You are on page 1of 35

ANG KAHALAGAHAN NG WIKANG

KATUTUBÒ SA PAGSASALIN
PARA SA LITERASÍNG PANGKALUSUGAN
Maria Minerva P. Calimag, MD, PhD
Propesor ng Medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas

Saliksik at Salin 2019


Isang Forum sa Pananaliksik sa mga Larangan ng Araling Salin
PAGSUSULONG SA DISKURSONG PANG-
AGHAM MEDISINA SA WIKANG FILIPINO:
RASYONAL NG ISANG MAKABULUHANG
MITHIIN
Maria Minerva P. Calimag, MD, PhD
Propesor ng Medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas

Saliksik at Salin 2018


Isang Forum sa Pananaliksik sa mga Larangan ng Araling Salin
ANG PROPESYON NG
MEDISINA

Ang Medisina ay
isang maselang na
propesyong
bigay-buhay at
hindi hanapbuhay.
Calimag, 2012
Calimag, MVP. (2012). "Ang Daan Tungó sa Makabuluháng Pakikipag-ugnayan
at Pakikipag-talastasan sa Larang ng Medisina."
Sa Medisina...
...ANG KOMUNIKASYON AY
MAHALAGA
...HINDI SA WIKANG BANYAGA
BAGKOS AY SA SARILING WIKA!
Mahalaga na marunong makipagtalastasan
ang manggagamot sa kanyang pasyente
gamit ang wikang nauunawaan nito.
POPULASYON NG PILIPINAS
Ang kasalukuyang populasyon ng Pilipinas ay
108,241,936 base sa datos ng ika-4 ng Agosto,
2019.
Ayon sa Nagkakaisang mga Bansa, ang
populasyon ng Pilipinas ay katumbas ng 1.4%
ng populasyon sa buong mundo.
Ang Pilipinas ay nasa ika-13 sa talaan ng mga
bansa sa buong mundo.
https://www.worldometers.info/world-population/philippines-population/
Kasama sa tinatawag na “health
literacy” o “literasing
pangkalusugan” o ang pagunawà
ukol sa mga bagay na
pangkalusugan ay ang kaalamang
magbasá, magsalità, sumulat at ang
kaalamang magkwenta sa mga
pangaraw-araw na sitwasyon sa
buhay.
Lalong higit na hiráp ang marami
dahil sa kakaibang konteksto at
bokabularyo na nauukol sa
pangangalaga ng kalusugan.
ISANG PAGBABALIK-TANAW

Sa kabuuan ng 19th at 20th na siglo, ang lingua franca in the Pilipinas


ay Espanyol sa kadahilanan na tayo ay kolonya ng Espanya. Ang mga
Pilipino ay sapilitang gumamit ng Espanyol sa komunikasyon. Noong
ang Pilipinas ay sumailalim sa Amerika, Ingles naman ang naging lingua
franca. Lahat ng mga aklat sa paaralan ay nasalin sa wikang Ingles.

Ilang taon matapos na makamit natin ang ating kalayaan mula sa


Amerika, Tagalog ang dineklara bilang opisyal na wika sa ilalim ni
Pangulong Manuel L. Quezon noong 1939.

