You are on page 1of 11

1

Republic of the Philippines


Department of Education
National Capital Region
Division of Taguig City and Pateros
SEN. RENATO “COMPAŃERO” CAYETANO
MEMORIAL SCIENCE AND TECHNOLOGY HIGH SCHOOL
31st cor. 51st Sts. Pamayanang Diego Silang, Ususan, Taguig City
Tel. No.: 8828-0140

Paggamit ng Wikang Filipino sa Pagbibigay alam ukol sa COVID 19

Isang Konseptong Papel na Isinumite bilang bahagi ng Pangangailangan


Sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Ipinasa nina:

Calibara, Alyssa D.

Carpo, Jarvis V.

Castro, Pia Ann Margaret A.

Domingo, Miriam Joy B.

Nanquil, Gian Clyde N.

Oller, Christian John T.

Ostol, Jan Angelo E.

Sumampong, Sharmaine S.
STEM 202

Ma’am Juliejoey Tababa

Marso 2021
2

Bilang parsyal na pagtugon sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino sa Piling


Larang (Akademik), ang konseptong papel na ito na may pamagat na “Paggamit ng
Wikang Filipino sa Pagbibigay alam ukol sa COVID 19” ay inihanda at ipinasa.

STEM 202

Calibara, Alyssa D.

Carpo, Jarvis V.

Castro, Pia Ann Margaret A.

Domingo, Miriam Joy B.

Nanquil, Gian Clyde N.

Oller, Christian John T.

Ostol, Jan Angelo E.

Sumampong, Sharmaine S.

Pebrero 2021

Tinanggap at inaprubahan bilang bahagi ng pagtugon sa mga pangangailangan sa


asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik)

(Gng. Juliejoey F. Tababa)


Guro – Filipino 12
3

Introduksyon (Brief Intro)

Ang COVID-19 ay isang sakit sa palahanginan na kumakalat sa pamamagitan ng


pisikal na interaksyon sa isang taong may sakit nito. Ang mga matatanda, mga taong
may medikal na kondisyon, at mga buntis ay nasa mas mataas na panganib sa dalang
sakit na dulot ng COVID-19. Noong Enero 30, 2020, natagpuan ang unang kaso sa
Pilipinas. Sa kasalukuyan, mayroon nang 568,680 kaso ng COVID-19 sa Pilipinas at 12,
129 katao na ang namatay. Madaming Pilipino ang nagkasakit at namatay dahil sa
kakulangan ng impormasyon at kaunawaan sa malaking epektong dala ng COVID-19 sa
buong bansa.

Sa pandemyang ito napakahalaga ang paghahatid ng impormasyon tungkol sa


COVID-19. Sa daming balita na lumalabas ngayon gaya na lamang ng pagtaas ng kaso ng
COVID-19 at bakuna laban sa birus, importante na maunawaan nang mabuti ng mga
Pilipino ang mga mahalagang impormasyon na ito. Ang paggamit ng wikang Filipino sa
paghahatid ng impormasyon ay maka-tutulong sa pagsugpo ng COVID-19 sa bansa
(Komisyon sa Wikang Filipino, 2020).

Karamihan ng mga infographics, posters, at balita tungkol sa pademya ay


kadalasan nakasulat sa wikang Ingles. Bagamat ang Pilipinas ay ika-27 sa English
Proficiency Index, ang bansa ang pinakamababa ang reading comprehension sa mga
bansang kasama sa Programme for International Student Assessment (PISA).

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay isulong ang paggamit ng wikang Filipino sa


pagbibigay alam ukol sa COVID-19 sa lungsod ng Taguig. Ito ay mapapatunayan sa
pamamagitan ng pagtukoy kung anong wika ang mas nauunawaan at mas nais ng mga
mamamayan ng Taguig sa pagkalap ng impormasyon tungkol sa pandemya.

Kaligiran ng Pag-aaral/Rasyonale

Magmula nang magsimula ang pandemya, marami pa ring mga indibidwal ang
kulang sa impormasyon tungkol sa COVID-19 kahit na patuloy ang programa ng mga
lokal na pamahalaan upang magpakalat ng mga detalye ukol dito. Karamihan sa mga
poster, infographics, at mga pinalalabas sa balitang impormasyon ay nakasaad sa
wikang Ingles. Bagaman ang wikang Ingles ay ang unibersal na lengguwahe at 63.7% ng
mga Pilipino ay may kakayahang makapag salita at maka unawa nito, mas matimbang
pa rin ang mga Pilipinong nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino na umabot
4

sa 85% noong taong 2000 ayon sa Census of Population and Housing. Hindi lahat ng
Pilipino ay marunong magsalita ng Ingles, subalit karamihan ng mga Pilipino ay
marunong mag salita ng wikang Filipino.

