You are on page 1of 72

Panalangin

BARAYTI AT
BARYASYON NG
WIKANG FILIPINO
FIL 104
Pagbabalik-aral…..

Paano natutukoy o nasusuri ang


rejister ng wika?
Pagbabalik-aral…..

Paano natutukoy o nasusuri ang


idyolek?
PANGUNAHING LAYUNIN
 Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang
mabisang wika gamit ang iba’t ibang barayti at baryasyon nito.
 Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.
 Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan gamit ang
iba’t ibang barayti at baryasyon ng wikang Filipino.
 Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring
diskurso na nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino.
 Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng
pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at
larangan.
VARAYTING SOSYOLEK
(MULING PAGSALUYSOY SA MGA UMIIRAL NA ANTAS NG WIKA SA LIPUNAN)
PANIMULA....

Ang tao ay nilalang na may


pinakamataas na antas ng
kaanyuang pisikal at intelektwal.
PANIMULA....
Sa bawat pagdaang panahon ay
kasama ding lumilipas ang mga uri ng
makalumang henerasyon at ang
dayalektong kanilang gamit.
Samantala, natututunan at ina-adopt
naman nila ang mga sumusulpot na
salita sa lugar na kanilang
kinabibilangan.
Tandaan na walang parehong
indibidwal ang mayroong eksakto o
parehong uri o istilo ng pananalita.
Nababatay ang pagkakaiba sa antas
na makikita sa mga sumusunod na
aspeto:
Edad
Kasarian
Grupo o pangkat etniko na kanyang
kinabibilangan
Katayuan o estado sa buhay
Antas ng natapos
Kasalukuyang propesyon
Pagiging dayuhan o lokal
Impormal na
Wika
Impormal na Wika
Mula sa pagsilang ng isang tao,
mayroon na tayong mga unang
salita na natututunan.
Nauuri ang mga salitang ito bilang
mga impormal na wika.
Impormal na Wika
Ang impormal na wika ay kinabibilangan ng
mga salita na karaniwang ginagamit na pang-
araw-araw. Mga wika na kadalasan nating
naririnig at ginagamit sa loob ng bawat
tahanan.
Impormal ang tawag natin sa mga salitang ito
dahil hindi kailangang pumasok sa isang
paaralan para ito ay matutuhan.
Lalawiganin
Lalawiganin
Naayon ang wika na ginagamit ng
isang indibidwal depende sa lugar na
kanyang tinitirahan.
Ang bawat probinsiya o rehiyon ay
may sariling wika o lenggwahe na
kanilang ginagamit. Lalawiganin ang
tawag sa mga salitang ito.
Gamit ng Lalawiganing Wika
Kadalasang may ibang tono o punto ang
istilo ng pananalita ng mga tao sa lalawigan
o probinsiya.
Ito ang kanilang mga natatanging karakter
na sadyang mahirap gayahin kung hindi
ka taal sa isang lugar.
Gamit ng Lalawiganing Wika
HALIMBAWA: Wikang Visaya

Hiligaynon - Waray
Gamit ng Lalawiganing Wika
Wikang Tagalog (DAYALEKTO)

Bulacan
Laguna
Rizal
Quezon P.
Batangas
Halimbawa ng Lalawiganin na Wika
Aahon ka ba?