Subalit karamihan sa mga katutubong wika na halaw sa Malayo-


Polynesyan ay tuloy-tuloy pa din na ginagamit sa kanayunan.
ANG OPISYAL NA WIKA
Ang paghirang sa Tagalog bilang opisyal na wika
noong1939 ay naging kontrobersyal sa kadahilanan na ito
ay sinasalita lamang sa Maynila. Sa ka-Timogan, marami
ang katutubong wika na sinasalita ng mas maraming
katutubo. Kung kaya’t pinalitan ang opisyal na wika sa
Filipino noong 1973 kasabay ang Ingles noong panahong
Pangulo si Ferdinand Marcos. Pinagtibay ito ng Saligang
Batas noong 1987. Ang katagang “Filipino” ay halaw sa
mga wikang sinasalita sa buong Pilipinas. Marami sa mga
katagang Cebuano at Ilokano ay ginagamit na rin bilang
opisyal na wikang Filipino.
ANG OPISYAL NA WIKA
Ang paghirang sa Tagalog bilang opisyal na wika
noong1939 ay naging kontrobersyal sa kadahilanan na ito
ay sinasalita lamang sa Maynila. Sa ka-Timogan, marami
ang katutubong wika na sinasalita ng mas maraming
katutubo. Kung kaya’t pinalitan ang opisyal na wika sa
Filipino noong 1973 kasabay ang Ingles noong panahong
Pangulo si Ferdinand Marcos. Pinagtibay ito ng Saligang
Batas noong 1987. Ang katagang “Filipino” ay halaw sa
mga wikang sinasalita sa buong Pilipinas. Marami sa mga
katagang Cebuano at Ilokano ay ginagamit na rin bilang
opisyal na wikang Filipino.
Sa buong bansa labing-
tatlong wika ang
ginagamit ng humigit
kumulang sa isang
milyong katao bawat
wika. Ilan sa mga
wikang ito ay ang
Cebuano, Hiligayno,
Ilokano,
Kapampangan,
Kinaray-a, at Waray
Waray.
KATUTUBONG WIKA


KATUTUBONG WIKA

Karamihan sa mga katutubong wika


ay halaw sa ugat ng wikang
Malayo-Polynesyan.
PASYENTE
MANGGAGAMOT

Mr. B, you have


a mass in your
stomach. Ano po yun
Dok?
PASYENTE
MANGGAGAMOT

Mr. B, meron po
kayong "tumor"
sa tiyan. Dok, malapit na
po ba akong
mamamatay?
PASYENTE
MANGGAGAMOT

Mr. B, meron po
akong nakakapà Kanser po ba
bukol sa inyong Dok?
tiyán.
Mahalagang itanong sa sarili...para
saan at kanino ang pagdo-doktor ko?
“Type a quote here.”

–Johnny Appleseed
PASYENTE
MANGGAGAMOT
Tatay, bakit ngayon Wala po kasi akong
lang po kayo pera Dok.
nagpatingin sa doktor?
Kaya lang Tatay...
dahil malaki na po ang Ganoon po ba Dok?
bukol, mas malaki na
po ang gastos. Dok, malapit na po
Hindi po Tatay, hindi ba akong
po natin hahayaang mamamatay?
mangyari yan.
ANO BA ANG NARARAMDAMAN
NG PASYENTE?
Ang mga pasyente ay may negatibong
pakiramdam at damdamin ukol sa kanilang
kakulangan ng abilidad sa pagbasa at sa
limitado nilang pagintindi ng mga bagay-
bagay.
ANO BA ANG NARARAMDAMAN
NG PASYENTE?
Madalas ay ayaw nilang aminin na sila ay
hirap bumasa at hirap umintidi kung kaya
inililihim nila ito sa kanilang doktor.
ANG MALINAW NA
KOMUNIKASYON AY MAHALAGA

Kailangang laging isa-isip na ang limitadong


pag-unawa sa mga impormasyong
pangkalusugan ay makaka-apekto sa
pamamahagi ng serbisyong pangkalusugan.
Ang lahat ay makikinabang sa malinaw na
komunikasyon