Umabot na sa 16.7% o katumbas na 4.2 milyong mga pamilya ang lubog sa


kahirapan sa Pilipinas noong 2020 ayon sa Philippine Statistics Authority. Hindi
malabong tumaas pa ang bilang ng naghihirap sa ating bansa. Ang kahirapan ay isa sa
mga dahilan kung bakit hindi marunong ang ilang mga Pilipino ng wikang Ingles, dahil
sa kakulangan ng oportunidad para makapag-aral. Sa araw-araw na humaharap ang
mga Pilipino sa iba’t-ibang mga pagsubok, gaya na lamang ng pandemyang ito,
napakahalaga ng pagpapasa at paghahatid ng mga impormasyon sa mga mamamayan.

Ang pagsandig sa iisang wika na sinasalita sa isang pamayanan ay nagbibigay-


daan upang higit na maging epektibo ang paglalahad ng impormasyon, komunikasyon
ng bawat isa, at pati na rin ang pag-aalis ng mga maling impormasyon ukol sa
pandemya. Filipino at mga katutubong wika sa ating bansa ay ang pinakamabisang
midyum sa pagkakaroon ng kolektibong pag-uunawaan ng sambayanan (Komisyon sa
Wikang Filipino). Mas mainam na gamitin ang wikang Filipino sa pagbibigay alam
tungkol sa COVID-19 upang mas mapabilis at maunawaan ng mga tao kung ano ang
aksyon na kanilang dapat gawin. Wika ang tulay sa paghahatid ng kamalayan sa mga
mamamayan upang tuluyan nang mapigilan ang pandemyang kinahaharap ng bansa.

Balangkas Teoretikal/Konseptuwal (Theoretical/Conceptual Framework)

Kahalagahan ng Pag-aaral
5

Ang wika ay ang unang kailangan ng tao sa pakikipagkomunikasyon sa kapwa


upang maging maayos at malinis ang daloy ng kombersasyon. Sa larangan ng
pagbabalita, mahalagang maalam ang manonood o mambabasa sa wikang ginagamit
upang maintindihan nito nang lubos ang nilalaman ng balita tulad na lamang ng
paghahatid balita ukol sa Covid-19. Kaya naman makatutulong ang pananaliksik na ito
sa mga sumusunod:

Mga ordinaryong mamamayan ng Pilipinas. Hindi lahat ng Pilipino ay nabigyan ng


karampatang pribilehiyo sa pag-aaral ng ibang lenggwahe maliban sa kanilang
kinalakihan. Kaya naman mahalagang mag balita patungkol sa Covid-19 gamit ang
wikang Filipino upang ito ay kanilang maunawaan at maisaisip.

Mga mamamahayag at iba pang nasa larangan ng pagbabalita. Hindi madali ang
magsulat at magpahayag ng balita ngunit ang pagbibigay impormasyon sa masa ay
mapapadali, mapapabilis at magiging mas epektibo kung ang lenggwaheng gagamitin ay
Filipino lalo sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon tulad ng Covid-19.

Mga mag-aaral at kabataan. Makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral


at kabataan dahil isa sila sa mga apektado ng paggamit ng banyagang lenggwahe sa
pagbabalita kaya naman hindi nila ito labis na maunawaan at maisaisip. Makatutulong
din ito sakanila sapagkat maari nila itong basahin at unawain upang may matutunan at
malaman nila ang kahalagahan ng lenggwahe lalo na sa pagbabalita.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pipiliin na 1000 katao mula edad 12


hanggang 70 na nakatira sa Taguig City na hahatiin sa subgroup na nakabase sa bawat
barangay upang lumahok sa talatanungan tungkol sa paggamit ng Wikang Filipino sa
pagbibigay alam ukol sa Covid-19.

