You are on page 1of 2

#NoToDoctorShaming

Talumpati

Tila nagtataka kayo bakit may isang Doktor na nasa inyong harapan,
kung iniisip nyo na ako’y magsasagawa ng medical mission ay nagkakamali
kayo. Dahil ngayon ay magbabahagi ako ng buhay ng mga bayani at
pinagdadaanan ng isang Doktor.

(Pagsisimula ng PowerPoint Presentation)

"Doktor nakuhanang natutulog at nagpapahinga sa oras ng kanyang trabaho."

Isang kuwento. Isang payo. Isang pasasalamat. Isang pagpapatawad. Isang


talumpati na magbubukas sa inyong isipan kung paano ba maging isang doktor na
hinaharap ang samu't saring pambabatikos sa kanilang larangan.

Ayon sa isang blog ng kilalang Youtuber Doctor na si Auro Azarcon at sa tala ng


DOH o (Kagawaran ng Kalusugan) na kung iyong nanaisin na maging doctor ay
kailangan mo ng apat na taon sa napili mong pre-med course, apat na taon sa
medical school, ilang buwan na pag-aaral at paghahanda para sa Physician
Licensure Exam, at kung makapasa ka ay siyang swerte mo at kung hindi naman
syang malas mo dahil ikaw ay mag-aantay pa ng ilang buwan para sa susunod na
pagsusulit. Sumunod ay maari ka ng maging doktor ngunit isa ka pa
lamang tinatawag na "General Physician" wala pa rito ang ilang taon na ilalaan mo
para sa iyong napiling "Specialization” na kung saan maari kang maging isang
Pediatrician, Surgeon, ER Doctor, Anaesthesiologist at marami pang iba, hindi pa
rin rito matatapos iyon dahil sa napili mong specialization ay may mga pagsusulit
ka pa na iyong kailangan malampasan o minsan ay tinatawag din na Medical
Residency Training. Humigit na sampung taon na pag-aaral, pagsusunog ng kilay,
paglaklak ng ilang baso ng kape at mga pag-hihirap ang iyong pagdadaanan
maabot lang ang pangarap.
Ngayon ay doktor ka na, katatapos lamang ng iyong daan-daang pasyente,
pagtatala sa patient record book ng maisipan mo na magpahinga muna mula sa
iyong 24-36 hour duty. Napaisip ka na lang na "Hindi pa pala ako kumakain pero
mas gusto ko munang matulog" pagkagising mo ay sikat ka na sa social media,
mula sa isang post ng isang pasyente na naparaan lamang.

"Dok, kamusta tulog? Andami mo na atang nagamot ha? Saan ka na nakarating?"


ani sa post nito sa isang kilalang Social Media Site.

Libo-libong tao na ang nakakita nito. Maraming nagalit, nainis, nambatikos at


marami rin naintindihan ang iyong panig. Ngunit ako'y napaisip sa pangyayaring
ito. Patawad at Salamat. Patawad dahil sa pagtulog ko sa oras ng aking 36-hour
duty, ay nabuksan nito ang ibang sarado ang isipan, na ang mga doktor ay tao
parin; nagugutom, nasasaktan, nauubusan din ng pasensya, pero tumutulong pa
rin kahit pagod na pagod na.

"Bakit ko ba gusto maging doktor?" Dahil ba gusto naming na tumulong sa


bayan? Dahil ba ubos na ang mga doktor sa Pilipinas at nag Abroad na sila? Hindi
ba para libre ang aking pamilya at kaibigan dahil ako'y doktor na? Hindi ba dahil
may isang mahirap na Pilipino na hindi kayang magpagamot sa mga mamahaling
ospital? Hindi ba dahil maraming Pilipino na namamatay na lang na hindi man
lamang natignan ng isang doktor? Dahil ba ang pagtaas ng porsyento ng pasyente
ay siyang pagbaba ng bilang ng mga doktor? Kundi dahil gusto naming baguhin ang
pagtingin ng iba sa mga tao na nasa loob ng ospital mula sa mga Medical Interns,
Nars at mga Doktor na patuloy na tumulong sa bawat taong nangangailangan ng
walang pagdadalawang isip dahil sa kanilang sinumpaang pagseserbisyo.

Nawa'y patuloy natin buksan ang ating puso at isipan na marami pa ang mga
hamon na ating mapagdadaanan ngunit alam ko na lahat ng ito'y ating
mapagtatagumpayan. Ipaglaban natin ang mga taong patuloy parin sa pagserbisyo
kahit mismo sila'y hindi na nirerespeto. #NoToDoctorShaming

Magandang Araw at Maraming Salamat sa inyong lahat!

You might also like