Gamit ng mga Taga-Nueva Ecija


tuwing magtatanong kung aakyat ba
ng isang mataas na lugar.
(Halimbawa: Baguio at Tagaytay)
Halimbawa ng Lalawiganin na Wika
Buang!
Madalas itong marinig sa telebisyon
at sa radio ngayon dahil sa madalas
na pagbanggit nito ng ating
Presidente. Ang ibig sabihin ng buang
ay baliw. Ito ay ginagamit madalas
ng mga Bisaya.
Balbal at Kolokyal
Balbal at Kolokyal
Mula sa mga wikang panlalawigan na
sariling gamit, ang mga indibidwal ay
natuto at gumgamit rin ng mga
wilkang kolokyal at balbal.
Ang mga wikang ito ay karaniwan na
gingamit sa pang-araw-araw ng mga
ordinaryong indibidwal.
Gamit ng Balbal at Kolokyal
Sa mga kabataan lalo na ‘yong mga
tambay sa kanto, mabenta sa kanila
ang mga salitang balbal at kolokyal.
Sila-sila na rin mismo ang mga nag-
iimbento ng bawat wika na kanilang
mga ginagamit. Salitang kanto kung
tawagin ito ng ilan.
Gamit ng Balbal at Kolokyal
Ang kanilang prinsipiyo sa buhay
ay hindi sila “in” o kabilang sa
grupo kapag hindi sila marunong
gumamit ng kanilang mga wika
Halimbawa ng mga Salitang Balbal at
Kolokyal na Ginagamit ng Milenyals
Noong mga naunang mga dekada, nauso ang
pagbabaligtad nila ng mga salita tulad na
lamang ng erpats at ermats na ibig sabihin at
tatay at nanay.
Ngayon, nakikita ang pagbabalik ng ganitong
estilo ng mga pananalita tulad na lamang sa
mga pauso sa telebisyon na “Lodi” at “Werpa”.
Buhat ng pag-usbong na pagbabaliktad ng
mga salita, naririning ulit ang mga sumusunod:

Erap o repapeps para sa salitang pare


Tomguts kapag gutom naman
Sugbo o “solve na” ang tawag naman
nila ‘pag busog na
Halimbawa ng mga Salitang Balbal
at Kolokyal na Ginagamit ng Bakla
Ang gay lingo at ang mga salitang konyo
ay karaniwan rin nating naririnig lalo na sa
mga grupo ng mga bakla.
Nauuri ang pananalita ng gay lingo ayon
sa antas ng buhay na kanilang kinalakihan
at kinabibilangan.
Halimbawa ng mga Salitang Balbal
at Kolokyal na Ginagamit ng Bakla
Mayroong mga gay lingo na talagang
magaspang at brutal, at mayroon namang
mga medyo sosyal.
Maging sa istilo ng kanilang pagbigkas ng
mga gay lingo, iba ang mga pangmahirap at
iba rin ang gamit ng mga mayroong kaya sa
buhay.
Ang mga ibang gay lingo na wika ay may halo
pang mga banyagang salita at mga karakter para
lamang maiba ang dating ng kanilang mga salita.
“Chaka chaka ng junakis mo.”
– ang ibig sabihin nito ay ang pangit naman ng
anak mo.
“Naku baka ma Miss Colombia ka,”
– Naalala mo pa ba ang pangyayari noong Miss
Universe 2015, kung saan nagkamaling kinoronahan
si Miss Colombia? Buhat noon ay nauso ang
kasabihan na ito. Ang ibig sabihin ay baka magaya
ka kay Miss Colombia na umasa sa wala.
Halimbawa ng mga Salitang Balbal at Kolokyal na
Ginagamit ng mga High School at Kolehiyala
 At sino bang makakalimot sa mga salitang
pinaghalong ingles at tagalog (engalog) at
(taglish).
 Karamihan sa mga imbentong salita ng mga
grupong ito ay sumisikat ng matagal habang ang
mga iba naman ay kusang naglalaho mula sa
kanilang pang-araw-araw na sirkulasyon.
 Halimbawa ng mga salitang ito ay girl, beshie,
momshie, frennies at iba pa.
Mga Ibang Paraan ng Pagbuo ng Wikang Balbal at
Kolokyal

