You are on page 1of 14

TAYUTAY

SIMILE AT
METAPORA
Tayutay
-mga pahayag na sadyang
inilayo sa karaniwang kahulugan
ang nais ipahiwatig. Ginagamit ito
upang maging masining,
malikhain at kaakit-akit ang
pagpapahayag.
URI NG
TAYUTAY
1. Simile o Pagtutulad

-Ito ay pinakasimpleng paraan


ng paglalarawan at
paghahambing. Madalas na
gumagamit ng mga salitang:
Tulad ng, Parang, Gaya ng,
Kasing-, Sing-, at Ga-.
Halimbawa:
Gaano ka kaya kasuwerte ngayon? Sing-alat
ng bagoong ang suwerte ko ngayon!

1. Singtigas ng bato ang puso mo


2. Magkasingtibay ang ulo mo sa bakal.
3. Ang katawan mo’y tila asero katigas.
4. Ang mga patak ng luha mo’y tulad ng ulan sa
kalangitan.
5. Ang mga ulap ay singputi ng bulak.
6. Magkasimputi ang balat mo sa mustasa.
7. Ikaw ay tulad ng bituin.
8. Ang puso mo ay gaya ng bato.
9. Ang gerilya ay tulad ng makata.
10.Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap
ng isang tao.
2. Metapora/Pagwawangis

tiyak na paghahambing ngunit


hindi na ginagamitan
ngpangatnig.Nagpapahayag ito
ng paghahambing na nakalapat
sa mga pangalan, gawain,tawag
o katangian ng bagay na
inihahambing.
Halimbawa:
Gaano siya kagaling lumangoy?
Pating ‘yan sa tubig!
1. Ang puso niya ay bato.
2. Ang kanyang kamao ay bakal .
3. Ikaw ay isang ahas.
4. Ang aking ina ay ilaw ng tahanan namin.
5. Ang aking mahal ay isang magandang rosas.
6. Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga
anghel ng kagubatan.
7. Ang kanyang mga luha ay butil ng perlas
8. Ang aming ama ay haligi ng tahanan.
9. Ang mukha niya ay hugis puso.
10. Siya ay isang anghel mula sa langit.
Ang Pintor
(Jerry Gracio)

Gumuhit siya ng ibon


Lumipad ito palayo
Gumuhit siya ng isda,
Lumangoy ito sa hangin.
Gumuhit siya ng bulaklak,
Nagkalat ang halimuyak
sa dilim.
Iginuhit niya ang sarili,
At inangkin siya ng
kambas.
Nagustuhan mo ba ang
tula? Anong bahagi ng tula
ang lubos mong
nagustuhan?
MGA TANONG
 1. Ano ang nangyari sa mga
iginuhit ng pintor?
 2. Anong mga salita ang
magpapatunay sa inyong sinabi?
 3. Maituturing bang nabigyang-
buhay ng pintor ang kaniyang
larawan?
 4. Ano ang nangyari sa pintor sa
huling dalawang saknong?
Nagbigay-buhay ba siya o nasira
ang kaniyang buhay?
Itala mo ang iyong mga natatanging
talento at isulat mo rin kung paano mo ito ibabahagi at
palalaguin.

Mga Talento ko Gagawin ko mula


ngayon ang mga
sumusunod:

1. ___________________ 1. ___________________
2. ___________________ 2. ___________________
3. ___________________ 3. ___________________
4. ___________________ 4. ___________________
PANUTO: Isulat sa patlang ang titik S kung
simili o titik M kung metapora ang isinasaad sa
pangungusap.

___ 1. Ang kalusugan ay kayamanan.


___ 2. Ang mahabang buhok ni Kristina ay sinlambot at
sindulas ng seda.
___ 3. Kagat lang ng langgam ang turok ng iniksiyon.
___ 4. Kawangis ng makahiya ang magugulating
matanda.
___ 5. Parang ulan sa tuyong lupa ang musika sa
konsiyerto.
___ 6. Lason sa iyong mga baga ang sigarilyo.
___ 7. Ang mga palamuti sa mga bahay tuwing piyestang
Pahiyas sa Lucban ay tulad ng mga kulay ng
bahaghari.
___ 8. Ang susi sa tagumpay ay tiyaga.
___ 9. Ang sikat ng araw sa aking mukha ay halik
ng bukangliwayway.
___ 10. Tayo ay mga tupa at si Hesukristo ang ating
pastol.
___ 11. Wari’y hampas sa tambol ang tibok ng
aking puso.
___ 12. Isang masalimuot na makina ang utak ng
tao.
___ 13. Ang buhay ay parang laro—minsan talo,
minsan panalo.
___ 14. Kasing-init ng pugon ang mga lansangan
ngayong tag-init.
___ 15. Tambakan ng basura ang silid-tulugan ni
Mike.
MGA SAGOT:
1. M 11. S
2. S 12. M
3. M 13. S
4. S 14. S
5. S
15. M
6. M
7. S
8. M
9. M
10. M

You might also like