You are on page 1of 3

Magandang umaga po sa ating lahat, sa aking guro at sa aking mga kaklase.

Ako po si Allecel Castillo, estyudante mula sa 11 GHT 5 at ang ating tatalakayin


ngayon sa bidyong ito ay patungkol sa ANTAS NG WIKA.

Filipino ang ating wikang pambansa subalit kung magiging mapanuri at


makikinig nang mabuti sa mga taong nagsasalita nito, mapapansing hindi iisa ang
uri ng Filipinong umiiral sapagkat lumilitaw ang barayti o antas ng wika. Dala na
rin ng pagkakaiba ng kapaligiran, panahon, lugar at kakayahan ng taong
nagsasalita.

Ano nga ba ang antas ng wika?

Ang Antas ng Wika ay isa pang mahalagang katangian nito. Tulad ng tao,
ang wika ay nahahati rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan nito. Kung
tutuusin, ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang
mabisang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-
panlipunan siya nabibilang.
Mahalagang maunawaan ng lahat ng tao ang mga antas ng wikang ito sa
kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at maging sa okasyong
dinadaluhan.
Mahahati ang antas ng wika sa kategoryang pormal at impormal. Sa bawat
kategorya , napapaloob ang mga antas ng wika.

Una natin talakayin kung ano nga ba ang PORMAL NA WIKA.

Ang pormal na wika ay ang salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap


at ginagamit ng higit na nakakarami lalo na ng nakakapag-aral ng wika.

Ang unang antas ng wika na nabibilang sa pormal na wika ay ang


PAMBANSA.

Ang pambansang wika ay ang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika


o pambalarila sa lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng
mga pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan. Ito ang salitang higit na kilala o
ginagamit sa pook na sentro ng sibilisasyon at kalakalan.

Ang mga halimbawa nito ay aklat, ina, ama, dalaga, masaya at kasintahan.
Sumunod naman ang pangalawang antas ng wika na nabibilang rin sa ating
pormal na wika at ito ay ang wikang pampanitikan.

Ang wikang pampanitikan, ay ang mga salitang ginagamit ng mga


manunulat sa kanilang akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang
matatayog, malalalim, makukulay at masisining.

Ang mga halimbawa ng wikang pampanitikan ay gaya ng mabulaklak ang


dila, di-maliparang uwak, kaututang dila, balat sibuyas, taingang kawali, at
nagbukas ng dibdib.

Sunod natin talakayin ang pangalawang kategorya ng antas ng wika. Ito ay


ang IMPORMAL NA WIKA.

Ito ay ang mga salitang karaniwan, balasak, at pang-araw araw na madalas


natin gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
Ang mga antas ng wika na kabilang dito ay ang lalawiganin, kolokyal at ang
balbal.

Unang talakayin si LALAWIGANIN.

Ang lalawiganing wika ay ang mga bokabularyong diyalektal o karaniwang


salitain o diyalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng Cebuano, Batangeno,
Bicolano at iba pa na may tatak lalawiganin sa kanilang pagsasalita. Kapansin-
pansin ang mga lalawiganing salita bukod sa iba ang bigkas, ay may kakaiba pang
tono. Ang lalawiganing salita ang tulak ng mga maka-rehiyonal na kaugalian ng
tao.
Halimbawa nito ay ang “ambot” na mula sa salitang Bisaya na ang ibig
sabihin ay “ewan”, “kaon” mula sa salitang Bicol o Bisaya na ang ibig sabihin ay
“kain”, “biag” mula sa salitang Iloko na ang ibig sabihin ay “buhay” at “ngarud”
mula ulit sa salitang Iloko na katumbas ng katagang “nga”.

Tumuloy naman tayo sa wikang Kolokyal.

Ang wikang kolokyal ay ang pang-araw araw na salita na ginagamit sa


pagkakataong impormal. Maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga
salitang ito o pagkabulgar, bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa kung
sino ang nagsasalita nito. Madalas ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng
ilang titik sa salita upang mapaikli ang salitang ito o kaya mapagsama ang
dalawang salita.
Ang mga halimbawa nito ay pa’no mula sa paano, p’re mula sa pare, te’na
mula sa tara na, kelan mula sa kailan, meron mula sa mayroon, nasan mula sa
nasaan, sa’kin mula sa sa akin, at sa’yo mula sa sa iyo.

Sumunod at ang huling tatalakayin ay ang wikang Balbal.

Ang wikang Balbal ay ang salitang tinatawag sa Ingles na slang at tinuturing


rin itong pinakamababang antas ng wika. Ang mga salitang ito noong una ay hindi
tinatanggap ng mga magulang at may pinag-aralan dahil masagwa daw pakinggan
dahil na rin ito ay wikang pangkalye o panglasangan. Sa mga pangkat-pangkat
nagsisimula ang mga ito upang magkaroon ng sariling codes ang pangkat na iyon
na hindi maiintindihan ng iba ang kanilang pinag-uusapan.

Ang mga halimbawa ng salitang balbal ay : parak na ibig sabihin ay pulis,


eskapo ay tawag sa mga takas ng bilangguan, istokwa sa naglayas,
juding/beki/jokla/bading ang tawag sa bakla, tiboli naman sa tomboy, balbonik
naman ang tawag nila sa mga taong mabalbon gaya ko, bagets tawag sa kabataan,
charing o charot ang ginagamit kapag nagbibiro, ermat sa ina at erpat naman sa
ama, utol sa kapatid, at yosi sa sigarilyo.

At ayun na po lahat para sa bidyong ito. Sana ay may natutunan at


naintindihan niyo mabuti ang paksa na ito. Maraming Salamat!

You might also like