Iba pang paraan sa pagbuo ng mga salitang


pabalbal.
Halimbawa:
epek na galing sa salitang “effect”
na-futbol na ibig sabihin ay napaalis o
napatalsik.
Pormal na Wika
Pormal na Wika
Sa ating paglipat ng lugar na ating
ginagalawan at sa pag-angat ng ating mga
estado sa buhay, tayo ay natuto ng mas
mataas pa na antas ng wika.
Ito ay ang tinatawag na pormal na wika. Mga
wikang ginagagamit at kinikilala sa ating alta
sosyedad. Lehitimo kung ituring ang mga
salitang pormal.
PORMAL NA WIKA
Tumataas ang kalidad ng mga wika na
ginagamit ng bawat indibidwal naayon na
rin sa antas ng katalinuhan at posisyon sa
buhay.
Nagiging mapanuri at mapili sila sa mga
wika o salita na kanilang ginagamit.
Lalo na yong mga propesyonal at may mga
katungkulan sa lipunan.
PORMAL NA WIKA
Lalo na ‘yong mga propesyonal at
may mga katungkulan sa lipunan.
Ang bawat organisadong grupo ng
mga propesyonal ay may kanya-
kanyang pormal sa wika na
ginagamit, naayon na rin sa antas ng
edukasyon na natapos nila.
Pambansang Wika/Lingua Franca

Ang bawat bansa ay mayroong sariling


wikang pambansa. Ito ay tatak na
sumisimbolo at sumasalamin sa kung
anong lahi at bansa nabibilang ang isang
indibidwal. Ang bansang Pilipinas ay may
pambansang wika – ito ay ang wikang
Pilipino.
Pambansang Wika/Lingua Franca
Sapaglipas ng panahon at pagdaan ng
iba’t ibang salin-lahi naging mas
produktibo ang paggamit sa wikang
pambansa.
Halimbawa ng Pambansang Wika
Anak Takdang-aralin
Asawa Saligang Batas
Ina Konstitusyon
Ama Kompyuter
Sambayanan Pamantasan
Experto Unibersidad
Baliw Dalubhasaan
Eskwelahan Kolehiyo
Pagsusulit
Pampanitikan
Gumagamit ang mga manunulat
ng mga mabubulaklak at mga
matatalinghagang mga salita.
Pampanitikan
Ito ang kanilang mga panghikayat sa
kanilang mga parokyanos. Ang
mga matalinhagang salita ay puno ng
mga misteryo na lalong nagbibigay ng
interes sa mga nakakabasa nito. Kaya sa
mga panitikang Pilipino ito ang kadalasan
na nakikita mula sa mga may akda.
Pampanitikan
Tanyag dito ang mga gawa ni Francisco
Baltazar na Florante at Laura. Hindi rin dito
pahuhuli ang limbag na aklat ni Jose Rizal
na Noli mi Tangere at El Filibusterismo.
Mga aklat na tunay na klasikal at lalong
sumisikat sa pagtagal at paglipas ng
panahon.
Halimbawa ng Pampantikang Wika
Kabiyak ng aking puso – “Si Teresa ang
kabiyak ng akin puso.” Ang ibig sabihin nito ay
kasintahan niya si Teresa.
Ilaw ng tahanan – “Ang ilaw ng tahanan ang
siyang nag-gagabay sa paglaki ng mga
anak.” Ang ilaw at ay tumutukoy sa ina
Halimbawa ng Pampantikang Wika
Bunga ng aming pagmamahalan – “Si Brian
ang bunga ng aming pagmamahalang mag-
asawa”. Ang ibig sabihin nito ay anak.
Mababaw ang luha – “Sadyang mababaw
ang luha ng aking Ina. Lagi siyang umiiyak
kapag nanonood ng soap opera.” Ang ibig
sabihin nito ay madaling umiyak.
Halimbawa ng Pampantikang Wika
Bukaspalad – “Bukas palad kaming tinanggap
sa bahay ng mag-asawang doctor noong
bumabagyo.” Ang ibig sabihin ng bukas palad
ay maluwag sa pusong pagtulong.
ANG
VARAYTING
SOSYOLEK
Sosyolek
Na minsan ay tinatawag na “Sosyalek”.
Ito ay pansamantalang barayti lamang.
Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang
partikular na grupo.
Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa
katayuang ng indibidwal na gumagamit
ng sosyo-ekonomiko at kasarian ng mga
naturang salita.
Sosyolek

Sosyolek ang tawag sa isang uri


ng wika na ginagamit ng isang partikular
na propesyon o ng anumang pangkat na
kinabibilangan ng mga iba’t ibang
indibidwal.
Sa mga wikang ito may mga salitang
pormal at ang mga iba naman ay di-
pormal.

