You are on page 1of 4

Pagsasawika sa Panahon ng Pandemya

Taun-taon, espesyal ang Agosto para sa wikang pambansa. Bukod tangi ang Pilipinas sa
nagdiriwang ng Buwan ng Wika, marahil ito ay pagpapaalala sa atin na dumarating tayo sa
yugtong nakalilimutan at pilit pinapatay ang pag-aaral sa wika at panitikang Filipino.

Pangunahing tema sa pagdiriwang na ito ang “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika” Ang
mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya. Malinaw na pinag-
uugnay nito ang halaga ng Filipino at mga katutubong wika sa bansa bilang panlunas sa
nararanasang pandemya. Ang pagkakaroon ng kolektibong pag-unawa ng sambayanan hinggil sa
krisis pangkalusugan ay isang mahalagang lunas.

Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino, wika ang tulay sa paghahatid ng kamalayan sa


sangkatauhan upang ang COVID-19 ay mapigilan. Tinitingnan dito ang Filipino at mga
katutubong wika sa bansa bilang tagapamansag ng kolektibong paghahanap ng pag-asa sa gitna
ng krisis o matinding pangangailangan. Dagdag pa rito, kadalasang napag-iiwanan hinggil sa
kinakaharap na sitwasyon ang mga nasa laylayan ng lipunan dahil nasa banyagang wika ang
ginagamit sa pagpapaliwanag.

Higit sa pigura at mga chart sa paghahatid ng kalagayan sa bansa, mahalaga ang mga salita
upang bigyang detalye ang krisis pangkalusugang nararanasan. Mahalagang gamitin ang wikang
kinagisnan ng lahat, wikang nauunawaan nang nakararami. Mas madaling maipaunawa ang
karanasan ng bayan kung nakaugat ito sa wika ng bayan.

Ayon sa  Executive  Order  No. 2  na  kilala  bilang  Freedom  of  Information  Program,  ang
bawat Pilipino ay may karapatang magkaroon ng access sa mga impormasyon, opisyal na rekord
at  mga  dokumento  o  papeles  na  binigay  ng  konstitusyon  sa  mga  mamamayan.  Subalit,
kung papansinin ang mga datos  bakit  tila  nakasulat ang  mga  impormasyon  sa wikang Ingles.
Paano na lang ang mga hindi nakaiintindi sa wikang Ingles, hahayaan na lang ba nating mapag-
iwanan sila?

Pagsasalin sa Panahon ng Pandemya

Ayon pa rin sa Komisyon ng Wikang Filipino, ang pagresolba sa pandemyang dinaranas ng


buong mundo ay hindi lamang nakasalalay sa pagdiskubre ng “bakuna”—malaking papel ang
ginagampanan ng kamalayan o awareness ng bawat tao ukol sa virus na sa tamang impormasyon
ay magkakaroon ng kolektibong hakbang para sa prebensiyon ng nakamamatay na sakit. Mula
rito, mahalaga ang papel na ginagampanan ng pagsasalin. Mahalagang mabigyan ang bawat isa
ng impormasyong naaayon sa wika ng pamayanan. Ang pagsasagawa ng malawakang pagsasalin
sa mga katutubong wika sa bansa ay isang mahalagang inisyatiba ng Kagawaran ng Kalusugan
kaugnay sa mga bagay na mahalagang mabatid ng publiko ukol sa COVID- 19.

Sa panahon ng pandemya, importante ang tamang pagpapakalat ng impormasyon gamit ang iba’t
ibang midyum. Isang halimbawa ang pagpapakalat ng mga kalatas tulad ng poster, flyers,
tarpaulin at iba pa na tumutugon sa mga impormasyon at alituntunin tungkol sa virus. Sa
paghahatid ng mga kaalaman, mahalaga ang pagsasalin o paglilipat ng isang teksto sa
pinakamalapit na diwa at kamalayan ng komunidad. Sa pamamagitan din ng pagsasalin,
magkakaroon ng pag-unawa sa kaalaman mula sa eksperto patungong sambayanan.

