You are on page 1of 3

Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Pangalan: Jaycee F. Perez Marka:


Pangkat: Petsa: Oktubre 8, 2020

Sa labing apat na taong karanasan upang maging isang Family Doctor, tila ba lahat ng klase
ng likido sa aking katawan ang pinandilig sa binhi ng aking mga pagsisikap; walang gabing hindi
pinilit iangat ang aking mga talukap. Subalit, ako man ay hirap na hirap noong mga panahon na
iyon, ako parin ay ginaganahang magpatuloy dahil kinakailangan ako sa hinaharap ng mga
pasyente ko. Nais kong mapabilang sa mga anghel na nakaputi, mga mararangal na taong
handang ibuwis ang buhay para sa kinabukasan ng isa pang buhay. Itong propesyong ito ang
siyang nagbibigay kahulugan sa guhit ng aking palad. Ngayon na akin itong nakamit, handa
akong isiwalat ang aking mga karanasan matapos mapagtagumpayan na maging isang tao na
minsan kong pinangarap.

Nang ako ay makapasa sa residency training matapos ang limang taon, ako ay nagtrabaho sa
isang pampublikong hospital. Ayon kay Armodi B. (2020), ang residency training ay
pinapasukan nang mga hangarin sa pagiging doctor upang magkaroon nang prestihiyosong
posisyon sa larangan ng medisina. Kinakailangan ko ito upang maging kwalipikado at
karapatdapat ako para sa hospital na nais kong pagtrabauhan. Sa aking unang araw sa hospital,
marami akong naging pasyente sa iba’t ibang klase ng edad at karamdaman. Ito ay sa
kadahilanan na ang Family doctor ay isang propesyon na siyang unang kumikilatis sa mga
nararamdamang sakit at binibigyan ito ng lunas upang mapigilan ang paglala ng natuturang na
sakit. Nabanggit din sa BC College of Physician (2020) na ang mga family doctors ang siyang
unang nilalapitan ng mga may nararanasang sakit bago dalhin ang mga pasyente sa hospital para
sa malalimang pagsusuri. Habag na habag ako sa tuwing makakakita ng mga batang pasyente na
payat at malalaking tiyan. Kadalasan sa aking mga pasyente ay mayroong ubo, sipon, masakit na
parte ng katawan, nanghihina, nahihilo at marami pang-iba. Ang aking stethoscope ang naging
kaibigan ko sa pagdama sa daloy ng dugo, hangin na lumalabas-pasok, at pagtibok ng puso sa
isang pasyente. Bilang isang doctor, hindi lamang inaalam kung ano ang sakit at lunas nito,
ngunit pati ang puno’t dulo upang makilatis kung mayroon bang potensyal na malubhang sakit
ang namumuo at nagtatago sa loob ng pasyente (Yapchulay, 2002).
Isa sa mahirap na parte ng pagiging aking doctor ay ang pilit na pagpapa-alala sa mga pasyente
na tigilan ang bisyo na siyang nagpapalala sa kanilang iniindang mga sakit. Kagaya na lamang
nang isa kong pasyente na may bisyo sa paninigarilyo, ang kaniyang masamang kinauugalian
ang siyang nagbibigay patuloy sa kaniyang pag-ubo. Pilit at maayos kong sinasabihan ang
pasyente patungkol sa artikulo ni Patino (2016), ang pagpapatuloy sa paninigarilyo ay
magdudulot sa kaniya ng mataas na porsyento na siya ay magkakaranas ng mga sakit gaya ng
atake sa puso, atake sa utak, mataas na presyon sa dugo, o di kaya ay pagkahirap sa paghinga na
maaaring mauwi sa hika. Sabi nga ni Yapchulay (2002), hindi dapat palagian ang pagbibigay ng
isda, at kundi ay turuan ang mga ito kung papaano mangisda. Sa aking karanasan sa pagiging
doctor, natutunan ko kung paano pangalagaan ang aking mga pasyente sa pamamaraan na hindi
lamang inaalam ang sakit at lunas ng mga ito, akin silang tinuturuan kung paano alagaan at
mahalin ang kanilang mga sarili. Sa positibong panig, ang pagiging doctor ay isang marangal na
trabaho dahil sa aking kakayahan na mangamot ng aking mga kapwa. Nang dahil sa aking
kakayahan, nakakatulong ako sa pagbigay ng pangalawang pagkakataon sa aking mga pasyente
na mag bagong buhay bago pa sila tuluyang dalhin sa ospital. Maihahalintulad ko ang aking mga
karanasan sa propesyon na ito sa kasabihan ni Osler (n.d.) na ang mabuting doctor ay nilulunasan
ang sakit, ngunit ang mahusay na doctor ay nilulunasan ang kaniyang pasyente.

Ang karanasan ko sa pagiging doctor ay isang oportunidad para sa akin na matutong mahalin
ang aking kapwa, at matutong pahalagahan ang salitang pangako. Pangako sa trabaho na mahirap
man ang trabaho ko na ito, hindi parin dapat susuko dahil maraming mamamayan sa bansang ito
ang nangangailangan ng mga katulad ko. Sawakas, hindi na ganoon kahirap ang aking inaalala
kumpara sa panahon na ako ay nag-aaral pa lamang. Takot na baka sakaling ako ay bumagsak at
hindi makamit ang ninanais kong maging isang doctor. Ngayon, isa na akong doctor kaya ang
kailangan kong gawin ay ipagpatuloy ang aking pag-angat at panatilihin na bawat araw ay may
bagong kaalaman na natututunan. Ayon nga kay Azarcon (2017), marami ang nagtatanong kung
gaano katagal ang dapat igugol sa pagiging doctor, at ang tamang sagot dito ay habang buhay
ang pagaaral nito. Sa kabilang banda, ang mga karanasan at dinanas ko sa pagiging doctor ang
mas lalong nagbibigay sa akin ng rason upang magpatuloy. Ito ang isa mga kadahilanan ko kung
bakit ako naging isang kilalang propesyonal sa trabaho ko rito sa larangan ng medisina.
Sangunian:

 Carmodi, B. (2020, January 16). Why Do We Have Residency Training?. The Health
Care Blog.
 Why are family doctors important? (2020). BC College of Family Physicians.
 Yapchulay, G. (2002, August 26). Doctor ng Buhay. Philstar Global.
 Patino, M. (2016, August 4). 4 Habits to Break If You Have Lung Disease. Lung Health
Institute.
 Osler, W. (n.d.). Quotes. Less is More Medicine.
 Azarcon, A. (2015, February 15). How long does it take to be a doctor in the Philippines?

You might also like