Pormal ang tawag sa mga wika na gamit


ng mga propesyonal o yung may mga
mataas na natatapos tulad ng mga guro,
doktor, nars at enhinyero.
Sa mga wikang ito may mga salitang
pormal at ang mga iba naman ay di-
pormal.
Di-pormal naman sa mga salitang
naimbento lamang ng mga ordinaryong
tao sa lipunan. Kadalasan sa mga wikang
ito ay kusa ring nawawala sa sirkulasyon
kapag ito ay luma na at napagsawaan na
ng mga gumagamit nito.
Mga Halimbawa ng Sosyolek
1.) Pro Bono Serbisyo 7.) Chx
2.) Takdang Aralin 8.) Boom Panes!
3.) Asignatura at 9.) Churva
Kurikulum 10.) Chaka
4.) Astig 11.) Ansabe?!
5.) Etneb 12.) Ala Areps
6.) Mustah po
SALIK SA PAG-USBONG NG SOSYOLEK
Marami tayong uri ng sosyolek na salita. Dahil ;
‘yan sa ating hindi pagkakatulad sa mga
maraming bagay tulad na lamang ng mga
sumusunod:
a.) edad,
b.) kasarian,
c.) katayuan sa buhay at
d.) klase ng lipunan na ginagalawan.
IBA’T IBANG ANYO NG SOSYOLEK
Mga salitang kung minsan ay sila lamang ang
nakakaintindi.
Sa mga grupo naman ng mga bading,
andiyan ang mga sumusunod:
a.) gay lingo o swardspeak
b.) bekimon at
IBA’T IBANG ANYO NG SOSYOLEK
sa mga kabataan naman ay umiral ang mga
sumusunod:
a.) jejemon
b.) konyo speak,
at pabalbal naman o salitang kanto sa mga
tambay at siga ng mga kalye.
* SLANG/BALBAL
GAY LINGO
GAY LINGO
 Ang wika ng mga bakla sa teknikal na termino
ay isa sa mga tinatawag na sosyolek.
Nakalilikha sila ng mga bagong salita na
nagpapakita ng kanilang pagkamalikhain.
Maaari rin namang umiimbento sila ng sariling
wika upang maipakita sa ibang tao ang
kanilang kaibahan sa mga ito.
GAY LINGO
Ang Gay Lingo ay mga salitang ginagamit ng
mga bading sa pakikipag-usap sa kapwa. Ito
ay itinuturing na isang secret code ng iba dahil
sa mga salitang ginagamit.
Ayon kay Roque (2010) sa kanyang pag-aaral
tungkol sa Gay Lingo, Ang “gay lingo” ay may
abilidad na bigyang kulay at saya ang isang
lipunan tulad ng lipunang Pilipino.
BEKIMON
BEKIMON
Ang terminong “bekimon” ay nilikha ni Bern
Josep Persia, isang aminadong “bekimon” sa
sikat na sikat na video sa website na YouTube.
Kumpara sa ibang sosyolek, ang “bekimon” ay
mayroong kakaibang pagkakabuo ng salita
na makikita sa pamamagitan ng mga
paraang paglalapi tulad ng anek sa
“anekwabum”.
BEKIMON
Pagpapalit ng tunog gaya ng “bo-o” bilang
tao;
Paggamit ng mga akronim gaya ng OPM o
“Oh Promise Me,” na nangangahulugang
sinungaling;
Pag-uulit ng isang bahagi ng salita o ng buong
salita gaya ng “chika-chika,” na
nangangahulugang pag-uusap;
BEKIMON
“anda” na galing sa “ang datung,”
na nangangahulugang pera;
“Carmi Martin,” na may ibig sabihin
na karma; at
“fly” na nangangahulugang pag-
alis.
JEJEMON
JEJEMON
 Ang mga jejemon ay mga taong sumusunod sa
tinatawag nating ngayong NEW IMPROVED
GENERATION.
 Dahil sa paraan nila ng pagsulat at pagbaybay ng
mga salita sa text message: ang pagpapahaba ng
mga salita sa pamamagitan ng pagdaragdag ng
mga letrang h, w, y, z, at paggamit ng mga numero
kapalit ng ilang letra (gaya ng “4” sa halip na “a,”
at “1” sa halip na “I”).
JEJEMON
 Iginaya ni Eros Atalia, ang jejemon language sa mga sa nausong
salita noong dekada ‘70 tulad ng “kilig to the bones,” “kilig to
death,” at “yosi.”
 ang mga letra ng kanilang inihahambing na mga salita (word sa
ingles) ay iniiba, meron din ang mga spelling ng salita ay iniiba rin,
mga letra din ng salita ay paiba-ba, minsan may maliit may Malaki
 Halimbawa:
844n k4 647!n6 ?? - “saan ka galing?“
ahn danda muo aman. !! - ang ganda mo naman!
aKO aiiE, 2nD yR. hAiisKUL fAh LAman6 !! – ako ay second year high school
pa lamang!
KONYO
 Ayon sa kasaysayan, ang pinanggalingan ng
salitang conyo ay noong ika-19 na siglo.
 Ito ay terminong ginamit ng mga Pilipino bilang
tugon sa mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas
o mga Peninsulares. Pagdaan ng mga panahon,
unti-unti itong nabalutan ng ibang kahulugan.
 Sa ngayon, ang kahulugan nito ay ang paghahalo
halo ng wikang Inles at Filipino sa pagbubuo
ng isang pahayag.
KONYO
 Ginaamit rin ito bilang pantukoy sa mga taong
gumagamit ng mga salitang conyo tulad ng; dein, pots,
sharks at iba pa.

