You are on page 1of 2

Name: Basaliza, Jemma Rose P.

Course: BSHM 2A

Aktibiti 1: Pagsusulat ng Sanaysay

“Mahalagang Papel na Ginagampanan ng wikang Filipino sa Panahon ng


Pandemya”

Sa aking pananaw mahalaga ang ating wika sa kasalukuyang sitwasyon ngayong


pandemya dahil magagamit natin ito para sa pakikisama sa mga kilos ng ating Bansa, ang
wika ang bibigay daan satin upang magka-isa at magtulungan, at dahil sa wika nalalaman
natin ang mga mensaheng gustong ipahayag ng mga tao. Ngunit kailangan nating bigyan
ng importansiya ang ating wikang ginagamit upang hindi ito malamangan ng ibang wika
kung saan mas umiiral ang dahuyang wika kaysa sa sariling wika. Sa panahon ng
pandemya mahalaga ang wika sapagkat sa pamamagitan nito ay maari nating maihayag
ang ating mga saloobin, kagustuhan, nararamdaman at opinion.

Mahalaga rin na malaman natin ang batas na umiiral, mga protocol na dapat
sundin o ang mga bagong kaso ng COVID-19 kung ito ay tumaas o bumaba ang
porsyento. Ngunit kasabay ng mga maling balita na kumakalat, pinapahirap nito ang
paghanap ng mga tumpak at totoong impormasyon kaya’t tayo ay mas maging mag-ingat
sa pagkuha ng impormasyon at ipaparating sa iba ng mas ganon ay alam nila ang
kanilang gagawin o ano ang kasalukuyang nagaganap. Ang pandemya ay tinutukoy
bilang paglaganap ng isang sakit sa buong mundo kaya naman kailangan makarating ang
impormasyon sa lahat ng tao. Ang pagkakaroon ng koneksyon at pagkakaintindihan ng
bawat isa sa pahanon ng pandemya ay mahalaga upang magkaisa ang lahat ngayong
panahon ng kagipitan at pagsubok sa buhay ng mga tao. Habang lumalaki ang pagsiklab
ng coronavirus, marami tayong naiisip: mula sa pagsuporta sa mga matatandang kamag-
anak o kaibigan hanggang sa pag-aalaga ng aming sariling kalusugan, mula sa mga
alalahanin sa pananalapi hanggang sa mga paghihigpit sa aming pang-araw-araw na
paggalaw. Inaayos namin ang mga malalaking pagbabago sa aming pang-araw-araw na
buhay habang nagtatrabaho kami upang harapin ang 'bagong normal' na ito at ang paraan
ng pag-uusap tungkol sa kahirapan at kagutuman ay marahil mababa sa mga listahan ng
mga prayoridad ng maraming tao. Ngunit hindi ito dapat.

Mahalaga ang wika sa kalusugan ng publiko. Mahalaga ito sapagkat ang mga
layunin ng anumang kampanya sa kalusugan ng publiko ay dapat na malinaw na
ipinapahatid sa mga tao, lalo na kung ang mga kampanya ay may kasamang mga hakbang
na naglilimita sa kalayaan, pumipinsala sa ekonomiya at nagbabago sa ating pamumuhay.
Maaaring gamitin ang makapangyarihang wika upang maganyak ang pagkilos, at ang
mga pagkakatulad sa digmaan ay medyo hindi maiwasang maabot sa panahon ng
pandemikong ito. Sinusubok din ng COVID-19 ang ating pagkakaisa kaya naman tayo ay
nagtutulungan para matapos na itong pandemya at maibalik ang mundo sa tahimik at
masayang lugar. Huwag nating ipaubaya na matatalo tayo dahil lang sa mikrobyo na to.
Kailangan lang natin sundin ang mga protocol ng sa ganon ay bumalik na sa dati.

You might also like