You are on page 1of 23

Pre-test

Tayutay
Isulat sa patlang ang titik S kung Simili,
titik M kung Metapora, o titik P kung
Personipikasyon ang isinasaad sa
pangungusap.
1. Ang kasipagan ay ina ng
kayamanan at kaginhawahan.
2. Nabuhay muli ang mga dahon ng
halaman pagkatapos umulan.
3. Ang mahabang buhok ni Kristina
ay sinlambot at sindulas ng seda.
4. Sabi nila na ang lungsod ng New
York ay ang lungsod na
kailanman ay hindi natutulog.
5. Kagat lang ng langgam ang turok
ng iniksiyon.
6. Kawangis ng makahiya ang
magugulating matanda.
7. Parang ulan sa tuyong lupa ang
musika sa konsiyerto.
8. Lason sa iyong mga baga ang
sigarilyo.
9. Ang mga mamamayan na walang
pinuno ay parang mga pasahero
ng isang bus na walang tsuper.
10. Ang susi sa tagumpay ay tiyaga.
1. M 6. S
2. P 7. S
3. S 8. M
4. P 9. S
5. M 10.M
Ang tayutay ay salita o isang pahayag
na ginagamit upang bigyan diin ang
isang kaisipan o damdamin. Sinasadya
ng pagpapayahag na gumagamit
ng talinghaga o di-karaniwang salita o
paraan ng pagpapahayag upang
bigyan diin ang kanyang saloobin.
Ang tayutay ay ang sinadyang paglayo
sa karaniwang paggamit ng mga salita
upang gawing mabisa, matalinghaga,
makulay at kaakit-akit ang
pagpapahayag.
Mga Uri ng Tayutay

Pagtutulad (simile) – Ito ay simpleng


paghahambing ng dalawang bagay na
magkaibaulad na katangian na sukat ipagkaugnay
ng dalawa sa pangkalahatang anyongunit may mga
pagkakat. Ito’y gumagamit ng mga salita’t
pariralang tulad ng, katulad ng, para ng, kawangis
ng, animo’y, gaya ng, tila, at iba pa.
1.Gaya ng halamang lumaki sa tubig.
2.Ako’y tila isang nakadipang kurus.
3.Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
4.Ang buhay ay tulad ng isang batis.
5.Siya ay katulad ng kandilang unti-
unting nauupos.
Pagwawangis (metaphor) – Ito ay isang
tayutay na nagsasagawa ng paglilipat ng mga
salitang nangangahulugan ng isang bagay na
nagpapahayag ng ibang bagay. ibang bagay.
Sa madaling salita, sa pagwawangis ay inaalis
ang hambingang salita’t pariralang ginamit sa
pagtutulad o simile. Sa pagtutulad, ang A ay
gaya ng B at sa pagwawangis ay ang A ay B.
Ang kanyang kahapon ay isang tanghalan
Ng mga lihim nya’t mga karanasan
Ang buhay nyang hiram ay naging
tanggulan
Sa kanyang gunita ay ayaw alpasan
1. Ang ina ni Joshua ay bituing tanglaw
niya sa landas ng buhay.
2. Si Eugene ay isang ibong humanap ng
kalayaan.
3. Ang mga kamao niya ang haliging
maaaring takbuhan sa oras ng
pangangailangan.
Pagsasatao (personification) – Ito ay tayutay
na paglilipatsa katangian ng tao sa mga walang
buhay. Ang mga bagay ay tinuturing na mga tao
na may damdamin, kaisipan, nagsasalita,
nakadarama ng kalungkutan, kaligayahanat
kabiguan na parang tao. Sinasabi ring
paglalapat ng kaasalan sa mga bagay na non-
human.
PATI ULAP AY SUMAYAW SA BAYO NG HANGIN
Sa bugso ng ulan pati langit ay nagdilim
IBONG NAGSASAYA sa may dakong papawirin
Ay biglang nawala dahil sa bagyong darating.
ANG UNOS NA SUMAPIT AY NAGPAALAALANG
Ang tao ay marupok sadyang maksalanan
Ang gawang mabuti’y kanyang kinalilimutan
Ang gawang masama’y kanyang kinaluwalhatian
1.Lumuluha ang liham na
natanggap ni Mang Nestor.
2.Ang buwan ay nahiya at nagtago
sa ulap.
Post Test
1. P 6. M
2. M 7. P
3. P 8. S
4. S 9. M
5. P 10. P

You might also like