 Ayon kay Bautista (2004) ang mga salitang conyo ay


ginagamit na noong mga nakaraang dekada ng mga
taong nasa middle at upper-class, mga taong nakatapos
ng kolehiyo at mga taga-lungsod na Pilipino, upang sila ay
mabukod sa pagkakakilanlan sa iba pang mga Pilipino.
IMPLIKASYON....
Sa paghubog ng katalinuhan ng bawat tao,
ang wika ang pinakamabisang sandata para
hasain ito.
Maging ang mga salat sa paningin ay kayang
ipaintindi at makapag-pahayag ng kanilang
mga damdamin sa pamamagitan ng wika.
IMPLIKASYON....
Ang wika ay hindi lamang bahagi ng kultura
ng isang bansa bagkus ito ay natatanging
biyaya sa atin hindi lamang para sa paglinang
ng sangkatauhan bagkus ay susi sa
pagkakaunawaan.
Kasabay ng pagbabago ng antas ng bawat
indibidwal ay nagbabago rin ang antas at
varayti ng wika na umiiral sa sosyedad.
IMPLIKASYON....
Malaki ang impluwensiya ng ating kapaligiran.
Kung ano ang ating naririnig ay siya ring ating
ginagaya. Pormal, inpormal, lalawiganin,
kolokyal, balbal, wikang pambansa o
anupamang antas at varayti ng wika ang
mahalaga ay maging mapanuri tayo sa
bawat salita na ating binibitawan.
MALIKHAING PAGSULAT: Gamitin ang mga salita
sa loob ng kahon sa pagkatha ng isang TULA.
Pag-asa Chaka Yorme lol
Na-churva Ermats Lespu Getsing
Pamantasan Dabarkads Skl Echosera
Dugyot Na-tigebels Jowabol Trapo
Buraot Shookt tepok lodi
Chillax Bff Trapik petmalu
Hypebeast Torpedo Na-denggoy
Oppa Manong Charotera
Trulalu Tolongges Jinumbag
Beshewaps Gidli Manok na pula

You might also like