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa Taguig City, at mas lalo pang nililimitahan sa
pagpili ng mga mamamayan sa nasabing edad. Hinahangad din ng pag – aaral na ito na
suriin ang mga pananaw at persepsyon ng mga mamamayan ukol sa paggamit ng
wikang Filipino sa mga balita tungkol sa Covid - 19.
6

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng palatanungan sa pagkalap ng datos upang


malaman kung gaano kaepektibo ang paggamit ng wikang Filipino sa pagbibigay alam
ukol sa COVID 19. Palarawang pananaliksik ang isinagawang pag-aaral. Ang palarawang
pananaliksik ay ginagamit sa paglalarawan, pagsusuri, paghahambing, at
pagpapakahulugan sa mga datos na nakalap sa pananaliksik nang makatotohanan at
buong katiyakan.

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Panitikan (Banyaga at Lokal)

Mga Kahalagaan

Maraming mga mananaliksik ang na nagtatrabaho upang mapabagal ang


pagkalat ng COVID 19. Mahalaga na ang mga mananaliksik ay may access sa mga
importanteng pag-aaral ukol sa sakit. Ang pagsasalin ng mga pananaliksik medikal ay
mahalaga upang mas maayos ang paggawa ng bakuna at gamot laban sa birus.

Kadalasan, Ingles ang gamit sa mundo ng medisina, ngunit ang mas malawak na
access ng mga pananaliksik na naisasalin sa iba’t ibang wika ay maka katulong upang
pabilisin ang progreso sa paghanap ng solusyon sa krisis. Ang wastong pagsasalin, mga
mananaliksik ay maka kabahagi ng kanya kanyang resulta ng social distancing,
serbisyong medikal, bakuna at iba pa (Unknown, 2020).

Sa pandemyang ito, milyong milyong mahihirap ay kulang sa pangunahing


impormasyon sa kung paano panatilihing ligtas at maayos ang kanilang sarili at ang
kanilang mga pamayanan. Kasama rito, ang mga taong hindi nagsasalita at
nakakaintindi ng Ingles, taong hindi nakapagtapos at walang napag-aralan, , at mga
taong walang pag-access sa iba't ibang mga paraan ng komunikasyon. Ang resulta, 
maaaring hindi sila makagawa ng matalinong mga pagpapasya tungkol sa kung paano
kumilos. Ang mga mahihirap ay may karapatan na maintindihan ang mga impormasyon
lumalabas tungkol sa sakit. Kailangan nila ng impormasyon sa isang wika at format na
naiintindihan nila. Dapat ding ipakita ito sa paraang nauugnay sa kanila, at magagamit
sa isang midyum na maaari nilang ma-access at pinagkatiwalaan(Unknown, 2020).
7

Sa darating na Buwan ng Wika, sa Agosto 2020, hinihikayat ng Komisyon ng


Wikang Filipino (KWF) ang paggamit ng wikang Filipino sa pagbibigay impormasyon
ukol sa Coronavirus disease 2019. Ayon kay Arthur Casanova, KWF commissioner,
mahalagang gamitin ang wikang Filipino ngayong pandemya sapagkat maraming
nahihirapan sa sitwasyon ngayon at kinakailangan pang isalim ang mga impormasyong
nakalap tungkol sa coronavirus para sa mga katutubo at regional na wika. Kabilang dito
ang mga infographics na naglalaman ng impormasyon tungkol sa coronavirus, na ayon
kay Casanova, ay naisalin na sa sampung wika upang maipalaganap ito sa mga katutubo
at regional na wika. Ang paggamit ng wikang Filipino sa pagpapahayag ng
impormasyon ay kaakibat anya ng kanilang tema sa darating na buwan ng wika. Ayon
kay Casanova, ang paggamit ng wikang Filipino at iba pang katutubong wika ay
magpapabilis sa pagpapalaganap ng impormasyona at mas lubos mapapaunawa sa mga
kababayan ang mga nakalap na impormasyon tungkol sa pandemya (Colama, 2020).

Nagkaroon ng pagtitipon ang mga tagapagbalita na inorganisa ng Komisyon sa


Wikang Filipino. Binigyan- diin ni GMA News anchor Howie Severino ang kahalagahan
ng paggamit ng wikang Filipino ng mga mamamahayag sa kanilang pagbabalita.