Yedidia MJ, Gillespie CC, Kachur E, Schwartz MD, Ockene J, Chepaitis AE, et al.
Effect of communications training on medical student performance. JAMA.
2003;290:1157–65
KAHALAGAHAN NG EPEKTIBONG
KOMUNIKASYON
Ang epektibong komunikasyon ay isang
mahalagang bahagi ng isang komprehensibong
talakayan ukol sa mga usaping pangkalusugan sa
pamayanan.
Marami ang mga positibong epekto ng mga
programang naglalalayon na mamahagi ng mga
impormasyong pangkalusugan na naaayon sa
pangangailangan ng kinauukulang populasyon.
Yedidia MJ, Gillespie CC, Kachur E, Schwartz MD, Ockene J, Chepaitis AE, et al.
Effect of communications training on medical student performance. JAMA.
2003;290:1157–65
KAHALAGAHAN NG EPEKTIBONG
KOMUNIKASYON
Ang epektibong komunikasyon ng doktor at
pasyente ay naglalayon na:
Mapataas ang pangunawà ng pasyente ukol sa
kahalagahan ng pag-iwas sa sakit at sakuna;
Mapababa ang mga gawì at gawaiing nagdudulot
ng sakit; at
Mapataas ang antas ng pagsunod sa gamutan.
Joekes K, Noble LM, Kubacki AM, Potts HW, Lloyd M. Does the inclusion of
‘professional
development’ teaching improve medical students’ communication skills? BMC Med
Educ. 2011;11:41
KAHALAGAHAN NG EPEKTIBONG
KOMUNIKASYON
Kagaya ng ibang mga propesyon na batay sa
pakikisalimuha sa tao, ang kasanayan sa
komunikasyon ay mahalaga sa propesyon ng
Medisina
Ang kasanayan sa komunikasyon at
pakikipagtalastasan ay mahalagang ituro sa mga
mag-aral sa Medisina upang mapataas ang
kanilang kakayahan sa panggagamot.
Joekes K, Noble LM, Kubacki AM, Potts HW, Lloyd M. Does the inclusion of
‘professional
development’ teaching improve medical students’ communication skills? BMC Med
Educ. 2011;11:41
KAHALAGAHAN NG EPEKTIBONG
KOMUNIKASYON
Ito ang haligi na sandalan ng maraming bahagi sa pag-aalaga sa
pasyente gaya ng:
Unang panayam sa pasyente
Pagsisiyasat ukol sa mga kaugnay o karagdagang problema
Pagpapayo sa pasyente
Pagpapaliwanag ng mga kaukulang paggamot
Pagpapaliwanag ng mga posibleng komplikasyon ng gamutan
Pagpapaliwanag ng mga kailangang gawin upang makaiwas
sa panganib
Pagpapaliwanag. ukol sa nararapat na pagtitistis
Pagkuha ng pahintulot para sa kaukulang gamutan o
pagtitistis
KAHALAGAHAN NG EPEKTIBONG
KOMUNIKASYON

Ang manggagamot ang tagapaghatid ng


mabuti at masamang balita sa pasyente
kung kaya’t dapat na maisulong ang
diskursong pang Agham Medisina sa
wikang Filipino.
KAHALAGAHAN NG EPEKTIBONG
KOMUNIKASYON
Naaayon sa Memorandum ng CHED
Blg.18 Serye ng 2016, dalawang
kakayahan na isinusulong sa larangan ng
Medisina and naaangkop dito: ang
kakayahan na nauukol sa pagbibigay-alam,
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa
anyong sinasalita at nakasulat; at ang
kakayahang mapalaganap ang
nasyonalismo o pagmamahal sa Bayan. 2
KAHALAGAHAN NG EPEKTIBONG
KOMUNIKASYON
Paano nga naman malalaman ng
pasyente ang kanyang karamdaman o
paano niya malalaman ang tamang
pag-inom ng gamot kung ang mga
tagubilin sa reseta at ang
pagpapaliwanag sa kanya ay nasa
wikang banyaga na hindi niya mabasa,
maintindihan o lubos na maunawaan?
KAHALAGAHAN NG EPEKTIBONG
KOMUNIKASYON
Nangangahulugan na ang
pagpapalaganap ng sariling wika,
maliban sa isang isyung pampanulatan
at pangkultura, ay sadyang
kinakailangan sa malawakang
pamamahagi ng kaalamang praktikal sa
larangan ng Agham Medisina para sa
ikasusulong ng isang bansang malayà sa
karamdaman.
ANG ATING
RESPONSIBILIDAD
"Ang responsibilidad natin sa Medisina, ay
makipagtalastasan sa kapwa! Iisa lang ang
buhay ng tao! Ang ating mga pasyente ay
walang karanasan na paghuhugutan. Kailangan
nila tayong mga doktor at nars na handang
makipag-usap sa kanila ukol sa mga bagay na
may kabuluhan sa kanilang
kalusugan....magsasabi sa kanila kung ano ang
ating nakita...at tutulungan sila na maghanda
para sa kung ano man ang puwedeng mangyari
-- iwasan kung maari ang mga bagay na walang
kabuluhan!
Atul Gawande, Being Mortal, p 188

You might also like