Dahil hindi lamang ang Pilipinas ang humaharap sa pandemyang ito, may malaking papel ang
mga impormasyong galing sa global na komunidad na maaaring magamit sa konteksto ng
Pilipinas, dito papasok ang pagsasalin. Sa pandemyang ito, hangga’t maaari ay walang dapat
maiwan, kailangang maging aksesibol ang lahat ng mga mahahalagang impormasyon sa mga
taong bayan. Walang halaga ang impormasyon kapag hindi ito nauunawaan.

Ngayong panahon ng pandemya, kinakailangan ng bawat isa ang makatarungang impormasyon.


Sa ganitong pamamaraan, ang mga serbisyong pampubliko ay higit na nagiging epektibo at
episyente, dahil nagkakaunawaan ang nagbibigay ng impormasyon at tumatanggap nito—bahagi
ng ating karapatang pantao.

https://manilatoday.net/wikang-filipino-at-kasaysayan-sa-panahon-ng-pandemya-ang-
pagdiriwang-ng-buwan-ng-wika-sa-panahong-ligalig/?fbclid=IwAR0Z7xktHaXIUSc-
YaBuxFaAPBiXUWrQd-rFzC_ZHnkmzDyrjcRFs1qI__w
Wikang Filipino sa gitna ng pandemya

Buhat ng ating mahabang kasaysayan sa ilalim ng kolonyal at imperyalistang pamamahala, hindi


maipagkakaila na ang buong sistema ng karunungan, mula agham hanggang sa usaping medikal
sa Pilipinas, ay nakasalig sa makabagong kaalamang banyaga at ng mga Kanluraning bansa. Ika
nga ni Virgilio Almario, “Malaking bahagi ng ating sarili ang banyaga.”

Ang mahapis na kalagayan ng ating wika ay mas pinalubha pa ng mga neoliberal na polisiyang
pangwika na ipinapatupad ng pamahalaan. Halimbawa, magmula nang ito’y malagdaan, naging
malaking dagok sa ganap na intelektwalisasyon ng Filipino ang idinulot ng CHED Memorandum
no. 20 seryeng 2013, o ang pag-alis sa wikang Filipino bilang isang asignatura sa kurikulum ng
kolehiyo. Ang polisiyang ito ng CHED ay kinatigan ng Korte Suprema noong 2019 at tuluyan
nang isinawalang bahala at binalasubas ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang isang
asignaturang dapat pag-aralan at payabungin. 

Ngunit higit kaysa pagiging wika sa pang-araw-araw na usapan at wika ng mga pangkaraniwang
Pilipino, kailangang maging bahagi ang wikang Filipino ng katauhan at naratibong Pilipino sa
paraang ginagamit itong kasangkapan sa lahat ng pangangailangan ng lipunang Pilipino, lalo na
sa panahon ngayon kung saan may kinakaharap ang bansa na krisis. Kung kaya’t marapat na
ilapat sa wikang Filipino ang mga terminolohiya’t impormasyong may kinalaman sa pandemya.

Kung maaalala, ang ganitong resolusyon at suri ay ang siyang isinulong ng UP Diliman College
of Arts and Letters (UPD CAL SC) sa unang araw ng 51st General Assembly of Student
Councils (GASC) noong ika-31 ng Agosto, 2021. Sapagkat ang pagsasa-Filipino ng mga
banyagang kataga at kaalaman hinggil sa pandemya ay mas lalong magpapatingkad sa
pagsasalarawan ng reyalidad ng masang api sa kasalukuyang panahon. 

Mas naisasalaysay ng wikang Filipino ang kalikasan ng kanilang kalagayan, at binibigyang-


linaw ang tunay na estado ng ating lipunan na malayo mula sa huwad na pagsasalarawan ng mga
naghahariang-uri. Sa ganitong salig, nalalabanan ang anumang uri ng panlilinlang at mas
nauunawaan ng mga mamamayan ang kanilang mga danas sa gitna ng pandemya.

https://csspsinag.wordpress.com/2021/09/06/wika-filipino-at-ang-kamalayang-pilipino-sa-gitna-
ng-pandemya/?
fbclid=IwAR0a1JXxkkfxLu2xu0N9JOE6woSiFmLhaTfWSet6uyUH1eO9E9dPFR3aP8U

You might also like