Habang hinihimok ang mga mamamahayag na gumamit ng Filipino, hinimok din


niya ang mga kasamahan sa larangan na gumamit ng naaangkop at tamang mga salita
sa kanilang mga ulat (Unknown, 2020)

Populasyon at Sampling

Upang matiyak na ang sample ay tumpak na kumakatawan sa populasyon ng


Lungsod ng Taguig, magsasagawa ang mga mananaliksik ng talatanungan sa 1000 katao
na nakatira sa lungsod ng Taguig. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng stratified
sampling method kung saan ang bawat mamamayan ay nahahati sa mga subgroups base
sa kanilang barangay at edad na mula 12 taong gulang hanggang 70 na taong gulang.
Kagamitang Pampananaliksik
8

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey kwestyuner bilang kanilang


instrumentro sa pagkalap ng mga datos na kinakailangan sa pagpapalawig ng kanilang
pag-aaral.

Nasasalamin sa kwestyuner na ginamit ng mga mananaliksik ang kabihasaan at


pamilyaridad ng mga ginamit na sample sa pagbibigay alam ukol sa Covid 19 gamit ang
wikang Filipino.
9

Metodo sa Pangangalap at Pagproseso ng mga Datos

Ang mga mananaliksik mismo ang nangoklekta ng mga impormasyon upang


lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak
ang kalidad ng ipipresentang datos.

Ang paraan ng pananaliksik ay ang paggamit ng talatanungan sa pagkolekta ng


mga datos upang mas mapadali sa mga mananaliksik maging sa mga kinakapanayam.
Ang kabuuang pag-aaral ay isinagawa sa buwan ng Pebrero. Ang pagkolekta ng datos ay
sinagawa ng isang buong buwan kung saan maalwan na oras para sa mga mag-aaral.

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng stratified sampling method. Ang stratified


sampling method ay isang paraan ng sampling na nagsasangkot ng dibisyon ng isang
populasyon sa mas maliit na sub-groups na kilala bilang strata. Sa stratified sampling
method, ang strata ay binubuo batay sa barangay na kinabibilangan ng mga
kinakapanayam na edad mula 12 taong gulang hanggang 70 na taong gulang. Ang
paraan na ito ay nagbibigay-daan sa mga mananaliksik upang makakuha ng isang
sample populasyon na pinakamahusay na kumakatawan sa buong populasyon na pinag-
aaralan.

Upang masiguro ang impormasyong nakalap ay nagsagawa ng talatanungan ang


mananaliksik sa mga Pilipinong nakatira sa siyudad ng Taguig. Ang nakalap na datos ay
susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito.
10

Mga Sanggunian

Carpenter, J. W. (2019, August 19). Philippines: A Friendly Country 

for English Speakers. Investopedia.


https://www.investopedia.com/articles/personal-finance/012516/philippines-
friendly-country-english-speakers.asp 

Coloma, A. (2020, August 1). Paggamit ng filipino sa pagbibigay-alam sa COVID-19


hinimok ngayong Buwan ng Wika. ABS-CBN News. https://news.abs-
cbn.com/news/08/01/20/paggamit-ng-filipino-sa-pagbibigay-alam-sa-covid-
19-hinimok-ngayong-buwan-ng-wika

Komisyon sa Wikang Filipino. (2020). Paliwanag sa Tema ng 

Buwan ng Wika 2020. Philippine Information Agency.


https://pia.gov.ph/features/articles/1049346 

Mangahas, M. (2016, September 10). Numbers on Filipino, 

Cebuano and English. Philippine Daily Inquirer.


https://opinion.inquirer.net/97210/numbers-on-filipino-cebuano-and-english 

Pazna, V. (n.d.). Victor pazna hindi lahat ng pilipino marunong. Course Hero. Retrieved
February 25, 2021, from https://www.coursehero.com/file/p46qqnr/Victor-
Pazna-hindi-lahat-ng-Pilipino-marunong-magsalita-ng-Ingles-ngunit-halos/

San Juan, R. (2019, December 3). Philippines lowest in reading comprehension among
79 countries. Philstar Global.
https://www.philstar.com/headlines/2019/12/03/1974002/philippines-
lowest-reading-comprehension-among-79-countries

Tantuco, V. (2020, July 2). Expect increase in poverty as COVID-19 


11

ushers in Duterte’s 4th year. Rappler.


https://www.rappler.com/newsbreak/iq/expect-increase-poverty-covid-19-
ushers-duterte-4th-year

You might also like