga suliranin. Hindi iyong DUWAG na nagsisipagtaglay ng marupok,
na pag-iisip at damdamin. Huwag nating tulutang mailugmok tayo ng mga suliranin, bagkus, tayo'y magbalikwas
upang makapagpanibagong-lakas.
Huwag tayong padaig sa tukso. Maging metatag tayo sa mapanghikayar na kaway ng katampalasan –
upang huwag tayong mabulid sa KASALANANG MORTAL! Sapagkat nasusulat – DIYOS LAMANG ANG
MAY KARAPATANG BUMAWI NG HIRAM NA BUHAY! Ang taong buhay ay nananatiling may PAG-ASA;
sa mga pangahas na kumitil sa sariling buhay ang hinihintay ay PARUSA!

Task # 6 (Written Works 40%) 5pts. each.


Panuto: I-kritik ang tekstong binasa batay sa mga tanong sa ibaba.
a) Paano inilahad ng may-akda ang paksang kanyang tinalakay?
b) Malinaw ba ang posisyon ng may-akda sa isyu? Saang bahagi ng sanaysay ito makikita?
c) Ang bawat katwiran bang inihain ay sinuportahan ng mga tiyak at makabuluhang ebidensya o
katibayan?
d) Makikita bas a sanaysay ang konklusyon ng may-akda sa isyu? Ipaliwanag.
e) Ang teksto ba ay obhektibo o subhektibo? Ipaliwanag.

6. Tekstong Prosidyural
Panuto: Basahing mabuti ang teksto, isulat sa yellow pad at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.
Halimbawa: Pagluluto ng Egg Souffle.

 Una, kumuha ng dalwang bowl na pwede pag lagyan ng itlog.


 Pangalawa, kumuha ng dalawang itlog.
 Ika tatlo, paghiwalayin ang yellow at puti ng mga itlog.
 Ang puti ay i lagay sa isang bowl, at ang yellow ay ilagay sa isa pa.
 Lagyan ng isang kutsarang kalamay ang puti ng itlog at haluin hanggang magging -“whipped cream”
like ang mukha nito.
 Lagyan ng asin ang yellow ng itlog at haluin rin.
 Ihalo ang yellow na timpla sa puti ng itlog.
 Lagyan ng butter ang mainit na frying pan.
 I lagay ang hinalong itlog sa low-medium heat.
 Hintaying maluto.

Task # 7 (Written Works 40%) 5pts. each.


Pagsusuri sa katangian at Uri ng Teksto.

a) Ano ang layunin ng teksto?


b) Malinaw baa ng mga hakbang na inilahad?
c) Anong mga salitang transisyunal ang ginamit upang maipakita ang proseso ng paggawa?
d) Nakatulong ba ang mga salitang transisyunal upang matukoy nang malinaw ang hakbang?
e) Anong uri ng proseso ang binasang teksto? Direktiba o Impormatib? Ipaliwanag.

********WAKAS********

Inihanda ni G. Nichol B. Villaflores

You might also like